M 35: The painful goodbye

Chapter 35:



Mission failed. One sacrifice. 4PM. Gymnasium. Another 2 days to kill him.
-S.

Nanginginig na nailukot ko ang sticky note. Unti-unti akong nilukob ng kaba at takot sa aking dibdib. Hindi ko alam ang gagawin ko. Para akong masisiraan ng bait ngayon. Pinagpapawisan ako nang malamig.

Pinaypay ko ang aking kamay sa mukha saka bumuga ng hangin. I need to think now. I have to find a way to prevent this from happening.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Kaagad akong lumabas ng dorm at tinakbo ang daan papunta sa SC office. I need a help from the SC officials.

Ayokong may isa na naman ang mamamatay dahil sa akin.

Akmang bubuksan ko na sana ang pintuan ng SC office nang makarinig ako ng ingay mula sa loob.

Natigilan ako saka dahan-dahang idinikit ang ulo sa pintuan.

"You have to listen at me, Laurent! You are in danger!"

Kumunot ang noo ko nang marinig ang pamilyar na boses ng babae.

"I was already in danger the moment I existed in this world, Master Zef," rinig kong tugon ni Laurent.

So, si Master Zef ang kausap niya?

"Damn it, Laurent! They will use her against you!"

"So as Julie."

"She's different! Can't you see the situation?"

"I am not blind."

"But—damn it! You're making it hard!"

"It's just in your head, ate."

"Just listen to me, Laurent. Stop what you are doing now before it's too late. I can't afford to lose you, brother. You are the only person I have in this chaotic world."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Ate? Brother?

"Just stop worrying too much. I know what I'm doing and I can handle myself. I'm not gonna die, okay?"

"Argh! You're such a hard headed man!"

Agad akong napaatras nang marinig ang mga yabag na papalapit sa pintuan. Hindi nga ako nabigo dahil bumungad sa akin ang namumulang mukha ni Master Zef.

Bahagya pa siyang nagulat nang makita ako. Miski naman ako ay gano'n din ang reaction.

"What are you doing here?" kunot-noong tanong niya. Napalunok tuloy ako.

"A-Ah, e..."

"Tsk!" Sinamaan niya ako ng tingin saka siya tuluyang umalis ng lugar.

Natuod ako bigla sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung anong tamang magiging reaction.

That's when I realized Laurent and Master Zef had the same surname.

They have the same surname!

Fluresco!

Oh, goodness! Are they siblings?

Bakit ngayon ko lang na-realize iyon?

***

Dahil sa nangyari ay hindi ko na itinuloy ang pagpasok sa SC office. Nagdesisyon akong gagawa nang mag-isa. Hindi ko hahayaang isang buhay na naman ang mawawala.

Tiningnan ko ang oras. May dalawang oras pa ako bago mangyari ang lahat. Dumiretso ako sa kuwarto at kinuha ang isang kahon sa ilalim ng kama.

Binuksan ko iyon at agad namang tumambad sa akin ang unang regalo na natanggap ko pagpasok dito.

Hindi ko mapigilang mapangiti nang malungkot. Tama nga si Thricia. Balang araw ay magagamit ko talaga ang punyal na ito.

Bumuntong-hininga na lang ako saka lumabas ng kuwarto. Itinago ko ang punyal na dala. Naglibot-libot akong mag-isa sa buong lugar. Naghahanap ako ng taong kahina-hinala.

Pero agad rin akong napahinto nang biglang may palaso ang bumulusok sa harapan ko. Tumama ito sa pader.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita saka agad na binalingan ng tingin ang may gawa.

Si Thricia.

Seryoso siyang nakatingin bago ibinaba ang pana na dala saka dahan-dahang lumapit sa kinaroroonan ko. Dumiretso siya upang kunin ang palaso sa pader bago ako muling balingan ng tingin.

"You're still stupid," mataray na sabi niya saka umirap sa akin. "Kung ibang tao ang gumawa no'n ay malamang patay ka na. Alam mo ba iyon?"

"Thricia..."

"Hihintayin mo pa bang mapuruhan bago ka maging aware sa paligid?" dagdag niya.

"W-Why are you doing this?" I asked her.

"You? Why are you doing this?" balik-tanong niya sa akin. "Do wanna stay being stupid or what?"

