M 24: To die.

Chapter 24:

Two days had passed. Sa loob ng two days na iyon ay walang ibang ginawa ang kuya ko kundi ang kulitin akong lumayas na rito. Hindi ko alam kung bakit at ano ang tunay na rason.

Nalaman kong isang linggo pala mananatili rito ang ilang mga alumni kaya nandito pa rin si kuya para patuloy akong guluhin.

Simula nang mangyari ang gulo sa party ay lumalabas na rin ako tuwing madaling araw para alamin kung ano ang nangyayari. Kung may kinalaman ba ang mga ninja na sumugod sa akin dati doon sa mga ninja pips na natagpuan nang magkagulo sa party.

Buti na lang at dala lang daw ng init ng ulo ang naging sagupaan ng dalawang presidente noong naabutan kong nagtutukan ng espada. Pero pareho naman silang pinatay ang mga naka-ninja pips.

Pero so far, sa dalawang araw kong pag-usisa ay wala akong nakita o napansing kakaiba. O, baka naman magaling lang silang magtago?

Alam ko, kahit hindi sabihin ni kuya o ni Chief Laurent ay nararamdaman kong may mali. May tinatago sila.

Pero hindi iyon ang pinaka-problema ko. Nagsunod-sunod kasi ang pagtanggap ko ng sticky note saying,

Kill him.

This time, hindi na ito nagkataon lamang. Pakiramdam ko ay para sa akin talaga ang mensahe na iyon. Pinilit ko na lamang 'wag intindihin iyon baka trip lang akong i-bully ng kung sino.

"Have you eaten already?" tanong ni Chief Laurent nang maihatid ko ang lunch niya sa opisina. As usual, ampalaya na naman ang ulam niya.

"Yes," tugon ko kahit hindi pa.

Tinitigan niya naman ako. Tila hinuhuli ako kung nagsasabi ako ng totoo o hindi. Napalunok na lang ako saka umiwas ng tingin.

"A-Alis na ako." Tumalikod na ako at akmang aalis nang muli niya akong tawagin.

"Alyana."

"What?"

"Come to my place later."

Saglit ko siyang tiningnan bago tumugon. "O-Okay..."

"And don't be late."

Hindi na ako sumagot. Lumabas na agad ako ng office dahil hindi talaga ako mapakali kapag kausap ko siya sa opisina nila. Hindi naman sa naiilang ako pero hindi na kasi mapirmi ang puso ko 'pag nasa paligid siya.

Feeling ko abnormal na ako.

Ipinilig ko na lang ang aking ulo saka tinungo ang susunod na klase.

Pero napahinto ako sa tapat ng isang restroom nang makarinig ng sigaw mula sa loob. Nakasarado rin ang pinto kaya naman ay naisipan kong lumapit at pakinggan ang nangyayari.

"Aggghhh! Tama na! Please!"

Napasinghap ako nang marinig muli ang sigaw na iyon. May nag-aaway nga sa loob!

Dahil sa pagkabigla at taranta ay agad kong binuksan ang pintuan ng rest room. Mabuti na lang at hindi ito naka-lock kaya mabilis akong nakapasok.

Nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sa akin ang kalunos-lunos na sinapit ni Honey. Punit-punit ang uniporme niya, parang binomba ang buhok niya at may mga galos siya sa katawan. Basang-basa rin siya na tila nilulunod sa tubig.

Hawak naman ng isang babae ang buhok niya samantala ang dalawa pa nitong kasama ay nagtatawanan lang habang nanonood. All of them came from Lake cluster.

Nagulat sila nang makita ako.

"Anong ginagawa ninyo sa kanya?!" sigaw ko saka dali-daling hinila si Honey sa kanila.

"A-Alyana..." Nanginginig sa takot at naiiyak na napahawak nang mahigpit sa aking braso si Honey habang nakatago sa likuran ko.

"Oh, look who's here," nakangising sambit ng babae at pinaikot ang daliri sa buhok.

"The so-called friend is here to rescue," dagdag naman no'ng isa pa.

"Hindi ba't ikaw ang slut ng presidente?" sabi no'ng pangatlong lalaki at nagtawanan silang lahat. Napakuyom ako ng kamao saka pinakalma ang sarili.

"Yeah, siya nga iyon. Ang lakas ng loob niyang magpapansin kay Chief Laurent. Hindi lang iyon, miski ang former president ay inaakit niya rin!"

"Tirador pala ang babaeng ito ng mga presidente. Tell me, how does it feel na maging slut?"

"I'm not slut!" mariing wika ko.

"You are! Lagi ka ngang umaaligid sa kanila, e! Masyado kang papansin!"

