M 30: Sergeant at Arms secret
Chapter 30:
Today is another day. As usual, maaga ako gumising pero hindi na tulad ng dati. Ngayon kasi ay may bigat na akong dinadala sa dibdib kapag gigising.
Isa pa, palaisipan sa akin ang keychain na binigay ni Martin. Ayaw niyang sabihin kung ano ang ibig sabihin no'n dahil mas mabuti raw na ako ang makatuklas.
Konti na lang talaga ay iisipin ko nang nasa puzzle game ako. Mas mahirap pa ito sa math, ah.
Lumabas na ako ng kuwarto. Magde-deliver pa ako ng breakfast ni Laurent.
Pero saktong pagsarado ng pintuan ay muling bumungad sa akin ang isang itim na sticky notes.
Bigla akong kinabahan at dali-dali itong kinuha. Tumingin muna ako sa kaliwa't kanan ko bago binasa ang nakasulat.
Another twist in the game: every failed deadline mission will cost someone's life. You have until evening to kill him.
-S.
Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa saka agad itong nilukot. Bigla akong nakaramdam ng takot. Hindi para sa sarili ko kundi para sa nakapalibot sa akin.
Oh, no! This is not going to happen!
Tumakbo ako palabas ng dorm. Kailangan kong makita si Chief Laurent. Nag-aalala ako sa puwedeng mangyari.
"Uy, Alyana, gising ka na pala—"
"Morning, Honey!" Iyan lang ang isinagot ko sa kanya saka nilagpasan siya.
Patakbo kong tinungo ang opisina ng SC officials. Pagdating doon ay pabalibag kong binuksan ang pinto na siyang ikinagulat ng mga taong nasa loob.
"Nasaan si Chief Laurent!" sigaw ko sa mga tao.
Lahat sila ay napatigil sa ginagawa nang makita ako. Agad namang nag-angat ng tingin sa akin ang sadya ko. Hindi na ako nagsayang ng oras. Dumiretso ako sa mesa niya humingang-malalim.
"You have to put a security patrol guard during the night to ensure the student's safety," I demanded.
Nagtatakang tiningnan niya lang ako. "Why?"
"Anong why? Hindi ligtas ang school na ito!"
"Who says it is a safe zone school?"
Natahimik ako sa sinabi niya. Bigla namang bumulinghit ng tawa si Dwiey sa mesa niya.
"Damn it, Alyana! You made my day again!" hagalpak niya. Agad naman siyang binato ng ballpen ni Dreyah saka binigyan ng nakamamatay na tingin.
"I think you have already forgotten something, Alyana. This is a life and death zone school," muling wika ni Laurent saka bahagyang ngumisi sa akin. Napalunok ako bigla.
"A-Alam ko... Pero kasi n-nag-aalala lang ako sa safety ng mga students," pagdadahilan ko pa. Umarko naman ang kilay niya saka sumandal sa swivel chair.
"And when did you start worrying about the safety of your schoolmates?"
Napalunok ulit ako. Shit! Ngayon ko lang na-realize na masyado akong real quick. Hindi ko man lang pinag-isipan ang gagawin at sasabihin ko. I'm dead!
"Secondly, where's my breakfast? I think you are too concerned about the safety of your schoolmates to remember my breakfast."
Tumayo si Laurent saka nakapamulsa na sumandal sa kanyang mesa. Ako naman ay bahagyang napaatras at hindi na makatingin nang maayos sa kanya.
Nakakahiya ang sudden outburst ko!
"Tell me honestly, Alyana. Is there something wrong?"
Muli akong napalingon sa kanya dahil sa tanong na iyon. He's blue eyes are now staring intently at me. Muli na naman akong napalunok.
Think an excuse, Alyana! Think! Hindi puwedeng malaman ni Laurent ang totoo!
"A-Ah... Kasi ang totoo niyan..." Bahagya akong yumuko at pikit-matang kinagat ang labi. "N-Nananaginip ako na m-may nangyaring masama sa mga estudyante. N-Nakita kong pinatay raw lahat."
