M 20: Assigned task
Chapter 20:
Tiningnan ko ang oras. It's already 10 PM. Gising na gising pa rin ang diwa ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kanina.
"Martin..."
"Stop it, Jennifer," seryosong wika ni Martin sa kanya. "Don't kill her."
Agad na lumukot ang mukha ng babae sa narinig.
"Don't kill her? Martin, you are still siding her up until now! Ano bang mayro'n sa babaeng iyan na wala ako?!" biglang sigaw ni Jennifer na siyang ikinagulat ko.
Pero tila hindi naman naapektuhan si Martin sa sinabi ng nobya niya.
"She is not like you, Jennifer. She's a total opposite."
Napalamugat ako sa sinabi ni Martin. Did I hear it right? Talaga bang sinabi niya iyon?
My goodness! Ito ang unang pagkakataon na ipinagtanggol niya ako! At nakakapanibago!
Ang Martin na kilala ko ay parang si Jennifer din, balak akong pahirapan at patayin. Pero iba ngayon.
Feeling ko tuloy hindi si Martin ang nakikita ko.
"Really, Martin?" Mapaklang natawa si Jennifer. Pero unti-unti nang nanubig ang kanyang mga mata. "She's a total opposite of me that's why you chose her over me? Martin, tell me. Do you love that bitch?"
Hindi sumagot si Martin. Bagkus ay nakatitig lamang ito sa kanya.
"Sagot!" sigaw ni Jennifer.
"You already know the answer, Jennifer," bagkus ay naging tugon lang ni Martin.
Doon na tuluyang bumigay si Jennifer. Tuluyan na ngang bumagsak ang mga luha sa kanyang mga mata. Pain is visible. Hindi ko mapigilang makaramdam ng awa sa kanya.
"So, you really love her." Muli siyang tumawa saka pinunasan ang mga luha sa pisngi. "Bakit pa ba ako nagtanong? E, sa simula pa lang ay alam ko naman na. Simula nang dumating ang babaeng iyan dito ay nawalan ka na rin ng gana sa relasyon natin. Ha! You're such a retard!"
Walang anu-ano'y umalis si Jennifer. Naiwan naman ako kasama si Martin at ngayo'y na-speechless sa huling sinabi ni Jennifer.
Napabuntong-hininga ako. Feeling ko sasakit ang ulo ko sa mga nangyayari. Why would Martin protect me from his girlfriend? That's very odd.
Sa pagkakaalam ko talaga ay gusto niya na rin akong mawala sa mundo pero iba ang nangyari kanina. Talagang nakakagulat ang ginawa niya.
Dahil tuloy sa nangyari ay mas lalo akong nawalan ng gana pumasok. Hindi ko na rin hinatid ang breakfast at lunch ng presidente dahil wala nga ako sa mood. Even sa mga classes ko ay lutang ako at hindi nakikinig.
Tumayo na lang ako at kinuha ang jacket. I need to unwind. Feeling ko ako ang nai-stress sa complicated status ni Jennifer at Martin.
Lumabas ako ng dorm. Nagpalinga-linga ako sa paligid. I need to be sure if the place are safe. Baka maulit na naman ang nangyari noon at iyon ang kinatatakutan ko.
Isa pa, wala akong ka-ide-ideya kung sino ang mga ninja pips na iyon at iyon ang mas lalong nakakapagdelikado. Mas nakakapangamba.
Napabuntong-hininga na lang ako at niyakap ang sarili. Malamig ang simoy ng hangin.
Naglakad-lakad ako sa paligid. Naisipan kong mamasyal sa dorm ng ibang mga cluster.
Tahimik din dito at mga poste ng ilaw ang nagsisilbing liwanag sa madilim na paligid.
Napatigil ako bigla sa paglalakad nang may marinig na tunog mula sa 'di kalayuan. Tunog iyon ng isang sampal.
Dala ng kuryusidad ay agad kong hinanap ang pinagmulan ng tunog. Hindi naman ako nabigo dahil agad ko itong nakita.
Mula rito sa kinaroroonan ko ay nakita ko ang isang pigura ng babae at lalaki sa gilid ng isang puno. They were having a serious talk.
Pero gano'n na lamang ang gulat at pagtataka ko nang mapagsino ang mga ito.
Si Jennifer at Martin.
Napatago ako bigla sa isang halaman at sumilip sa kanila.
"How dare you, Martin!" sambit ni Jennifer saka muling sinampal si Martin. Walang naging reaction ang isa. Hinayaan niya lang ang babae na sampalin siya.
"Isa kang duwag, alam mo ba iyon?!" galit na wika ni Jennifer saka napahawak sa kanyang sentido. Kahit hindi ko masyadong makita ang hitsura niya ay mahahala kong umiiyak siya. She also look frustrated.
