M 33: Swords Combat

Chapter 33:

I am now looking at the keychain that Martin gave me. It has a symbol letter of S.

I sighed.

Hindi na kataka-katakang member ng Sernoso clan si Martin. My father is also a member. But in what position? Sigurado akong hindi lang siya ang member ng Sernoso clan. May iba pa.

Tumayo na ako at lumabas ng dorm. Alas dose na at kailangan ko pang maghatid ng pagkain sa presidente.

Matapos kasi ang pag-uusap namin ni Thricia ay hindi na ako pumasok sa klase. Sinong gaganahan matapos ang nalaman?

Napabuntong-hininga na lang ako habang binabaybay ang daan papuntang cafeteria. Saktong naglabasan na rin ang ibang mga estudyante.

"Ooppps!"

Napahinto ako nang may mabangga na lalaki. Nang tingnan ko ay bumungad ang mukha ni Hendrick.

"Oh, Ms. Alyana!" nakangiting bati niya nang makita ako. Doon ko napansing may mga dala siyang libro at parang ihahatid ang mga ito sa faculty.

"Hendrick..." Napangiti rin ako nang makita siya.

"Wow, this is new, huh? Hindi na supposedly time of death mo ang lagi kong nababanggit," nakangising saad niya saka tumawa.

"Oo nga," pagsang-ayon ko saka bahagya ring natawa.

"Anyway, kumusta ka naman?" tanong niya. "Hindi ka na ba nakakatanggap ng mga lumilipad na weapons?"

Muli akong natawa sa sinabi niya pero umiling lang ako.

"Hindi na... Si Thricia lang naman suki ko sa lumilipad na punyal."

Humalakhak siya bigla. "You're really something. But, as much as I want to talk to you more, I still have to put these books in the faculty room."

"Ah, sige lang. May gagawin din ako, e," ngiti ko.

"Thanks. Anyway, nice to see you again, Alyana. See you around!"

Kinindatan niya muna ako bago siya nawala sa paningin ko.

Napailing na lang ako saka nangingiting dumiretso sa cafeteria.

Marami nang mga tao sa cafeteria. Pero ang ipinagtataka ko ay bakit ang tatahimik nilang lahat. Parang may dumaang anghel.

Hindi ko na lang sila binigyang-pansin. Kailangan um-order agad dahil baka nagutom na ang presidente—

Natigilan ako nang biglang makita si Laurent. Akala ko ay namamalik-mata lang ako. Pero hindi dahil siya nga!

Nakapuwesto siya isa sa mga mesa. Nakaupo siya roon habang nakatitig sa akin. Siya lang mag-isa sa mesa na iyon at may mga pagkain na sa kanyang harapan.

Biglang bumilog ang mga labi at mata ko sa gulat. My heart started to beat again like crazy.

Is this the reason why the whole cafeteria is quiet and silent? Akala ko talaga trip lang ng mga tao ngayon na 'wag magsalita. Iyon pala ay nandito ang presidente.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Agad kong tinungo ang mesa niya at umupo sa kanyang harapan.

"Kanina ka pa ba rito? O-order na sana ako ng lunch mo," pambungad na wika ko sa kanya.

Imbis na sumagot ay sumandal siya sa upuan at napa-cross arm habang titig na titig sa akin. Napalunok tuloy ako.

"Where have you been? I went to your classroom and yet you're not present," seryosong wika niya dahilan para manlaki ang mga mata ko.

"A-Ano? P-Pumunta ka sa classroom ko? Bakit?"

"Anong bakit? Do I still have to explain myself even if the answer is very obvious?" Sinamaan niya ako ng tingin.

Dahil doon ay muli akong napatingin sa mga pagkaing nasa mesa. Oo nga, very obvious nga ang sagot.

Napangiwi na lang ako ng ngiti sa kanya habang nangangapa ng idadahilan.

"Tell me, Alyana. Where have you been?" muling tanong niya.

