M 27: President vs president.

Chapter 27:


Today is our Archery class. Puspusan ang lahat ng mga estudyante sa pagpapana. I can say dahil sa advance training namin ni Laurent ay nag-i-improve talaga ako.

Pero mukhang badmood yata ngayon si Master Zef o talagang mainit ang ulo niya sa akin. Paano naman kasi, kanina niya pa ako pinagdidiskitahan.

Kaunting mali ko lang ay napapansin niya agad at pinupuna. Hindi ko tuloy alam ano bang trip niya.

"Ano ba, Alyana? Ilang beses na natin itong ginagawa hindi ka pa rin nag-i-improve? It is so dissapointed," naiinis na wika sa akin ni Master Zef nang hindi ko na naman natamaan ang main target.

Dahil doon ay agaw-atensyon na naman ako sa mga kaklase ko. Ang iba ay tila natutuwa na napapahiya ako ngayon, ang iba naman ay tahimil lang nakikinig.

I sighed.

"S-Sorry po."

"Ayan, puro ka na lang sorry! How can you improve if you're always saying sorry?!"

"Woah, chill there, Master Zef. It's not the end of the world yet," nakangising singit bigla ni Jenie saka pasimpleng kumindat sa akin.

I gave her an apologetic smile.

"Shut up, Senio! Just focus on your own!" saway ni Master Zef sa kanya.

"I can't, master. Unless you calm down and give us a piece of mind. We can't practice if we're constantly hearing your yell. Right, guys?" Bumaling sa mga tao si Jenie at ngumisi sa mga ito. Ang iba ay sumang-ayon, ang iba naman ay nakatingin lang.

"Tsk!" Napasinghal na lang si Master Zef saka muling bumaling sa akin. "You better not disappoint me this time, Alyana. Understand?"

Kaagad akong tumango. Umalis naman siya at nag-focus na lang sa iba.

Napabuntong-hininga ulit ako. Saktong lumapit sa akin si Honey.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya. Ngumiti na lang ako saka tumango.

"I'm fine."

"Grabe, ngayon ko lang nakita si Master Zef na bad mood. Lagi naman kasi siyang magaan sa atin at good mood. Hindi ba ang sweet niya pa nga magturo sa iyo dati? Nakakapagtaka lang na naging gano'n ang pakikitungo niya sa iyo. Wala ka naman sigurong ginawang masama, 'di ba?"

Umiling lang ako saka nagkibit-balikat. Hindi ko rin alam kung bakit gano'n ang ugaling pinapakita sa akin ni Master Zef ngayon. Talagang nakakagulat din sa part ko.

"Sadyang nakakapagod lang siguro ako turuan," sabi ko na lang.

"Hindi naman... Pero hayaan mo na, baka bad mood lang talaga si Master Zef. Alam ko namang kaya mo iyan, Alyana. Fighting!"

Ngumiti na lang ako kay Honey at muling nagpatuloy sa ginagawa.

Pagkatapos ng klase ay dumiretso ako sa cafeteria. Meryenda time na ngayon kaya nagugutom na ako. Si Honey naman ay dumiretso sa library. Ginawa na pala siyang assistant librarian at magbabantay siya ngayon doon.

Good for her atleast hindi siya mabu-bully at may piece of mind pa siya.

Akmang didiretso na ako sa cafeteria nang biglang may bumangga sa akin.

Halos matumba pa ako sa lakas ng impact no'n. Mabuti na lang at napasandal agad ako sa pader.

"Ano ba?! Are you blind?!" sigaw ng nakabangga sa akin.

Laking gulat ko nang makitang si Jennifer ang nakabanggan ko. Gano'n din ang naging reaction niya nang makita ako.

"J-Jennifer?" bulalas ko saka pinasadahan siya ng tingin.

Pawis na pawis siya na tila nakipagkarera. Hinihingal din kasi at para siyang nagmamadali kanina na hindi na ako napansin pa. Napatingin ako sa tuhod niya. May galos kasi roon at natuyo ang dugo.

Kumunot ang noo ko at muling tumingin sa mukha niya. Doon ko lang napansing medyo madungis siya tingnan.

"Ayos ka lang ba?" concern na tanong ko pero agad niya naman akong sinamaan ng tingin at pinameywangan.

"What do you care?"

"Anong nangyari sa iyo?"

"And now you're curious about me, huh? Bitch!" Muli siyang nagpatuloy sa pagtakbo pero agad ko siyang sinundan at tinawag.

"Wait lang, Jennifer!" sigaw ko. Mabuti na lang at muli siyang huminto saka iritadong lumingon pabalik sa akin.

"What now?!"

