M 25: The truth

Chapter 25:

Kinabukasan, lutang akong pumasok. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang nangyari kahapon. Iniisip ko kung kanino galing ang boses ng lalaki. Alam kong kilala ko iyon. Sure ako roon.

Mabuti na lang talaga at agad na dumating ang ibang SC officials para tulungan kami ni Chief Laurent kahapon kaya nakatakas ang mga kalaban.

Pero hindi iyon ang problema ko. Iniisip ko na bukod sa familiar na boses, bakit hindi ako inatake ng mga kalaban? At bakit gusto nilang patayin si Chief Laurent? Anong mayro'n?

May isang bagay rin ang dumagdag sa problema ko bukod roon. Kagabi pagdating ko sa dorm ay may natanggap ulit akong itim na sticky note sa pintuan. Nakasulat iyon sa kulay pula na pentel pen saying,

Kill him or die.
-S

Talagang kinilabutan ako nang mabasa ang sulat na iyon. Parang death threat. Hindi na ito maganda!

Hindi ko alam kung nagkamali lang ba ng taong pinadalhan ang may gawa no'n o talagang ako ang sadya. Gayunpaman, talagang natakot at kinabahan ako. Lalo na ngayon at hindi na puro kill him ang nakalagay. Talagang death threat na siya!

My goodness! First time kong maka-receive ng death threat! At talagang nakakapanindig-balahibo!

Pero ang tanong, sinong tinutukoy ng may gawa na kailangang patayin? At bakit kailangang patayin?!

"Alyana! Ayos ka lang ba?" Nabalik ako sa reyalidad nang pumitik sa harapan ko si Honey. Doon ko naalalang nasa klase pala kami.

"H-Ha?"

Nag-aalala niya akong tiningnan. "May bumabagabag ba sa iyo? You look stress."

"A-Ayos lang ako. Don't worry," sabi ko na lang saka umiwas ng tingin. Ayokong malaman niya ang problema ko. Hindi siya puwedeng madamay.

"Alyana." Biglang hinawakan ni Honey ang aking kamay saka tumingin sa akin. "Kung may problema ka, sabihin mo lang sa akin, okay? I'm ready to listen."

"T-Thank you, Honey..."

Pagdating ng lunch ay kaagad akong dumiretso sa SC office. Kailangan kong ma-check kung maayos lang ba ang lagay ni Laurent kahit pa alam kong hindi naman siya napuruhan kahapon. Wala kasi siya kaninang umaga sa opisina at sa mini-gymn niya.

Akmang bubuksan ko na sana ang pintuan nang may marinig akong nag-uusap mula sa loob.

"So what are we going to do now? Let them do what they want?" rinig kong boses ng familiar na babae.

"We just have to be prepared, Thricia. Hindi natin alam kung ilan sila at kung sino ang pinaka-pinuno." This time, boses naman ni Chief Laurent ang naririnig ko.

"The president is right."

"But we are all at stake! Unti-unti na silang lumalabas kahit sa araw!"

"Mas bet mo pala makipagpatayan tuwing gabi? Lowkey ka pala?"

"Shut up, Dwiey! You're not helping!"

"Calm down, Thricia. The president knows what is best."

"I swear, if anything happens to our cluster, I will give them no mercy!"

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa mula roon ang galit na galit na si Thricia. Miski siya ay nagulat nang makita ako.

"H-Hi, Thricia! Nandito ka pala! Hehe." Sinubukan kong kumaway sa kanya kahit pa nanginginig ang sa kaba ang kamay ko.

Tinitigan niya lamang ako sandali bago umirap at umalis.

Okay...? What's up with her and the SC officials?

Napabuntong-hininga na lang ako saka pumasok sa loob. Lahat sila ay napatingin sa akin at nagtataka. Kaagad kong itinaas ang hawak kong tray at pilit na ngumiti.

Nararamdaman ko kasi ang bigat ng atmospera sa paligid at ang kakaibang tensyon.

"Uh... Ibibigay ko lang sana ang lunch ni Chief Laurent," paliwanag ko saka dali-daling lumapit sa mesa ng lalaki. Tinitigan naman ako nang maigi ng isa.

"Sana magustuhan mo ang ulam ngayon," nakangiting wika ko pa kahit alam kong hindi maganda ang mood nilang lahat.

"Have you eaten already?" seryosong tanong niya.

"H-Hindi pa pero kakain na ako after nito." sabi ko at tiningnan ang buong katawan niya.

"Are you alright? Hindi ka ba nasugatan mula kahapon?" nag-aalalang tanong ko.

"I'm fine. Don't worry about me."

