M 12: Announcement
Chapter 12:
Kinabukasan, lutang akong pumasok sa klase. Hindi ako nakatulog gaya ng sinabi ni Chief Laurent sa akin. Ni hindi nga ako pumunta sa cafeteria o nag-deliver man lang ng breakfast.
Hindi ko kayang pumunta roon ngayon lalo na dahil sa nakita ko kagabi. Hindi ko kayang harapin si Martin baka malaman niyang ako iyong babaeng tinakasan siya. Isa pa, natatakot akong makita siya.
"Alyana, ayos ka lang ba? Hindi ka ba nakatulog kagabi? Ang lalim ng eyebags mo," puna ni Honey sa akin habang nasa klase. Ngumiti na lang ako sa kanya saka nag-thumbs up.
"I'm fine. Don't worry."
"Sure ka? Parang ang lalim ng iniisip mo."
"Mmm-mmm..."
Pagdating ng tanghali ay gano'n din ulit ang ginawa ko. Nag-excuse na lang ako kay Honey na wala akong gana kumain para hindi makapunta sa cafeteria. Sabi ko matutulog na lang muna ako sa dorm.
Habang naglalakad sa corridor ay napansin ko ang ilang mga tao na nagkukumpulan sa bulletin board at tila may tinitingnan. Dala ng kuryusidad ay lumapit din ako at nakisiksik hanggang sa makita ko ang naka-post sa bulletin board.
A physical examination test to be held on wednesday. May the best survive!
Kumunot ang noo ko. Physical examination test?
"Physical examination test is a battle, Alyana." Napalingon ako sa taong nagsalita.
Si Jenie. Bigla-bigla na naman siyang sumusulpot kahit saan dala ang isang nakakalokong ngiti sa labi. As usual, naka-pigtails na naman ang buhok niya at ngumunguya na naman siya ng lollipop.
"Good afternoon, Alyana! Sana masarap ang gising mo kanina. Hihihi!" Humagikhik siya pagkatapos ay muling tumingin sa board. Hindi ko alam kung nang-aasar lang siya dahil halata ang eyebags ko o ano. "Oh, sa wednesday na pala ito!" puna niya sa nakasulat.
Napangisi siya bigla saka muling bumaling sa akin.
"Ready ka na bang umangat?" excited na tanong niya. Kumunot lang ang noo ko.
"Umangat?"
"Mmm-mmm! Umangat sa ranks and level!"
Muli akong napalingon sa bulletin board at sa kanya. "You mean...?"
"Yes! This physical examination test is a battle between life and death! Well, not actually death pero papunta na rin doon if you know what I mean." Humalukipkip siya saka muling tumingin sa board. Pinaglaruan ng dila niya ang lollipop. "Dito masusukat ang galing mo sa talino, lakas, at taktika. Dito makikita kung nag-improve ka ba sa klase o hindi."
"Lahat ba ay required na sumali?" takang tanong ko.
"Of course!" Tumawa siya. "This is a physical examination test so expected na lahat ay dapat kasali! Don't tell me ayaw mo?"
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan sa sinabi niya.
"G-Gagamit ba tayo ng weapons dito?" tanong ko.
"Oh, yes! Paano ka mananalo kung wala kang armas na dala? But, oh, well... Kung kaya mo naman ay pwede mong idaan sa karate. It depends on how you want to survive. Kaya nga may the best survive!" Humagikhik siya pagkatapos.
Pero hindi ko masabayan ang tawa niya. Shit naman! Paano ako makakatawa o ngingiti sa impormasyong nalaman ko? Ni miski isa sa sinabi niya ay wala ako!
Isa pa, hindi pa nga ako umaabot ng isang buwan dito tapos examination agad? Worst, physical battle pa?
Buti sana kung written exam or multiple choices ay kaya ko pang hulaan at dayain. Pero ito? Hindi!
"Why, Alyana? Don't tell me hindi mo kayang makipaglaban?" nakangising tanong ni Jenie. Napatingin lang ako sa kanya. Very obvious naman kasi ang sagot.
"So, what are you gonna do now? The examination test are now in two days. Don't tell me magtatago ka na lang?" dagdag niya saka muling tumawa. "Oh, well. Pwede naman basta huwag ka lang papahuli."
"B-Bakit? Anong mangyayari kapag nahuli?" tanong ko.
