M 11: Martin's secret.

Chapter 11:

Nandito ako sa clinic ngayon. Ginagamot ng nurse ang mga pasa at sugat sa katawan ko samantalang si Chief Laurent naman ay nakatayo lang sa gilid habang nakapamulsa na tinitigan ako.

Hindi ko tuloy mapigilang mailang. Kanina pa siya hindi kumukurap o umiiwas ng tingin.

"Done," nakangiting sambit ng nurse at niligpit ang mga gamit.

"Thank you," nakangiting tugon ko.

"You're welcome." Saka siya umalis. Naiwan naman kaming dalawa ni Chief.

"Who did this to you?" Muli akong napalingon kay Chief Laurent dahil sa tanong niyang iyon.

"Am I obliged to answer that?"

"Yes, lady."

Napabuntong-hininga ako saka umiwas ng tingin. Hindi ko kayang salubungin ang mga mata niya lalo na kapag naaalala ko na naman ang ginawa niyang eksena sa cafeteria. Malamang kalat na iyon ngayon at sikat na ako.

Great.

"I'll repeat the question. Who did this to you?" muling tanong niya. Sa pagkakataong ito ay seryoso na siya. Well, kanina pa naman siya seryoso pero mas times two ngayon.

"Hindi ko sasabihin."

"Damn it. Napakatigas ng ulo mo."

Napahawak siya sa kanyang ulo at lumapit sa akin saka tumayo sa harapan ko. Halatang frustrated siya. Agad ko namang sinalubong ang nakakatunaw at nakamamatay niyang tingin.

"Bakit? 'Pag sinabi ko, anong gagawin mo?" matapang na tanong ko.

"Of course, punishment!"

"Exactly my point. I don't want you to punish them kaya hindi ko sasabihin." Humalukipkip ako at umiwas ng tingin. Tutal matigas ang ulo ko ay gagawin ko nang career 'to.

"So, you will let them hurt you again?" seryoso at frustrated na saad niya.

"B-Bakit? Sa tingin mo ba uulitin pa nila iyon matapos ang anunsyo mo kanina?" balik na tanong ko habang pilit na itinatago ang pamumula ng mukha ko. Ang awkward kasi kapag naaalala ko iyon.

"Of course! This is not a safe place after all. Mapapahamak at mapapahamak ka pa rin!"

"Then protect me!"

Natigilan ako sa sinabi ko. Huli na para bawiin ko iyon dahil narinig na mismo ni Chief Laurent.

Natahimik siya at napatitig sa akin, gulat na gulat. Miski ako ay gano'n din ang reaksyon. Shit! Bakit ko naman nasabi iyon? Parang gusto kong tuktukan ang sarili.

"J-Joke lang," biglang bawi ko para tanggalin ang tensyong unti-unting namumuo sa paligid. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Feeling ko ang init ng paligid kahit malamig naman.

"I'll let this go. Pero sa oras na maulit pa ito, better get ready because I will torture them to die right in front of your eyes." Saka siya tumalikod at lumabas ng clinic.

"Anyway, I still have my own ways of knowing everything kaya kahit hindi mo sabihin ay malalaman ko pa rin," pahabol niya bago tuluyang umalis.

Natulala na lang ako habang sinusundan siya ng tingin.

My goodness! What have I done?

***

Nandito ako ngayon sa gymn. Swords class namin ngayon kaya naman ay busy sa training ang mga kaklase ko. Si Master Colleen ang nangunguna sa pagpapractice ng espada na sinasabayan lang ng mga kaklase ko.

At dahil injured nga ako ay hindi ako pinayagang sumali sa kanila. Heto ako ngayon, nakaupo lang habang tahimik na nanonood sa kanila.

Nagtaka pa nga ako dahil hindi ako pinag-interesang i-bully ni Martin. Tiningnan niya lang ako ng masama kanina sabay diretso sa mga kasama niya. Halatang bad mood siya para mam-bully.

Pero mas gusto ko na rin iyong gano'n siya atleast hindi na niya dadagdagan ang sugat na ginawa sa akin ng girlfriend niya.

Gusto ko nga sanang gumanti sa kanya tutal siya ang puno't dulo nitong lahat pero naisip ko hindi naman ako gano'ng tao kaya 'wag na lang.

Pero napapaisip din ako. Bakit kaya niya hiniwalayan si Jennifer? Imposible naman talaga sigurong dahil sa akin.

"Alyana! Ayos ka lang ba rito?" tanong ni Honey nang makalapit. Water time siguro nila. Pawis na pawis pa nga siya nang kunin ang tubig sa tabi ko.

Ngumiti na lang ako sa kanya sabay thumbs up. "You don't need to worry about me. I'm perfectly fine."

