M 18: Mini-gym.
Chapter 18:
Nandito ako ngayon sa SC Office. Nakaupo ako sa harapan ng presidente. Actually, tatlo lang sila ang nandito. Wala si Vincelee at Dwiey dahil inaasikaso nila ang pagbibigay ng parusa sa mga tao sa loob ng cafeteria.
Hindi ko mapigilang makaramdam ng kaba. Wala naman akong kasalanan pero feeling ko mayro'n.
Nakatitig si Chief Laurent sa akin ngayon habang nilalaro ang ballpen sa mesa. Ako naman nagkutkot ng mga kuko sa daliri. Kanina pa kasi siya tahimik at seryoso lamang na nakatitig sa akin.
Napatikhim na lang ako para tanggalin ang kakaibang tensyon sa paligid.
"Uh... Hindi naman ako kasali sa mapaparusahan, 'di ba?" pagbabakasakali ko.
Bahagyang umangat ang kanyang kilay saka umayos ng upo.
"What do you think?"
"S-Sa tingin ko hindi. Kasi naman, magsusumbong na sana ako rito pero lagi akong hinaharangan ng mga tao. Tapos 'pag inaawat ko ay nadamay pa ako! Kita mo nga, sinuntok ba naman ako sa—"
Natigilan ako. Parang masyado akong naging defensive at madaldal. Napatikhim na lang ulit ako saka umayos ng upo.
"Kalimutan mo na lang ang sinabi ko. Parusahan mo na lang din ako kung gusto mo."
"What punishment do you want?"
Napatingin ako sa kanya.
"P-Paparusahan mo talaga ako?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"I thought you already heard my announcement earlier. When I say all the people inside the cafeteria, it means you are included," seryosong wika niya. Napalunok ako. Hindi kasi siya makikitaan ng biro sa hitsura at boses.
"A-Ano na namang parusa ang matatanggap ko?"
"Do you want to hear it now?"
"Yes!"
Matagal siya bago nagsalita, tila nag-iisip pa. "As much as I want to say it now, I can't."
Kumunot ang noo ko. "Bakit?"
Tumitig siya sa akin. "Because I need you to take a rest first. Kararating mo lang, Ms. Cabunci. Nakakalimutan mo yata."
Napatitig ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko ngayon. Talagang inuna niya ang mental health ko, 'no?
"Now, I want you to go to your room and sleep. Come back here tomorrow morning for my breakfast and your punishment."
Gusto ko sanang magprotesta sa sinabi niya. Pero naisip ko tama rin naman siya. Ang haba ng binyahe namin kaya malamang pagod talaga ako.
Tumayo na lang ako saka akmang lalabas nang makita ko si Dreyah na ngayon ay may sinusulat sa papel.
"Nga pala, pagod rin si Dreyah. You should also give her a rest," pahabol na sabi ko kay Chief Laurent saka lumabas.
Pagdating sa dorm ay humilata agad ako.
Hays... What a long day!
***
Kinaumagahan. Maaga akong nagising. Maaga rin kasi akong natulog.
Dali-dali akong bumaba ng kuwarto para dumiretso sa cafeteria.
Saktong pagbaba ko ay ang pagbaba rin ni Thricia. Humihikab pa siya at tila inaantok pa. Medyo nagkagulatan kami nang makita ang isa't isa. Pero agad ring napalitan ng malaking ngiti ang gulat ko.
"Hi, Thricia! Good to see you again!" nakangiting wika ko.
"Ako, hindi." Inikot niya ang kanyang mga mata at napa-cross arm na nagpatuloy sa paglalakad.
"Cafeteria ka rin?" tanong ko saka hinabol siya.
"Obvious ba?"
"Alyanaaa!"
Napahinto kaming dalawa saka gulat na napalingon sa babaeng tumatakbo papunta sa amin.
"Grabe, na-miss ko kayo! Hi Thricia!" masiglang bati niya saka kumaway kay Thricia na binigyan lang siya ng nagtataray na tingin.
"Honey..." Niyakap ko siya sa tuwa. "Good to see you again!"
Ngumiti naman siya saka inayos ang salamin. Wala pa rin siyang pinagbago.
"Oo nga! Alam mo bang sobrang dami kong ginawa paglabas natin dito sa school? Talagang sinulit ko ang mga araw! Kayo ba?" nakangiting saad niya.
"Same! Nag-bonding kami ng mama ko," ngiti ko. "Tara, cafeteria!"