The next thing I knew was the laughter that came from Dwiey's table.
"Can you please, shut up?" dinig kong saway ni Dreyah kay Dwiey.
Hindi nagsalita si Laurent kaya naman ay tiningnan ko siya. Doon ko nakitang nakatitig lang siya sa akin at napakaseryoso ng mukha niya.
Lagot. Nahalata niya kaya na nagsisinungaling lang ako?
"N-Nevermind na nga lang," biglang bawi ko saka akmang tatalikod nang hinawakan niya ang kamay ko at muling pinaharap sa kanya.
"You're not lying, right? You're not keeping a secret, right?" seryosong tanong niya.
Bahagya akong nagulat doon pero pinilit kong i-compose ang sarili ko. Kinakabahan na talaga ako sa kanya. Alam ko kasing para siyang isang lie detector. Hindi niya dapat malaman ang mission ko.
Napalunok na lang ulit ako saka tumango.
"I can't lie to you, Laurent. I know how much you value my l-loyalty and honesty, right?" Sinikap kong huwag mautal.
"Exactly, Alyana. I hate people lying to me."
Napatitig ako sa kanya. Hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng takot at kaba. Feeling ko may namumuo na namang tension sa paligid.
Kamumuhian niya rin ba ako kapag nalaman niya ang tinatago ko?
"Alam ninyo, kumain na lang kayo sa cafeteria. Gutom lang siguro iyan," singit ni Dwiey na sinundan ng tawa pagkatapos.
Alam kong biro lang iyon pero hindi ko alam na totohanin pala ni Laurent.
"Let's go." Nagulat na lang ako nang biglang hilain ni Laurent ang kamay ko palabas ng office.
"S-Saan tayo pupunta?" takang tanong ko pa habang tinatahak ang hallway.
"Cafeteria."
Hindi na ako nagkomento pa at hinayaan na lang ang sarili na magpatangay sa kanya.
May mga estudyante kaming nadadaanan na ngayon ay gulat na napatingin sa aming dalawa lalo na sa kamay kong hawak ni Laurent.
Speaking of, feeling ko kinuryente ang katawan ko sa pagkakahawak niya sa akin. Pero ang gaan sa pakiramdam.
Pagdating sa cafeteria ay biglang tumahimik ang maingay na paligid. Tila may anghel na dumaan.
Lahat ng mga tao ngayon ay nakatingin sa aming dalawa ng kasama ko at lahat sila ay laglag ang panga. Hindi ko tuloy mapigilang mailang. Pero itong kasama ko ay parang walang nakita.
Nagpatuloy siya sa paglalakad at naghanap ng bakanteng mesa. Pinaupo niya ako roon.
"I'll be back," sabi niya saka muling tumalikod para kumuha ng pagkain.
Napatingin ako sa mga katabi kong mesa. They are all glaring at me. Kung nakakamatay lang ang tingin, kanina pa ako nakabulagta rito.
May isa pang babae na binantaan ako ng tutok ng tinidor kaya naman ay umiwas agad ako ng tingin at hindi na sila pinansin.
Maya-maya lang ay bumalik na si Laurent dala ang isang tray na naglalaman ng mga pagkain. Napangiti ako nang makita ang fried rice at isang pancake.
"Let's eat," sabi niya saka kinuha ang all time favorite niyang egg sandwich.
"Thank you," sagot ko saka nagsimula na ring kumain. Doon naman unti-unting nagsimula ang mga bulungan na naririnig ko.
"Why are they eating together?"
"Oh my gosh! I can't believe this! Are they dating?"
"I bet no. She's not the type of a girl that can catch the interest of our president."
"Right! Only Julie can pass the standard of being the president's girlfriend."
Napahigpit ang hawak ko sa kutsara dahil sa narinig. Parang gusto kong sugurin ang mga taong iyon at ipalamon sa kanila ang guwapong nilalang na kasama ko.
Nagseselos ako at ayoko ng ganitong pakiramdam.
"Are you alright?" Napatingin ako kay Laurent na ngayon ay nakatitig pala sa akin.
