M 21: Date

Chapter 21:

"Continue, Alyana."

Sinipa ko ang nakasabit na bola sa kisame.

"Isa pa."

I did it again.

"Go on."

And again.

"One more time."

"Hiyaah!" Napaupo ako sa sahig at pagod na pagod na pinunasan ang aking pawis sa noo.

"Ayoko na! Tama na!" sabi ko kay Chief Laurent. Kanina pa kasi kami rito sa mini-gymn niya at nagpa-practice ng karate chuchu. Actually, tatlong araw na kaming nagpe-personal training. Parang hindi nga ito parusa tingnan. Bagkus ay nagmukhang personal trainor ko si Chief Laurent.

Malapit na ring sumuko ang mga kamay at paa ko kaka-stretch, suntok at sipa ng mga matitigas na bagay at punching bag. Feeling ko nga rin ay mahihiwa na ang mga paa ko sa araw-araw na warm-up exercise at split.

Hindi ko tuloy alam kung matatawag na suwerte o malas ang maging training partner ko si Chief Laurent. Hindi ko rin mahanap ang punto niya kung bakit kailangan ko pa itong gawin aside sa gusto niya ako maging sparring partner.

Malapit ko nang isipin na sinadya niya itong mangyari dahil mahina ako at walang papel sa skuwelahang ito ang mga kagaya ko.

"C'mon, Alyana. You must keep going. There's no room for a weak people," seryosong tugon ni Chief Laurent saka inilahad ang kamay para patayuin ako.

"Anong magagawa ko kung weak ako? Hindi rin naman ako nababagay rito," tugon ko saka hindi pinansin ang kamay niya.

Actually, malapit na akong mainis. Siya naman ay pigtis na ang pisi ng pasensya noong day 2 pa lang ng training namin.

Hindi niya naman ako sinisigawan dahil binubulyawan lang. Madalas nga ay nagkakasagutan na kaming dalawa kapag napipikon na rin ako sa mga gusto niyang gawin ko.

Mabuti na lang at hindi pa kami umaabot sa gano'ng punto ngayong araw.

"Tsk! You're such a hard headed lady!" asik niya at walang anu-ano'y puwersahan akong itinayo. Sumubsob tuloy ang mukha ko sa pawisan at well-built body niya. As usual, nakasando lang siya.

"Can we just have a break time first? Nauuhaw na ako," reklamo ko pa.

"Tsk!" Sinamaan niya ako ng tingin saka tumalikod. Pagbalik niya ay may dala na siyang isang baso ng tubig na agad ko namang kinuha at ininom.

"Salamat," ngiti ko.

"That's not free," tugon niya saka muling tumalikod at kumuha ng punyal. "Now, throw it again until you make it."

Napasimangot na lang ako sa kanya saka kinuha ang punyal kahit labag sa kalooban ko. Hinagis ko ulit ang punyal sa target board nang paulit-ulit. Kailangan ko raw matamaan ang main target kahit anong mangyari.

"So, what's the latest news about Havier's death?" maya-maya'y tanong ko kay Chief Laurent. Ngayon na lang kasi ulit pumasok sa utak ko ang tungkol doon.

"We're still working on it, Alyana." Sumandal siya sa pader at matamang tumingin sa akin habang nakapamulsa.

"Still, no possible suspect pa rin ba?"

"Why are you so curious about it?" bagkus ay tanong niya.

"Why? Bawal na ba? He's our schoolmate."

"Exactly my point. He's just a schoolmate. Not your friend or whatsoever."

"Grabe ka naman!" angil ko saka sinimangutan siya. "Aba, kahit masama ang ugali no'n ay tao pa rin siya at nangangailangan ng hustisya! Kung tutuusin ay wala pa sa kalingkingan mo ang ugali niya. Mas masahol ka kaya!"

Saka ko muling inihagis ang punyal na hawak.

"And?" Tinaasan niya lang ako ng kilay, tila na-a-amuzed sa akin.

"So, basically, there should be a progress regarding his case and I must aware of that. Isa pa, 'yong sa case ni Ella, alam kong hindi pa case closed iyon. Baka naman may progress na kayong puwedeng i-share sa akin?" tugon ko habang sunod-sunod na hinagis ang mga punyal.

"That's a very confidential case, Alyana. No one is allowed to get any information about that."

"Alam mo para kang others. Ako na nga ang nadamay sa kaso pero ako pa ang hindi nakakaalam ng progress?"

"It's better if you focus on your trainings, Alyana. I don't want any hindrances on your mind."

