M 10: The President

Chapter 10:

Tatlong araw ang lumipas. Gano'n na naman ang routine ko. Gigising ng maaga para ihatid ang breakfast ni Chief Laurent. Malapit na rin akong masanay sa set up ko.

Mabuti na lang din at hindi na ako kinakausap ni Chief Laurent. Siguro kakausapin niya lang ako kapag may gulo akong kinasangkutan.

About naman sa girlfriend ni Martin, hindi ko pa siya nakikita simula no'ng awayin niya ako. Si Martin naman ay patuloy lang sa pang-bu-bully sa akin. Pero hindi na gaya ng dati na ginagamitan ng dahas.

Mga simpleng bully na lang gaya ng sisipain niya ang mesa mo at palalayasin ka o hindi naman kaya papatirin ka bigla o minsan naman ay babatuhin ka ng basura o papel.

Medyo harsh pa rin iyon pero mas okay na rin kaysa sa tipong balak na akong patayin.

"I'm starting to believe that you are the president's pet." Napalingon ako kay Thricia nang magsalita siya. Palabas na kasi sana ako ng dorm ngayon.

Katulad ko ay bagong gising lang din siya at mukhang tutungo na rin sa cafeteria. As usual, hawak niya pa rin ang notebook at ballpen niya.

"What?" mataray na tanong niya nang mapansing nakatitig lang ako.

"Napapansin kong napapadalas na rin ang paggising natin ng sabay," puna ko pa dahilan para umarko ang kilay niya.

"And so?"

"Is this called destiny?"

Biglang umasim ang mukha niya sa sinabi ko. "The fuck, Alyana? Are you crazy? Kilabutan ka nga sa sinasabi mo!"

Inirapan niya ako saka siya umalis na agad ko namang sinundan.

"I'm just kidding," biglang bawi ko sabay tawa. Sinamaan niya lang ako ng tingin.

"You think this is funny, huh?"

"Bakit? Hindi ba?"

Tiningnan niya ako ng seryoso. Napaatras naman ako sabay peace sign sa kanya. Ang hirap niya talaga biruin. Parang laging galit sa mundo.

"Alyana! Thricia!" Parehas kaming napalingon sa babaeng kakababa lang.

Si Honey.

Agad siyang tumakbo papalapit sa amin saka inayos ang salamin niya.

"Buti naabutan ko kayo. Nagmadali talaga akong magbihis," nakangiting saad niya. "Sabay na tayo sa cafeteria?"

"Argh!" Napairap lang sa kanya si Thricia saka nagpamauna nang naglakad.

Nagtataka naman akong tiningnan ni Honey.

"May sinabi ba akong mali?"

Ngumiti lang ako sabay iling. "Hayaan mo na siya, baka may period lang kaya masama ang gisi—"

Biglang may dumaan na punyal sa harapan namin. Kasunod noon ay ang nakakawindang na sigaw ni Thricia.

"Say it again and I'll rip your mouth!"

Nagpakawala ako ng hininga. Wew! Muntik na naman ako do'n, ah?

Buti na lang at medyo nasanay na ako sa mga batuhan ng mga punyal at kung anu-ano rito sa loob ng M-School.

***

"Coffee and sandwich." Agad kong inilagay sa mesa ni Chief Laurent ang tray. Gaya ng inaasahan ay tiningnan niya lang ito saka bumalik sa ginagawa.

Ako naman ay lumabas na agad.

O, 'di ba? Ang peaceful ko? Akala ko noong una ay bubuwisitin niya sa buong araw na magkikita kami. Buti na lang at hindi. Nasanay na rin naman ako sa presensya niya saka sa ibang mga SC Officials. Miski yata sila ay nasanay na rin sa akin.

Si Julie Rose ay madalas akong nginingitian kapag nagkikita kami samantalang deadma lang ako kay Dreyah. Si Dwiey naman lagi pa rin akong nginingisihan kapag nakikita. Nasanay na lang din ako sa kanya. Si Vincelee naman ay tinitingnan lang din ako. Mga weirdo.

Sabay na kaming pumasok ni Honey sa classroom pagkatapos. Walang professor kaya naman ay nagbasa na lang si Honey samantalang ako, heto nakalumbaba sa mesa at matutulog na sana nang may narinig ako bigla.

"Really? Are you sure? Nakita mo si Chief at Julie na magkasama?" rinig kong bulong ng babae na nasa likuran ko.

Nagising bigla ang diwa ko sa narinig. Naintriga ako kaya naman ay pinakinggan kong maigi ang bulungan nila.