Hindi ako sumagot sa kanya. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang sasabihin.

Napabuntong-hininga na lang siya saka humalukipkip.

"I'm not mad or what to you, Alyana. I just hate the fact that you're so physically weak. Can't you just please be aware of your surroundings? Hindi mo alam na napaka-delikado ng lugar. Baka mamaya magulat ka na lang may tumama na sa dibdib mo."

Inirapan niya ako pagkatapos saka tumalikod at umalis. Pero bago pa siya tuluyang makalayo ay muli ko siyang tinawag.

"Thricia!"

"What?" Tinaasan niya ako ng kilay.

Matipid akong ngumiti sa kanya. "Salamat."

"Tsk." Inirapan niya lang ulit ako saka siya tuluyang umalis.

Napabuntong-hininga na lang ako saka nagpatuloy sa paglalakad. Pero halos isang oras na akong naglilibot ay wala pa rin akong nakikitang tao na kahina-hinala.

Malapit na akong ma-pressure at talagang kinakabahan na ako dahil baka gumagalaw na ang taong member ng Sernoso clan. At iyon ang dapat na maagapan anuman ang mangyari.

Tiningnan ko ang oras. Alas tres na ng hapon. Sa mga oras na ito ay hindi na talaga ako mapakali kaya naman ay no choice ako kundi ang dumiretso sa gymnasium.

Dahan-dahan lang ang pagpasok ko. Pinapakiramdaman ko ang paligid. I have to make sure that nothing bad will happen to me.

Medyo nakahinga naman ako nang maluwag nang makitang walang ibang tao sa gym maliban sa akin. Pero hindi pa rin ako nagpakampante baka nasa paligid lang ang kalaban at naghihintay ng tamang tiyempo na makalapit.

Agad kong inilibot ang paningin sa buong paligid. Nothing suspicious here. Hindi kaya ay pinagloloko o tinakot lang ako ng kung sino?

Muli kong tiningnan ang relo ko. It's 3:30 PM already. 30 minutes na lang ang natitirang oras.

Ang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Hindi na ako mapakali at talagang napapraning na ako. Panay ang tingin ko sa mga bintana at pintuan. Baka kasi may bumulaga roon at dito na ako tuluyan.

Maya-maya lang ay nagulat ako nang biglang bumukas ang pintuan ng gymnasium. Akmang kukunin ko na ang punyal para sana ipang-depensa sa kalaban pero nagulat ako nang makitang hindi kalaban ang dumating kundi isang tao na kilala ko.

Nagkagulatan kami nang makita ang isa't isa. Tila hindi niya rin inaasahan na makikita ako rito.

"Alyana?"

"Patrick?"

"Anong ginagawa mo rito?"

Sabay-sabay naming naibigkas ang mga salita na iyon. Natawa siya dahil doon pero ako ay hindi. He shouldn't be here!

Lumapit siya sa akin saka ngumisi.

"Siguro may hinihintay ka rito, 'no?" pang-aasar pa niya. Napalunok lang ako.

"E, ikaw? Bakit ka nandito? You shouldn't be here. Umalis ka na, Patrick," seryosong saad ko sa kanya.

"Woah, woah, woah! You want me out now? Kapapasok ko nga lang," natatawang sambit niya kahit alam niyang seryoso ako.

Muli kong tiningnan ang oras. 20 minutes na lang ang natitira.

Kaagad akong lumapit kay Patrick saka hinila siya paalis. Ayokong madamay siya sa kung ano man ang mangyari ngayon. Pero sadyang malakas siya dahil nagawa niyang makawala sa akin.

"Teka lang, Alyana! Bakit mo ako pinapaalis? Hindi ako puwedeng umalis," natatawang saad niya saka lumayo sa akin.

"Pero, Patrick—!" Humugot ako ng hininga saka tumingin sa kanya. "You have to listen to me. Umalis ka na dito dahil—"

"Dahil ano?" Nginisihan niya ako bigla saka binigyan ng nanghahamon na tingin. "Ano, Alyana? Bakit kailangan kong umalis?"

"Dahil—" Nangapa ako bigla ng idadahilan. Napalunok ako. Bahala na nga! "D-Dahil magkikita kami ni C-Chief Laurent ngayon. M-May importanteng bagay kaming pag-uusapan at ayaw naming may makarinig noon."

