M 28: Protecting him

Chapter 28:



Matapos ang nangyari kanina ay umalis bigla si Chief Laurent kasama ang mga SC officials. Kami naman ni kuya ay nagkatinginan lang.

Alam kong may idea siya sa nangyari kay Jennifer pero nang tanungin ko ay hindi siya nagsalita. Ayaw niyang sabihin sa akin ang nasa isip niya. Instead, he keep on insisting that he will still going to kill Laurent no matter what happens.

Gabi na ngayon at oras na ng pagtulog pero heto ako, gising na gising pa rin ang diwa at patuloy na iniisip kung anong gagawin.

Hanggang ngayon ay palaisipan sa akin kung anong nangyari kay Jennifer lalo na't hindi maayos ang hitsura niya noong huling pag-uusap namin. Para akong nagsisi na ewan.

Dapat pala sinundan ko siya noong nakita ko siya. Edi sana hindi ganito ang nangyari sa kanya. Edi sana natulungan ko siya at buhay pa siya hanggang ngayon. I wonder, sino kaya ang gumawa no'n sa kanya?

At bakit siya pinatay? Sa anong dahilan? May kinalaman ba rito ang mga tao ni papa? Pero kung mayro'n man, anong ginawa ni Jennifer?

Isa pa pala sa dagdag stress ko ang isiping papatayin ni kuya si Laurent bago umalis.

Pero ang tanong, ano ba talagang plano ni papa? Bakit gusto niyang mapatay si Laurent? Bakit gusto niyang sirain ang school dati? May naging kaalyado ba si papa? O baka gusto niyang maghiganti sa hindi ko malamang dahilan?

Napahawak ako sa noo ko. Para akong masisiraan ng bait sa mga naisip at sa dami ng tanong na rumirehistro sa isip ko.

Aish! Ano ba talagang nangyayari?

Tumayo ako at tiningnan ang oras. Alas nueve na ng gabi. Hindi ko alam pero kinakabahan ako.

Nasaan kaya si Laurent ngayon? Nag-aalala ako baka may ginawa na ngang masama si kuya sa kanya at iyon ang kailangan kong agapan.

Kailangan kong gumawa ng paraan para hindi magtagpo ang landas ni Laurent at kuya ngayong gabi. Hindi dapat matuloy ang plano ni kuya.

Dali-dali kong kinuha ang jacket at lumabas ng dorm. Pero napahinto ako nang may naisip.

Plano kong puntahan si Laurent sa kuwarto niya. Pero if ever na nandoon nga siya, anong sasabihin ko? Anong idadahilan ko? Malamang magtataka iyon kung bakit nandoon ako ng ganitong oras.

Parang gusto kong mag-back out. Kinakabahan akong harapin siya ng ganitong oras.

But then again I remember something. Hindi ko alam pero biglang nagliwanag ang utak ko sa naisip.

Dali-dali akong tumakbo at tinahak ang daan papunta sa kuwarto ni Thricia. Sana lang ay gising pa siya. At sana ay matulungan niya ako!

Pagdating sa harapan ng kuwarto niya ay humugot ako ng hininga saka kumatok. Maya-maya lang ay bumukas ang pinto at bumungad naman sa akin ang naka-pajama na babae na halatang matutulog na.

Nang makita niya ako ay agad na kumunot ang noo niya at tinaasan ako ng kilay.

"What do you want and why are you here at this hour?" naiinis na tanong pa niya saka napa-cross arm.

"Uh..." Napalunok ako at kinakabahang ngumiti sa kanya. "H-Hindi kasi ako makatulog."

"So? Should it be my problem?"

"H-Hindi naman pero..." Huminga ako nang malalim bago muling tumingin sa kanya. "Itatanong ko lang sana kung may... a-alak ka ba or wine something diyan?"

Lalong umangat ang kilay niya sa tanong ko saka ako pinasadahan ng nanunuring tingin.

"What are you gonna do with the alcohol?"

"I-Iinumin?"

"Iinumin?" Mapakla siyang tumawa saka sinamaan ako ng tingin. "Just get straight to the point, Alyana. Ano ba talaga?"

"Iinumin ko nga sana. G-Gusto ko lang ng alak sa katawan para makatulog. Baka naman may isa ka diyan?"

Matagal niya akong tinitigan. Tila sinusuri kung nagsasabi ako ng totoo o ano. At dahil ayaw kong mahalata niya ang pakay ko ay nilabanan ko rin ang tingin niya.