"Tama! At dapat sa isang katulad niya ay parusahan at burahin na sa mundong ito!" dagdag pa ng isa saka sumugod sa akin.

Mabilis ang sumunod na nangyari. Ngayon ay hawak na ako ng dalawang babae at pinagtutulungang sabunutan.

"B-Bitiwan niyo ako!" sigaw ko saka gumanti ng sabunot sa kanila.

"Arggh! You bitch! Slut! Just die! Argh!"

Tinuhod ko ang tiyan ng babae kaya naman ay napaatras siya. Isusunod ko sana ang isa pang babae pero naunahan niya ako. Siya mismo ang sumipa sa tiyan ko kaya naman ay napaatras ako habang namimilipit sa sakit.

"Para iyan sa pagiging malandi!" sigaw niya saka muli akong sinabunutan.

"T-Tama na! Please! H-Huwag niyo siyang saktan!" dinig kong sigaw ni Honey habang nagpupumilit na makawala sa pagkakahawak ng babae sa kanya.

"Shut up, bitch!" Narinig ko ang sampal nito na siyang lalong nagpagalit sa akin.

Pero wala akong nagawa dahil muli na naman akong pinagtulungan ng dalawang babae.

"I'm gonna kill you!" sigaw sa akin ng babae habang sinasabunot ang buhok ko. Maya-maya pa ay nagulat na lang ako nang bigla siyang maglabas ng isang punyal at akmang itatarak ito sa tiyan ko.

Mabuti na lang at may natutunan na akong defenses mula sa tinuro ni Chief Laurent at Sir Jayson kaya naman nagawa kong umiwas at sanggain ang kamay niya.

Pero kaagad rin akong sinipa ng isa pang babae sa likod dahilan para tumama ang mukha ko sa pader.

Halos mapaiyak ako sa sobrang sakit at lakas ng pagkakahampas sa akin.

Kasunod noon ay hinawakan ako ng babae sa magkabilang kamay. Sinubukan kong magpumiglas pero pinagtulungan nila ako.

Maya-maya lang biglang tinutok ng babae ang punyal sa leeg ko dahilan para mapatigil ako.

"Sige! Subukan mong lumaban at itatarak ko ito sa leeg mo!" banta niya. Nanlamig ako bigla.

Kinaladkad nila ako paharap sa sink kaya naman ay kitang-kita ko ang mga reflection namin sa salamin.

"You don't know how much I waited for this moment, bitch," nakangising wika ng babae sa salamin at lalong idiniin ang punyal sa leeg ko. Napalunok ako sa kaba.

"Hindi lang kami makahanap ng tiyempo dahil laging nasa paligid ang dalawang presidente," dagdag niya. "Pero ngayon ay mukhang pinapaboran na ako ng tadhana dahil ang biyaya na mismo ang kusang lumapit."

"Please! Pakawalan niyo na lang kami! Promise hindi kami magsusumbong!" naiiyak na wika pa ni Honey na ngayon ay nakaluhod habang tinututukan ng punyal ng isa pang babae.

"Shut up!" Muli siyang sinampal ng babae kaya naman ay halos magpumiglas ako.

"Don't hurt her!" sigaw ko.

"Wow, playing hero ka pala, 'no? No wonder bakit pinagkakainteresan ka ng mga SC officials," nakangising sambit sa akin ng babae. "But, anyway... Tutal mamamatay ka na rin naman na, any last word?"

"Can I say, goodluck to your punishment?"

Sabay-sabay kaming napalingon sa pintuan nang biglang may pumasok doon na isang babae. Kasunod naman niya ang isa pang lalaki na seryoso lang ang mukha.

Nanlaki ang mga mata ng mga kasama ko saka dali-daling itinago ang punyal na hawak at lumayo sa amin.

"J-Julie...V-Vincelee..." Agad na yumuko ang tatlo at nagdikit-dikit sa kanyang harapan.

"I'll take care of them," seryosong wika ni Vincelee saka sinenyasan ang tatlo na sumunod sa kanya. Nanginginig at namumutla silang lumabas.

Nakahinga ako nang maluwag. Kaagad namang yumakap sa akin si Honey at umiyak.

***

"Are you alright?" mahinahong tanong sa akin ni Julie.

Nandito kami sa clinic ngayon para gamutin ang mga galos. Nakatulog naman sa clinic bed si Honey matapos magamot ang mga sugat sa katawan dala ng kalmot at hampas sa kanya ng tatlo. Mabuti na lang at hindi ako nasugatan. Sabunot lang naman tinamo ko.

"I'm fine now. Thank you," ngiti ko sa kanya.