Hindi makapaniwalang tiningnan niya ako. "So you're really going hide?"
"J-Just in case." Humagalpak siya ng tawa dahil sa sinabi ko.
"If that's the case then goodluck!" Muli siyang tumawa saka parang batang patalon-talon na umalis. Pero agad ko siyang hinabol.
"Jenie, wait!" tawag ko dahilan para muli siyang mapahinto at lumingon sa akin.
"Yes?" nakangising tanong niya. Napakagat-labi naman ako saka muling nagsalita.
"Ah-uhm... May alam ka bang lugar na puwede pagtaguan?" nahihiyang tanong ko dahilan para muli siyang humagalpak ng tawa. Ang tawa na iyon ay umalingawngaw sa buong sulok ng lugar dahilan para mapatingin sa kanya ang mga tao sa paligid.
"Ooppss! Sorry!" Nag-peace sign siya sa mga tao saka muling bumaling sa akin habang nakangisi. "Actually, mayro'n. Hindi siya literal na makakatulong sa pagtatago mo pero kaya ka niyang iligtas sa test. But I'm not sure kung kaya mo siyang kumbinsihin."
"B-Bakit? A-Ano bang kailangan kong gawin? Gagawin ko kahit ano man iyon!" desperadong tanong ko.
"You really are something!" Humagalpak lang siya ng tawa saka ngumisi. "Well, simple lang naman ang gagawin mo. Stay closed to the president and convince him to help you. Goodluck!"
Umalis na siya pagkatapos. Ako naman ay naiwang tulala.
Like, what the fudge...
***
Nandito ako sa labas ng SC office ngayon. Actually kanina pa ako nakatayo sa harapan ng pintuan. Hindi ko alam kung kakatok ba ako o ano.
Kinakabahan kasi ako. Isa pa, hindi ko alam ang gagawin o sasabihin ko. Paano kung hindi pumayag si Chief na gawin akong exempted sa exam? Baka katapusan na ng masalimuot na buhay ko.
Humugot ako ng malalim na hininga. Bahala na nga!
Akmang pipihitin ko na ang pintuan nang bigla itong bumukas. Agad namang sumalubong sa akin ang nagtatakang tingin ni Vincelee.
Hilaw akong napangiti sa kanya. "Uh, hi?"
Bahagyang umangat ang kilay niya. "I thought you're not going to come here."
Kumunot naman ang noo ko. "Why? Are you expecting me?"
"Chief is waiting for his lunch, you know? Don't tell me wala kang dalang pagkain?" balik na tanong niya. Then it hit me.
Oo nga pala! Delivery girl pala ako. Bakit 'di ko naalala iyon?
"Tss." Napasinghal lang siya nang mapansin ang reaction ko. "As expected."
Napatawa na lang ako ng hilaw sa kanya saka napakamot ng ulo. "S-Sige... Babalik na lang ako. Bibili muna ako ng pagkain para sa kanya."
Saka ako dali-daling tumakbo papuntang cafeteria. Buti na lang at 1PM na kaya wala ng tao sa cafeteria.
Agad akong lumapit kay Ate Milda at kumuha ng mga pagkain. Kumpleto ang paborito ni Chief Laurent dito. May ginisang ampalaya at kalabasa. Sinamahan ko na rin ng green tea tutal mayro'n din sila rito. Tapos isang vegetable salad. Hindi ko lang sure kung iinom siya ng green tea pero tutal mapait naman ito kaya bahala na. Ang importante ay kailangan kong magpa-good shot sa kanya.
Matapos um-order ay dali-dali akong bumalik sa OC office. Huminga akong malalim saka hinanda ang matamis na ngiti. Iyong tipong magpapatunaw ng pusong bato.
Hindi ako marunong umarte pero bahala na! Plastikan na kung plastikan! Para sa exemption sa physical test!
Kumatok muna ako saglit bago ito binuksan.
"Good afternoon, everyone!" masiglang bati ko sa mga tao sa loob. Sinundan ko iyon ng matamis na ngiti sa labi.
Lahat sila ay biglang napatigil sa ginagawa at nagtatakang lumingon sa akin.
"Sana maganda ang gising ninyo kanina!" muling sambit ko na lalong nilakihan ang ngiti at ginaya ang sinabi ni Jenie kanina.