"Oh... okay." Ngumiti ako at saka pekeng tumawa. Ayos naman na pala siya kaya mukhang hindi na ako kailangan dito.

"A-Alis na ako. Enjoy your lunch." Saka ako dali-daling tumalikod at akmang aalis.

"Alyana..."

Muli akong napahinto at humarap kay Laurent nang tawagin niya ako.

"Yes?"

"About yesterday... forget about what happened. Just pretend that nothing happened or it would be much better to think of it as a nightmare."

Napatitig ako ng ilang segundo dahil sa sinabi niya. Is he serious? He wants me to forget about what happened? Paano ko makakalimutan iyon kung nakatatak na iyon sa isipan ko?

"Chief Laurent..." I called him then sighed. "Sorry to say this but I won't do that."

Bahagyang kumunot ang noo niya, tila hindi nagustuhan ang sinabi ko. "Just do as I say, Alyana. It's for your own safety."

"I—" Hindi ko naituloy ang gusto kong sabihin. Hindi ko alam kung tama bang sabihin ko na hindi ako inatake ng mga lalaki kahapon. Pero baka nagkataon lang iyon kaya itinikom ko na lang ang bibig ko.

Sa huli ay tumango na lang ako at umalis ng opisina. Hindi ako tanga at bulag para hindi maramdamang may mga silent war ang nagaganap.

And sorry to say this, Laurent. I won't just sit here and pretend like nothing happened.

Dahil sa nangyari ay naisipan kong hanapin ang magaling kong kuya. Nararamdaman kong may alam siya sa nangyayari o baka nga isa siya sa mga dahilan ng mga nangyayari ngayon.

Pinuntahan ko ang alam kong lugar na kinaroroonan niya ngayon. Sa building kung saan namamalagi ang mga alumni at mga professor.

Saktong pagdating ko sa dorm nila ay natigilan ako nang may maaninag na bulto ng mga tao sa likurang bahagi ng building. Tanging ulo lang nila ang nakikita ko dahil natatakpan ng mga bulaklak.

Dala ng kuryusidad ay nilapitan ko sila at nagtago. Tatlong lalaki sila. Ang dalawang lalaki ay nakaharap sa gawi ko at ang isa naman ay nakatalikod.

Naningkit ang mga mata ko nang makita sila. Hindi familiar sa akin ang mukha ng dalawang lalaki pero ang isa ay kilalang-kilala ko. Kahit nakatalikod ay alam kong si kuya ang lalaki na iyon.

"Boss, tuloy pa rin ba ang plano natin mamaya?" tanong ng lalaki sa kuya ko.

"Yes. So, do your job properly. Ayokong pumalpak bago umalis dito."

"Pero, boss, hindi ito ang mission mo. Paano 'pag nalaman ito ni Master?"

"I don't care. Wala na rin naman siyang magagawa kahit pa malaman niya. The most important thing to do right now is to kill him first. I'll be the one to do that so be prepared."

"Yes, boss. I'll make sure na makukuha natin ang presidente at mapatay bago sumikat ang araw mamaya."

"Good. You can go now."

Kaagad na tumango sa kanya ang dalawang lalaki bago ito umalis ng lugar. Ako naman ay napako sa kinatatayuan at gulat na gulat sa narinig.

Anong ibig sabihin nito? Si kuya? Papatayin ang presidente?

Muling bumalik sa akin ang nangyari kahapon.

Ang boses ng lalaki kahapon...

Napatayo ako bigla sa realisasyon at umatras. May naapakan akong isang tuyong dahon. Lumikha iyon ng ingay kaya naman ay agad na napalingon sa gawi ko si kuya at nagulat.

"A-Alyana... What are you doing here?" gulat na tanong niya saka lumapit pero umatras ulit ako.

"K-Kuya..." Nanginginig ang boses ko na tinawag siya saka hindi makapaniwalang tumingin sa kanya. "I-Is it true?"

"Alyana, you shouldn't be here. Go back to your—"

"Just answer me, Gabriel!" sigaw ko na nagpatahimik sa kanya. "T-Totoo ba ang narinig ko? Totoo ba? P-Papatayin mo si Chief Laurent?"

Panandalian siyang natahimik at seryosong tumingin sa akin. Akmang hahawakan niya ako nang muli akong umatras at iwinaksi ang kamay niya.

"Don't touch me!" sigaw ko at galit siyang tiningnan sa mga mata. "Tell me, i-ikaw ba 'yong lalaki kahapon? Balak mo siyang patayin kahapon, 'no? K-Kung hindi lang ako humarang ay malamang patay na siya ngayon?"

"Alyana..."

"Tell me the truth, kuya!"

