M 3: Skill test

Chapter 3:

Nagsimula na ang klase ko. Nagulat pa ako nang malamang kaklase ko rin pala si Honey. Kahit may pagka-nerdy at shy type siya ay medyo madaldal pa rin siya. Ayun tuloy, magkatabi kami sa klase.

Iyon nga lang, dahil kami lang pala ang mga bago sa section namin ay takaw-atensyon kami sa buong kaklase namin. Ang iba naman ay pasulyap-sulyap lang.

Maya-maya lang ay dumating na rin ang professor namin. Nakahinga ako nang maluwag nang malamang normal subject lang naman pala ang ituturo. Hindi rin naman sila boring magturo. In fact, magaling nga sila. As in kahit boring iyong subject ay talagang magagawa mong makinig dahil sa way ng pagtuturo nila. Nakakamangha.

At dahil si Honey lang naman ang kakilala ko ay siya na rin ang kasabay ko sa lunch. Sa dulo kami pumwesto para tahimik at iwas gulo.

Habang kumakain ay may bigla na lamang tray ang bumagsak sa mesa namin. Halos mapalundag ako sa gulat. Kasabay noon ay ang padabog na pag-upo ni Thricia na tinaasan kami ng kilay dahil sa mga reaksyon namin.

"What? Ngayon lang kayo nakakita ng magandang babae?" saad niya. Alam kong hindi iyon biro dahil wala sa hitsura niya ang pagbibiro ngayon. "Anyway, sa inyo muna ako makikisabay kumain. Ayoko makipagplastikan sa iba."

Saglit kaming nagkatinginan ni Honey saka nagkibit-balikat na lang bago ipinagpatuloy ang pagkain. Maya-maya lang ay muling nagsalita si Thricia.

"What subject are you going after this?"

Akmang kukunin ko ang listahan sa bag ko kasi 'di ko pa alam nang magsalita na si Honey.

"Uh... Combat training?"

"Okay. As expected. Karamihan naman sa atin ay puro trainings lang tuwing hapon," komento niya saka inikot ang tinidor sa pasta.

"Bakit?" takang tanong ko.

"Anong bakit? Hindi pa ba obvious na hinahasa ang physical skills natin?" Inirapan niya ako. "Anyway, you better do your best in combat training or whatsoever in order to excel in class. Kapag nagawa niyo ang basic ay may posibilidad na tumaas ang ranggo ninyo at mag-level up sa 2."

Nagkatinginan kami ni Honey, tila hindi maintindihan ang sinasabi niya.

"Rank? Level? Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

Napa-arko naman ang kilay niya sa amin.

"You didn't know?" Umiling lang kami parehas ni Honey sa kanya. "Seriously? Hindi sinabi sa inyo sa orientation?" Lalong umangat ang kilay niya saka sumimangot. "What a useless orientation you have there. Masyado yatang tinamad si Dreyah para ipaliwanag sa inyo ang bawat patakaran dito sa M-School."

Napailing na lang siya saka uminom ng tubig. "Ranking is one of the most important role here in M-School. Lahat ng tao rito ay nangangarap kahit makapasok man lang sa top 30 which is the lowest among the rank. Kapag nakapasok ka ay may matatangap kang incentives depende sa Dean or BOD. Kapag naman nakapasok ka sa top 10, may chance kang makapag-skip ng level. Speaking of, may tinatawag tayong level dito depende sa kakayahan mo. Bukod pa iyon sa rank na makukuha mo. Sa level naman, we have here from level 1 up to level 10. Well, in your case, wala pa kayo mismo sa level 1. Lahat ng mga bago ay nasa 0 level pa lang. But our main goal here is to reach level 10. Why? Kapag nagawa mo iyon, ibig sabihin graduate ka na. Ibig sabihin, puwede ka nang lumayas dito. Pero hindi madaling makapag-reach ng level 10. Only few people has the ability and power to reach it. Sa level 1 and 2 pa nga lang pahirapan na, ano pa kaya sa mga susunod na level? Hindi naman kasi porke nasa rank ka ay magiging automatic level 10 ka na. Kadalasan, kahit walang rank ay nakakapag-level up naman."

"So you are telling us that getting the highest level is way more important than ranking?" curious na tanong ni Honey.

"No. They are always balance. Sa ranking, marami kang opportunity na makukuha. Sa level naman, bukod sa nag-e-excel ka sa class ay makaka-graduate ka without getting any ranks. Just imagine that ranking here is like an honor or academic awards in ordinary school. Ang kaibahan lang, madalas ang mga estudyante rito ay ginagamit ang ranks nila para manliit at mam-bully ng mga tao."

"Fuck you!"

