M 17: Cafeteria Riot
Chapter 17:
My three days vacation has finally ended. Nalulungkot ako dahil ang bilis ng araw. Ayaw ko nga sanang iwan si mama dahil nandito si papa pero anong magagawa ko, e, naka-abang na ang service sa harapan ng bahay?
Napabuntong-hininga na lang ako saka humarap kay mama na ngayon ay malungkot na naman ang ngiti sa labi.
"I'll be brave, mama. I promise. Magiging mabuting estudyante ako at magtatapos ng pag-aaral. Tutuparin ko ang mga pangako ko sa iyo at—"
"Sshh!" Hinawakan niya ang pisngi ko saka tinitigan ako sa mata. "I know you would. Ikaw pa, e, malakas ka kaya? I trust in you, my princess."
"Ma, promise me you will be fine."
"I'll be, anak."
"Also, ma, 'wag mo masyadong mahalin si papa. Magtira ka rin para sa sarili mo."
Natawa naman siya sa sinabi ko. "I can't promise that."
"Ma!"
"But I'll be working on that, anak. I promise."
"Good." Ngumiti ako saka niyakap siya nang mahigpit. "This isn't a goodbye, right?" bulong ko.
"Of course! Babalikan mo pa ako, 'di ba?"
"Yes, and I'll bring to you a place where papa don't exist."
"That will never happen, Alyana."
Parehas kaming napalingon sa taong nagsalita. Naglakad si papa palapit sa amin dala ang kanyang baston na tila isang hari sa aming munting kaharian.
His aura gives me chills down to my spine. Talagang nakakatakot siya kaharap! Buti at natitiis ng mga empleyado niya ang ugali niya.
"You better do your job, Alyana. I don't want a failure in our family," seryoso at mariing sambit ni papa.
"Andrio!" saway ni mama sa kanya.
"Don't worry, papa. I'll do my best and give you want you want," makahulugang ngiti ko sa kanya kahit pa kinakabahan ako.
"You should be."
Saka siya muling tumalikod. Pero napahinto rin siya nang muli akong magsalita.
"I'll do everything to be on top, papa. I'll be brave and never let myself to die in vain," may lamang wika ko.
Bahagya niyang ipinihit ang ulo sa gilid. Pero hindi siya nagsalita, bagkus ay napangisi lang. Maya-maya lang umalis na rin siya.
Napabuntong-hininga na lang ako saka nakangiting humarap kay mama. Hinatid niya na rin ako papasok sa service namin.
"Take care, my princess."
"You too, mama."
Muli niya akong niyakap nang mahigpit bago magsara ang Van. Hindi ko inalis ang aking paningin kay mama habang papalayo kami. Nakatanaw lang din siya sa amin habang kumakaway.
Nang mawala siya sa paningin ko ay doon ako tuluyang nalungkot. Pero ayos lang, magkikita pa rin naman kami soon.
"It seems like you love your mother so much."
Napatingin ako sa nagsalita. Hindi ko namalayang may katabi pala ako dahil busy ako kay mama. And the funny thing was it's Dreyah. Ang secretary ng Student Committee.
Nakaharap siya sa akin ngayon habang nakahalukipkip. May suot din siyang shades at base sa pananamit niya ay masasabi kong fashionista rin siya. Bumagay kasi ang malalaking earrings niya sa kanyang kulay asul na buhok. Sopistikada.
Pero, wait... Hindi ko alam na isa rin pala siya sa nagbakasyon?
Sa pagkakaalam ko ay tanging mga Cursed cluster lang ang may previlege na magbakasyon?
Don't tell me ginamit ni Dreyah ang rank niya para humiling na lumabas?
Tiningnan ko ang ibang mga upuan. May mga ilang estudyante kaming kasama pero lahat sila ay tulog.
"Do you know that a mother's love is very useless?" muling sambit ni Dreyah. Kumunot naman ang noo ko.
"Why?"
"Because they will also leave you with a scar in your heart."
Nagtatakang tiningnan ko siya. Muli siyang umayos ng upo saka tumingin sa bintana.
"That's why I'm telling you, if you don't want your mother to leave you, don't love her so much."
Napatitig ako sa sinabi niya. May laman ang mga binanggit niya. Alam kong hindi iyon para sa akin.
It seems like she's pertaining to her own self.
***
Nagising ako na nasa loob na kami ng school. Hindi ko alam pero sa pagbabalik ko rito ay kinakabahan ako. Feeling ko ay first time ko lang ulit makapunta rito.