"Wow! Mukhang maganda ang gising, ah? May nagpapa-inspire na yata sa iyo, Ms. Alyana," nakangising puna ni Dwiey. Ngumiti na lang ako sa kanya.
"Siyempre!"
Tumingin ako kay Chief Laurent na ngayon ay masama na ang tinging ipinukol sa akin saka lumapit sa mesa niya. Bagay sa mood niya ngayon ang mga pagkaing dala ko.
"Here's your lunch for today, Chief Laurent. Alam kong paborito mo ang mga ito kaya ito ang in-order ko para sa iyo. Sorry kung medyo na-late. Alam mo na? May ginawa pa kasi ako. Hihi!" nakangiting sambit ko sa kanya.
Pero tiningnan niya lang ako na may nagtatanong na mata saka humalukipkip na sumandal sa kanyang upuan. Pinasadahan niya ako ng tingin.
"Where have you been?" seryosong tanong niya. Napalunok naman agad ako. Sabi ko na. Tatanungin niya talaga ako.
"Uhm... Somewhere down the corridor?"
Biglang humagalpak ng tawa si Dwiey. "You're really something, Ms. Alyana!" nakangising sambit niya.
Agad naman siyang nakatanggap ng nakamamatay na tingin mula kay Chief Laurent.
"Shut up, Yangco!"
Biglang napatikom ng bibig si Dwiey pero pigil naman ang tawa.
"Answer me, lady. Why are you late? And why did you skip to deliver my breakfast?" muling tanong ni Chief na ngayon ay madiin. Halatang bad mood.
Napalunok na lang ulit ako saka napakagat-labi.
"Am I obliged to answer that?" bagkus ay tanong ko. Pampa-save ng sariling sekreto.
Biglang nagsalubong ang dalawang kilay niya. Patay!
"Stop answering me with a question, lady! I'm serious," mariing sambit niya.
"Does it really necessary? I'm just a delivery girl at labas ka na sa mga ginagawa ko, 'di ba?" tugon ko saka ngumiti ng pagkatamis-tamis sa kanya. "Maliban na lang kung gusto mo akong maging girlfriend ay sasagutin ko iyan. You know, that question is supposed for your gf or bf."
The next thing I know is a laugh that came from Dwiey's table.
"Fucking shit! I really like you, Ms. Alyana!" bulalas niya sa gitna ng pagtawa.
"Shut up, Dwiey. It's not even funny," komento naman ni Dreyah na ngayon ko lang narinig magsalita sa tinagal kong manglabas-masok ng opisina. Nang tingnan ko siya ay masama na rin pala ang tingin niya sa akin.
Si Julie naman ay napatulala lang sa akin. Si Vincelee naman ay wala rito.
"Tell me, Ms. Cabunci. What are you up to?" Muli akong napalingon kay Chief Laurent sa tanong niyang iyon.
Ngayon ay hindi na masama ang timpla ng mukha niya. Pero nanunuri naman siya ng tingin at tila hinuhuli ko. Palihim akong napalunok.
Oh, no! Nahalata niya ba na may pakay ako? O masyado talaga akong obvious sa simula pa lang?
Biglang tumayo si Chief Laurent kaya naman ay napaatras ako. Sumandal siya sa kanyang mesa at matiim akong tinitigan.
"What do you want, lady?" muling tanong niya.
"H-Ha?" Hilaw akong napatawa. "W-Wala naman. G-Good mood lang ako kaya ganito ako."
Umiwas ako ng tingin. Hindi ako magaling magsinungaling. At malamang obvious na iyon ngayon. Palihim kong kinurot ang sarili. Bakit kasi hindi ko kayang mag-straight to the point? Inuunahan ako ng kaba.
"Uhuh?" Muli siyang napa-cross arm at bahagyang ngumisi. "Are you sure? 'Cuz based from my observation right now, you want something from me. Spill it. I'm all ears."
Napatitig ako sa kanyang mga asul na mata saka napalunok. Kusang bumilis ang tibok ng puso ko. Sobrang kinakabahan ako! At parang ang awkward na nakakahiya lalo na't nandito ang ibang mga officials.
"C'mon, Ms. Cabunci. Spill it already," muling sambit niya.
Napapikit na lang ako nang mariin saka humugot ng hangin. Napahigpit ang kapit ko sa laylayan ng damit ko.
Fine! Tutal nandito na rin naman na ako ay wala nang atrasan ito. Malalaman niya rin naman kaya sasabihin ko na.