"Jennifer, I have no choice! I have to do that for your safety! Please..." tugon naman ni Martin saka akmang hahawakan na sana si Jennifer pero umatras ang babae saka sumigaw.
"Don't touch me!"
"Jennifer—"
"All this time, you made me believe that you liked Alyana! You also told me that she caught your attention, and that's why you broke up with me! You are such a liar!" muling sigaw ni Jennifer at umiyak.
"I'm sorry..." Napatingin ako kay Martin dahil sa sinabi niya.
First time ko siyang marinig na humingi ng tawad sa isang tao. Isa pa, his voice... First time kong marinig ang mahinahon at tila broken niyang tono. It was genuine though.
Pero talagang nakakagulat iyon para sa isang dakilang bully ng M-School!
"Now you're sorry? Ha! You're unbelieveable, Martin." Hindi makapaniwalang tumingin ang babae kay Martin. "I can't take you..."
"Jennifer... Believe me. Kahit gaano ako kasamang tao, kahit gaano ako kasinungaling, that won't still change the fact that deep in my heart, you are the only one, my honey..." pagsusumamo ni Martin. Hindi ko nakikita ang usual Martin ngayon. Ibang tao ang nakikita ko.
Wala ang Martin na mayabang, matapang, at parang galit sa mundo. Ang Martin na nakikita ko ay isang normal na lalaking broken at sawi.
"Please, understand me, Jennifer..." Muling lumapit si Martin sa babae pero kagaya kanina ay umatras lamang siya at tinampal ang kamay ng lalaki.
"I'm sorry, Martin. After what I've learned, hindi ko alam kung makakaya pa kitang patawarin."
Medyo natigilan si Martin sa narinig. "Jennifer—"
"Kung sana noon mo pa sinabi sa akin ang totoo ay hindi tayo aabot sa ganito. You promised me, Martin. You promised me that you would not lie to me no matter what happened. You won't make me believe your lies, but look at what you did! Sa tingin mo ba makakaya ko pang tanggapin ang lahat matapos nito?" litanya ni Jennifer. Bakas ang sakit, lungkot at galit sa kanyang boses.
"Jennifer, you have to understand! I only did it just to protect you!"
"No! You only did it for your own selfishness, Martin! Hindi mo inisip ang mararamdaman ko! You also made me blame that person, and yet you almost killed me just to protect her!" muling sigaw ni Jennifer saka humagulhol ng iyak. "M-Martin, you have no idea how much you hurt me earlier when you pointed your sword at me to protect her. You know? I should be the one you must protect, not her!"
"Jennifer—"
"Ngayong malinaw na sa akin ang lahat, huwag mo na akong kausapin kahit kailan. Hindi na kita guguluhin. Malaya ka nang gawin ang lahat ng gusto mo."
"Jennifer, wait—"
"Just do your assigned task, Martin. I'm not going to stop you. Goodbye."
Iyon lang at tuluyan nang umalis si Jennifer, leaving us dumbfounded.
Dahil sa narinig ay lalo akong naguluhan.
Anong assigned task ang sinasabi niya?
***
Kinabukasan, lutang akong gumising. Miski nga sa paghatid ng breakfast ni Chief Laurent ay wala ako sa sarili.
Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang naging usapan ni Martin at Jennifer.
Good thing dahil nasa opisina ang presidente.
Walang imik kong inilapag sa kanyang mesa ang tray ng sandwich and coffee. Akmang lalabas na sana ako nang muli akong tawagin ng presidente.
"What happened to you yesterday?" seryosong tanong niya dahilan para muli akong humarap.
"Am I obliged to answer that?"
"Yes, lady. I did not even see you for the whole day, you know?"
Napatitig ako sa kanya, gano'n din siya sa akin. His electrifying stares gives me chills down to my nervous system.
Napalunok na lang ako saka umiwas ng tingin.
"M-May ginawa lang ako."
"Oh, yeah?"
"I'm telling the truth."
"Do you think I would buy that lie?" Tinaasan niya ako ng kilay saka humalukipkip na tila hinuhuli ako. "I was not born yesterday, Alyana. You must remember that."
Napakagat ako ng labi saka humugot ng hininga.
"C-Can you just pretend to believe me? Nakakapagod rin kaya ang magsinungaling," tugon ko.
"Pfft!" Napatingin ako kay Dwiey na kanina pa pala nagpipigil ng tawa.
Doon ko napansing nakatingin na pala sa aming dalawa ni Chief Laurent ang lahat ng mga SC officials.
"Fine! I will let this go. However, you must also remember that I have my own ways of knowing everything, Alyana. You can't still hide it away from me," muling sambit ni Chief dahilan para mapatingin ako sa kanya.
