M 23: Masquerade Party
Chapter 23:
Tiningnan ko ang oras. 6:30 na pala ng gabi. 7PM magsisimula ang party pero heto ako, parang lantang gulay na nagsusuot ng gown.
Hindi ko alam pero para akong nawalan ng gana kumilos matapos ang naging huling usapan namin ni kuya kanina. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Hindi ko maintindihan kung anong sinasabi niya.
Napabuntong-hininga ako saka iwinaksi ang sinabi ni kuya. Saka ko na siya poproblemahin. Kinuha ko na lamang ang regalo ko kay Chief Laurent saka inilagay sa sling bag.
Lumabas na ako ng dorm. Pero natigilan ako nang may makitang isang black sticky note saying,
Kill him.
-S
Isang red marker pen ang ginamit. Kumunot ang noo ko.
Sino naman ang nagpadala nito? At sinong tinutukoy nitong patayin? Dapat ba akong kabahan sa note na ito? Parang hindi naman yata sa akin ang sulat. Na-wrong deliver siguro ang may gawa nito o baka naman trip lang akong takutin.
Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon saka bumaba na. Saktong nagkasalubong kami ni Honey kaya natuwa ako.
"Wow! You look stunning today!" nakangiting papuri ko sa kanya.
She is wearing a long blue gown paired with a blue mask covered with glittered feathers. Naka-pony tail ang buhok niya and I must say, ang ganda niya! Ibang-iba siya sa Honey na kilala ko. Parang hindi nga si Honey ang kaharap ko ngayon kasi mukha siyang model!
"Ikaw rin naman, napakaganda mo," tugon niya na pinasadahan ang suot ko.
Well, I'm just wearing a long maroon gown paired with a red glittered mask with three feathers on the corner. Since marunong ako sa hairstyle ay ginawa ko itong fish tail at inikot-ikot. Nilagyan ko rin ng white clip na may feather design sa gilid ng buhok ko.
"Tara na."
Sabay na naming tinungo ni Honey ang gymn. Ewan ko pero habang papunta kami roon ay hindi ko mapigilang kabahan. Feeling ko ay may masamang mangyayari. O baka naman masyado lang akong paranoid dahil sa sinabi ni kuya.
Pagdating sa loob ay bumungad sa amin ang makulay na at maingay na lugar. Maraming mga pabilog na mesa sa paligid at mga lights. Marami na ring mga tao rito at karamihan ay sumasayaw sa dance floor.
Naisipan naming pumwesto ni Honey sa bandang gitna malapit sa stage. Maya-maya lang ay may tumabi sa amin.
Si Thricia. Muntik ko na siyang hindi makilala kung hindi niya lang tinanggal ang maskara niya.
She's wearing a violet fish gown na fitted na fitted sa kurba ng katawan niya. Naka-curled up din ang buhok niya. She looks stunning tonight.
"What?" Tinaasan niya kami ng kilay nang mapansing nakatitig kami sa kanya.
"You don't have a date?" Iyan ang unang lumabas sa bibig ko.
"Why? You expect me to bring a pest?" Lalong umangat ang kilay niya.
"Uh, no..." sabi ko na lang saka ngumiti. Obvious naman na hindi siya mahilig sa mga lalaki.
Since may mga food naman sa table namin ay nagsimula na rin kaming kumain habang hinihintay mag-start ang event. Lalo ring dumami ang mga tao sa paligid.
"I thought the president would ask you to be his date," maya-maya'y tanong ni Thricia habang umiinom ng drinks.
"Akala ko rin," dagdag naman ni Honey sa akin.
"Hindi mangyayari iyan. Wala namang something sa amin aside from being his delivery girl and sparring partner," natatawang komento ko kahit parang nasasaktan ako sa loob ko. Weird pero ipinagsawalang-bahala ko na lamang iyon.
"Oh, really? I thought nag-level up kayo," sarkastikong tugon ni Thricia saka napatingin sa entrance ng gymn. "And speaking of."
Dahil sa sinabi niya ay napatingin din kami sa entrance. Doon pumasok si Dreyah habang nakakawit ang kamay sa mga braso ni Patrick. She's wearing a black long dress partnered with black mask. Patrick wears a black suit and tie.