"Argh!" Inirapan kami as usual ni Thricia saka nagpamauna nang lumabas ng dorm.
Nagkatinginan na lang kami ni Honey saka sabay na natawa.
"Na-miss ko ang ganyang ugali ni Thricia," natatawang bulong sa akin ni Honey.
"Same."
"I can hear you both."
Muli kaming natawa sa sinabi ni Thricia saka sumabay ng lakad sa kanya. Saktong paglabas namin ng dorm ay bumungad sa amin ang mga estudyanteng kaliwa't kanan ang pag-e-ensayo kahit umaga pa lang.
Well, may mga nagpa-practice naman na talaga ng ganitong oras pero iba ngayon. Parang may bago sa kanila.
Para silang mga naging mas aggressive. May nakita pa akong dalawang lalaki na naglalaban sa field.
Mayro'n namang dalawang babae ang nagpapalitan ng hagis ng mga punyal nila. Ang iba ay nagwa-warm up, ang iba naman ay nagme-meditiate.
Pero may nakita kaming dalawang grupo na ngayon ay nagsasagutan at nagkakapikunan na. Hanggang sa tuluyan na nga silang nag-away at nagbuno sa isa't isa.
Maya-maya lang ay may dalawang punyal ang lumipad sa direksyon namin. Mabuti at maagap si Thricia kaya agad niya iyong nasalo na walang kahirap-hirap. Pinagmasdan niya muna iyon bago muling ibato sa babaeng may-ari.
"Hay nako." Napatingin kami kay Thricia na ngayon ay napapailing na lang. "Students nowadays have become more aggressive, huh?"
"What do you mean?" I asked curiously.
Sinulyapan niya naman ako saka muling humarap sa nilalakaran. "Some people died, and some people got severed injuries. However, many people were enraged after hearing their ranks. May iba na hindi natanggap ang pagbaba nila sa puwesto kaya naghigante at lalong nagrebelde. It made them become heartless and ruthless people."
Tiningnan niya ako. "So, I tell you, Alyana, especially you, Honey. Stay away from strangers if you want to stay alive."
"Pero hindi naman sila ganito after ng test," takang puna ko pa.
"Anong hindi?" Tinaasan niya ako ng kilay. "You are not aware of what's happening, Alyana. I told you to open your eyes."
Natahimik at napakurap ako sa sinabi niya. Ito ba ang sinasabi niya noong bago kami magbakasyon?
"What you see right now is not exactly what you think it is. Students here in M-School are very smart, Alyana. They are moving without you noticing it. They are moving behind your back."
"H-Hindi naman siguro kami madadamay sa galit ng ibang students, 'di ba? Wala naman kaming kasalanan sa kanila," kinakabahang tanong ni Honey.
"Wala man o mayro'n, hindi ka pa rin ligtas. You know, revenge can only be achieved by attacking innocent people."
Natahimik na lang ako sa sinabi ni Thricia. Ewan ko, lalo akong nangamba sa sinabi niya.
Nasaksihan ko kasi kung gaano ka-wild ang mga tao kahapon sa cafeteria. At nadamay pa ako kaya heto ako ngayon at mapaparusahan na naman.
Napabuntong-hininga na lang ako.
***
"Nasaan si Chief Laurent?" takang tanong ko nang makapasok sa loob ng office nila.
Nandoon na lahat ng SC officials at kumakain nang makapasok ako habang may pinag-uusapan. Napatingin silang lahat sa akin pati na sa dala kong tray.
"He's on his place," tipid na sagot ni Julie saka matipid ring ngumiti sa akin.
"Ah, okay..." Nagkibit-balikat na lang ako saka dumiretso sa table niya. Baka papunta pa lang siya rito kaya mabuti nang nakahanda ang breakfast niya although ngayon ko lang napansing late pumasok si Chief. It's not odd, though.
Mas maganda na rin ito baka sakaling magbago ang isip niyang parusahan ako.
Lihim akong napangisi sa naisip.
Akmang ilalapag ko na sa mesa ang tray nang muling magsalita si Julie.
"Ah... Alyana. The president is asking you to go to his place."
Awtomatiko akong napalingon kay Julie, nagtataka.
"Ha?"
"Chief Laurent wants you to deliver his breakfast to his place, Ms. Alyana," dagdag naman ng nakangising si Dwiey.
"P-Place? You mean, sa dorm?" paninigurado ko.
"Nope. To his other place."
