M 22: Unexpected Alumni
Chapter 22:
The event went smoothly. Nagbigay ng kaunting speech si Gabriel which is my missing brother for almost a year now. He then took his seat at the vacant chair in the center of the stage.
Sa buong event, wala akong ginawa kundi ang titigan siya. Samantalang pasulyap-sulyap din ang ginawa niya sa akin.
Parang gusto kong tumayo rito at sugurin siya. Hindi niya alam kung gaano nag-aalala sa kanya si mama tapos siya ay nagpapakasaya mag-isa sa buhay niya?
Worst, ngayon ko lang nalaman na dito pala siya nag-aral dati at isa pang presidente! How come na nag-aral siya rito, e, for all I know, he finished his studies on state!
Don't tell me he lied to us? Kailangan niyang magpaliwanag sa akin.
"Grabe, bakit lahat ng SC President ay puro mga guwapo?" namamanghang saad ni Honey habang nakatitig sa walangya kong kuya. "Required ba iyon to become a president?"
"Of course not!" agarang tugon ni Thricia at umirap. "Sadyang magaling lang siya."
"Kilala mo ba si Gabriel? Kuwentuhan mo naman kami, Thricia!"
Kunot-noong lumingon kay Honey si Thricia bago muling humarap sa stage at nagsalita.
"Gabriel was one of the most influential people during his term, around 5 years ago. At that time, killing was still allowed here. You can see dead people everywhere, flogged with blood. Those people who can kill a lot of people can have the highest rank and privileges. That's how the dean held the school before," panimula ni Thricia. "However, when Gabriel killed the former SC president during the test, everything changed. He became the new president and used his privileges to change the school premises. He's the first person who changed Rule Number 1, "No one is allowed to kill." Of course, many students contradict his decision because they used to love killing. Many people were also delighted with joy upon hearing the news."
Napanganga ako sa sinabi ni Thricia. Hindi ko inaasahan na gano'n ang ginawa ni kuya rito. Sa tuwing uuwi kasi siya ng bahay noon ay para siyang isang maamong tupa na naglalambing kay mama at sa akin.
Ibang-iba sa kuya na nakikita ko ngayon.
"Wow... Ang laki pala ng ambag niya rito. Saka hindi ko akalaing naging killing school pala ito dati?" komento ni Honey.
"Yeah. Bago naging presidente si Gabriel ay hindi niyo ma-i-imagine kung gaano ka-chaos ang paaralan dati. Baka nga kung naabutan niyo pa ang taon na iyon ay baka wala na kayo rito."
The information is too much to take in. Parang na-i-stress ako nang malamang kaya palang pumatay ni kuya? Paano na lang 'pag nalaman ito ni mama? Baka mahimatay iyon.
Dahil sa nalaman ay mas naging pursigido akong kausapin si kuya. Kaya naman noong saktong natapos ang event ay hinanap at sinundan ko siya.
Naglakad siya sa hallway kasama ang ibang mga alumni officials. Pinagtitinginan naman siya ng mga taong nadadaanan niya. Karamihan ay mga babae na kung tingnan si kuya ay hinuhubaran na. Well, I can't blame them. My brother is gorgeous as hell!
Hindi na ako magtataka kung bakit maraming gustong babae ay maka-date siya. Hitsura pa lang literal na pamatay na!
Saktong lumiko ng daan si kuya at humiwalay sa mga kasama niya kaya naman ay kinuha ko ang oportunidad na iyon para lapitan siya.
Pumasok si kuya sa isang CR na agad ko namang sinundan. Pagpasok ko ay agad na sumarado ang pintuan at ini-lock iyon ng kuya ko.
Agad siyang bumaling sa akin at kunot-noong lumapit.
"What are you doing here?" seryoso at galit na tanong niya sa akin.
"I should be the one asking you that, dear brother," galit ko ring turan saka sinamaan siya ng tingin. Agad namang nagsalubong ang mga kilay niya sa inis at hinawakan ako sa braso.
"You shouldn't be here, Alyana," mariing wika niya.
"You also shouldn't be here, kuya! Alam mo bang matagal ka nang hinahanap ni mama tapos dito ka lang pala makikita? Worst, isa ka pa palang dating presidente! You lied to us!" inis na tugon ko saka tinulak siya palayo sa akin. "Akala ko ba sa ibang bansa ka nagtapos ng pag-aaral? Was it all a lie?!"
"Damn it, Alyana!" Napahawak siya sa kanyang sintido at frustrated na tumingin sa akin. "This is not the right place to talk about my educational background!"
"Then, tell me! Why did you lie to us? Pinaniwala mo kaming nag-aral ka sa ibang bansa dati!"
"I only did that because I don't want you and mom to worry about me! I don't want you to get involved with this goddamn shit!"
Natigilan ako sa sinabi niya at natatakang tiningnan siya.
"W-What do you mean?"
"Alyana, listen." Muli siyang lumapit sa akin at hinawakan nang mahigpit ang magkabilang braso ko saka ako tinitigang maigi sa mga mata. "I want you to quit now. Leave this place ASAP!"
"W-What? Why?!" kunot-noong tanong ko.
"Just do as I say!"
"You know I can't do that, kuya!" sabi ko at muli siyang tinulak. "First of all, I can't easily leave this place dahil hindi naman lingid sa kaalaman mo na maraming bantay sa labas ng school at isa pa, bawal mag-drop dito unless patay na ako! Alam mo naman sigurong isa lang ang paraan para makaalis dito at iyon ay ang maka-graduate!"
"F*ck!" Napamura na lang siya sa inis at sinipa ang trash bin sa gilid. Namumula ang buong mukha niya dahil sa galit at hindi ko maintindihan kung para saan iyon.
Maya-maya lang ay muli siyang tumingin nang seryoso sa akin.
"You're so dumb, Alyana. Dapat hindi ka pumayag na magpa-transfer dito!" muling saad niya.
"As if namang kaya kong pigilan ang desisyon ni papa? Isa pa, out of nowhere ka buong taon!" tugon ko dahilan para lalo siyang mapamura sa inis.
"That old man!" he hissed.
"Kuya, can you please tell me what the hell is happening? What do you mean by you don't want to involve us?" muling tanong ko sa kanya.
"Trust me, you don't want to know," seryosong turan niya.
"I want to know, kuya! Ano ba talagang nangyayari?" pamimilit ko pa. Nagsimula na rin akong kabahan.
Pumikit nang mariin si kuya at humugot ng malalim na hininga bago muling bumaling sa akin.
"You're now in danger, Alyana. Iyan lang ang masasabi ko sa iyo."
Then he left, leaving me confused and dumbfounded.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top