Naputol ang usapan namin nang may biglang sumigaw sa loob ng cafeteria. Sinundan namin ito ng tingin at agad namang tumambad ang dalawang lalaking nakatayo at magkaharap sa isa't isa.

They are fumming mad while staring to each other. Nagtititigan lang sila na tila nagpapakiramdaman pero grabe na ang pagkuyom ng mga kamao nila. Naglalabasan din ang mga ugat at namumula ang buong mukha.

Pero namukhaan ko ang isang guy. Siya iyong lalaki kanina na sinipa ang mesa at pinaalis ang mga nakaupo kasama ang mga kaibigan niya. Talagang bully pala siya.

"I warned you to stop messing with me, asshole," mariing wika niya sa kaharap na lalaking hindi ko kilala.

"I also warned you to stay away from my property," nakangising tugon naman ng isa.

"Damn your property! Wala akong pakialam!"

"Same reason! Wala rin akong pakialam kahit mamatay ka ngayon!"

Ang sumunod na nangyari ang siyang nagpagulantang sa akin. Sa isang iglap lang ay nagkagulo ang cafeteria. Nagkaroon ng riot sa pagitan ng grupo ng lalaking bully at ng kaaway niya.

Matataranta na rin sana ako pero hindi na natuloy dahil sa kampanteng reaksyon ni Thricia na napapailing lang sa kanila. Animo'y sanay na sa ganitong sitwasyon.

"Hays... Boys will always be boys," sarkastikong puna ni Thricia.

"S-Sino ang mga iyan?" mahinang tanong ni Honey.

"They are a group of stupid people. Mga panggulo lang sa M-School," tugon niya saka tinuro ang familiar na lalaki.

"Ayan si Martin Cruz at mga ka-gangmates niya. Mga kilalang mayayabang sa M-School porke nasa top 14." Tinuro niya ang isa pang lalaki na kaaway nito ngayon. "Ayan naman si Havier. Ang top 15 at isa pang bully. Kaya asahan niyong magulo talaga kapag nagpang-abot ang dalawang iyan. Silang dalawa ang madalas sangkot sa gulo. Parehas feeling siga at mga may amats. Kaya lumayo-layo kayo baka mahawaan kayo. Hindi lang iyon, baka pati kayo ay pagdiskitahan."

"Oh, my god! Bakit walang umaawat sa kanila? Nasaan ang mga higher ups? Ba't walang nagsusumbong?" kinakabahang tanong ko.

"Sinong maglalakas-loob na magsumbong kung lahat ay takot sa dalawang iyan? Isa pa, hindi sila rito magpapatayan. Tingnan ninyo, lalabas ang mga iyan at sa lungga mismo nila ipagpapatuloy ang magpatayan."

Tama ang sinabi ni Thricia. Dahil agad na tumigil ang dalawa saka umalis ng cafeteria. Agad namang niligpit ng mga underlings nila ang mga nagkalat na mesa saka dali-daling sumunod sa mga ito.

Napatingin ako sa mga mesa. Kung titingnan ngayon, parang walang gulo na nangyari. Ang galing naman nila maglinis.

Pati ang mga tao ay balik sa dating gawi na para bang walang nangyari.

"Ah, Thricia? Anong level na ng dalawang iyon?" maya-maya'y tanong ni Honey.

"Level 6."

Napa-wow ako. Ang taas na pala.

"E, ikaw? Anong rank at level ka?"

Napatingin sa amin si Thricia saka ngumisi. "Rank 10 and level 8."

***

Nandito kami sa archery gymn. Ito kasi ang nakalagay sa subject namin. Archery.

Meaning to say, tuturuan kami magpana. Sa totoo lang kinakabahan ko pero nai-excite rin at the same time. First time ko kasi ito.

Kinakabahan lang ako kasi hindi naman ako mahilig sa mga physical trainings. P.E pa nga lang hinihingal at tamad na ako.

Isa pa, ang weird lang sa part ko. Paano naman kasi, kelan ba naging subject ang archery? Hindi ba't part na dapat ito ng P.E? I didn't know na may ganitong school pa pala na nag-i-exist sa mundo.

Hindi na lang nila ginawang Military school. Tutal mukhang papunta na rin naman doon ang school na ito. Lakas din magpa-sosyal ng mga namumuno rito, ah?

Pati ako na gusto ng tahimik na buhay ay nadamay pa.

Hays weird school.

Napatingin ako sa professor namin. Babae siya, maganda, sexy, maputi, medyo sopistikada at parang hindi professor tingnan. Hanggang leeg lang ay straight hair hair niya pero halatang habulin ng mga lalaki. Patunay na riyan ang pagiging papansin at maligalig na mga kaklase kong lalaki.