Oh, goodness! Kill me now. I lied again!

"Oh? So, ano? May relasyon na ba kayong dalawa?" bagkus ay tanong niya. Napahawak na lang ako sa sintido at muling tumingin sa relo.

Oh, no! There's no time left!

"C'mon, Patrick. Just leave! Bigyan mo muna kami ng time ni Laurent na makag-usap dito. Kung gusto mo balik ka na lang mamaya o bukas—"

"Sorry to say this, Alyana, but I can't," he cut me off.

Nakapamulsa siyang naglakad papunta sa gitna ng gym bago muling bumaling sa akin at ngumisi.

"As much as I want to give you space, I just can't," dagdag pa niya na ikinakunot ng noo ko.

"Why?"

Bumuntong-hininga siya saka ngumiti sa akin. Ngiting inlove.

"Just so you know, nagbigay ng sulat sa akin si Dreyah my loves at magkikita raw kami rito. May sasabihin daw siya sa akin and guess what? I think sasagutin niya na ako," paliwanag niya saka muling ngumiti nang malawak sa akin.

Isang ngiti na ngayon ko lang nakita. Ang ngiti na puno ng saya at pagkasabik na tanging si Dreyah lamang ang makakapagbigay.

Pero hindi ko alam kung bakit ako kinabahan sa ngiti niyang iyon. Parang may hindi tama.

"P-Patrick..."

"Baka puwedeng kayo muna ni Chief Laurent ang maghanap ng ibang lugar para mag-usap? Ibigay mo muna sa akin ang moment na ito, Alyana. I deserve to hear the word I love you from Dreyah, you know?"

"P-Pero—"

"Matagal ko nang hinihintay ang pagkakataong ito, Alyana. Maybe it's time for me to hear the magic word from my girl. Also, I will tell her right now how much I love her with all my heart," saad niya saka bahagyang ngumiti. Ako naman ay hindi alam ang gagawin.

Binigyan niya ako ng nagmamakaawang tingin pagkatapos.

Napatitig ako sa kanya. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Para akong maiiyak na ewan at hindi ko alam kung bakit!

Muli akong tumingin sa relo. Doon ko na-realized na 5 minutes na lang ang natitira bago ang eksaktong oras na nakasaad sa death note.

Muli akong napalingon kay Patrick at natigilan. He's waiting for my response. I can see from his eyes that he really need this moment. Hope and joy are visible in his eyes.

And from that moment ay parang alam ko na.

Alam ko na kung sino ang susunod na mawawala.

My heart beat so loudly out of fear kaya naman ay tinakbo ko ang distansya namin.

"Patrick! Please, leave now! I'm begging you!" sabi ko saka halos maiyak na sa takot. "You have to leave now!" dagdag ko at hinawakan ang braso niya.

Natatarantang nagpalinga-linga ako sa paligid dahil alam kong paparating na ang taong papatay sa kanya.

"Alyana—"

"Please, Patrick! Please! Listen to me!" pagmamakaawa ko pa sa kanya. Nagtataka niya lang akong tiningnan.

"Hey, why are you—"

"Let's just leave!" natatarantang sabi ko at agad na hinila ang kamay niya.

Pero nakakailang hakbang pa lamang kami nang biglang may mga nakaitim na maskara ang lumitaw mula sa mga bintana at pintuan.

Natigilan ako saka agad na napaatras kasama si Patrick. Tansya ko'y nasa bente pataas sila at papalapit na ngayon sa amin.

"Who are you?" seryoso at gulat na tanong ni Patrick sa mga ito.

Nanlalamig ang mga kamay ko sa takot.

Oh, no! The time has come already!

Napalunok ako bigla. Nagdikit kami ni Patrick at hinawakan ang kamay ng isa't isa.

"I said, who are you?" muling tanong ni Patrick sa mga ito.

"We are here to kill you," sagot ng isa sa kanila.

Halos manghina ako nang marinig iyon mula sa kanila.

So, tama nga ako. Si Patrick nga ang isusunod nila ngayon.