Napakuyom ng kamao si Kuya Gab bago pumikit nang mariin at humugot ng hininga.

"Yes. It is me and I'm still going to kill him," walang pag-aalinlangang sagot niya saka diretsong tumingin sa mga mata ko.

Halos manlambot ako sa narinig at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya.

"W-Why? Why do you want to kill him?"

"Believe me, Alyana. You don't want to know the truth."

"Just tell me the truth, kuya!"

"I won't. Isa pa, wala ka nang magagawa, Alyana. Everything is set."

"You are a demon!" gigil na sigaw ko. "Ibig sabihin, i-ikaw ang pinaka-pinuno sa lahat ng ito? I-Ikaw rin ba ang nag-utos sa mga estudyante rito na manggulo tuwing gabi? You are always aiming to kill the president?"

"Alyana—" Sinubukan niya ulit akong lapitan pero umatras lang ako.

"Sabihin mo, kuya. A-Ako ba, balak mo ring patayin?"

Tumitig muna siya sa akin bago seryosong sumagot. "No."

"Pero bakit gusto mo akong umalis dito? D-Dahil ba isa akong malaking hadlang sa mga plano mo? N-Natatakot kang sabihin ko sa lahat ng mga tao ang masamang plano mo?"

"Alyana, that's not what I wan—"

"Liar!" I shouted. "You're a liar, kuya!"

"Just listen to me, Alyana! I'm doing this for our own good!" mariing sambit niya.

"Own good?" Sarkastik akong tumawa sa sinabi niya. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Own good? Own good ba ang pagpatay ng isang tao? Ha? Kuya?!"

"Damn it, Alyana!" Frustrated siyang napasabunot ng buhok niya. Alam kong nagpipigil na rin siyang magalit kahit halata na ang pamumula ng buong mukha niya. "No matter what you do or say, that won't change the plan. I will still kill him, and you have no choice but to shut up and remain silent."

"Y-You—" Nanginginig ang mga kamay na naituro ko siya. "I hate you! Demon!"

Saka ako tumakbo nang mabilis papunta sa dorm. Umiiyak akong tinungo ang kuwarto ko pero muli na naman akong napahinto nang makita na naman ang sticky note sa pintuan.

Nanginginig na kinuha ko ito at pumasok sa kuwarto. Pag-upo ko sa kama ay agad ko itong binasa.

Kill him or your friends will be die.
-S.

Naikuyom ko bigla ang aking mg kamay saka kinumot ang sticky note na hawak.

Feeling ko masisiraan ako ng bait sa mga nangyayari. Unang-una ay si kuya, ngayon naman itong death note na hindi ko alam kung kanino nanggaling!

Napahilamos na lang ako ng mukha at naiyak.

Ano bang ginawa ko para maranasan ito? Naging mabuting tao naman ako. Pero bakit? Bakit kailangan kong maranasan ito? Ano ba talagang nangyayari?

Sa sobrang sama ng loob ko ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.

Nagising na lang ako nang mapansing gabi na pala. Buong maghapon pala akong nakatulog.

Napatayo ako bigla saka tiningnan ang oras. 8PM na.

Bigla akong kinabahan. Naalala ko si Chief Laurent at ang balak ni kuyang pagpatay sa kanya ngayong gabi!

Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Kaagad akong lumabas at hinanap ang presidente. Alam kong wala siya sa dorm ngayon. Nararamdaman ko iyon.

Dumiretso ako sa SC office. Nagbabakasakali akong makita sila roon pero bigo ako dahil kahit anino niya ay wala.

Kung wala siya rito at sa dorm...

Napatigil ako sa naisip.

Kaagad kong tinakbo ang likurang bahagi ng school. Medyo madilim na rito dahil iilan na lang ang mga ilaw sa poste at may mga puno pa.

Bigla akong nakaramdam ng kilabot at kakaibang tensyon sa paligid nang maramdaman ang malamig na hangin.

Oh, god. Sana walang nangyaring masama kay Chief Laurent. Sana hindi pa ako huli.

Nagtuloy-tuloy ang takbo ko hanggang sa may marinig akong kalansing sa 'di kalayuan. Kaagad kong sinundan ang tunog na iyon.

Mula rito sa kinatatayuan ko ay bumungad sa akin ang grupo ni kuya at ang mga SC officials na naglalaban. They are only using a swords and a dagger.

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita at saka dali-daling lumapit para tumulong sana. Pero napahinto ako nang ma-realized na wala akong dalang kahit anong armas and such.

Kaagad kong inilibot ang aking paningin sa buong paligid saka naghanap ng kahoy. Hindi naman ako nabigo dahil may nahanap akong isang putol na kawayan.