"I..." I trailed off. "I d-don't want to participate in the e-examination test."
There. I said it! Finally!
Pero nang makita ko ang reaction niya ay hindi ko nagawang makahinga nang maayos. Paano, wala itong reaction! Hindi ko mabasa kung galit siya o ano. Even the other official has no reaction. Nakatulala lang silang lahat sa akin. Mas lalong nakadagdag iyon ng kaba! Don't tell me mali ang request ko?
Napatawa na lang ako ng hilaw.
"Ha-Ha! Kalimutan niyo na lang ang sinabi ko—"
"No."
Napamulagat ako sa sinabi ng presidente. "H-Ha?"
Tumuwid siya ng tayo saka isinuksok ang mga kamay sa bulsa at walang reaction akong tinitigan.
"I won't grant your wish."
Agad na kumunot ang noo ko. "At bakit?"
"Anong bakit?" Tinaasan niya ako ng kilay. "Kailangan ba may rason?"
"Aba, oo!" agarang tugon ko saka nagsimulang mainis.
"Then tell me your reason."
"Ha?" Napatanga ako sa kanya. Ngumisi naman siya sa akin na tila hinahamon ako.
"You said it has to have a reason. Then, tell me. Why don't you want to participate in the examination test?"
"B-Because..." Napalunok ako saka nahihiyang tumingin sa kanya. Shit naman! Nahihiya akong aminin sa kanya na bukod sa wala akong talent ay mahina ako!
"Because?" Tinaasan niya ako ng kilay, naghihintay sa sagot.
"Uh-Uhm..." Muli akong napalunok. "B-Because I can't do it...?"
Pinaningkitan niya lang ako ng mata. Napabuntong-hininga na lang ako.
"Fine! I don't want to participate because as you can see, I have no talent and I don't know how to fight! Happy?" Pinameywangan ko siya.
Natahimik naman siya. Pero si Dwiey ay biglang nagpigil ng tawa hanggang sa hindi na niya nakayaan at talagang nailabas na niya.
"For someone who has the courage to talk back to the SC President yet no courage to participate in the examination test, you really are so funny, Ms. Alyana!" hagalpak ni Dwiey. Hindi ko na lang siya pinansin bagkus ay kinulit ko si Chief Laurent.
"Kailangan mo akong gawing exempted sa test, Chief. Hindi naman sa demanding ako pero mahal ko pa ang buhay ko, 'no?" matapang na dagdag ko kahit pa nagkarambola na sa kaba ang sistema ko.
Muling tumawa si Dwiey.
"So that's your reason, huh?" hindi makapaniwalang saad ng presidente at binigyan ako ng nang-uuyam na tingin. "Still. My answer is no."
Biglang bumagsak ang balikat ko saka inis na tumingin sa kanya. "Bakit na naman? Hindi mo ba naintindihan ang sinabi ko kanina? Hindi nga ako marunong lumaban! Kutsilyo nga 'di ko kayang itusok sa karne ng baboy!"
Muli, humagalpak na naman ng tawa si Dwiey. Napahampas pa siya ng mesa niya. "Shit! I'm going crazy!"
Agad naman siyang binato ng ballpen ni Dreyah na walang kahirap-hirap niyang sinalo. "Shut up, moron!"
"Don't you know that we have rules to follow, Ms. Cabunci?" seryosong saad ni Chief saka muling bumalik sa kanyang upuan at sumandal doon na hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. "We cannot just make you exempt from the physical examination just because you don't know how to fight. Students won't buy that."
"E, anong gagawin ko? Hahayaan ko na lang ang sarili kong mamatay?" inis na wika ko.
"If that's what you want."
"Alam mo nakakainis ka na!" sigaw ko pa saka nagmartsa palabas ng opisina. Nag-aksaya pa akong pumasok dito at dalhan siya ng pagkain tapos wala naman pala akong napala. Dapat pala nilagyan ko ng lason ang pagkain niya para quits kami.
Pero bago pa ako tuluyang makalabas ay muli siyang nagsalita.
"There is still another way to be exempted." Muli akong napalingon sa sinabi niyang iyon. Sinalubong niya naman ang mga tingin ko saka siya nag-tip top ng ballpen sa mesa. "You cannot participate in the physical examination only if you are severely injured."
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top