Maya-maya lang huminga siya nang malalim at umirap.

"Fine! I'll give you one, but make sure you won't do anything that could harm anyone, Alyana."

Mabilis akong napangiti sa sinabi niya. "Thank you, Thricia! Promise, sa kuwarto lang ako!"

Inirapan niya ulit ako bago pumasok sa kuwarto niya. Pagbalik niya ay may dala na siyang isang red wine. Napanganga ako. Wow, hindi ko alam na mahilig din siya sa wine.

"Hindi sana kita bibigyan pero pagod ako at gusto ko nang matulog kaysa makipagdiskusyon sa iyo kaya umayos ka." Binigyan niya ako ng nagbabantang tingin bago isinarado ang pintuan.

"Thank you!" sabi ko at saka muling tumakbo pabalik ng kuwarto.

 
Hindi na ako nagsayang ng oras. Agad kong binuksan ang wine at nilaklak ito. Kailangan kong makakalahati ng inom para maniwala si Laurent na uminom nga ako. Mabuti na lang at medyo mababa ang tolerance ko sa alak kaya effective siya.

Nang masigurong tipsy na ako ay lumabas na ako ng kuwarto at agad na umakyat sa pinakahuling floor kung saan ang kuwarto ni Laurent.

Nang makarating ay kumatok ako nang mabilis sa pinto. Isang katok na talagang makakagimbal ng mga tao. Pero nakakailang katok na ako pero wala pa ring nagbubukas ng pinto.

Kinabahan ako. Wala ba rito si Laurent? Kung wala siya malamang nasa labas siya! At kapag nangyari iyon ay malamang nagkakasagupaan na sila ni kuya!

Bigla akong nag-panic. Akmang tatakbo na sana ako paalis nang bigla namang bumukas ang pinto.

"Fuck it! Who the hell—" Natigilan si Laurent nang makita ako, gano'n din ako sa kanya. "Alyana?"

"L-Laurent..." Napatingin ako sa kabuuan niya. Doon ko napansing bagong ligo lang siya at tanging tuwalya lang ang saplot sa katawan niya.

Halos mapanganga ako nang makita ang mga droplets ng tubig na tumutulo sa katawan niya. Grabe, ganda ng muscle niya at talagang may mga abs siya sa tiyan! Ang yummy niya tingnan!

Nako, kung ibang tao lang ang nakakita sa kanya ay malamang naglalaway na iyon ngayon.

"W-Why are you—" Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko nang bigla niya akong hilain papasok sa kanyang kuwarto.

"What are you doing here?" seryosong tanong niya sa akin.

"Uh... Ano..." Napatitig ako sa kanya. Para akong na-mental block. Hindi ko alam kung anong sasabihin sa kanya. Mabuti na lang at hindi ako masyadong distracted sa katawan niya.

"What?" Tinaasan niya ako ng kilay.

Doon ko napansin ang mga pasa sa mukha niya. Nakaisip agad ako ng palusot dahil doon.

"Uh... Nandito ako kasi g-gagamutin ko iyang pasa mo."

Dahil sa sinabi ko ay unti-unting sumilay ang kakaibang ngisi sa mga labi niya.

"You went here at this hour just to cure my bruises? Are you really sure?"

Kaagad akong tumango. "Y-Yes... Nag-aalala kasi ako baka makita iyan ng ibang mga tao at baka kung anong isipin. Baka mawala ang paghanga nila sa iyo."

"Seriously, Alyana?" Binigyan niya ako ng hindi makapaniwalang tingin. Maya-maya lang ay bigla siyang natawa kaya naman ay sinamaan ko siya ng tingin.

"What's funny?"

"You." Napailing siya bago muling bumaling sa akin. "You really are something. Hindi ko alam kung sadyang manhid ka lang o ano. Ni hindi mo man lang inisip na baka may gawin akong masama sa iyo lalo na sa ganitong oras."

"What do you mean?" kunot-noong tanong ko.

"You know what I mean, Alyana." Muli siyang ngumisi saka hinila ako paupo sa dulo ng kama. "Since you are already here, hindi na kita tatanggihan."

Tumalikod siya at may kinuha sa mesa. Pagbalik niya ay agad niyang iniabot sa akin ang ice pack.

"I was supposed to do it by myself. But since you offer, I am grateful, Alyana." wika niya saka muling tumalikod at nagbihis.