Napatitig ako kay Dwiey. Hindi ko alam kung kakabahan ba ako o ano sa reaction ng mukha niya ngayon. Iba kasi ang meaning ng ngisi niya para sa akin. At hindi ko mabasa kung ano iyon.
Napakagat-labi na lang ako.
I was now walking down the hallway. Hinahanap ko ang sinasabi nilang other place ni Chief Laurent. I didn't know na may iba pa pala siyang pagmamay-ari na lugar bukod sa dorm.
Sabi ni Dwiey ay mahahanap daw sa likod ng school ang ibang kuwarto ni Chief Laurent. Hindi ko mapigilang kabahan.
Masama kasi ang kinahantungan ko nang maka-apak sa likod ng school. Bukod sa maraming puno rito ay dito ako nakasaksi at nakaranas ng mga hindi dapat maranasan ng isang estudyante.
At talagang nanggaling pa sa mag-boyfriend at girlfriend na si Martin at Jennifer ang bangungot ko.
Napabuntong-hininga na lang ako saka naging mapagmasid sa paligid. Feeling ko safe naman ako sa mga oras na ito kaya makakahinga na ako nang maluwag.
Nagpalinga-linga ako sa lugar. Hinahanap ko kasi ang sinasabi ni Dwiey na kuwarto ni Chief. Nasa kanang bahagi raw iyon ng lugar.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Napakatahimik rito kaya kahit ang mga yabag ng mga paa ko ay naririnig.
Napahinto ako nang may makitang gate sa dulo. May dalawang Bonsai Tree ang nakatayo rito at isang napakagandang klase ng bulaklak na nakapalibot sa buong lugar. Ang bulaklak na paboritong-paborito ko mula bata; ang Bougainvillea. Naghalo ang red and pink doon.
Napanganga ako sa nakita. The sight made my day!
Dala ng tuwa ay agad kong tinungo ang lugar. Maraming mga petals ang nakapaligid sa lupa. Feeling ko nasa disney princess ako.
Medyo nakabukas ang tarangkahan kaya naman ay hindi na ako nagdalawang-isip na pumasok. Mas lalo akong napanganga sa nakita sa loob. Grabe, ang ganda ng garden! Colorful at talagang makalaglag-panga! Maraming iba't ibang klase ng bulaklak dito. Hindi ko nga lang alam ang mga pangalan ng iba maliban sa Rose at Sunflower.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa mapunta sa dulo kung saan nakatayo ang isang malaking pintuan.
Ito na siguro ang sinasabi ni Dwiey na kuwarto ni Chief Laurent. Napangiti ako saka humugot ng hininga.
Akmang kakatakot na ako nang mapansing medyo nakabukas ang pintuan. Naisipan kong sumilip. Kaunti lang ang nakikita ko at isang pader pa kaya naman ay naisipan ko nang itulak nang kusa ang pintuan at pumasok.
Namangha ako sa nakita. Isang mini-gymn ang bumungad sa akin. May mga iba't ibang weapons ang nakahanay sa bawat sulok ng lugar. May mga gamit pa for boxing and such.
Wow! Don't tell me isang training room itong napasukan ko?
"You're late."
Halos mapatalon ako sa gulat nang may nagsalita mula sa likuran ko. Nang lingunin ko siya ay bumungad naman sa akin ang mukha ng nakasando at jogger pants lang na si Chief Laurent.
Napalunok ako nang makita ang pawisan niyang mga braso at mukha. Literal na ang hot niyang tingnan! Saka mas lalo siyang gumwapo sa outfit niya ngayon!
Nagsimulang magkarambola ang puso ko nang maglakad siya palapit sa akin.
"I-Ito na ang breakfast mo," sabi ko sabay abot ng tray sa kanya bago pa ako tuluyang lamunin ng pagpapantasya sa kanya.
Kinuha niya naman iyon saka kumagat nang hindi inaalis ang tingin sa akin. Hindi ko mapigilang mapalunok at pagpawisan kahit malamig naman dito sa loob.
His stares are making my toes to melt! My goodness! Bakit ba ganyan siya makatingin sa akin?
"I'm glad you found your way here," muling saad niya habang kumakain ng sandwich. Nakatitig pa rin siya.
Umiwas na lang ako ng tingin. "Y-Yeah. Dwiey told me about this place."
"Mmm..."
"Kape," sabi ko sabay abot ko ng kape sa kanya. Agad niya namang ininom iyon.
"I didn't know you have a place like this," puna ko saka muling inilibot ang paningin sa loob. Kailangan kong ma-divert ang atensyon para 'di lumala ang tension na aking nararamdaman.