"Ha! Nagpapatawa ba kayo?" sarkastikong tugon ni Patrick sa kanila. "Baka nakakalimutan ninyong nasa rule number 1 ang pagbabawal na pumatay?"

Pero walang nakinig sa kanila. Bagkus ay patuloy sila sa paglapit sa amin. Napahigpit bigla ang kapit ko kay Patrick.

Hindi ako papayag na saktan nila si Patrick. Hindi. Hindi puwede!

Huminga ako nang malalim saka inilabas ang punyal na hawak. Nanlaki ang mga mata ni Patrick nang makita iyon.

"Alyana—"

"I will protect you at all costs, Patrick. I'm not gonna let them to kill you. I'll fight for you," seryosong sambit ko sa kanya.

Kasunod noon ay ang sabay-sabay na pagsugod ng mga kalaban sa amin. Wala kaming nagawa kundi ang lumaban pabalik.

Mabilis ang mga sumunod na nangyari. Nagkagulo na sa paligid. Puro depensa ang ginagawa ko habang sinusubukang protektahan si Patrick.

Maraming mga sumusugod kay Patrick na halatang siya talaga ang pakay kaya as much as possible, kailangan ko siyang maprotektahan. I have to fight for him dahil may mga salita pa siyang gustong marinig at sabihin kay Dreyah.

"Alyana, leave this place, now! Save yourself!" sigaw ni Patrick sa gitna ng laban.

"No! Hindi kita iiwan dito! Kailangan kitang protektahan!" kontra ko sa kanya. Nagawa niya pang matawa sa sinabi ko kahit nasa alanganing sitwasyon kami.

"I should be the one saying that, Alyana. Ako dapat ang poprotekta sa iyo!"

"You're wrong, Patrick! This is a different case!" sabi ko at sinipa ang isang kalaban na sumugod.

Mabuti na lang at puro punyal ang hawak nila kaya patas lang ang laban.

"How can you say that this is different?" tanong niya na pilit iniiwasan ang mga punyal na tatama sa kanya.

Hindi agad ako nakasagot doon. Nang tingnan ko siya ay nagulat ako nang may taong sasaksak sa likuran niya kaya naman bago pa ito tuluyang magwagi ay sinipa ko ang kalaban.

"I already know that this will happen kaya kita pinapaalis," baling ko kay Patrick na siyang bahagya niyang ikinagulat.

Hindi na siya nakasagot pagkatapos noon dahil muli siyang sinugod ng mga kalaban. Miski ako ay sinugod na rin.

Maya-maya lang ay sinipa ako ng taong kalaban sa tiyan. Dahil doon ay tumalsik ako sa sahig at namilipit sa sobrang sakit ng tiyan.

Akmang tatayo ako nang muli akong tadyakan tiyan kaya naman ay napasigaw ako sa sobrang sakit.

"Alyana—!"

Akmang tatakbo palapit sa akin si Patrick. Pero biglang may humarang sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang punyal na hawak ng lalaki.

Mabilis ang mga sumunod na nangyari. Bigla na lamang napaluhod si Patrick sa sahig habang hawak ang duguan niyang puso.

"P-Patrick..."

Tumayo ako at akmang tatakbo sa kanya nang muling itinarak ng lalaking nakamaskara ang punyal sa dibdib ni Patrick.

Napaliyad si Patrick matapos mahugot ang punyal sa dibdib niya kasabay ng pagsuka niya ng dugo.

Halos manghina ang mga tuhod ko sa nakita.

"H-Hindi... Patrick!"

Napasigaw ako sa gulat at dali-daling lumapit sa kanya. Dahil sa galit ay nagawa kong sugatan sa braso ang lalaki.

Agad silang nagtakbuhan lahat palabas ng gym. Kasabay no'n ay ang pagkabulagta ni Patrick sa sahig. Halos malagutan ako ng hininga sa nasaksihan. Natuod ako sa kinatatayuan ko.

"P-Patrick..."

Akmang lalapitan ko siya nang may biglang sumigaw mula sa pintuan.

"A-Anong—Patrick!"

Nanlaki ang mga mata ni Dreyah nang makita kami at agad na tinakbo ang kinaroroonan ni Patrick.

"P-Patrick! Patrick!"

Natatarantang kinandong ni Dreyah ang lalaki at nanginginig ang mga kamay na tinapik ang pisngi nito.