Napabuntong-hininga na lang ako saka bumaba ng Van. As usual, maraming mga estudyante ang nagkalat sa paligid habang nilalaro ang mga armas nila.
Mabuti na lang at nasanay na ako sa atmosphere at paligid dahil kung hindi ay baka nag-freak out na ako.
"My loves!" Napalingon ako kay Patrick na tumakbo papunta kay Dreyah. "I missed you, my loves!"
Agad naman siyang inambahan ng suntok ni Dreyah bago pa siya tuluyang makalapit.
"Sige, lumapit ka," banta nito.
Natawa lang ang lalaki sa sinabi niya saka kinuha ang dala niyang bag.
"Kakarating mo lang ay susuntukin mo agad ako? I need justice, Dreyah!" Kunyare ay nagtampo ang lalaki.
"Shut up, Patrick. You look like a cat," irap ni Dreyah dito.
Napangiti na lang ako saka napailing sa kanilang dalawa. Isang siraulo at isang suplada. Wow, perfect combination! Bakit hindi na lang sila mag-boyfriend and girlfriend? Halata namang bagay sila.
Dumiretso na ako sa dorm saka iniligpit ang mga gamit ko. Nag-stay muna ako ng sandali roon bago nagdesisyong dumiretso sa cafeteria. Nagugutom na kasi ako sa haba ba naman ng binyahe namin.
Saktong pagdating ko sa cafeteria ay may mga taong kumakain. Meryenda time na kasi ngayon. Dumiretso ako sa counter saka um-order ng sandwich at juice. Saktong si Ate Milda ang nagbabantay kaya nagkamustahan muna kami saglit.
Naghanap ako ng mauupuan pagkatapos. Alam kong hindi pa dumarating sina Thricia at Honey kaya ako muna mag-isa ngayon.
Akmang lalapit na sana ako sa puwestong nakita ko pero natigilan ako nang biglang magkagulo sa harapan ko.
"Hey, fucker!"
Nagulat ako nang may upuan ang dumaan sa harapan ko. Dumiretso ito sa isang mesa na agad tumama sa isang lalaki.
Agad na napatayo ang lalaki sa gulat saka namula ang mukha sa galit. Sinundan ito ng mga kasama niya sa mesa.
"Hanggang pagbato na lang ba ang kaya mong gawin?" nang-uuyam na saad ng lalaki.
"I can do more than that if I want to," seryosong tugon naman ng isa pang lalaki na nasa kaliwa ko. "Hindi ka pa talaga nakuntento na maagaw ang puwesto ko. Pati ang nobya ko ay sinulot mo pa!"
Nagulat ako nang biglang hugutin ng lalaki ang isang punyal saka sumugod sa kaharap na nasa kanan ko.
Mabilis ang mga sumunod na nangyari. Nagkagulo na silang dalawa sa harapan ko. Nagpapalitan na ng suntok at punyal. Agad naman itong sinundan ng mga kasama nila kaya nagkaroon ng riot sa cafeteria. Ang ibang mga estudyanteng nanonood na tinamaan ay lumayo at ang iba naman ay gumanti rin ng suntok at hampas.
Nataranta ako bigla lalo na nang may tumalsik na lalaki sa akin dahilan para matapon ko ang juice sa kanya.
"F*ck!" Galit siyang tumingin sa akin at sa isang iglap lang ay sinugod niya ako.
Mabuti na lang at naiwasan ko ang suntok niya dahil kung hindi ay may black eye na sana ako sa mata.
My goodness! What the heck is happening?!
Tumakbo ako papalayo sa kanila at akmang lalabas na sana ng cafeteria pero may biglang pumasok na grupo ng mga babae at walang anu-ano'y hinablot ang isang nanonood lang na babae sa gulo.
"Hey! You bitch! How dare you to bed my man! You flirt!" sigaw niya.
Agad namang tinulak ng babaeng nasa kanan ko ang humablot sa kanya. Ngumisi siya rito na tila nagyayabang at nang-aasar.
"Why? Are you jealous? We're just fair, you know? Inagaw mo ang posisyon ko kaya naman aagawin ko rin sa iyo ang lalaki mo!" sigaw niya saka nang-uuyam na tumawa.
"You flirt! Hindi ka talaga marunong tumanggap ng pagkakatalo?! You loser!" sigaw ng isa saka walang anu-ano'y sinugod ang babae.