"You sure you're alright?" nag-aalalang tanong ko. Sinamaan niya agad ako ng tingin.

"Stop pretending you're concern about me cuz I know you're not! And leave me alone!"

Iyon lang at saka siya tuluyang naglaho sa paningin ko. Napatingin na lang ako sa dinaanan niya at napabuntong-hininga.

Hindi ko alam kung anong nangyayari kay Jennifer at wala na dapat akong pakialam doon pero hindi ko mapigilang mag-alala. She kinda looks scared or nervous earlier. Pinipilit niya lang itago iyon sa pamamagitan ng pagtataray sa akin pero alam kong parang may mali talaga sa kanya.

Ipinilig ko na lang ang ulo ko saka nagpatuloy sa paglalakad. I hope Jennifer is fine. I hope everything is fine.

Dumiretso akong bumili ng tinapay sa cafeteria. Kakaunti lang ang mga tao rito. Pagkatapos bumili ay lumabas agad ko.

Balak ko kasing kumain sa isang swing dito sa school.

Pero nagulat ako nang biglang may humigit ng kamay ko at dinala ako sa likuran ng building.

"K-Kuya! Bitiwan mo ako!" sabi ko. Agad niya naman akong hinarap sa kanya at binitiwan. Sinamaan ko agad siya ng tingin. "Ano bang kailangan mo sa akin?"

Nagpalinga-linga muna siya sa paligid bago muling bumaling sa akin.

"I'll be leaving again tomorrow, Alyana, so I need to talk to you now," seryosong wika niya.

"About what?"

"About everything."

Nanahimik ako at naging interesado sa sasabihin niya. Huminga naman siya nang malalim bago muling bumaling sa akin.

"Look, you have to be more cautious, Alyana. The enemies are everywhere, and they are watching your moves."

"Why can't you just tell me who they are so that I can be aware?" naka-cross arm na sabi ko.

Umiling-iling lang siya. "I'm sorry, I can't."

"Kuya naman, e! Stop being secretive!"

"I am doing this for you, Alyana! You don't know what will happen once you know their identity!"

"Pero, kuya—"

"Just trust me and listen to me! Hindi lang ako o tayo ang tauhan ni papa, Alyana. Marami siyang kamay rito na hindi pa natin nakikilala."

Speaking of... Nakaramdam na naman ako ng sakit at galit nang maalala si papa.

"H-How could he do this to us, kuya? We are his children, not his personnel, or slaves, or toys, or whatsoever!"

Natawa si kuya, isang sarkastikong tawa. "You really don't know him."

"I do. He's a monster, a manipulative father and a very controlling husband! He did not know how to take care of his family!"

"Alyana..." Humugot ng hininga si kuya. "There are still so many things that you don't know, but I'll let you discover them by yourself. But today, forgive me to say this, but I can't let you kill that Laurent guy. I know you can't do it, but I can. I will be the one to do that for you, Alyana."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni kuya.

"K-Kuya, no! Don't do that!"

"I will, Alyana. I will."

"Pero, kuya—"

"I've already killed a lot of people, Alyana. I know how painful and traumatizing it is. Your conscience won't let you sleep the moment you kill a person. I know you, Alyana. You are a strong and kind person. I know how much you value life and you hate people killing innocents! You are not a criminal because you are a fighter! And a fighter was not killed. Rather, they are protecting one's life!"

Natahimik ako sa sinabi ni kuya. Ini-imagine ko pa lang na mamatay si Laurent ay para na akong mahihimatay. Hindi ko kaya iyon. Hinding-hindi ko kayang gawin.

"So, let me do the mission, Alyana."

Muli akong tumingin kay kuya saka sinalubong ang mga mata niya.

"No, kuya. You're not going to kill him. No one's gonna kill him. I won't let you do that!"

"Listen, Alyana. Even if I can't kill him, he will still die. Other people will do it for us. And if that happens, you are also dead because our father shows no mercy to those who do not obey him, even if it is his children or a family member."

Natahimik ako sa sinabi niya. May punto kasi siya at iyon ang kinatatakot ko.

"Alyana..." Hinawakan ni kuya ang magkabilang braso ko at saka ako tinitigan sa mga mata. "Do you know the reason why I am here? I am here because just like you, I also have a mission before. Well, until now, I still have."

"W-What mission?"

Lumayo siya sa akin saka bumuntong-hininga.

"I was also sent here to learn how to kill. But my mission is to take control of the school and destroy it. But they were too powerful, so the plan suddenly changed."

"I-Is it the reason why you changed the school rules and regulations?"

He nodded. "Yes. I purposely changed it for the life of the majority. Our father did not know about it, so when he learned about it, he got mad and punished me. He almost killed me, Alyana."