"Ah, e..." Napakamot ako ng batok saka muling ngumiwi ng ngiti sa kanya. "G-Galing ako sa dorm. Ang sama kasi ng pakiramdam ko kanina kaya hindi na ako pumasok."

Sana makalusot.

"What?" Biglang napalitan ng pag-aalala ang mukha niya dahil sa narinig. "Are you alright? What happened?"

Akmang hahawakan niya ang noo ko pero mabilis ko siyang pinigilan.

"O-Okay na ako! Okay na, okay na. Masakit lang naman ulo ko kanina kaya nagpahinga na lang ako," pagdadahilan ko.

He sighed. "You should be more careful next time, Alyana. You made me worried."

Kumuha siya ng kutsara at inilagay ang isang ginataang gulay saka isang sweet and sour chicken sa plato na nasa harapan ko. Pagkatapos ay sinunod niya naman ang kanin.

"Laurent—"

"You must eat now, Alyana. Ayokong malipasan ka ng gutom baka magkasakit ka na naman."

Napanganga na lang ako sa ginawa niya. Para akong kiniliti sa tiyan dahil sa ginawa niya. Nagdiriwang din ngayon ang puso ko.

My goodness, Laurent. Dahan-dahan lang sa pagpapakilig baka mahirapan na akong makaahon mula sa iyo.

Napatingin na lang ako sa paligid. Everyone are staring at us and shocked was written all over their faces.

"Eat now, Alyana," muling saad ni Laurent kaya naman ay napangiti ako sa kanya.

"Thank you," sabi ko at sinimulang kainin ang nilagay niyang pagkain. Hindi ko alam kung nagbago ba ang timplada ng ulam pero bakit parang mas sumarap ito ngayon?

Wala akong ganang kumain pero bigla akong nagutom at natakam sa pagkain.

Feeling ko nilagyan 'to ng potion ni Laurent o baka naman ay may magic ang kamay niya. Napangiti na lang ako sa naisip.

"Why are you smiling? Are you thinking of someone?" Nag-angat ako ng tingin dahil sa tanong ni Laurent. Nakatitig siya ngayon sa akin at bahagyang nakakunot ang noo.

Lalo akong napangiti sa kanya saka tumango. "Yes. Someone made my day today."

"And who is that?" kunot-noong tanong niya, tila hindi nagugustuhan ang sinabi ko.

"Someone who is very handsome," ngisi ko pa.

"Very handsome?" Napasinghal siya sa sinabi ko saka sinamaan ako ng tingin. Bakit parang ang cute niyang asarin? "Tell me, Alyana. Who is that guy? I didn't know someone was catching your attention now."

Tuluyan na akong natawa sa sinabi niya. Lalo naman siyang sumimangot at nainis. Feeling ko mababaliw ako kay Laurent.

"And now you're laughing? Seriously, Alyana? Are you making fun of me?" inis na sambit niya.

"Hay nako, Laurent. Bakit ka naiinis? Ayaw mo bang nagaguwapuhan ako sa iyo? E, sa ikaw nga ang nagpasaya ng araw ko," nakangising sambit ko saka muling kumain.

Bigla siyang natahimik at napatitig sa akin. Nang tingnan ko siya ay namumula na ang buong mukha niya. Lalo akong napangisi sa nakita. The president are too stunned to speak.

"Huwag ka naman masyadong pahalata na kinikilig ka. Baka bawiin ko bigla ang sinabi ko," pang-aasar ko.

Agad siyang umiwas ng tingin at napatikhim. "S-Shut up and just eat."

Muli akong natawa saka nagpatuloy na lang sa pagkain. Jusko. Ang saya palang asarin ng presidente na ito. Nakakatuwa.

"Where are you going after lunch?" maya-maya'y tanong ni Laurent. Saktong naubos ko na ang kanin ko kaya naman ay kumuha siya ulit at inilagay ito sa plato ko.

Hindi ko mapigilang mamula. Kinilig ako sa simpleng gesture niya. Parang ang caring niya tingnan.

