M 19: Havier's death
Chapter 19:
Hindi ko alam ang mararamdaman sa mga oras na ito. Havier's body is full of blood!
Alam kong masama rin siyang tao, pero hindi niya deserve ang ganito! Hindi niya deserve na mamatay sa ganitong paraan!
"Tabi! Tumabi kayo!"
Napalingon kami sa isang babaeng nagmamadaling pumasok dito sa loob ng CR.
Si Jennifer.
Grabe ang pamumutla ng mukha niya nang makita ang malamig na bangkay ni Havier. Napatakip pa siya sa bibig at napasinghap sa sobrang gulat.
Muntik na siyang ma-out of balance at para na siyang hihimatayin sa nakikita.
"Oh, my... god! H-Havier!" Agad siyang napaluhod sa harapan ni Havier at nanginginig ang mga kamay na hinawakan ang katawan ng lalaki.
"W-Why? H-Havier, wake up! You can't die like this, idiot!" sigaw niya sa lalaki na sinundan ng pag-iyak. "Havier! Just wake up!"
Humagulhol siya ng iyak pagkatapos. Ramdam ko ang sakit na nararamdaman ni Jennifer sa lalaki. Ang kanyang pagtangis ang isang patunay na mahalaga sa kanya si Havier.
"Havier! Please, Havier! Not now! I still need you, idiot!" muling sigaw niya sa lalaki at inalog-alog ang katawan nito.
Umiwas na lang ako ng tingin. Hindi ko kaya ang makakita ng ganitong eksena.
Saktong napatingin ako kay Chief Laurent na hindi ko inaasahang nakatitig na rin pala sa akin.
His eyes are no emotion. Blangko lang itong nakatitig sa akin pero hindi ko mapigilang kabahan. I don't know what he's thinking but it made me terrified.
Alam kong wala akong kinalaman sa nangyayari ngayon pero feeling ko ay guilty ako sa hindi malamang dahilan. I feel like I was the one to blame kahit hindi naman.
At ang bigat ng pakiramdam ko. Pati ulo ko ay sumasakit na rin. Why am I feeling this way?
"Damn it!"
Muli akong nabalik sa reyalidad nang muling sumigaw si Jennifer. Pagkatapos ay tumingin siya sa salamin kung saan nakasulat ang mensahe na kanina ay nabasa ko rin.
Maya-maya lang ay napasigaw sa galit si Jennifer saka tumayo.
"Who killed him?" sigaw niya sa mga tao pero walang nagsalita. "I said who killed him?!"
Bakas ang hinagpis sa mukha at boses ni Jennifer. Namumula ang buong mukha niya sa sobrang galit at pag-iyak.
Maya-maya lang ay bigla siyang napatingin sa direksyon ko. Kinabahan ako roon lalo na nang makita ko ang unti-unting pagsilay ng nakakakilabot niyang ngisi sa akin.
"It's you," saad niya saka lumapit sa akin. Napalunok ako bigla. "You killed Havier, right?"
Hindi ako nakapagsalita. Nakatitig lang ako sa kanya at hindi alam ang sasabihin.
"Tell me, bitch! You killed him, right?!" muling sigaw niya dahilan para halos mapatalon ako sa gulat.
"H-Hindi—"
"Liar!"
"J-Jennifer—" Nabigla ako nang sampalin niya ako nang malakas sa pisngi. Hindi agad ako nakapag-react doon. Nanunuot ang sakit at hapdi sa aking pisngi. Miski ang ibang tao ay napasinghap sa nakita.
"Damn it!"
Nagulat na lang ako nang biglang lumapit si Chief Laurent at hinarangan si Jennifer.
"This is not the right place and the right time to blame anyone you like, Ms. Balones," seryoso ngunit mariing wika ni Chief Laurent sa kanya. Sakto lang iyon para manginig sa kaba ang makarinig.
"But she—"
"Also, you have no right to slap Alyana just because you hate her. She is innocent."
Natahimik si Jennifer sa sinabi ng presidente. Maya-maya lang ay muli siyang humagulhol ng iyak at napaupo na lamang sa sahig.