"It's my safe place. My paradise," tugon niya saka naglakad papunta sa mga nakahanay na weapons. "This is also my training ground."
Kumuha siya ng isang punyal doon at walang anu-ano'y hinagis iyon sa isang board. Napanganga ako nang makitang sumakto ito sa napakaliit na bilog kahit pa ang layo no'n!
"Wow... Ang galing..." papuri ko pa.
Tumingin naman siya sa akin. "Did you know that aside from the SC officials, you are the first person who got to enter this room?"
"H-Ha?" Napakurap ako sa sinabi niya.
I'm the first person who got the chance to enter here? Seryoso?!
"This is an off-limits property for all students. Well, the SC officials can also enter here only if we have something more important to finish. Aside from that, they cannot also enter here for no reason. "
"S-So, bawal rin pala ako dapat dito?" nahihiyang tanong ko.
Imbis na sumagot ay muli siyang kumuha ng punyal at pinagmasdan ito. Pinaglandas niya ang kanyang hintuturo sa matalas nitong steel. Maya-maya lang ay muli siyang tumingin sa akin.
"Come here, Alyana." Sinenyasan niya akong lumapit kaya naman sumunod ako.
Hindi ko alam pero gusto kong tinatawag niya ako sa pangalan ko. Lihim akong natuwa.
"Hold this one." May iniabot siyang isang punyal sa akin. Bahagya niya akong hinila palapit sa kanya saka pinaharap sa isang board. "Now, I want you to throw it on that board."
Gulat akong napatingin ako sa kanya at napakurap.
"B-Bakit?"
"Because I say so."
"Pero—"
"In this life, you cannot survive if you don't know how to fight fairly and properly. The only way to stay alive is to be brave enough to face all of the challenges, Alyana. That is also one of the reasons our school exists," he explained.
Natahimik na lang ako saka napatitig sa kanya. Well, may point na naman kasi siya.
Napabuntong-hininga na lang ako saka muling tumingin sa target board.
"Kaso, hindi ako magaling, Chief Laurent," maya-maya'y sambit ko.
"It doesn't matter, Alyana. Hindi tayo ipinanganak na magaling. The most important thing is that we tried our best and practiced every day. Now, go. Throw the dagger. "
Muli akong napabuntong-hininga sa sinabi niya saka tumitig sa board. Naalala ko ang unang beses ko na humawak ng pana't palaso. Hindi iyon tumama sa board.
Iyon ang kukunin kong inspirasyon ngayon. Kahit hindi ito tumama ay ayos lang dahil wala namang first timer na perpekto.
Pumikit na lang ako nang mariin saka walang anu-ano'y hinagis ang punyal.
Nagulat na lang ako nang makitang tumama sa board ang punyal. Hindi man sa main target pero ang importante ay tumama!
Napa-Yes! ako sa tuwa.
"Not bad," nakangiting wika ni Chief Laurent saka kinuha ang punyal sa board.
Natulala ako sa kanya. Shocks! Tama ba ang nakita ko? Ngumiti na naman siya! A genuine smile!
Shit! Ito pa lang ang pangalawang beses ko na makita siyang ngumiti sa harapan ko!
Feeling ko tumambol ang puso ko sa saya. Hindi ko nakikita ang mukha ko pero nararamdaman ko ang pag-init nito.
"Alyana, I want you to throw another dagger now. Do it until you make it," muling sambit ni Chief Laurent at iniabot sa akin ang punyal.
Napayuko tuloy ako. Ayokong makita niyang namumula ang mukha ko. Nakakahiya!
"Okay," sabi ko na lang saka muling naghagis ng punyal. Kahit mahirap ay ginawa ko ang best ko para maitago ang pamumula ng mukha ko.
Ngunit hindi kagaya ng nauna ay hindi na tumama sa board ang punyal. Medyo nadismaya ako dahil doon pero agad ulit akong inabutan ng punyal ni Chief Laurent.
Nagtuloy-tuloy na gano'n ang ginagawa ko sa loob ng ilang minuto hanggang sa unti-unti kong nababalanse ang tamang paghagis ng punyal. Tumatama na rin ito sa board.
"Nice... You are a fast learner," nakangiting wika ulit ni Chief Laurent. Dahil doon ay muli na namang nagwala ang puso ko.
Kainis! Parang ayaw ko tuloy makita ang ngiti niya. Pero gusto ko rin at the same time. Hays!