"You sure?" Binigyan niya ako ng nag-aalalang tingin saka pinunasan ang salamin na basa sa pawis. "Hindi na ba masakit ang katawan mo?"

"Masakit pa rin pero keri ko naman na," sagot ko.

Alam niya ang nangyari sa akin. Sobrang nag-alala siya nang makita ang benda sa braso ko. At dahil ayaw kong ma-stress siya ay sinabi ko na lang na nadapa ako at nadaplisan ng matulis na bagay sa pader.

Alam kong lame excuses iyon pero wala kasi akong ibang maisip na idahilan.

"Now I understand why the president made an announcement earlier." Napalingon kami kay Jenie na bigla na lang sumulpot sa tabi ko habang nagpupunas ng leeg. Ang pula na naman ng bibig niya at ngumunguya ng lollipop. Hindi yata siya nabubuhay nang wala ang lollipop. Nakahati rin sa dalawa ang pagka-ponytail ng buhok niya. Mukha siyang kindergarden tingnan.

"What?" nakangising tanong niya nang mapansing nakatitig lang kami.

"Is it really true? Does the president mean it?" takang tanong ni Honey sa kanya bago bumaling sa akin.

"Of course! He's the president after all," halakhak niya. "This girl beside me is my property! That was so hilarious and cheezy yet it made everyone shocked as hell! Cool right?"

Muli siyang humagalpak ng tawa. Ako naman ay napayuko dahil pakiramdam ko pulang-pula na ang mukha ko sa kahihiyan.

Kaloka naman! Bakit naman kasi sinabi pa ng lalaki iyon? Nakakahiya!

"So tell me, Ms. Chief Laurent's property, how does it feel being protected?" nakangising tanong sa akin ni Jenie dahilan para lalong mamula ang mukha ko.

"A-Anong pinagsasabi mo diyan? J-Joke niya lang iyon," depensa ko pa kahit alam kong hindi siya maniniwala. Muli siyang humagalpak ng tawa. Hindi na tuloy ako makatingin nang maayos sa kanya sa kahihiyan.

"I was wondering. Why did the president announce that to the public? Mmm..." Nagkunyareng nag-iisip si Jenie pero maya-maya pa ay muli na naman siyang ngumisi ng nakakaloko sa akin. "Don't tell me, Chief Laurent is in love with you?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"W-What?!"

"Just kidding!" biglang bawi niya sabay hagalpak ng tawa at tumayo na. Akmang aalis na siya pero muli siyang humarap sa amin.

"Pero what if lang naman, 'di ba?" pahabol niya bago muling lumapit kay Master Colleen.

Napasapo ako ng noo. Feeling ko aatakehin ako sa puso dahil sa pang-aasar ni Jenie.

***

Kinagabihan. Hindi ako makatulog. Bukod sa kumikirot pa rin ang katawan ko ay talagang gising na gising ang diwa ko. I don't know why.

Napagpasyahan kong lumabas na lang muna ng dorm at maglakad-lakad. Alam kong curfew hours na ngayon at huhulihin ang sino mang makitang lumabag sa batas. Pero wala naman sigurong makakakita sa akin basta hindi lang ako magpapakita sa CCTV.

Tahimik at medyo madilim sa labas. Malamig din dahil sa simoy ng hangin kaya sakto lang para antukin ako. Nagpalinga-linga ako sa paligid hanggang sa may maalala ako.

Ang likurang bahagi ng school. Sa pagkakaalam ko kasi ay off limit iyon para sa mga ordinaryong estudyante.

Dala ng kuryusidad ay dumiretso ako roon. Napapaligiran ng mga puno at bulaklak ang paligid. Maliwanag din ang buwan kaya kitang-kita ko ang lugar.

Pero napahinto ako nang maaninag na isang bulto ng tao mula sa 'di kalayuan. Dali-dali akong nagtago sa likuran ng puno at sumilip.

Dalawang tao ang naroon. Isang lalaki at isang babae. Nakatalikod ang babae kaya hindi ko makita ang mukha niya. Pero ang lalaki...

Laking pagtataka ko nang makita ang mukha ni Martin. Kumunot bigla ang noo ko.

Anong ginagawa ni Martin dito? At sino ang babaeng kaharap niya?

"Ginawa ko na ang gusto mo. Ano pa bang kailangan mo?" rinig kong saad ni Martin sa babae.

"Good. Now I want you to focus on your next assignment," tugon naman ng babae. Mula rito ay kitang-kita ko ang pagkunot ng noo ni Martin dala ng galit at pagkamuhi.

"I'm done working with you so leave me alone!" galit na saad niya.

"I won't let you go, Martin. You are the only one who can do this assignment."

"Hindi pa ba sapat sa iyo ang pakikipaghiwalay ko sa girlfriend ko?!" nanggagalaiting sigaw ni Martin sa kaharap.