"Pero—"

"Just trust the officials to do their job, Alyana. We are only protecting the security and privacy of each of everyone of you so please stop asking me about their cases. Ayaw mo naman sigurong lumala ang problema, 'di ba?"

Natahimik ako sa sinabi niya. May punto naman kasi siya.

Pero kahit na, 'no! May karapatan pa rin kami lalo na ako na malamang ang tungkol sa progress ng pagkamatay ni Ella dahil na-involved ako roon. I just want to clear my name pero mukhang ayaw ni Chief Laurent.

O, baka naman kasi ay alam na nila ang tunay na nangyari pero hindi lang sila nagsasalita dahil may pinoprotektahan nga sila?

"Stop thinking about it now, Alyana. Just focus on your own progress," wika ni Chief na tila nababasa ang isip ko.

Napabuntong-hininga na lang ako saka muling nagpatuloy sa ginagawa.

***

"Alyana! Alyana!" Napatigil ako sa ginagawang warm up sa klase ni Sir Jayson nang biglang lumapit si Honey. Nagmamadali siya at tila excited.

"Bakit?"

"Alam mo na ba?"

"Ang alin?"

"Karamihan sa mga schoolmates natin ay may mga date partner sa gaganaping Masquerade party bukas!"

Napakunot lang ang noo ko sa sinabi niya.

"Don't tell me required iyan?" sabi ko.

Please, don't. Dahil paniguradong hindi ako dadalo kapag required ang may date. Wala naman kasing magkakamali na yayain ako. Isa pa, hindi ako sanay at hindi rin ako handa.

Kung hindi nga lang sa box na natanggap ko galing sa aking ama ay hindi talaga ako a-attend.

Magtataka na nga sana ako kung bakit niya ako binilhan ng gown kung hindi ko lang din nakita ang box para kay Thricia at Honey. Lahat yata ng mga estudyante ay pinadalhan.

Malamang ay alam na ni papa ang tungkol sa anniversary party.

"Hindi naman required. Pero napapaisip ako na baka si Chief Laurent ang ka-date mo," tugon ni Honey dahilan para matawa ako.

"Bakit mo naman nasabi iyan?"

"E, kasi, 'di ba? Napapansin ko na napapadalas ang pagkikita ninyong dalawa." Ngumuso siya.

"Dahil sa punishment lang iyon," tugon ko na may halong pagkadismaya. Hindi ko alam pero parang nainis ako sa isipin na kaya lang kami nagkikita ni Chief Laurent ay dahil sa punishment.

"O, bakit parang naiinis ka?" Biglang ngumisi ng nang-aasar si Honey.

"Hindi, ah? Ba't naman ako maiinis?" tanggi ko pa saka umiwas ng tingin.

"Ano lang? Nadismaya?"

"Hindi rin, 'no! Bakit ba natin pinag-uusapan ang Chief na iyon? Iba na lang!" sabi ko pa.

Natawa lang siya sa reaction ko. "Feeling ko crush mo si Chief."

Agad nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Anong— hoy, hindi, 'no!" agarang pagtanggi ko saka tumingin-tingin sa paligid baka may nakarinig.

"Sus! E, bakit parang defensive ka? Saka ang pula ng mukha mo, oh!"

Agad akong napahawak sa mukha ko. Naman, e! Talaga bang namumula ako o inaasar lang ako ni Honey?

"Joke lang. Hinuhuli lang kita." Muling natawa si Honey. Ako naman ay sumimangot lang. Hindi nakakatuwa ang joke niya. Nakakakaba mismo dahil baka marinig ng iba at kuyugin pa ako.

"Anyway, ayos lang naman sa akin kapag niyaya ka ni Chief Laurent as a date. I don't mind," muling sambit niya saka ngumiti. "Kaya ko namang pumasok sa party na mag-isa."

"Malabo iyan," tugon ko. "Malakas ang  pakiramdam ko na hindi ako yayayain ni Chief Laurent."

"Bakit naman?"

"I don't know." Nagkibit-balikat na lang ako saka muling nagpatuloy sa ginagawa.

"Okay... If you say so," sabi niya na lang din saka muling bumalik sa puwesto.

Hindi ko tuloy mapigilang mapaisip. May chance ba kaya na yayayain ako ni Chief Laurent na maging date? Tatanggapin ko ba kung sakali?

Pero what if hindi?

A part of me wants to date him. But the other half says no.

A part of me says he would, but the other half says he wouldn't.

Okay... My mind is in trouble again.

***

Today is the day! Anniversary day is coming!