"Kapag nangyari iyan, please leave them alone," sabi ko saka tumalikod at walang anu-ano'y lumabas ng opisina.
Napabuntong-hininga ako saka sumandal sa pader at pumikit nang mariin.
Hindi ko naman dapat pinoproblema si Jennifer at Martin pero hindi ko mapigilang isipin silang dalawa.
Feeling ko ako ang nai-stress sa relasyon nilang dalawa.
Ipinilig ko na lang ang ulo ko saka tinungo ang unang klase. This is not the right time to think of Jennifer and Martin's complicated status.
The classes went smooth so far. Kahit hindi ako masyadong nakikinig ay ayos lang. Wala naman ding quiz, e. Nakikinig si Honey sa tabi ko at siya lang ang attentive sa aming magkakaklase. Pagdating talaga sa academics ay genius si Honey.
"Alam mo ba, Alyana? Favorite subject ko ang tungkol sa science lalo na kapag functions of the body ang pinag-uusapan," nakangiting wika ni Honey habang naglalakad kami sa corridor pababa ng cafeteria.
"Halata naman sa pagiging attentive mo," nakatawang tugon ko.
"Talaga ba?" Lalong lumawak ang ngiti niya. Tumango lang ako. "Alam mo na kasi, plano kong mag-Doctor. Gusto kong maging Surgeon."
"Edi go, pursue it."
"Ang kaso matagal pa siguro bago ko magawa iyon. May ibang bagay pa kasi akong dapat unahin." Napanguso siya saka bumuntong-hininga. Hindi ko tuloy mapigilang magtaka.
"Talaga? Gaya ng—"
Hindi ko na naituloy ang sinasabi ko nang may isang grupo ng mga babae ay bumangga sa akin. Nag-uusap sila at tila hindi na ako napansin sa sobrang busy nila. Nilagpasan nga lang din ako.
Napabuntong-hininga na lang ako saka napatingin sa papel na nasa sahig. Muli kong tiningnan ang grupo ng mga babae. May dala silang isang papel at parang iyon din ang topic nila.
Dala ng kuryusidad ay kinuha ko ang papel sa sahig.
"Ano iyan?" takang tanong ni Honey.
Nagkibit-balikat lang ako saka binasa ang nakasaad.
What: 25th Annual Anniversary of M-School to be held on Friday.
Enjoy the Masquerade Party for both alumni and current students! We're all expecting your spectacular presence! See you there!
Napanganga ako sa nabasa. Oh my goodness. Totoo ba ito?
"Wow... Mukhang exciting ang mangyayari sa Friday!" masiglang sambit ni Honey. Tila nasiyahan siya sa nabasa.
For someone as nerd and shy type as her, she really is unimaginable person. Ang akala ko ay hindi mahilig sa mga gatherings ang mga genius or nerd. They prefer to be alone loaded with books. Mukhang nagkamali ako.
Hindi naman sa minamaliit ko ang mga nerd or kahit si Honey na parang hindi makabasag-pinggan, pero nakakagulat lang.
"Attend tayo, Alyana! Tutal masquerade naman ito, walang makakakilala sa atin!" dagdag pa niya.
"Uh... Try ko," sabi ko na lang.
"Huwag mo na i-try! Samahan mo ako. Ayokong um-attend nang mag-isa lang, 'no? First time ko lang um-attend kung sakali, alam mo ba iyon?" pangungumbinsi pa niya.
Natawa na lang ako. "Ang problema, wala naman akong damit na isusuot."
"Sus, iyan lang ba? Hindi naman iyan problema!"
"Bakit? Pahihiramin mo ako ng damit?" tanong ko.
"Hindi. Wala rin akong damit na isusuot, e." Tumawa siya pagkatapos.
Napailing na lang ako saka tumawa na rin. Minsan nahawaan na rin ng kabaliwan ni Jenie si Honey. Bad influence yata ang babae.
Nagpatuloy na lang kami sa paglalakad ni Honey.
Pero agad rin akong napahinto nang magkasalubong kami ni Jennifer. Napatingin siya sa akin pero nagpatuloy lang siya sa paglalakad.
Nanibago ako sa paraan ng pagtitig niya. Hindi na kasi ito galit, hindi rin masaya. Kumbaga seryoso lamang ang mga mata nito at walang emosyon.
Akala ko nga ay haharangin niya ako at aawayin pero nagkamali ako dahil nilagpasan niya lang ako at hindi pinansin.
Nagtatakang sinundan ko siya ng tingin.
May nagbago. Iyan ang sigurado ako at malamang ay may kinalaman ito sa naging usapan nila ni Martin kagabi.
Pero bakit? Ano ang tunay na dahilan?
And what is the assigned task she's talking about?
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top