Sumunod naman sa kanila si Dwiey na sa gulat ko ay ka-date ni Jenie. She is wearing a gray long gown while holding the mask. Same as to Dwiey. Both of them are smiling like an artist while waving to the people. Hindi ko mapigilang matawa.
Nagsama ang dalawang siraulo at baliw. Well, same cluster din naman sila kaya hindi na kataka-taka iyon.
"What a perfect couple. The sadist and the idiot man. Perfect match!" sarkastik na wika ni Thricia sa dalawa.
Sunod na pumasok sa gymn si Vincelee. Ka-date niya si Master Zefinah. She is wearing a black and white fitted gown and mask. She looks stunning though. Seryoso lamang silang dalawa.
Next to him is the person I expected to invite me a his date.
Si Chief Laurent. He is wearing tuxedo at ang guwapo niya sa messy hair look niya na halatang may gel. Well, guwapo naman talaga siya pero lalo siyang naging hot sa suot ngayon. He's also wearing a black mask.
Ang hindi ko ini-expect ay ang kasama niyang babae. Si Julie.
She is his date.
Julie was wearing a white gown and mask. Nakalugay lang ang kulot nitong buhok. She looks like an angel na may kasamang demonyo sa gilid.
Unlike Laurent who have a serious face, Julie is smiling from ear to ear with a confidence look on her face.
Hindi ko mapigilang manliit at makaramdam ng kakaibang selos habang pinagmamasdan silang dalawa. They're a perfect match! Bagay na bagay silang dalawa at iyon ang masakit sa akin.
Naramdaman yata ni Chief Laurent na nakatitig ako kaya naman ay agad siyang napatingin sa mesa namin. There, our eyes met. In an instant, I feel something on my stomach.
Something na ngayon ko lang naramdaman. His stares are also giving me a chills and making my heart to beat like a wild animals.
Ako na lang ang unang umiwas ng tingin. Feeling ko nasasaktan ako sa nakikita ko. Napalunok na lang ako ng laway.
"It looks like Chief Laurent is trying to keep on with his responsibility rather than recognizing what he really wants," makahulugang puna ni Thricia saka tumingin sa akin.
Kumunot lang ang noo ko dahil hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.
Saktong nagsimula na ang events sa pangunguna ni Dreyah.
"Good evening, ladies and gentlemen. We are all gathered here tonight to celebrate the most important event in our school," panimula ni Dreyah. Nagpalakpakan naman ang mga tao. Tuloy-tuloy lang sa opening speech si Dreyah. Nagbigay naman ng kaunting speech si Mr. Monzalis, ang dean ng school at iba pang mga panauhin.
Miski ang dakila kong kuya ay nakita ko sa gilid ng stage at katabi ang ibang mga alumni officials. Hindi ko mapigilang mapatitig sa kanya. May kausap siyang isang lalaki at katabi naman niya sa gilid si Master Colleen na hindi ko inaasahang magkakilala pala.
Muling sumagi sa isip ko ang naging usapan naming dalawa.
Wait... The person that she's pertaining to me...
Is it my kuya?
Ibig sabihin, matagal na niyang alam na si Gabriel ang kapatid ko? Pero bakit hindi niya sinabi sa akin?
"Hello, guys! Still alive yet?" muling saad ni Dreyah dahilan para maputol ang iniisip ko. "We are done with our program. Now let's head forward to the most exciting part of this event! Ladies and gentlemen, I take you must be ready to hold on to your date partner as we dance to the rhythm of our victory!"
Nagpalakpakan ang mga tao. Ang iba naman ay naghiyawan.
"Wait, wait, wait! There's more! Let's be led by our former SC President as he chooses to dance with the most beautiful lady his eyes have ever seen tonight! The lady that has been chosen is automatically the queen of the night and has the privilege to level up and take a wish to our dean as a part of her prize!"
Dahil sa sinabi ni Dreyah ay agad akong napatingin kay Kuya Gab na ngayon ay kinakausap si Master Colleen. Nakangisi pa si kuya samantalang halata namang kinilig si Master Colleen sa sinabi nito.
"Grabe, sana ako ang mapili ni Gab!" dinig kong sambit ng mga katabi namin.