"H-He is the only friend that I have... He is the only person who can understand me. The only person that I can always lean on," hagulhol niya.
Hindi ko mapigilang mapaiyak. Ewan ko ba pero ramdam ko talaga ang sakit sa dibdib niya. Hindi ko siya magawang sisihin kung bakit sinampal niya ako. Maybe she needs that to release the pain she felt inside.
Pero biglang umurong ang naramdaman ko nang makita si Martin sa gitna ng mga nagkukumpulang mga tao. Nakatitig lang siya kay Jennifer at wala akong makitang kahit anong reaction sa mga mata niya.
Hindi ko mapigilang magpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa ni Jennifer.
Oh, no. I smell something jealousy... or not?
***
Laman ng balita si Havier sa buong maghapon. Si Martin at Jennifer naman ay hindi ko na nakita at hindi ko alam kung nasaan sila.
Miski sa klase ni Master Colleen ay usap-usapan siya. Pero nagpatuloy pa rin naman ang klase.
Napapikit na lang ako nang mariin nang muling maalala ang kalunos-lunos na sinapit ni Havier.
"Grabe, hindi pa rin ako makapaniwalang patay na si Havier. Wala na tuloy kaaway si Martin," buntong-hininga ni Honey sa tabi ko.
Nagpapahinga kami ngayon at umiinom ng tubig. Ang iba naman naming kaklase ay patuloy lang sa pag-e-ensayo.
"I wonder, bakit kaya pinatay si Havier? And who is the suspect?" dagdag niya.
"Hindi ko alam..." Iyan lang ang tanging naisagot ko sa tanong niya.
For sure, nag-i-imbestiga na ang mga SC Officials.
"The suspect is just around the corner." Sabay-sabay kaming napalingon ni Honey kay Jenie na tumabi ng upo sa amin.
"Hi, girls! Sana masarap ang ulam ninyo kanina! Hihi!" Humagikhik siya saka uminom ng tubig na akala mo ay walang problema sa mundo. favorite niya talaga ang pigtail hairstyle.
Goodness! Ang bigat na nga ang atmosphere dahil sa nangyari pero siya ay nagagawa pang ngumiti at tumawa.
She's really a crazy human. Nakakaloka.
"Aren't you bothered to Havier's death?" Honey asked her curiously.
Takang tumingin sa kanya si Jenie. Maya-maya lang ay bigla itong tumawa na parang baliw.
"Why would I? Death is just around the corner and it's not new to me," nakatawang tugon niya. "Besides, this is not a safe zone school so expect the unexpected."
Ngumisi siya pagkatapos. Napatitig na lang kami sa kanya. May punto naman kasi ang sinasabi niya.
"I think one of Havier's enemies killed him. Well, sa dami ba naman niyang kaaway, malamang isa roon ang pumatay sa kanya," muling saad ni Jenie matapos uminom ng tubig. "I salute his braveness kung sino man siya."
Muli siyang humagikhik pagkatapos na tila isang biro lang ang sinasabi.
"Do you have lead in mind?" I asked her.
Panandalian siyang natahimik saka umaktong nag-iisip. Maya-maya pa ay muli siyang ngumisi.
"I have but I won't tell you." Tumayo siya saka kinuha ang espada. "It's for me to know and for you to find out, you know?"
Saka siya tumalikod at parang batang patalon-talon ng lakad habang tumatawa. Pero muli siyang huminto at lumingon sa amin.
"Anyway, just a piece of advice. Trust no one, okay?"
Kinindatan niya kami saka muling nagpatuloy sa pag-e-ensayo.
Napabuntong-hininga na lang ako. Jenie is somehow mysterious to me.
Pagkatapos ng klase ay tinulungan kong magligpit ng mga kalat si Master Colleen. Basta na lang kasing lumabas ang mga kaklase namin kanina at hindi na niligpit ang mga ginamit nila. Kasama naman namin si Honey sa pagliligpit. Siya na rin ang nagtapon ng basura sa labas.
"Thank you for helping me, Alyana," nakangiting wika ni Master Colleen. Kakatapos lang namin magligpit.
"No worries po."