"D-Dreyah, my l-love..."

Muling sumuka ng dugo si Patrick habang pilit na binubuka ang mga mata.

"W-What happened? Patrick, what happened to you!" natatarantang sambit ni Dreyah saka napatingin sa dibdib ni Patrick.

"D-Dreyah..."

"P-Patrick, w-why are you—"

"I l-love you...D-Dreyah. S-So much."

"S-Stop talking! I'll call—"

"H-Hindi ko na kaya... A-Ang sakit." Muling umubo ng dugo si Patrick na siyang lalong ikinataranta ng babae.

"H-Hush now, Patrick. I'm here... I'm here... I'll call for h-help—"

"D-Dreyah..."

"S-Stop talking please. I'll—"

"C-Can I hear it... now?" sambit ni Patrick habang patuloy na sumusuka ng dugo.

"W-What are you saying, Patrick? Please, don't talk—"

"P-Please... H-Hindi ko na kaya, my loves. I n-need to hear it n-now..."

"P-Patrick..." Natatarantang hinawakan ni Dreyah ang mukha ni Patrick. Nagsimula na ring mag-unahan ang mga luha sa mga mata niya.

Kumurap-kurap naman ang mga mata ng lalaki. Pilit inaabot ng duguang kamay niya ang mukha ng minamahal. Dahil doon ay hindi ko na napigilan ang sariling maluha. I feel like someone stabbed my heart.

"D-Dreyah... A-Always remember that I love you s-so much, o-okay?"

"D-Don't leave me, Patrick! D-Don't you dare—"

Natawa si Patrick pero dahil doon ay lumabas ang mga dugo sa ilong niya.

"P-Patrick! Stop talking, please!"

"D-Don't cry, my love. J-Just please, s-say it to me now... T-Tell me the w-words I need to h-hear..."

"P-Patrick please..."

"D-Dreyah... C'mon, my loves."

"No!" biglang sigaw ni Dreyah at humagulhol na hinawakan sa kamay ang lalaki. "I'm not gonna say it! I'm not gonna say it in this situation! K-Kailangan mo munang magamot!"

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay biglang lumuha si Patrick. Lumuluha siya sa gitna ng pagngiti at iyon ang mas pumiga ng puso ko.

"I'm s-sorry, my love. I'm so s-sorry—"

"F-Fine! Fine! I love you, Patrick! I love you so much so please hold on, huh? Stay with me, hmm?" Nanginginig na hinawakan ni Dreyah ang mukha ng lalaki. Agad namang napangiti nang malawak ang isa saka ngumuso.

"T-There... You finally said it. C-Can I get my f-first kiss now?"

"P-Patrick... J-Just promise me you're not dying!"

Ngumiti lang si Patrick saka pinaglandas ang duguang kamay sa mukha ng babaeng minamahal niya.

"I'll m-miss this face, forever..."

"P-Patrick—"

Hindi na naituloy ang sasabihin ni Dreyah nang biglang hilain ni Patrick ang kuwelyo nito at walang anu-ano'y siniil ng halik sa labi.

Tumagal iyon ng ilang segundo hanggang sa napansin ko ang unti-unting pagluwag ng kapit ni Patrick sa babae. Maya-maya lang ay tuluyan na nga siyang natulog.

Nabitawan ko bigla ang punyal na hawak saka nanghihinang napaluhod sa sahig. Para akong nalagutan ng hininga kasama siya.

"P-Patrick! Patrick? My love?" Sinubukang yugyugin ni Dreyah ang mukha at katawan ng lalaki pero kahit anong gawin niya ay hindi na ito nagising pa.

"P-Patrick, c'mon... W-Wake up!" Patuloy sa pagyugyog ang babae. "Wake up please! My love, wake up!"

Napasigaw si Dreyah. Ako naman ay hindi na napigilan ang sariling humagulhol ng iyak. Napapikit na lang ako nang mariin.

"P-Patrick! Wake up! My love! Patrick!"

Doon na siyang tuluyang humagulhol ng iyak sa hinagpis at sakit na nararamdaman.

Kasabay ng pag-iyak niya ang unti-unting pagdami ng mga tao sa paligid at ang biglang pagdilim ng paningin ko.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top