"Asa ka pa. Si Master Colleen ang pipiliin niya for sure."
"Baliw! Hindi naman estudyante si Master Colleen, e!"
"Ay, oo nga pala! May pag-asa pa tayo!"
Napailing ako sa mga narinig saka muling tumingin kay kuya. Pati ako kinakabahan sa babaeng pipiliin niya.
"May the best among all girls win," nakangising sambit ni Thricia habang nakatingin din sa kuya ko.
"So, girls? Are you ready?!" Sabay-sabay na sumagaw ng yes ang mga babae sa pahayag ni Dreyah. "If you're all ready, Former President Gab, the stage is yours."
Natahimik ang buong paligid at napalitan ng malumanay na tugtog ang speaker nang tumayo si Kuya Gab.
Ngumiti muna siya sa maraming tao bago dahan-dahang naglakad sa gitna. Saktong nagtama ang mga paningin namin kaya lalo akong kinabahan nang dumiretso siya sa mesa namin!
Oh, no... Don't tell me ako ang isasayaw niya?
Nagsimula akong mataranta nang lumapit siya sa mesa. Humarap siya sa akin at dahan-dahan yumuko at inilahad ang mga kamay.
Napalunok ako nang magsalita siya.
"May I have this dance?"
Automatic akong napatingin sa buong paligid. Lahat ng mga tao ay nakatingin sa amin habang nakanganga at gulat na gulat. Si Thricia at Honey naman ay gano'n din ang reaction sa mukha.
Namataan ko rin si Chief Laurent na seryosong nakatitig sa akin habang hawak ang isang wine. Talaga namang nakakakilabot ang lamig ng tingin niya.
Napalunok na lang ako at muling bumaling kay kuya na ngayon ay pasimple akong dinidilatan ng mata para tanggapin ang alok niya.
Napakagat na lamang ako ng labi at saka pikit-matang tinanggap ang kamay niya.
"Now, the king has finally found his queen! Let's give them a round of applause as we dance together to their rhythm!" pahayag ni Dreyah.
Dahil doon ay nagsitayuan na rin ang mga tao. Dinala ako ni kuya sa dance floor at nagsimula kaming sumayaw. Nagtitigan kaming dalawa. Tila nagpapakiramdaman.
Maya-maya lang ay nagsalita siya.
"Did you know why I chose you?" mahinang tanong niya. Hindi ako nagsalita. Dumungaw naman siya sa akin saka inilapit ang bibig sa aking tainga.
"I chose you because I want you to leave this place, Alyana. Make that a request to your dean," bulong niya dahilan para mapakurap ako at matigilan.
"Is it because I'm in danger?" balik-tanong ko sa kanya.
"Yes."
"Then I won't."
Akmang aalis ako nang muli niya higitin ang bewang ko at seryoso akong tiningnan sa mga mata.
"Listen to me, little princess!" mariing wika niya, halatang frustrated na siya sa akin. He always call me little princess before if he wants to have bonding with me. Pero ngayon ginamit niya ang endearment na iyon dahil galit siya.
"Look, I am doing this for you to be safe, Alyana. Don't be such a hard headed woman!" muling sambit niya.
"Stop it, kuya! Hindi kita maintindihan, alam mo ba iyon? You said I'm in danger when in fact, I am already facing danger the moment I step my foot in this school!" galit kong turan.
Medyo natigilan siya dahil doon kaya naman ay nagpatuloy ako.
"You don't know what I've been through, kuya. Palibhasa kasi nagpapakasarap ka sa buhay mo at nakalimutan mo na kami ni mama!" dagdag ko.
"Alyana—"
"If I am really in danger, then I'm not afraid to face it!"
"Damn it, Alyana—!" Pasimpleng napahawak ng kanyang buhok si kuya nang biglang may lumapit sa amin.
"Excuse me, if you may, can take Gabriel for a dance?" Napalingon kaming dalawa ni kuya kay Master Colleen na hindi namin namalayang nakalapit na pala.
Nakangiti siya sa akin saka tumingin kay kuya. Dahil sa hiya ay agad akong bumitaw kay kuya.
"Ah, s-sure po," sagot ko at ngumiti sa kanya.
"Thank you."