Napatitig ako bigla sa kanya. Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman. He already experienced the wrath of our father.

"Kuya..."

Niyakap ko na lang siya nang mahigpit na agad naman niyang tinugunan.

"I'll protect you at all costs, princess. Don't worry."

"Please take care of yourself. Nag-aalala na si mama sa iyo."

I heard him chuckled. "Of course, I will."

"And also, don't kill him. Don't do it, kuya! Please! I'm begging you. Listen to me!"

Humiwalay siya ng yakap at binigyan ako ng mapanuring tingin.

"Why do I feel like you're protecting him? Tell me, is there something going on between you and that guy?"

Napakurap ako. "W-What? Wala ah!"

Umiwas ako ng tingin. Shit! I'm being defensive!

"Alyana." Binigyan ako ng seryosong tingin ni kuya. "I'm telling you, stay away from him."

"No!" agarang tanggi ko. "I mean... I can't."

Muli akong umiwas ng tingin.

"Alyana."

Sabay-sabay kaming napatingin ni kuya sa nagsalita. There, I saw Laurent, standing firmly while staring intently at me. Biglang nagwala ang sistema ko kaya naman ay napalunok ako.

"L-Laurent—" Nanlaki ang mga mata ko nang hilain ako ni kuya at saka inakbayan. Binigyan niya ng nang-aasar na tingin si Laurent na ngayon ay masama na ang tinging ipinukol sa kapatid ko.

Maya-maya lang ay bumaba ang kanyang paningin sa kamay ni kuya na nasa balikat ko. His jaw clenched. Kinabahan ako dahil doon kaya naman ay tinanggal ko ang kamay ni kuya. Pero lalo niya lang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin.

Nagtatakang nilingon ko siya pero kay Laurent pa rin ang tingin niya.

"How are you, president? Or should I say... Chief Laurent?" natawa si kuya sa sariling tanong na tila inaasar ang kaharap.

Hindi ko mapigilang makaramdam ng tensyon sa kanilang dalawa. Oh, no!

"I heard you'll be leaving tomorrow," seryosong turan naman ng kaharap namin.

"Well, kinda. But, I'm not going to leave without asking this beautiful lady next to me to be my girlfriend. What do you think, Alyana?" Nakangiting bumaling sa akin si kuya. Ako naman ay nanlaki ang mga mata sa kanya.

Like, what the heck?

"Leave her alone," mariing sambit ni Laurent. Masasabi kong masama na talaga ang timpla ng mukha niya at any minute ay susugurin niya si kuya.

"I'm not going to take any orders from you, president. We're just on the same level. You, as the current president, and me, as the former president." Muling ngumisi si kuya.

Nagsukatan sila ng titig pagkatapos. Nagpalipat-lipat naman ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"I hope it's okay with you if I pursue Alyana," muling turan ni kuya. "Besides, she is still single and I bet you have no interest at her at all—"

"She's mine!"

Napalamugat ako sa sinabi ni Laurent. Miski si kuya ay hindi inaasahan iyon. Talagang natigilan din siya.

I'm what?!

"So leave her alone because she is my property," dagdag ni Laurent at akmang lalapit sa amin nang umatras si kuya saka ngumisi.

"Woah, easy there, president. Alyana was never yours. She's no one's property."

Hindi siya pinansin ni Laurent. Bumaling sa akin ang lalaki at seryoso akong tiningnan.

"Come here, Alyana. Don't trust that guy. I already told you he's dangerous," mariing wika niya at inilahad ang kamay para abutin ko.

"So as you, president," nakangising tugon ni kuya.

"C'mon, Alyana. Come here now or else—"

"Or else what?" Tumaas ang kilay ni kuya sa kanya. Sinamaan naman siya ng tingin ni Laurent.

"C'mon, president. Let's be fair enough to Alyana. Let's prove to her that one of us is worthy of her attention. Let's make a deal."

Saglit silang nagtagisan ng tingin ni Laurent, 'yong tipong may halong pag-uusap sa mga mata. Agad akong napatingin kay kuya sa sinabi niya. I gave him what-do-you-mean look.

Ngumisi lang siya sa akin kaya naman ay nagsimula akong kabahan.

Don't tell me...?

"Kol," seryosong tugon ni Laurent kaya agad akong tumutol.

"No! Hindi puwede! Hindi ninyo gagawin iyan!" sabi ko at lumayo kay kuya.

Shit! Alam ko kung anong deal ang tinutukoy niya kahit hindi niya sabihin. He will do it to accomplish my mission, to kill Laurent thru bet!