"This will be your punishment, Alyana," biglang sambit ni Chief Laurent dahilan para pagtakhan ko siya ng mukha.
"What do you mean?"
Tumingin siya sa mga mata ko at muli na namang ngumiti.
Konti na lang at matutunaw na ako sa ngiti niya. Kainis!
"This is your punishment. You will come here and practice every day. I want you to be my sparring partner everytime I also practiced," paliwanag niya dahilan para mapanganga ako sa gulat.
"S-Seryoso ka ba sa sinasabi mo?" hindi makapaniwalang tanong ko. Umangat ang kilay niya.
"Who says I'm kidding?"
"Pero hindi naman ito mukhang punishment, e! I expected something else like cleaning the buildings and such!"
"Why? Do you want to clean the buildings?" tanong niya saka unti-unting ngumisi. Natahimik tuloy ako bigla. "As far as I remember, you gave up cleaning all of the building's floors. Do you want to do it again?"
Napalunok ako saka napatitig sa kanya. May punto na naman siya.
"H-Hindi..." sabi ko na lang saka umiwas ng tingin.
Ayoko na rin naman nang ulitin iyon dahil hindi naging maganda ang unang subok ko. Isa pa, nagrerebelde at nagkakagulo ang mga estudyante ngayon baka mapagbuntungan ulit ako. Baka nga mas malala na ang maranasan ko sa pagkakataong ito.
Kaya okay na rin ito siguro. Pagtitiisan ko na lang ang presensya ng Chief na itong nakakaloka.
"So, it's settled, then. You are now my delivery girl and sparring partner," nakangiting wika niya.
Hindi ko mapigilang mapangiwi sa sinabi niya.
Ang dami ko namang sideline. Wala pang sahod. Worst, puro punishment pa. Malapit na akong mapaisip kung malas o suwerte ba itong ginagawa ko ngayon.
"Anyway, Whe—"
Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang biglang may telepono ang mag-ring. Doon ko lang din ito napansin nang makitang nakalagay ito sa isang table.
Kaagad namang lumapit doon si Chief Laurent at seryosong sinagot ang tawag.
"Yes?"
Hindi ko alam kung anong sinabi ng caller niya sa kanya. Pero base sa reaction ni Chief Laurent ay nasi-sense kong hindi ito maganda.
Bigla kasing lumukot ang hitsura niya at kinakabahan ako roon.
"Damn!" He hissed and hung up the call.
Maya-maya lang ay lumapit siya sa isang upuan at kinuha ang damit na nakasampay roon. Sinuot niya ito bago muling lumapit sa akin at walang anu-ano'y hinila ako palabas ng gymn.
"A-Anong nangyayari?" kinakabahang tanong ko sa seryosong mukha niya. Mabibilis din ang mga hakbang niya na tila may hinahabol.
Mabuti na lang at hindi ako natisod dahil halos kaladkarin na niya ako.
"Someone died again," mariin niyang tugon na tila gigil na gigil. Bakas ang pag-igting ng panga niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "A-Ano?!"
Dahil sa narinig ay nataranta ako. Kinakabahan ako kung sino ang madadatnan ko. Binilisan ko na rin ang paghakbang ko. Actually, lakad-takbo na ang ginawa naming dalawa.
Akala ko nga sa field or sa may fountain kami didiretso pero nagkamali ako. Bagkus ay pumasok kami sa isang building at umakyat sa 2nd floor.
Pagdating doon ay nadatnan namin ang mga estudyante na nagkukumpulan sa labas ng isang CR.
Kaagad naman silang nagbigay ng daan nang makita si Chief Laurent. Pero nang makita ako ay agad na napalitan ng pagtataka ang mga reaksyon nila. Ang iba pa ay sinamaan ko ang tingin pero lahat sila ay titig na titig sa akin.
Hindi ko na lang iyon pinansin.
Pagpasok namin sa loob ng CR ay nadatnan namin ang mga SC Officials at ilang guro na nag-i-inspeksyon.
Bumungad naman sa akin ang isang bangkay ng lalaking nakabulagta sa sahig. Basag ang mukha niya at may nakatarak pang iilang mga basag na salamin. Naliligo siya sa sariling dugo. Ang salamin naman ay puno rin ng dugo. Halatang inihampas ang mukha niya sa salamin ng ilang beses.
May nakasulat pa roon na,
"A useless person must die."
Sariling dugo rin ang ginamit sa pagsulat.
Nanlaki ang mga mata ko nang mamukhaan ang bangkay ng lalaki.
"H-Havier..."
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top