"You know what, of all the students that I have, you are the least, Alyana. To be honest, you're afraid to hold a sword, and you can't even fight," muling saad ni Master Colleen. Ramdam ko ang dissapointment sa tono ng boses niya. "But anyway, I know you are a fast learner. Only motivation can change your mind."
Napayuko ako. Nahihiya ako sa kanya at sa mga sinabi niya.
"S-Sorry po."
"Don't be. Just stay focused, Alyana. At the end of the day, only you can help yourself, you know? If you don't know how to fight, what's the point of this school's motto?" Natawa siya sa kanyang sinabi. "A school for fighters? This school shouldn't be named like that if one of their students are weak."
Kinuha niya ang mga gamit niya pagkatapos bago muling bumaling sa akin.
"Let me remind you, Alyana. Only fighters and killers existed in this school. There's no place for weak people." Bumuntong-hininga siya bago muling tumingin sa akin habang umiling-iling at tila natatawa. "I couldn't believe you were the total opposite of him."
Iyon lang at umalis na siya. Ako naman ay naiwang nagtataka sa kanyang huling sinabi.
Total opposite of him?
Who's him? What is she talking about?
***
Kinabukasan, mag-isa akong naghatid ng breakfast ni Chief sa opisina nila. Nauna nang pumasok si Honey dahil late na rin akong nagising. Ewan ko ba, naramdaman ko na lang na para akong tinatamad gumising ngayong araw.
Napabuntong-hininga na lang ako saka binuksan ang pintuan.
Pero gaya kahapon ay wala ulit si Chief Laurent na siyang muling ipinagtaka ko. Don't tell me nasa mini-gymn na naman siya?
Napatingin lang sa akin ang ibang mga SC Officials kaya naman ay lumabas na agad ako bago pa sila magsalita.
For sure kasi ay nandoon na naman sa safe place niya si Chief. Nararamdaman ko iyon.
Agad kong binaybay ang daan papunta sa likurang bahagi ng school. Pero nagulat ako nang biglang may humarang na babae sa aking dinaraanan.
Si Jennifer. May dala siyang isang espada at galit na galit siyang tumitig sa akin.
Napaatras ako bigla sa takot. Sa hitsura pa lang niya, alam kong papatayin niya ako ngayon.
"J-Jennifer... Anong ginagawa mo rito?" kinakabahang tanong ko.
"Ginagawa ko rito?" Mapakla siyang tumawa saka ngumisi sa akin. "Ano pa? Edi ang patayin kita!"
Mabilis ang sumunod na pangyayari. Basta bigla niya na lamang akong sinugod ng espada. Wala naman akong ibang nagawa kundi ang tumakbo at iwasan ang mga atake niya.
"T-Tama na, Jennifer!" pigil ko sa kanya habang pilit na lumalayo sa kanya.
Hindi man ako magaling sa mga weapons pero atleast natuto ako kung paano dumepensa at umiwas sa atake. Thanks to Sir Jayson.
"Hindi ako titigil hangga't hindi kita napapatay!" sigaw niya.
Kasunod noon ay bigla na lamang nahagip ng espada niya ang braso ko. Napaatras ako sa gulat at hinawakan ang braso kong nagdurugo.
Napangisi naman ang isa sa nakita.
"Alam mo bang matagal ko nang hinihintay ang pagkakataong ito?" nakangising wika niya habang may bahid ng galit sa mga mata.
"W-Wala akong ginagawang masama sa iyo, Jennifer. Please, tigilan mo na ako!" pagmamakaawa ko pa.
"Hindi kita titigilan hangga't hindi nabubura ang pagmumukha mo sa mundong ito!" sigaw niya at akmang susugurin na sana akong muli ng kanyang espada.
Pero bago pa ito tuluyang tumama sa dibdib ko ay may bigla na lamang humarang sa kanya. Gamit ang espada nito ay nagawa niyang agawin mula kay Jennifer ang hawak nitong espada saka niya naman itinutok ang kanya sa leeg ng babae.
Gulat kaming napalingon sa taong iyon.
Halos mapanganga ako nang mapagsino ito.
"M-Martin..."
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top