At nagrambulan na nga rin sila. Kalaban laban sa kalaban. Ang ibang mga babae ay nagsambunutan. Ang iba naman ay nagsusuntukan na. Ang ibang mga lalaki ay nagpapatayan, pero ang mga nanonood ay naghiyawan lang. Ang iba pa ay nagpustahan na.
Parang sumakit bigla ang ulo ko sa nakikita ngayon. Sobrang gulo ng cafeteria. As in! Kakarating ko lang stress agad ang bumungad!
What a nice welcome!
Akmang tatakbo na sana ako para magsumbong dahil walang nagbabalak na gumawa no'n. Pero bago pa ako muling makalabas ay may isa na namang lalaki ang tumalsik sa harapan ko.
Sinundan iyon ng pagbugbog ng isa pang lalaki saka umupo sa dibdib nito. Walang atubili niyang pinagsusuntok ang mukha ng lalaki na ngayon ay durog na.
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita kaya naman sa sobrang taranta ay sinugod ko siya at sinubukang awatin. Pero sinuntok niya lang ang tiyan ko kaya naman ay tumalsik ako sa sahig at namilipit sa sobrang sakit. Halos mapaiyak ako dahil doon.
"T-Tama na!" sinubukan kong sumigaw pero ako lang ang nakarinig noon.
Muli akong tumayo at nilapitan ang lalaki. This time ay sinipa ko siya dahilan para matumba siya at gulat na napalingon sa akin.
Napaatras ako bigla dahil sa tinging ibinigay niya. Hindi nga rin ako makapaniwala na nagawa ko siyang sipain.
"Ikaw—!" Gigil siyang sumugod sa akin.
Sa sobrang taranta at takot ko ay tumakbo at nagpaikot-ikot sa mesa.
"Humanda ka sa akin! Papatayin kita!" sigaw niya habang namumula sa galit ang mga matang sumusugod sa akin.
In the end, naghabulan kami sa mga mesa.
Oh, goodness! What should I do?!
Sinubukan kong makalusot sa mga nag-aaway. Buti na lang at may humarang sa kanya kaya napunta na roon ang atensyon niya.
Habol ang hininga akong naglakad paalis. Pero nakailang hakbang pa lang ako ay may nabangga na ako.
Napaatras ako sa takot nang magsalubong ang mga mata namin ni Martin. May dala siyang baseball bat sa kamay at tila handa nang makisali sa gulo.
Agad na nagsalubong ang mga kilay niya pero unti-unti ring sumilay ang nakakakilabot na ngisi sa kanyang mga labi.
Nanginig bigla ang mga tuhod ko sa takot lalo na nang makita ang tatlo pa niyang kasama na may mga dala ring baseball bat.
"It's so nice to see you again, Alyana," nakangising sambit ni Martin saka dahan-dahang humakbang papalapit sa akin.
Ako naman ay paatras nang paatras.
"H-Huwag kang lalapit sa akin!" natatarantang sigaw ko pa.
"Why? You afraid to die?" ngisi niya. "You have no idea how much I wanted to see you covered with blood."
Namutla ako sa sinabi niya. "A-Ano bang ginawa ko sa iyo?"
"Wala naman kaya nga gusto kitang i-torture dahil naiinis ako na makita kang wala namang kasalanan."
"N-Nahihibang ka na!" sagot ko saka napakapit sa upuan na nasa likuran ko.
Napahigpit ang hawak ko rito at hinanda ang sarili para 'pag sumugod siya ay ihahampas ko ito sa kanya.
"Matagal na akong hibang." Muling ngumisi si Martin at walang anu-ano'y sumugod sa akin.
Akmang ihahampas na niya sa akin ang baseball bat nang biglang may tumunog galing sa speaker.
Isang lullaby song. Pero sapat lang iyon para matigilan ang mga tao sa buong cafeteria at mapatingin sa mga dalawang speaker dito. Naiwan tuloy sa ere ang baseball bat ni Martin.
Kasunod ng song na iyon ang boses ng lalaking tatlong araw ko ring hindi nakita.
"One wrong move and you're all dead."
Malalim, seryoso at nakakapaninbig-balahibo ang boses. Sapat na ang isang sentence na iyon para tablan ng takot ang mga tao rito.
Pati ako ay kinabahan din.
"For all the people in the cafeteria, you'd better get yourself ready to accept your punishments."
Napalunok ako.
I'm dead again. Really dead!
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top