Umiling na lang ako saka ngumiti sa kanya.
"Ayos lang ako." Saka ako uminom ng juice na binili niya. Mabuti na lang at malamig ang iniinom ko. Atleast hindi uminit ang ulo ko.
Akala ko tatantanan na ako ni Laurent. Hindi pa rin kasi siya bumibitiw ng titig sa akin. Nailang tuloy ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Feeling ko sinusuri niya ang pagkatao ko.
"Uh, hindi ka ba naiilang?" tanong ko na lang sa kanya para naman maputol ang nakakalokang pakiramdam ko.
Bahagyang kumunot ang noo niya. "Why would I?"
"Kasi pinagtitinginan tayo ng mga tao?"
"And?" Tinaasan niya lang ako ng kilay saka sumipsip ng kape niya.
"Anong and? Agaw-atensyon kaya tayo. Feeling ko isa akong kriminal na hino-hostage ang presidente. Ang sama ng tingin sa akin ng mga tao, oh." Sabay inginuso ko ang mga nakatingin sa amin.
Agad niya naman itong sinundan ng tingin saka na-amuse na bumaling sa akin.
"Seriously, Alyana? Are you afraid of them?" tanong niya saka muntik nang matawa. Sumimangot ako saka bahagyang ngumuso.
"Kakasabi mo lang na life and death zone itong school kaya sinong hindi matatakot? Baka mamaya magulat na lang ako may lumipad ng kutsilyo sa direksyon ko," bulong ko pa.
"Fine." Bumuntong-hininga siya saka humarap sa mga tao. "Everyone, quit staring at us. My lady can't focus on her breakfast."
Halos mabitawan ko sa pagkagulat ang hawak na kutsara. Dali-dali namang bumalik sa kanya-kanya nilang ginagawa ang mga tao sa paligid.
Laglag-panga akong bumaling kay Laurent na ngayon ay tinaasan na ako ng kilay.
"What?" aniya saka muling kumagat ng sandwhich na akala mo walang inanunsyo ngayon lang.
"S-Seriously? My lady?" hindi makapaniwalang sambit ko.
"Why? Is there a problem with that? You're my lady, right?" Bahagya siyang ngumisi saka uminom ng kape.
Hindi ko alam kung matatawa na lang ba ako o kikiligin. Mas lalo akong nababaliw kapag kasama si Laurent. Pero wala nang mas nakakabaliw sa gustong ipagawa ni papa sa akin.
The thought made me stress lalo na't isang banta na naman ang natanggap ko kanina lang.
"Just eat your breakfast, Alyana. You need to be physically and mentally healthy," saad ni Laurent nang mapansing hindi pa ako kumakain.
Napabuntong-hininga na lang ako saka sumubo ng kanin.
Yeah right. I need to eat dahil baka tuluyan na akong masiraan ng bait kay papa.
***
Pagkatapos ng breakfast namin ni Laurent ay dumiretso ako sa klase. Pero nasa hallway pa lang ako nang makaramdam ako ng tawag ng kalikasan.
"Alyana!" Napahinto ako sa paglalakad nang biglang dumating si Honey. She's smiling from ear to ear na parang may nakitang nakakatuwa kanina.
"Buti naabutan kita," dagdag niya saka bahagyang natawa. Inayos niya rin ang suot niyang salamin.
"Bakit?"
"Hindi kita malapitan kanina, e. Nahihiya akong i-approach ka sa cafeteria dahil ka-date mo si Chief Laurent. Buti na lang at sumabay ng breakfast sa akin si Thricia."
Napahinto ako sa paglalakad. I felt my cheeks burning in red. Goodness! Hindi naman kami nag-date, e! Pero parang gano'n na rin kung titingnan.
"Anyway, what's the real score between you and Chief Laurent?" muling tanong niya.
"W-What do you mean?"
"Are you two dating?"
"Date—what? Hindi, ah!" agarang tanggi ko. "Never."
"Awiee? Hindi raw." Bahagya siyang natawa saka binigyan ako ng nang-aasar na tingin. "Kung titingnan nga kayo kanina para kayong mag-jowa. Baka naman sekreto lang relasyon ninyo?"