Napatakip ako ng bibig sa narinig. Wait... What is happening?

"C'mon. Hindi pa nga tayo nagsisimula sa totoong laro," tugon ng babae. Ramdam kong nakangisi ito.

"I'm not interested in your fucking game!"

"Uhuh? Should I kill your girlfriend, then?"

Biglang hinawakan ni Martin sa kuwelto ang babae at nagliliyab ang mga matang tinitigan ito.

"Subukan mo! Subukan mo lang at hindi ako magdadalawang-isip na patayin ka!"

Napaatras ako dahil sa narinig. Lumikha iyon ng ingay dahilan para makuha ko ang atensyon nilang dalawa.

Nagulat ako sa ginawa ko lalo na nang biglang binunot ni Martin ang isang espada at naglakad palapit sa kinaroroonan ko.

Hindi na ako nakapag-isip ng matino sa sobrang takot. Kumaripas agad ako ng takbo pabalik sa building. Halos madapa ako sa pagtakbo.

Sinikap kong makahanap ng mapagtataguan at makaabot sa building. Mabuti na lang at madilim na rito sa bahaging ito kaya hindi na nila ako makikita.

"Expose yourself now or else I'm going to kill you!" rinig kong pagbabanta ni Martin.

Halos mapaiyak ako sa takot nang marinig ang boses niyang nasa malapit lang.

Sinilip ko siya. Nakatalikod siya mula sa isang semento na pinagtataguan ko kaya naman ay kinuha ko ang oportunidad para makatakbo. Pero agad niya akong nakita kaya naman ay hinabol niya ako.

"Humanda ka sa akin kapag naabutan kita!" sigaw niya.

Saktong nakarating kami sa building kaya naman ay pumasok ako roon at tumakbo sa corridor.

Pero nagulat ako nang biglang may kamay ang humigit sa akin papasok sa isang bakanteng classroom.

Akmang sisigaw ako nang takpan nang taong iyon ang bibig ko at hinila ako paupo sa sahig.

"Sshh. Quiet," bulong niya sa tainga ko. Kahit nagtataka at natatakot ay sinunod ko ang sinabi niya.

Muli siyang sumilip sa bintana ng classroom. Mula rito ay rinig na rinig ko ang mga yabag ni Martin.

"Buwisit! Natakasan ako! Argh! Buwisit talaga!" rinig kong sigaw ng lalaki na halatang nasa labas lang ng classroom na kinaroroonan namin.

Napahigpit tuloy ang kapit ko sa damit ng lalaking kasama ko. Natatakot ako. Sobra pa nga ang panginginig ng buong katawan ko.

Ilang minuto kaming nasa ganoong posisyon hanggang sa maramdaman naming wala na si Martin at safe na kami.

Medyo nakahinga ako nang maluwag.

"Are you alright, lady?" tanong ng lalaking nasa harapan ko.

Dahil sa tinawag niya sa akin ay agad ko siyang nakilala. Isang tao lang naman kasi ang kilala kong tumatawag sa akin ng lady.

"C-Chief Laurent..." tawag ko sa pangalan niya.

Tumayo na siya saka inalalayan ako. Muli siyang sumilip sa labas at saka hinawakan ako sa kamay.

Hinila niya ako palabas ng building at magkasabay na tinungo ang dorm. Pagkapasok namin sa lobby ay agad siyang humarap sa akin at binigyan ako ng masamang tingin.

"You're violating the rule number 2," seryosong puna niya. Napalunok ako bigla.

"Why are you outside? Hindi mo ba alam kung gaano kadelikado ang lumabas ng ganitong oras?" paninermon pa niya.

"S-Sorry..." Napayuko ako. Hindi ko kayang salubungin ang nagngangalit niyang mga mata.

"You are dragging yourself into danger. You know that?" muling saad niya.

Hindi na ako nagsalita. Ramdam ko pa rin ang takot at panginginig ng kalamnan ko.

"Aish! You're such a hard headed woman!" Napahilamos siya ng mukha siya muli akong hinila papasok ng elevator.

"S-Saan mo ako dadalhin?" takang tanong ko. Tiningnan niya naman ako ng seryoso.

"To your room."

Hindi na ako nagsalita. Saktong bumukas ang elevator kaya muli niya akong hinila papunta sa harapan ng kuwarto ko.

"Go and sleep now, lady. Huwag na matigas ang ulo," seryosong utos niya.

Nagtatakang nilingon ko siya. "How did you know my room?"

"I just know it. Now go and sleep. Kalimutan mo na rin ang nakita mo kanina."

Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko kaya naman ay siya na mismo ang nagbukas ng pintuan at hinila ako papasok sa loob.

"T-Teka—"

"Have a sweet dreams." Iyon lang at sinirado na niya ang pintuan.

Napapanganga na lang ako sa ginawa niya.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top