Napatikhim na lang ako bago sumagot. "Uh... Swords class? Why?"

"Okay..." Napatango siya saka nagpatuloy sa pagkain.

Kahit nagtataka at gusto ko pang mang-usisa ay pinili ko na lamang manahimik. Mukha kasing wala siyang balak sagutin ang tanong ko.

***

"Seriously, Laurent. You don't have to take me to my class. May paa naman ako at hindi ako lumpo. I can take care of myself," paliwanag ko sa kasama ko.

Naglalakad na kasi kami ngayon papunta sa training room at todo insist si Laurent na ihatid ako. Not that I don't wanna be with him but I'm afraid that Honey will tease me again if she sees us.

Kaya rin pala tinanong niya ako kanina tungkol sa next class ko dahil pala iyon dito.

"Just let me take you there, Alyana. I want to do it, okay? Please, just cooperate."

Wala na akong nagawa kundi ang mapabuntong-hininga at magpatangay sa mga kamay ni Laurent.

Talagang hindi ko na siya mapipigilan. Feeling ko tuloy para siyang nanliligaw kahit hindi naman. At para din akong tangang kinikilig.

Anyway, mukhang kailangan ko nang ihanda ang mahaba-habang eksplenasyon kay Honey mamaya.

Pagpasok namin sa training room ay biglang natahimik ang mga kaklase ko at gulat na napatingin sa amin. Napayuko na lang ako saka humarap kay Laurent.

"T-Thank you sa paghatid," sabi ko.

"Take care and goodluck to your class." Bahagya siyang ngumiti sa akin saka hinawakan ang pisngi ko bago umalis ng lugar.

Sinundan ko na lang siya ng tingin at pilit na pinipigilan ang sariling mapangiti. I didn't know na may ganitong side si Laurent.

"Abaaa! Mula cafeteria hanggang dito ay magkasama kayo, ah?" Napatingin ako kay Honey na hindi ko namalayang lumapit pala.

Binigyan niya ako ng mapang-tukso na ngisi sa labi at para akong inaasar ng mga mata niya.

Sabi ko na. Aasarin niya talaga ako.

"Wow! Ano nang real score? Ano na? Ano na?" May lumitaw pa sa kabila ko.

Si Jenie na isa ring may malaking ngisi sa labi habang may lollipop sa bibig. Nag-re-red na rin ang mga ngipin niya dahil dito.

"Hi, Alyana! Sana masarap ang ulam ninyo ni Chief Laurent kanina! Hihi!" hagikhik ni Jenie saka kinindatan ako.

Napatapik na lang ako sa noo saka iniwanan sila. Pero ang mga loka ay sinundan pa rin ako hanggang sa makapasok.

"Ano, Alyana? Anong pakiramdam na maka-date ang presidente? Ha? Ha?" muling usisa ni Jenie. Talagang ayaw akong tantanan.

"Kayo na ba?" dagdag naman ni Honey.

Agad nanlaki ang mga mata ko.

"H-Hindi, ah!"

"Wee? E, bakit parang kayo na?" Nginisihan niya ako.

"Hindi nga... Nagkataon lang iyon," sabi ko saka umiwas ng tingin. Feeling ko namumula ako.

"Nagkataon daw!" Tumawa si Jenie sa akin saka kinuha ang lollipop sa bibig. "Alam mo, Alyana. Ang love ay parang itong lollipop na kinakain ko. Masarap, matamis, pero naglalaho. Ang sakit, 'di ba?"

Humagikhik siya pagkatapos at patalon-talon na lumayo sa amin. Hindi ko mapigilang matigilan sa sinabi niya.

"Huwag mo na siyang pansinin. Alam mo namang may pagkasiraulo si Jenie. Mahawa ka lang do'n," bulong ni Honey sa akin saka bahagyang natawa.

Nagkibit-balikat na lang din ako. Tama naman siya. Hindi matino kausap si Jenie.