Tumango lang ako kay Master Colleen bago sulyapan ang seryosong mukha ni kuya at tumalikod.
Akmang babalik na sana ako sa mesa naming nang may biglang humigit ng kamay ko at isinayaw ako sa dance floor.
Agad kumalabog nang husto ang puso ko nang magtama ang mga paningin namin ng lalaking may ibang ka-date kanina.
"C-Chief..."
He stared at me. His serious yet very attractive face almost melt my toes. Hindi ko alam pero parang hinuhukay ng kanyang mala-dagat na mata ang aking pagkatao. His presence also made me comfortable and I don't know why.
"Tell me, Alyana... Have you fallen in love with the former SC president? Did you love him at first sight?" seryosong tanong ni Chief Laurent dahilan para mapanganga ako.
Like, ha?! Why would I fall in love with my own brother?
But then again, I remember, hindi pala nila alam na kapatid ko ang dating SC president. Iba rin naman kasi ang apelyidong dinala ni kuya. Isang Yalcor. Ang apelyido ni mama sa pagkadalaga.
"Answer me, lady!" muling sambit niya nang mapansing nakatitig lang ako.
Hindi ko mapigilang mapangisi. Ewan ko pero natutuwa ako sa reaction ni Laurent ngayon. He sounds like a jealous boyfriend.
"Ano ngayon kung na-love at first sight ako sa kanya?" pang-aasar ko pa. Dahil doon ay kumunot ang noo niya na tila hindi nagustuhan ang sinabi ko.
"So, you do?!"
"Why? Hindi ba ako pwedeng magkagusto kay Gab?" tugon ko habang pinipigilang matawa sa reaction niyang tila pikon na pikon at gusto nang manuntok ng tao.
"Of course, lady! You are not allowed to love him! He's older than you!"
"Age doesn't matter."
"But he will only hurt you! He doesn't love you!"
"How can you say so?"
"Because— damn it, Alyana!" Napamura siya saka hinigit ang bewang ko. Ngayon ay magkadikit na ang mga katawan namin at hindi ko mapigilang makaramdam ng kakaibang sensasyon sa init ng kanyang katawan. I could also feel his fast heart beat.
Napalunok ako nang magtama ang aming mga mata. Ilang inches na lang ang layo namin sa isa't isa.
"I'm telling you, Alyana. Stay away from him. He's dangerous," muling sambit niya sa mga mata ko.
"So as you, Chief Laurent," sabi ko at nilabanan ang nakakatunaw niyang tingin.
"I am not like him, Alyana."
"You are, Chief," sabi ko. Muli kaming nagtitigan sa isa't isa habang dinadama ang kanta. Maya-maya lang ay may bigla akong naalala kaya naman ay agad kong binuksan ang bag na dala at iniabot sa presidente ang hawak.
Nagtatakang tiningnan niya ang tumbler bago bumaling sa akin.
"That's supposed to be my gift to you when I get back here. Pero dahil marami ang nangyari ay nakalimutan ko na kaya ngayon ko lang naibigay," wika ko saka nahihiyang ngumiti. "S-Sana nagustuhan mo—"
Nagulat ako nang bigla akong yakapin ni Chief Laurent. Ang gaan ng yakap na iyon pero ang sarap sa pakiramdam.
"Thank you," bulong niya sa akin. Napangiti naman ako at niyakap siya pabalik.
"You're welcome."
"I was waiting for this, Alyana," nakangiting wika niya habang nakatingin sa hawak. "I thought you already forgot."
"Kasi naman kung—"
Hindi ko naituloy ang aking sinasabi nang biglang mag-off ang mga ilaw. Kaagad na nataranta ang mga tao kabilang na ako roon lalo na nang makarinig ako ng putok ng baril.
"Damn!" Nagulat ako nang bigla akong hilain ni Chief papunta sa isang sulok. Nagsisigawan ang ibang mga estudyante.
"A-Anong nangyayari?" natatakot at natatarantang tanong ko nang sunod-sunod ang mga putok ang naririnig ko.
"Stay right there, Alyana. I'll be back."
"Laurent, wait—" Wala na akong nagawa nang hindi ko na maramdaman si Chief Laurent.