"Okay, class. For those new students, let me introduce myself first. My name in Zefinah Fluresco and I will be your training master in archery. But I prefer you all calling me Master Zef. Understood?" Ngumiti siya sa amin. Agad naman kaming sumagot.

Maya-maya lang ay nag-start na siya ng lesson. Recap lang naman ang tinuro niya tungkol sa mga parts ng bow and arrow para sa aming mga baguhan. Pagkatapos noon ay nag-anunsyo siya ng skill test. But first, since mga bago ang karamihan ay warm up muna ang pinagawa sa amin.

Tinuruan din kami paano ang tamang paghawak at posisyon ng kamay at katawan.

Maya-maya lang ay nagsimula na ang skill test. Grabe, unang pasok ko pa lang may test na agad. Nakakaloka.

Unang sumubok ang mga kaklase naming mga magagaling at mga matagal na rito sa school. Napapalakpak ako kapag tumatama sa maliit na bilog ang mga arrow nila. Nakaka-proud lang.

Automatic perfect score daw kasi 'pag sumakto sa maliit na bilog ang arrow. May ibang hindi nakakatama ng pana pero nasa loob pa rin naman ng mga bilog kaya ayos lang.

Nang mapunta sa aming mga baguhan ang pagkakataon ay nagsimula akong kabahan. Ewan ko pero parang na-pressure agad ako. Like what the heck! Kakahawak ko lang ng pana at palaso tapos skill test agad? Ni hindi nga ako marunong nito kahit tinuruan na ako sa tamang posisyon. Malamang 0 ang score ko rito.

Napabuga ako ng hangin at pilit inaalis ang kaba sa dibdib. Unang sumubok si Honey. Sabi ni Master Zef no pressure naman daw para sa aming baguhan. Gusto niya lang daw makita ang kapasidad namin pero hindi iyon umeepekto sa akin dahil malayo ang titirahin namin.

Lalo na kay Honey. Halata ang panginginig ng mga kamay at tuhod niya ngayon. Pawis na pawis siya habang pilit na hinihila ang arrow at binabalanse ang pagtira. Ako rin ang mas lalong kinakabahan para sa kanya.

"Go, Honey!" mahinang bulong ko sa sarili habang nagdarasal na sana ay magawa niya nang maayos.

Maya-maya lang ay pinakawalan niya na ang arrow. Laking tuwa ko nang tumama ito sa board. Hindi nga lang sa mga bilog pero atleast tumama, 'di ba?

"Nice... Good start for a beginner like you," nakangiting saad ni Master Zef at nagsulat ng record. Nahihiya namang napangiti si Honey sa kanya.

"T-Thank you po."

"Congrats," nakangiting sabi ko pagbalik niya sa pwesto namin.

"Thank you, Al. Goodluck sa iyo," tugon niya nang ako naman ang tawagin.

Doon na ako lalong na-pressure. Nanginginig ang buong kalamnan ko habang kinukuha ang bow and arrow.  Pinagpapawisan ang kamay ko! Pati nga tuhod ko parang gusto bumigay. Naiihi na ako sa sobrang kaba!

Oh my goodness! Kumalma ka, self! Trial pa lang ito, hindi paligsahan!

"Relax, Ms. Cabunci. You are not going to kill," natatawang saad ni Master Zef nang mapansin ang nangyayari sa akin.

"S-Sorry po. First time ko kasi," nahihiyang tugon ko.

Ngumiti naman siya. "It's fine. Inhale and exhale. Don't pressure yourself. Go."

Napapikit ako nang mariin saka sinunod ang sinabi niya.

Tumingin ako sa board. Jusko, pati nga paglaro ng darts at basketball ay hindi ko magawa, ito pa kaya?

Isa talaga itong malaking kahihiyan para sa akin.

Napabuga na lang ako ng hangin at sinimulang inasinta ang bow and arrow.

Lalong nanginig ang kamay ko hindi dahil sa kaba kundi sa pressure mula sa bow. Grabe, ang hirap nitong hilain.

Muli akong napatingin sa board. Ah, bahala na nga! Unang beses ko pa lang naman ito. Bahala nang mapahiya! Bawi na lang ako next life siguro! 0 level pa naman din ako kaya bahala na si batman!

Pumikit ako nang mariin at agad na pinakawalan ang pana. Maya-maya lang ay nakarinig ako ng tunog.

Nang idilat ko ang mga mata ko ay nagulat ako sa nakita.

Hindi ko tuloy alam kung matatawa o magpapalamon na lang sa lupa dahil sa kahihiyan.

Paano ba naman kasi,

HINDI TUMAMA SA BOARD ANG PANA KO!

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top