Maaga akong nagising dahil mamayang alas nueve ay magkakaroon ng opening ceremony na dadaluhan ng mga namumuno sa school.

Hindi ko pa nakikita si Chief Laurent simula kahapon. Hindi naman sa gusto ko siyang makita pero inaabangan ko siyang magyaya sa akin as a date.

Okay, assuming na kung assuming pero umaasa talaga akong yayayain niya ako. Pero ang magiging sagot ko ay 'no'.

Natawa na lang ako sa naisip. Para akong siraulo. Gusto ko siyang tanungin ako pero ire-reject ko naman. What's the point of asking, right?

Ipinilig ko na lang ang ulo. Hindi ko na dapat siya isipin dahil wala rin namang saysay.

Nagbihis na lang ako ng damit. Saktong nakita ko sa drawer ang regalo na ibibigay ko sana kay Chief Laurent noong nagbakasyon ako.

Pero tinamaan ako ng hiya at naghahanap ako ng tamang tiyempo kung paano ko ibibigay sa kanya ang regalo.

Napabuntong-hininga na lang ako. Mamaya na lang siguro sa party.

Tiningnan ko ang oras. 8:30 na. Malapit nang magsimula ang ceremony kaya naman ay lumabas na ako ng dorm.

Saktong naabutan ko sa lobby si Thricia at Honey na nag-uusap kaya natuwa ako.

"Good morning!" nakangiting bati ko sa kanila.

"Hello, Alyana! Buti naman at nandito ka na! Ikaw na lang talaga ang hinihintay namin ni Thricia!" nakangiting sambit ni Honey.

"Talaga?"

"Let's go."

Nagpamauna nang naglakad si Thricia. Kami naman ay nagkatinginan muna ni Honey bago sumunod sa kanya.

"Hindi ka ba tinarayan ni Thricia?" bulong ko sa katabi.

"Hindi. Nakakapagtaka nga, e. Normal niya akong kinausap kanina about sa party. Like, hindi talaga siya nagtataray o nagsusungit."

Napangiti naman ako. "Talaga? Baka good mood kasi walang period—"

"I can hear you both."

Nagtawanan kami ni Honey. Sinamaan naman kami ng tingin ni Thricia kaya naman ay tumahimik na lang kami.

Pagdating sa gymnasium ay marami na agad tao. Halos puno ang mga upuan. Karamihan ay nasa unahan. Naisipan namin na umupo sa tatlong bakanteng upuan na nasa bandang gitna.

Hindi ko alam kung aksidente lang ba na bakante ang mga upuan na iyon o baka tadhana talagang kami ang uupo roon.

Saktong pagpatak ng alas nueve ay pumasok na rin ang mga SC officials na as usual ay nasa harapan umupo. Kasunod nila ang sunod-sunod na pagpasok ng mga hindi kilalang tao na tumabi sa kanila ng upo.

Marami-rami din sila at halatang hindi estudyante rito. Sinundan sila ng dean at iba pang mga opisyales. Ito na siguro ang mga alumni.

"Mukhang inaabangan talaga ng mga alumni ang araw na ito, ah," puna ni Thricia dahilan para mapatingin kami sa kanya.

"Why?"

"It's a big event, you know? Everybody loves to visit our school."

"Talaga?"

"Yes."

"Good morning, everyone!" panimulang bati ng emcee na walang iba kundi si Dreyah. "Today is the 25th Anniversary of M-School. As expected, a lot of alumni are present. However, there's someone I'd like you to meet. So, before we start, allow me to introduce to you all the very first person who got the privilege to change the number 1 of rules and regulations. The first person who fights to protect their own lives. Please give him a round of applause as we welcome our former Student Committee President, Gabriel Yalcor!"

Nagpalakpakan ang lahat ng tao nang may isang lalaki ang umakyat ng stage. Humarap siya sa mga tao at seryosong yumuko.

Gano'n na lamang ang gulat na namutawi sa mukha ko nang makilala siya.

From his usual aura, the dominance, strict face and very manly yet attractive face and posture makes me almost fell on the floor.

Saktong tumingin siya sa paligid at sa 'di inaasahang pangyayari ay huminto ang kanyang paningin sa akin. Kagaya ko ay nabakasan din siya ng pagkagulat sa mukha. Tila hindi niya rin inaasahang makikita ako rito.

Napalunok ako bigla saka napatitig sa kanya.

Ang lalaking ito! Sa tagal ng kanyang pagkawala ay hindi ko aakalaing dito ko lang pala siya makikita.

Worst, isang former SC President pa!

Naikuyom ko bigla ang aking mga kamay.

"Kuya..."

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top