At dahil madilim nga sa paligid ay wala akong ibang nakikita. Napakapa tuloy ako sa mga mesa habang pilit na binabaybay ang daan palabas gymn. Sa dami ng mga estudyanteng nagwawala ay hindi ko namalayang may bumangga sa akin dahilan para lumugmok ako sa sahig.
Maya-maya lang ay nawala na ang mga putok na naririnig ko. Kasabay noon ay ang muling pagkakaroon ng ilaw sa paligid.
Agad akong tumayo at inilibot ang paningin sa buong lugar. Wala nang tao sa paligid maliban sa mga SC officials at iilang mga alumni na may hawak ng baril habang nakapalibot sa isa't isa. Nakatingin sila sa paligid at alerto.
Pero wala sa paligid si kuya at chief!
Dahil doon ay agad akong lumabas ng gymn at hinanap ang dalawa.
Hindi naman ako nabigo dahil agad ko silang nakita sa gilid ng isang building. Nakatayo sila sa isa't isa habang nakatutok sa kanilang mga leeg ang mga hawak nilang espada.
Napasinghap ako sa nakita at agad na tumakbo palapit sa kanila.
"Stop!" sigaw ko dahilan para mapunta sa akin ang atensyon nila. Doon ko napansing may tatlong patay na tao sa paligid. Nakasuot ito ng parang ninja outfit.
"Alyana... Stay out of this!" seryosong wika ni Chief Laurent saka tumingin kay Kuya Gab.
"It seems like you are closed to each other," saad naman ni kuya at bahagyang ngumisi.
"It's none of your business," tugon ni Chief Laurent.
"Uhuh?"
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung sinong lalapitan ko.
"C-Can you please put down all your swords?" kinakabahang sigaw ko sa kanila.
Walang nakinig miski isa sa kanila. Nakatitig lamang sila sa isa't isa at ramdam ko ang tensyon sa dalawa. Na-stress ako bigla.
"Just put down your swords, please!" muling sigaw ko. "Put that thing down or else—"
Kinuha ko ang isang espada na nakita sa lupa at itinutok ito sa aking leeg. Nagulat naman ang dalawa sa ginawa ko.
"Alyana—"
"Kapag hindi niyo ginawa ang sinabi ko ay papatayin ko ang sarili ko sa harapan ninyo, sige! Subukan niyo ako!" banta ko pa kahit nanginginig na ang mga kamay ko sa takot.
Hindi ako tanga para magpakamatay na lang bigla, 'no?
"Tsk!" Napasinghal na lang si kuya at nauna nang ibinaba ang espada.
Masama ang tinging ipinukol niya sa akin bago umalis ng lugar.
Naiwan na lamang kaming dalawa ni Chief Laurent. Agad naman siyang lumapit sa akin at kinuha ang hawak kong espada.
"You shouldn't have done that, Alyana!" mariing wika ni Chief Laurent saka chineck kung may sugat ba ang leeg ko.
Tinulak ko siya palayo at saka siya sinamaan ng tingin.
"You shouldn't have done that also, Chief Laurent! Both of you are giving me heart attacks!" sigaw ko saka tiningnan ang mga nakahandusay na tao sa lupa. "A-And who are they?"
Tinuro ko ang mga ito.
"It's better if you know nothing, Alyana."
"Just tell me, Laurent!" hindi ko napigilang bulalas. Huli na nang ma-realized ko na first kong masabi ang pangalan niya.
Bahagyang nagulat doon ang kaharap ko saka napatitig sa akin. Napalunok na lang ako saka umiwas ng tingin.
"J-Just tell me what happened. Hindi mo alam kung gaano ako nag-aalala at natakot kanina baka may nangyari nang masama sa inyo! S-Saka hindi kayo dapat nag-aaway ni—"
To my surprise, he hugged me so tight! Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya lalo na nang isinuksok niya ang kanyang mukha sa aking leeg. It gives me sensation down to my spine.
"I'm sorry I if make you feel that way," bulong niya sa akin. "Don't worry, Alyana. I'll promise to protect you at all costs. Just please take care of yourself."
"C-Chief—"
"Also, just call me Laurent. I love it better when you call me that."
Natameme na lang ako sa kanya.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top