Napanganga na lang ako at hindi makapagsalita.

Goodness! Hindi naman ito ang totoong pakay ko. Pero sige, tutal ayokong mabisto ay papatulan ko na ito.

Maya-maya lang ay muling bumalik si Laurent at umupo sa tabi ko. Naka-pajama at T-Shirt na siya ngayon.

"Do it now, Alyana," seryosong utos niya. Napalunok na lang ako at nanginginig na inilapat ang ice pack sa pisngi niya.

habang ginagawa ko iyon ay nakatitig lang siya sa akin na tila hinahalukay ang buong pagkatao ko. Ang bilis tuloy ng tibok ng puso ko. Hindi na mapirmi ang sistema ko sa kanya.

Feeling ko tuloy nawala ang tama ng wine sa akin.

Jusko naman, Laurent. Anong ginagawa mo sa akin?

"Alyana."

"Y-Yes?"

"Your eyes are beautiful."

Napahinto ako sa ginagawa at napatingin sa kanya. Hindi ko alam pero I feel something tension between us. Ang lamig ng kuwarto niya pero feeling ko ang init pa rin. What the hell!

"Did you even realize how beautiful your eyes are?" dagdag niya. I gulped.

"H-Hindi naman pero salamat," sabi ko na lang saka tumawa para bawasan ang kakaibang init na nararamdaman ko.

Jusko, parang gusto ko na lang lumabas ngayon din!

"Alyana."

"Mmm?"

"Tell me, why are you here? What is your hidden agenda?"

"Ha?"

Muli akong natigilan dahil sa tanong niyang iyon. Hindi pa rin naalis sa akin ang kanyang mga paningin.

"You won't go here without a reason, Alyana. I know you. Besides, if you really do care about my bruises, kanina mo pa ginawa iyon."

"A-Ah—"

"Tell me. Is there something I need to know?"

Matagal bago ako nakasagot.

"W-Wala naman. Kailangan ba mayro'n?" palusot ko pa saka tumawa kahit pa kinakabahan na talaga ako. "Saka bakit ba? E, sa gusto kong makita ka. Masama ba iyon? Gusto kitang makita ngayon, e. Gusto kong matulog kasama!"

Natigilan ako sa huling sinabi ko. Huli na para bawiin ko iyon. Natuptop ko agad ang bibig ko saka tumingin kay Laurent na halatang nagulat din.

"J-Joke lang!" bawi ko saka tumawa. "S-Sige, alis na pala ako. Okay naman na siguro ang mga pasa mo—"

Akmang tatayo na sana ako nang muli akong hilain ni Laurent paupo. Matagal niya akong tinitigan sa mga mata.

Maya-maya lang ay nagulat ako nang kargahin niya ako at inihiga sa kama.

"L-Laurent—"

"I don't take any jokes, Alyana. You must remember that," saad niya saka ngumisi sa akin.

"P-Pero—"

"Also, stop drinking a lot of wine. It's not good for your health," dagdag niya dahilan para matigilan ako.

"H-How did you kno—"

"I smelled it, Alyana."

Kinuha niya ang kumot saka tumabi ng higa sa akin na talaga namang nagpawindang sa akin. Humarap siya sa akin at hinila ako saka niyakap nang mahigpit.

"S-Sandali lang, Laurent—" Akmang tatanggalin ko ang kamay niyang nakayakap sa akin para tumayo pero lalo niya lang itong hinigpitan. Ipinatong niya pa ang kanyang paa sa akin kaya hindi talaga ako nakakilos.

"Did you know that you're the first person who got to sleep beside me?" bulong niya sa akin. Ramdam ko ang mainit niyang hininga sa aking tainga.  Maya-maya lang ay naramdaman ko ang mga labi niya na lumapat sa leeg ko.

Feeling ko nakuryente ako sa ginawa niya. Nagwala na rin ang buong sistema ko.

"Let's sleep now, Alyana. I'm already tired," bulong niya.

Bumuntong-hininga na lang ako at hindi na pumalag. Kahit anong gawing tanggi ko ay alam ko rin naman sa sarili ko na gusto ko siyang makatabi matulog.

Isa pa, magandang idea rin ito para mabantayan siya na hindi lumabas ng kuwarto. Ayokong tuluyan siyang mapatay ni kuya.

"Uh, Laurent? You're not going outside, right?"

"No. Why would I do that? Besides, you're here and I want to sleep beside you."