"Sorry, Alyana. But this is a deal between the two presidents," ngisi ni kuya at umalis na agad namang sinundan ni Laurent na tiningnan muna ako.

Bigla akong nag-panic sa gagawin ng dalawa kaya naman ay agad ko silang sinundan. Abot-abot ang kaba na nararamdaman ko at hindi ko alam kung anong gagawin kay kuya.

Dumiretso sila sa isang field kung saan walang mga tao. Nasa likurang bahagi pa rin ito ng school pero malapit lang.

Tumayo si kuya sa kaliwa at sa kanan naman si Laurent. Nagtitigan ang dalawa saka nagpakiramdaman.

"P-Please! Don't do this! Stop this nonsense now!" sigaw ko pero tila walang narinig ang dalawa. Na-stress ako bigla.

"Just please!"

"Aren't you excited, president? Dito malalaman kung sino ang mas malakas sa ating dalawa. Dito rin malalaman kung karapat-dapat ka ba sa posisyon mo," ngisi ni kuya sa kaharap.

Walang emosyong tinitigan lang siya ni Laurent pero ramdam ko ang gigil niya. Ang bigat ng atmospera at tensyon sa dalawa.

"Well, since nandito na rin naman na tayo, mas maganda kung ang isa sa atin ay mamamatay mismo sa araw na ito, hindi ba?" dagdag ni kuya.

"I'm ready to kill you," tugon naman ng isa dahilan para lalong mapangisi si kuya.

"Try me if you can."

Mabilis ang mga sumunod na nangyari. Basta namalayan ko na lang na nagkakagulo na ang dalawa. Lalo akong nag-panic dahil doon.

Nagpapalitan ng suntok at sipa sina kuya at Laurent pero parehas walang nagpapatalo. Oh, no! This is bad! Really bad!

"S-Stop it you two!" sigaw ko pero hindi nakinig ang dalawa. "Sabi nang itigil niyo iyan, e! Ano ba?!"

Napahawak ako sa magkabilang ulo. Para akong masisiraan ng bait habang pinapanood silang magpatayan. Jusko naman! Anong gagawin ko?!

Kailangan kong mag-isip. Hindi sila titigil hangga't nanonood lang ako.

Nagpalinga-linga ako sa paligid. Naghanap ako ng bagay na maaaring makatulong para patigilin sila sa kalokohan.

Mabuti na lang at may nakita akong isang tipak ng kahoy. Kaagad ko iyong kinuha pero ang bigat pala! No choice rin naman ako kaya tiniis ko ang bigat at lumapit sa dalawa.

Nakahiga na sa lupa si Laurent habang pinagsusuntok ni kuya dahilan para lalo akong matakot. Binilisan ko ang paglapit.

Maya-maya lang ay si kuya naman ang nasa lupa at si Laurent na ang sumusuntok sa mukha niya. Finally! Nakarating ako!

"Itigil niyong dalawa 'yan!" sigaw ko at akmang ihahampas sa kanila ang kahoy na hawak nang may biglang dumating na isang estudyante.

Hingal na hingal itong tumakbo papunta sa kinaroroonan namin.

"Chief Laurent! Emergency! May natagpuang patay sa field!"

Napahinto kaming tatlo saka gulat na napalingon sa lalaki.

"A-Ano?"

"May patay na babae sa field!"

Hindi na kami nag-aksaya ng oras. Kaagad naming tinungo ang kinaroonan ng patay na sinasabi. Ang dungis pa ni kuya at Laurent pero wala silang pakialam kahit pinagtinginan sila ng mga tao nang makarating kami.

Maraming nagkukumpulan ngayon dito kaya naman nang makita nila kami ay agad silang nagbigay ng espasyo para makadaan.

"OMG! Ang dalawang presidente ay magkasama!"

"Oo nga! Magkaibigan pala sila?"

"Pero bakit para silang nagbugbugan? May mga pasa ang mukha nila!"

Napailing ako sa narinig na bulungan. Kung alam lang nila na muntik na silang magpatayan sa harapan ko. Buti na lang at dumating ang isang lalaki kaya nahinto.

Nang makarating kami sa unahan ay bumungad sa amin ang isang babae na naliligo sa sariling dugo. Nakaupo siya sa isang silya, dilat ang mga mata, puno ng saksak sa iba't ibang katawan at may nakatarak pang kutsilyo sa noo.

Napatingin ako sa bond paper na nakadikit sa tiyan niya. May nakasulat ulit doong,

"A useless person must perish."

Red marker ang ginamit.

Gano'n na lamang ang gulat na namutawi sa mukha ko nang makilala ang babae.

"J-Jennifer..."

Napaatras ako at agad na napatakip ng mukha sa pagkawindang.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top