Maya-maya lang ay dumating na si Master Colleen. Pero hindi ko inasahan ang inanunsyo niya.

"So, guys, for today's class, we will be having a sword combat battle. This will be done by pair and will be part of your graded recitation."

Kinuha ni Master Colleen ang isang bowl na naglalaman ng mga names namin. Ako naman ay nagsimulang kabahan at pagpawisan ng malamig. Sinong hindi kakabahan kung actual fight ang gagawin namin?

"Oh, no... This is bad," bulong ni Honey sa akin. Bakas ang kaba sa kanyang mukha. Well, parehas lang naman kami. For sure talo na kami.

"Next." Lumapit sa amin si Master Colleen kaya naman ay kumuha na rin kami ng papel sa bowl.

Nanginginig ang kamay kong binuklat ang nakayuping papel. Sana hindi si Jenie ang mabunot ko. Ayaw kong makalaban ang isang baliw na tulad niya.

Nang mabasa ko ang name ng makakalaban ko ay medyo nakahinga ako nang maluwag nang makitang hindi si Jenie ang nakalagay. Pero pangalan naman ni Kier ang nandito.

Napatingin ako bigla kay Kier na saktong tumingin din sa akin. Uh, oh... I'll be dealing with the rank 7 today.

"Now, kindly tell us who's your chosen partner," wika ni Master Colleen. Nagsimulang magbanggit ng mga pangalan ang mga kaklase ko.

Nang banggitin ko ay pangalan ni Kier ay bahagya siyang nagulat pero maya-maya pa ay napalitan ito ng nakakalokong ngisi. Si Honey naman ang malas dahil si Jenie ang nakabunot sa kanya.

Nagsimula ang laro. Unang sumalang ang isa naming kaklase na puro mga lalaki. Excited na excited silang magpatayan. Halata ito sa mga hitsura nila na gigil na gigil kung magpalitan ng atake.

Jusko para akong maloloka sa nakikita. Hindi naman patayan pero grabe na sila kung umatake. Parang may galit sa isa't isa. Pero ang gagaling nila pareho. Napahanga nila ako sa bilis ng mga galaw at kilos.

Maya-maya lang ay sumunod naman ang iba pa naming mga kaklase hanggang sa napunta na nga sa amin ni Kier ang spotlight.

Nanginginig ang mga tuhod kong pumunta sa harap. Si Kier naman ay confident na tumayo sa harapan ko. Nakangisi pa siya.

Hindi ko mapigilang kabahan at kilabutan. Sana naman ay hindi ako sasaktan ni Kier. Oo, marunong na ako sa espada pero hindi pa ako gano'n kagaling, 'no?

"You may start," anunsyo ni Master Colleen.

Naging cue iyon para sumugod sa akin ang lalaki. Hindi ko napaghandaan iyon. Mabuti na lang at gumana ang reflexes ko kaya naiwasan ko ang atake niya.

Doon nagsimula ang laban naming dalawa. Wala siyang ginawa kundi puro opensa. Ako naman ay puro depensa. Puro atras nga ang ginawa ko, e. Natatakot na nga rin ako pero tinibayan ko ang aking loob.

"What now, Alyana? Hanggang depensa ka na lang ba?" nakangising sambit ni Kier. Napalunok ako bigla.

"H-Hindi ako magaling, Kier," tugon ko dahilan para muli siyang mapangisi.

Muli siyang umatake kaya naman ay sinangga ko ito at umiwas.

"C'mon, Alyana. There's no room for weak people here. You either have to choose between being a fighter or a killer," wika ni Kier at muling umatake sa akin.

Hindi ko inasahan ang sunod na pag-atake niya kaya naman ay nagkaroon ng pilas sa uniporme ko. Napaatras ako bigla at gulat na napatingin sa kanya.

"Choose now, Alyana. Are you a fighter? Or a killer?" muling tanong ni Kier.

Napalingon ako bigla kay Master Colleen. She was just staring at us, waiting for our next move.