"That's good to know." Tumabi siya sa akin ng upo at tumingin sa mapayapang natutulog na babae sa harapan namin.

Hindi ko mapigilang makaramdam ng awkwardness sa ilang segundong pananahimik namin. Ewan ko ba, simula nang makita ko sila ni Chief Laurent na magkasama ay naiilang na ako sa kanya.

Feeling ko kasi may something talaga sa kanila at parang hindi ko matanggap iyon.

"Alyana..."

"Mmm?"

"Can I ask you something?"

Napalingon ako kay Julie dahil sa sinabi niya. Nakatitig na pala siya ngayon sa akin at kitang-kita ko ang pagiging seryoso sa mga mata niya.

Napalunok na lang ako.

"W-Why?" tanong ko.

"Are you in love with our president?"

Napakurap ako sa sinabi niya. Hindi ko ini-expect iyon!

"H-Ha?"

"Do you love him, Alyana? Did you feel something for him?"

"Julie..." Hindi ako nakasagot sa tanong niya, bagkus ay napatitig lang ako.

Bumuntong-hininga siya at muling humarap sa harapan saka saglit na natawa sa sarili.

"It's funny, isn't it? Laurent and I have been friends since we were babies. Sabay kaming lumaki at nagkaisip. Just so you know, Laurent is my hero. He always protects me from people who want to hurt me. I value him so much, Alyana."

Natahimik lang ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Ngayon ko lang din nalaman na magkaibigan pala sila mula bata. Kaya ba gano'n sila ka-closed sa isa't isa?

"Now that we're adults, I only want the best for Laurent. He may be strict and serious, but believe me, he's the sweetest guy I've ever met and I want to keep him until my last breath. "

Muling tumingin sa akin si Julie saka ngumiti. Ako naman ay hindi maintindihan ang punto niya.

"Alyana... Just like you and Honey, I also wanted to protect Laurent on my own, like how he used to protect me before. And I don't want anyone else to interfere with what we have right now. I hope you get my point."

Iyon lang at umalis na nga si Julie. Ako naman ay naiwang tulala na hindi siya maintindihan at hindi alam kung anong mararamdaman.

Is she asking me to stay away from Laurent?

***

Alas singko na nang matapos ang klase. Sobrang late ko na rin para sa usapan namin ni Laurent na magkikita.

Sinadya kong magpa-late sa usapan namin ni Laurent dahil sa sinabi ni Julie. Hindi naman sobra akong bobo pero kulang din ako sa common sense, e.

Mabuti na lang at hindi ako masyadong manhid kaya nakuha ko kaagad na may gusto si Julie kay Laurent. But the most exciting question here is that, does Laurent feels the same way too?

Parang biglang nanikip ang dibdib ko sa naisip kaya naman ay ipinilig ko ang aking ulo at nag-focus sa daan.

Akmang didiretso na ako sa mini-gymn ni Laurent nang mamataan ko siya sa 'di kalayuan.

Nakaupo siya sa isang puno at tahimik na pinagmamasdan ang papalubog na araw. Lumapit ako at tumabi sa kanya.

"The sunset is beautiful, isn't it?" nakangiting saad ko habang pinagmamasdan din iyon. Naramdaman ko namang bumaling siya sa akin dahil sa sinabi kong iyon.

"Don't ask me that, Alyana."

Dahil doon ay napalingon na rin ako sa kanya. Nang makita ko kung gaano siya kaseryoso ay unti-unting nawala ang mga ngiti sa labi ko.

"W-Why?"

"Do you even know what are you saying?" he asked seriously.

"Ha?"

"Tsk. As expected." Napasinghal lang siya saka muling tumingin sa sunset. "You're actually saying the word for lovers saying goodbye to each other. That's the other meaning of a breakup word, Alyana."

Napakurap ako sa sinabi niya. "T-Talaga?"

"Yeah."

"S-Sorry..." nasabi ko na lang.

Binalot kami ng nakakabinging katahimikan pagkatapos. Dinadama naming pareho ang simoy ng hangin. Ewan ko ba, pero ang gaan ng pakiramdam ko ngayong nandito si Chief Laurent.

"This place is my second home." Awtomatiko akong napalingon sa katabi nang magsalita siya. Nasa harapan lang ang tingin niya. "Even though there's danger everywhere, I still always feel safe. The school is protecting me from everything, kahit pa sakit sa ulo ang mga nasasakupan ko."

Bahagya siyang natawa saka bumaling sa akin. Ako naman ay napatitig lang sa kanya.

"That's why I am doing my very best to improve the school and erase its past. You know, I also want people to feel what I am feeling in this place."

Medyo na-guilty ako sa sinabi niya. Hindi kasi gano'n ang nararamdaman ko. Impiyerno nga ang tingin ko dito sa lugar na ito.