Iyon ang ginamit ko pang-hampas sa mga kalaban. Pero imbis na lumaban sila sa akin ay iniiwasan lang nila ako.

Mukhang plano talaga ni kuya na 'wag akong idamay sa gulo, ah. I need to see him.

Hindi ko kasi siya makita sa paligid. Sobrang busy rin sina Chief Laurent sa mga kalaban kaya hindi na niya ako napansin. Isa pa, medyo madilim dito.

Hindi na ako nagsayang ng oras. Kaagad kong nilibot ang lugar. Alam kong nasa paligid lang si kuya na nagmamasid at naghihintay ng tamang tiyempo para umatake.

Pero nagulat ako nang may biglang humarang sa akin na mga nakamaskara at walang anu-ano'y sumugod sa akin. Lalabanan ko sana sila pero naunahan nila akong hawakan sa magkabilang braso at tinalian ang kamay.

Akmang sisigaw ako nang magsalita ang isa sa kanila.

"Shout and you're dead." The voice came from the person in front of me. Hindi niya tunay na boses ang narinig ko. Gumagamit siya ng isang device.

Kinabahan ako bigla lalo na nang piringan nila ako at kaladkarin paalis ng lugar.

"B-Bitiwan ninyo ako! A-Anong kailangan ninyo sa akin?" natatarantang sambit ko pa habang pinipilit na magpumiglas.

"Relax, Alyana. Nothing bad will happen to you," wika ulit ng taong gumagamit ng device.

Maya-maya lang ay bigla nila akong pinaluhod sa lupa at tinanggalan ng piring sa mata. Galit na tiningnan ko ang taong nasa harapan. Nandito pa rin kami sa likuran ng eskuwelahan, malayo lang yata sa kinaroroonan ng mga SC officials.

"Anong kailangan ninyo sa akin? At sino kayo? Nasaan ang kuya ko?!"

"Don't worry, your brother will be here in a minute. But first, let me tell you something."

Lumapit siya sa akin saka bahagyang yumuko.

"Do you know why you're here? Or, do you even know why your dearest father enrolled you here?" wika niya at kahit nakamaskara siya ay ramdam kong nakangisi siya.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "W-What do you mean?"

"Well, dear Alyana, you are not just here to study. You are also here to fulfill the plan of your father. You are here for a mission."

"A-Ano?" Naguluhan lang ako lalo sa sinasabi niya. "A-Ano bang pinagsasabi mo diyan? Anong mission?"

"You still don't get it, do you?" Napa-cross arm siya at saka bahagyang natawa. "The sticky notes."

Natigilan ako sa sinabi niya. Ang sticky notes...

The sticky notes said I have to kill someone.

Nanlaki ang mga mata ko sa realisasyon at gulat napatingin sa kanya.

"I-Ikaw ang nagpapadala sa akin ng mga death notes?" gulat na wika ko. Imbis na sumagot ay tumawa lang siya.

"Congrats! You got it!"

"You're crazy!" sigaw ko pa sa kanya. Gustong-gusto ko siya sugurin ngayon at sampalin kung kaya ko lang. Napakuyom ako ng kamao. Hindi niya alam kung gaano ako natakot sa pinadala niyang sticky notes!

"Well, do you even know who's the person that you're going to kill?" tanong niya na muling nagpatigil sa akin.

"Leave her alone!" Lahat kami ay napalingon sa taong nagsalita.

Si kuya. Kahit nakamaskara siya ay alam kong siya iyon dahil sa boses pa lang. Nakakuyom ang mga kamao niyang tumakbo rito. May hawak siyang isang espada sa kaliwa at nanghina ako nang makita ang mga preskong dugo roon.

D-Dont tell me...? Para akong naubusan ng dugo sa naisip. Oh, no! No, please!

"Oh, perfect timing!" Nakangising wika ng taong nasa harapan ko saka muling bumaling sa akin. "Your brother is already here! But, don't worry. He did not kill him. He can't kill the president, you know? It's not his job."

Tumawa nang nakakakilabot ang babae.

"Damn you!" sigaw ni kuya at lumapit sa akin. Pinatayo niya ako at itinago sa kanyang likuran. "Stop involving her! She's innocent!"

"But she's a part of the plan, Gabriel. You cannot just hide it away from her because later or sooner she will discover it and will accomplish the mission," tugon naman ng isa at bahagyang lumapit sa amin. Nalilitong nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanila.

"She's not going to do it!"

"She is, Gabriel. She is. Besides, madali lang naman ang gagawin niya. Papatayin niya lang naman ang presidente then after that, she's free!" Muling tumawa nang nakakatakot ang kausap namin.