Naalala ko ang huli niyang sinabi. She wanted me to excel in class. She doesn't like a failure student.

I also remember what my brother told me. He said I am a fighter because I am not a killer. A killer go to hell.

Pumikit ako nang mariin saka humugot ng hininga bago muling bumaling kay Kier.

Maybe it's time for me to show them my strength because I am choosing to be a fighter and not a killer.

Weak people will lose their battle, and I don't want to end up like that.

This time, hindi na ako nag-alinlangan. Ako na mismo ang unang sumugod kay Kier na hindi niya inasahan. Agad naman siyang nakaiwas kaya nagpatuloy ang laban.

This time, dalawa na kami ang sumusugod sa isa't isa. Lalong napangisi si Kier nang mapansing lumalakas ako.

"This is the spirit I want to see, Alyana," nakangising wika ni Kier.

Kasunod noon ay mas naging mabilis ang mga kilos namin. Ramdam ko ang tensyon sa paligid at bigat ng atmospera. Pero hindi na ako nakakaramdam pa ng takot. Kundi nanaig sa puso ko na kailangan kong manalo.

Mas naging mabilis ang mga kilos ni Kier kaya naging alerto ako. Ginamit ko ang mga natutunan ko sa panahong nag-a-advance training ako kasama si Laurent.

"Now, it's time to know who's the winner," muling wika ni Kier. Nagtaka ako roon. Kaagad siyang sumugod sa akin.

Agad ko namang naiwasan iyon pero ang pangalawang pagsugod niya ang hindi ko na nagawang iwasan. Dahil doon ay tinamaan ako sa kaliwang braso ko.

Agad akong napaatras at napaluhod sa sakit. Nang tingnan ko ang braso ay umaagos na ang mga dugo roon. Para akong nanghina sa nakita.

"Alyana!" Dali-daling lumapit sa akin si Honey na kaagad sinundan ni Master Colleen at ng iba pa naming kaklase.

"Oh, no... mukhang medyo malalim tinamo niya," sabi ng isang kaklase namin.

"Alyana, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni Honey saka hinawakan ako sa magkabilang mukha.

"We need to take her to the clinic. Let's go," sambit ni Master Colleen saka dali-dali akong dinala papuntang clinic.

***

"How are you feeling?" tanong ni Master Colleen matapos magamot ang sugat ko sa braso. Kaming dalawa lang ang nandito ngayon dahil kumuha ng meryenda si Honey sa cafeteria para sa akin.

"I'm fine po, salamat," simpleng tugon ko saka ngumiti.

Napabuntong-hininga naman siya tumayo sa harapan ko. Nakaupo kasi ako sa clinic bed.

"I'm impressed by your performance earlier. Halatang nag-excel ka," muling sambit niya.

Hindi ko mapigilang makaramdam ng tuwa sa narinig kaya naman napangiti ako.

"Thank you po."

"Just continue what you're doing, Alyana. Sooner or later ay gagaling ka na rin at may posibilidad na mapasama sa ranking."

"I'm not into that, Master Colleen. I just wanna reach the level 10 para maka-graduate," tugon ko dahilan para umarko ang kilay niya.

"So, you don't want be on top?"

Umiling lang ako. Suminghal naman siya saka naiiling na bumaling sa akin.

"You know what, you really are a total opposite of him."

Kaagad kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Who's him?"

"Your brother."

Napatitig ako sa kanya.

So, tama nga ang hinala ko. Kilala niya ako at alam niya ang koneksyon namin ni kuya. Pero ang tanong, paano niya nakilala si kuya?

"Uh... Matagal na po ba kayo magkakilala ng kuya ko?" takang tanong ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin saka bahagyang napangisi.

"I've already known him since we were still students here at M-School, Alyana."

Nanlaki bigla ang mga mata ko.

"D-Dati ka ring estudyante rito?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yes. Besides, I am your brother's fiancee."

Awtomatikong nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

SAY WHAT?!

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top