"W-What if someone takes your place?" I asked.

"It's fine. Just make sure he or she would also protect this place."

"What if hindi?"

Tumitig sa akin nang seryoso si Laurent. "Then I won't give it to them."

"Laurent..." I called him. Napalunok ako sa itatanong ko. Kinakabahan kasi ako pero bahala na. Kanina pa ako binabagabag ng nasa isip ko. "Uh... C-Can I ask you something? W-What do you think of Julie? How do you see her as a woman?"

Medyo kumunot ang noo niya sa tanong ko pero agad ring sumeryoso.

"Why do you ask?"

"W-Wala lang. Curious lang." Kinakabahang tumawa ako saka umiwas ng tingin. "Kalimutan mo na lang ang sinabi ko."

"Look at me, Alyana," utos niya na hinawakan ang mukha ko paharap sa kanya. Bahagya siyang ngumiti. "Julie is one of the important person to me."

Palihim kong nahigpit ang pagkakahawak sa aking damit.

Yeah, I should have known it better.

Ngumiti na lang ako sa kanya para itago ang nararamdaman ko.

"Well, mabait naman kasi si—"

Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko nang biglang may mga tao ang lumitaw at pinalibutan kami.

Napatayo kami bigla ni Laurent sa pagkagulat at pagkabigla. Nasa around 20 silang lahat at parehas may mga maskarang itim sa mukha. Kinabahan ako. May mga hawak kasi silang mga espada at kumikinang ito sa tulis.

"S-Sino sila?" kinakabahang tanong ko kay Chief Laurent.

"Kalaban," tipid niyang sagot. "Be alert, Alyana."

Hinawakan niya nang mahigpit ang kamay kong nanginginig na sa takot. Dalawa lang kami at marami sila. Goodness, I'm not ready to die!

"Who are you?" seryosong tanong ni Laurent sa mga ito.

"We're here to kill you," seryosong tugon naman ng isa saka walang anu-ano'y sumugod sa amin.

Mabilis ang mga sumunod na nangyari. Basta nagpapalitan na ng atake si Laurent laban sa mga kalaban. Ang kinakabahala ko ay wala siyang ibang armas na hawak pansangga!

Mabuti na lang at mabilis ang reflexes niya kaya naiiwasan niya agad ang mga ito. Isa pa, kasing bilis ng kidlat ang kilos at galaw niya. Ni hindi ko nga siya makitaan ng takot sa mukha.

Pero mukhang hindi basta-basta ang mga kalaban niya dahil mabibilis din ang mga kilos nito. Para lang silang nagbabawian ng lakas para sumugod.

Nanlaki ang mga mata ko nang may isang lalaki sa likuran ni Laurent ang akmang sasaksakin siya. Kaya naman bago pa niya ito magawa ay binato ko siya sa likod at saka sumugod.

Hindi pa ako gano'n kagaling sa mga pakikipaglaban kaya naman ang tanging nagawa ko lang ay sipain sila at yakapin para hindi makalapit kay Laurent.

Pero walang kahirap-hirap nila akong naitulak at muling sumugod kay Laurent. May iba pang mga kalaban ang dumating na siyang lalong nagpangamba sa akin.

Akala ko nga ay susugurin din nila ako pero nagulat lang ako nang lagpasan nila akong lahat at dumiretso sa kinaroroonan ni Laurent.

Doon ako nagtaka.

Bakit hindi nila ako sinasaktan?

Naputol ang nasa isip ko nang may mamataang isang lalaki mula sa 'di kalayuan na may hawak na isang pana't palaso at nakatutok ito sa direksyon ng presidente.

Dahil sa takot na matamaan niya ang presidente ay humarang ako at nakipagtitigan sa kanya. Gano'n din ang ginagawa niya sa akin habang hindi inaalis ang pana't palaso sa direksyon namin.

Maya-maya lang ay binitawan niya na rin ang hawak at saka walang anu-ano'y tumalikod. Agad ko siyang hinabol at hinarangan.

"Sino ka?" seryosong tanong ko kahit pa natatakot din sa ginawa.

Tumingin lang siya sa akin. Hindi ko makita ang mukha niya dahil sa suot na maskara pero alam kong seryoso siya at parang... galit?

"A-Anong kailangan ninyo sa amin?" kinakabahang dagdag ko pa at napalunok.

"Sa iyo, wala. Sa presidente, mayro'n. He needs to die!" mariing wika niya saka walang anu-ano'y umalis ng lugar.

Naiwan naman akong tulala at hindi makapaniwala.

Why does his voice sounds familiar?

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top