"A-Ano?" Nanlaki ang mga mata ko. "Mas lalong hindi!"
"E, bakit ka namumula?"
Agad akong napahawak sa magkabilang-pisngi ko.
My goodness! Is she really teasing me?
Muling natawa si Honey saka hinawakan ako sa kamay. This time, hindi na siya nakangiti. "Alam mo, Alyana. I don't have any problems regarding your real score with our president. Kung ano ang magiging desisyon ninyo, support lang ako."
"Honey..."
"Pero, Alyana..." Tumingin siya sa mga mata ko at kitang-kita ko roon ang pag-aalala sa kanyang mga mata. "Nag-aalala ako sa iyo. Ayokong masaktan ka dahil sa pag-ibig lalo na ngayo't naririnig kong may something pala sila ni Julie."
"Honey—"
"But, don't worry. I'm just here for you. Saka alam ko namang strong ka." Muli siyang ngumiti sa akin saka kumawit sa braso ko. "Anyway, tara na? Baka late na tayo sa klase."
And speaking of.
"Ah, mauna ka na. CR lang ako," paalam ko.
"Samahan na kaya kita?"
Natawa naman ako saka agad na umiling. "Hindi na. Kaya ko na. Sandali lang naman ako."
"Sigurado ka?" Tumango ako. Ngumuso naman siya at inayos ang salamin. "Okay. Kita na lang tayo sa klase."
"Sige," sabi ko saka agad na tumakbo papuntang restroom. Ihing-ihi na kasi talaga ako. Kanina pa ako nagpipigil habang kausap si Honey.
Akmang papasok na ako sa restroom nang may marinig akong kalabog sa CR ng mga lalaki. Napatigil ako bigla.
Tumingin ako sa paligid. Wala ng ibang tao rito maliban sa akin.
Muli akong nakarinig ng kalabog mula sa CR ng lalaki kaya naman ay kinabahan ako. Pero dahil curious ako sa nangyayari ay dahan-dahan akong naglakad palapit doon.
Magkatabi lang naman ang CR ng babae at lalaki, e.
Kahit kinakabahan ay nagawa ko pa ring lumapit sa pintuan. Akala ko nakasarado ang ito pero nang lumapit ako ay doon ko nakitang medyo may siwang pala ito.
Dahan-dahan kong idinikit ang aking ulo saka sumilip. Mula rito sa kinatatayuan ko ay nakita ko ang dalawang lalaki sa pamamagitan ng malaking salamin sa loob.
Kumunot ang noo ko nang makita ang isang hindi pamilyar na lalaki na may pasa sa mukha at si Vincelee na isang Sergeant at Arms. Nakasandal sa sink ang lalaki habang hawak siya sa kuwelyo ni Vincelee.
"Sinasabi ko sa iyo, kapag pumalpak ka sa transaksyon, magpaalam ka na sa pamilya mo," rinig kong wika ni Vincelee sa lalaki. Mariin ang pagkakabigkas niya at kitang-kita ko ang gigil sa seryoso niyang mga mata.
"O-Oo! Oo! G-Gagawin ko ang gusto mo. Pangako!" nauutal na tugon ng lalaki.
"You must."
"P-Pero hindi ko hawak ang seguridad sa labas! B-Baka malaman ng—"
"Just use your authority and add more men, dumbass! Use your mind!"
"P-Pero—"
"Sa oras na hindi dumating ang mga armas, ibabalik kita na isa nang malamig na bangkay sa pamilya mo. Got it?"
Iyon lang at agad na binitawan ni Vincelee ang lalaki. Nang makita kong palabas na siya ay dali-dali akong kumaripas ng takbo papasok sa CR ng mga babae.
Sinarado ko ito at sumandal sa pader. Abot-abot ang kaba na nararamdaman ko. Feeling ko pinagpapawisan ako nang malamig.
Pero nanaig ang curiosity ko sa nasaksihan.
Anong armas ang pinagsasabi ni Vincelee? What does he plan to do?
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top