Hindi ko alam pero bigla akong napangiti at nakaramdam ng tuwa sa sinabi niya.

"O-Okay..."

"Goodnight, Alyana."

"G-Goodnight."

***


Ang planong pagbabantay kay Laurent ay hindi ko na nagawa. Paano ko magagawa iyon, e, ang sarap ng tulog ko. Ang init na nanggagaling sa katawan ni Laurent ay talagang nagpaantok sa akin. Ang sarap sa pakiramdam. Napakagaan at para akong nasa langit.

Ang gaan tuloy ng gising ko. Feeling ko wala akong problema.

Napangiti ako nang makitang tulog pa si Laurent sa tabi ko. Mabuti naman at hindi siya umalis kagabi. Makakahinga na ako nang maluwag.

Sandali ko siyang pinagmasdan. Ang guwapo niya kahit tulog. Para siyang isang inosenteng tao. Sana pala lagi na lang siyang tulog para hindi mukhang masungit tingnan.

Natawa ako sa naisip saka dahan-dahang inalis ang kamay na nakapatong sa akin. Tutal umaga naman na ay panatag na akong walang mangyayaring masama sa kanya.

Bago pa magising si Laurent ay umalis na ako at dumiretso sa kuwarto. Nagbihis ako ng uniporme saka lumabas ng dorm. Gusto kong makita si kuya bago sila umalis.

Saktong nadatnan ko si Thricia sa lobby na kakababa lang din. Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit at tiningnan ang kabuuan ko.

"It seems like nothing bad happened to you," puna niya saka ngumisi. Kumunot naman ang noo ko.

"Why?"

"Hindi mo maalalang ginawa mong alak ang wine?"

"Ahh..." Natawa ako nang ma-realized ang sinabi niya. "Salamat nga pala, ah?"

"Don't be. Besides, that will be your first and last wine."

Iyon lang at nagpamauna na siyang maglakad. Napangiti na lang ako saka sumunod.

Saktong paglabas namin ay bumungad sina kuya at ang iba pang mga alumni na papaalis na.

May kausap siya. Si Master Zefinah. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila base sa reaction at sa layo nilang dalawa mula sa mga kasama.

Nang makita ako ni kuya ay agad siyang nagpaalam sa kausap at lumapit sa akin. Nagpaalam din agad ako kay Thricia na inirapan lang ako saka nagpatuloy sa paglalakad.

"Kuya..." I called him. Tumingin muna ako kay Master Zef na ngayon ay nakatingin pala sa amin. Base sa reaction niya ay tila hindi niya nagugustuhan na magkasama kami ng kapatid ko. Pero wala naman siyang reaction. Cold lang talaga at iyon ang mas nakakatakot sa kanya.

Napalunok na lang ako. May something ba sa kanila ng kapatid ko?

"Alyana." Muli akong napatingin sa kaharap nang tawagin niya ako. Napakaseryoso ng tingin niya. Feeling ko para siyang galit na ewan.

"I know what you did last night," wika niya. I gulped.

"I told you not to kill him," seryosong tugon ko. "And I'll still stop you in the future from doing it."

"Damn, Alyana! Hindi mo alam kung anong ginawa mo!" Galit na tumingin sa akin ang kapatid ko. "Alam mo bang sa pagpalpak ko sa plano, nakasalalay na ngayon ang lahat sa iyo?"

"Kuya—"

"I failed to kill him and now the pressure is on you. Pinagtatanggol mo ang tao na iyon mula sa akin. Yes, nagtagumpay ka pero hindi mo man lang inisip na sa ginawa mo ay tuluyan mo siyang pinapatay!" Bahagyang lumapit si kuya sa akin. "Baka nakakalimutan mo, Alyana. Sa iyo na nakaatang ang mission na gusto kong tapusin. Ginagawa ko ito dahil ayokong madungisan ng dugo ang mga kamay mo but look at what you've done? You're such a hard headed woman!"

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin.

"Now, you're making the situation more complicated. At kapag nalaman ni papa na hindi mo pa tinatapos ang misyon mo, malalagay sa panganib ang mga taong nakapaligid sa iyo," dagdag niya saka dissapointed na ngumisi.

"Kuya..."

"I'm sorry, Alyana. But, you have to do your mission, whether you like it or not. You are now a killer, not a fighter. Face the consequences."

Iyon lang at tuluyan na siyang umalis. Naiwan naman akong tulala at hindi alam ang gagawin.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top