Ako naman ay tila nabingi sa narinig. Tila nag-loading sa utak ko ang sinabi niya.

A-Ano raw? Papatayin ko ang presidente? Papatayin ko si Chief?!

"Damn you!" bulalas ni kuya sa kanya.

Napaatras ako bigla saka nanlalamig na tumingin sa kanila. Hindi ko alam pero para akong mahihimatay sa narinig.

"A-Anong sinasabi ninyo?" gulat na wika ko. "P-Papatayin ko ang presidente?"

"Oh, yes! You're going to kill him, Alyana. That's the one and only mission you're going to accomplish. Easy right?"

"N-No! Y-You're crazy! Hindi totoo iyan! Hindi ko gagawin iyan! Nahihibang lang kayo! Hindi magagawa ni papa na gawin akong kriminal!" sigaw ko pa at akmang tatakbo nang muli siyang magsalita.

"Oh, wait! Your father is calling me!"

Kinuha niya ang cellphone at ipinakita ang caller sa amin bago ito sagutin.

"Hi, Master Andrio. Oh, yes! Yes! She's here and she already know the mission. Oh, okay!"

Lumapit siya sa akin at inilahad ang cellphone.

"Your father wants to talk to you," wika niya. Alam kong nakangisi siya.

Kahit kinakabahan at nanginginig ang kamay ay kinuha ko ang cellphone at itinapat iyon sa aking tainga.

"How are you, my daughter?" Iyan ang unang bumungad sa akin. Napahigpit bigla ang hawak ko sa cellphone. Confirm! Si papa nga ang kausap ko. Boses pa lang obvious na.


"P-Papa... Tell me, nagsisinungaling lang sila, 'di ba?" pambungad na tanong ko at napalunok. "Papa, hindi ko naman gagawin iyon, 'di ba? Hindi mo naman ako ipapahamak, 'di ba? I'm not a killer, 'di ba?"

Imbis na sumang-ayon ay humagalpak lamang ng tawa si papa sa kabilang linya. Tawa na siyang nagbigay ng kilabot sa akin. Never ko siyang narinig na tumawa nang ganito. Ngayon lang.

"It is true, my daughter. That's the reason why I enrolled you at M-School. Now is the perfect time to tell you the truth. You're not innocent. You're no angel because you are a killer. And killers must do their mission, right?" Lalong nanginig ang mga kamay ko sa sinabi niya.

This is not what I expect him to say!

"You're a monster!" gigil na wika ko.

"Yes, I am a monster and it also runs in your veins, Alyana." Narinig ko siyang naglakad at huminto sa kung saan. "That is why you have to do your mission as soon as possible. Got it?"

"No! Mag-isa ka!" Akmang papatayin ko ang tawag nang muli siyang magsalita.

"Don't test my kindness, Alyana. You know what I do to those who do not obey my orders? I killed them all."

Lalo akong nanginig sa galit dahil sa narinig.

"H-How—! How dare you, papa! Why are you doing this?! Why are you being like this to your own child?! A-Akala ko sadyang strikto at manipulative ka lang. I didn't know that you are more than that! I hate you!" sigaw ko at nagsimulang umiyak.

"You know nothing about me, Alyana. Hindi mo nga alam na member ako ng underground society. You're too naive and clueless."

"No! Hindi ko gagawin ang gusto mo! You cannot control me! I'm not a criminal like you!"

"Try me, Alyana. You know what will happen to your mom. Try me." Iyon lang at ibinaba na niya ang tawag.

Napaupo ako bigla. Agad naman akong dinaluhan ni kuya.

"Damn it!" bulalas niya. Nanghihinang napatingin ako sa kanya.

Pakiramdam ko naninikip ang dibdib ko sa sobrang sakit at nakakagimbal na pangyayari. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Parang gusto ko na lang maglaho bigla. I can't believe my own father do this to me! My mind can't take all of the information.

"Come, Alyana. I'll take you to your room." Inalalayan akong tumayo ni kuya saka inilagay sa balikat niya ang kamay ko.

"K-Kuya, how?" naibulalas ko sa kanya dahilan para mapahinto siya at humarap sa akin.

Kahit mata lang ang nakikita ko ay ramdam ko ang pag-aalala niya sa akin.

"That's what I'm telling you, Alyana. You cannot take the truth. That's also the reason why I'm eager to kill him first because I don't want you to shoulder the responsibility. I know you can't do your mission."

"Kuya..." Napaiyak na lang ako sa balikat niya.

"Hush now, princess. You know now how ruthless our father is. He's a total monster."

Lalo lang akong napaiyak sa sinabi niya.

Yeah, my father is a monster even before when I was a child.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top