"I am one hundred percent sure! You know, Tiger's cluster dorm are far away from Cursed dorm!" sagot naman ng isa. "Isa pa, this is the first time na makita ko ang dalawa na magkasama. Like, hello? Hindi gawain ni Chief Laurent ang maghatid ng babae!"

"Oh my gosh! You have a point there!"

"Do you think may something sa kanila? Are they in a secret relationship?"

"Who knows? Nakakainggit lang. How I wish na sana ako na lang si Julie. But anyway, bagay naman silang dalawa. Matalino, talented at mataas ang ranks."

Hindi ko mapigilang hindi mainis sa narinig. Ewan ko ba pero parang ang sakit sa tainga ng mga sinabi nila. Bagay sila kasi parehas matalino, talented at mataas ang ranks?

So iyan na pala ang basehan ng pagkakaroon ng karelasyon ngayon?

Napapikit na lang ako saka pasimpleng tinuktukan ang sarili. Palibhasa, kahit isa sa nabanggit ay wala ako. Ano bang ibang talent ko maliban sa kumain at manood ng K-drama everyday?Miski nga sa music ay bagsak ang boses ko, sa dance pa kaya? Hay... Hindi talaga ako bagay sa school na ito.

Pagdating ng tanghali ay kumain muna kami ni Honey bago ko inihatid  ang pagkain ng mahal na hari. Sinadya ko talagang magpa-late ng deliver sa kanya. Gusto ko siyang inisin. Ewan ko ba, na-i-insecure kasi ako sa narinig kanina.

Habang binabaybay ang daan papunta sa SC Office ay nagulat ako nang may biglang humablot ng kamay ko. Huli na para magpumiglas pa ako dahil agad nilang tinakpan ng panyo ang ilong ko.

Naramdaman ko na lang ang biglang pagkahilo hanggang sa magdilim ang paligid ko.

***

"What are we going to do with her?"

"Ano pa? Edi parusahan!"

Naalimpungatan ako nang may marinig na mga boses. Agad kong iminulat ang mga mata ko.

"Gising na siya!"

Napalingon ako sa nagsalita. Unang bumungad sa akin ang mukha ni Jennifer, ang girlfriend ni Martin habang naka-crossed arm sa akin. May kasama siyang isang familiar na lalaki. Kumunot ang noo ko habang pilit na inaalala ang mukha ng lalaki. At gano'n na lang ang gulat na namutawi sa akin nang maalala na siya iyong guy na nakaaway ni Martin sa cafeteria dati!

Bigla akong nataranta. Akmang kikilos ako pero nagulat ako nang makitang nakaupo ako sa silya habang nakatali ang buong katawan.

"N-Nasaan ako? Anong kailangan niyo sa akin?" kinakabahang tanong ko habang pilit na inaalis ang pagkakatali sa akin.

"Relax, nasa loob pa rin tayo ng M-School," nakangising saad ng lalaki na sa pagkakaalala ko ay Havier ang pangalan.

"Hoy." Napalingon ako kay Jennifer nang magsalita siya. "Do you know why you're here?"

"It's because you are going to receive your punishment," nakangising dagdag ni Havier na siyang ipinagtaka ko.

"P-Punishment?" Kumunot ang noo ko. "B-Bakit? Anong ginawa ko?"

"Hindi mo alam ang ginawa mo?" Sarkastikong tumawa si Jennifer saka lumapit sa akin at hinawakan ang mukha ko. "Hindi mo ba talaga alam ang ginawa mo o baka nagpapanggap ka lang na inosente?"

"A-Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko kahit pa kinakabahan.

"Aba! Nagmamaang-maangan ka pa! Nang dahil lang naman sa iyo ay hiniwalayan ako ni Martin!"

"A-Ano?!" Napalamugat ako sa sinabi niya.

"And now you're pretending to be shocked?"

"H-Hindi ko alam ang sinasabi mo!"

Bigla akong nakatanggap ng malakas na sampal mula sa kanya. Napangiwi ako sa sobrang sakit no'n.

"I told you I hate someone who dared to talk back at me!"

"P-Pakawalan mo ako dito..." sabi ko saka pinilit na makawala sa tali.

"No! You need to be punished! Boys!" tawag niya sa mga kasama. Agad namang tumalima ang ilang lalaki sa kanya. "Tanggalin niyo ang tali niya."

Sumunod sila. Tinanggal nila ang tali sa kamay ko saka ako puwersahang pinatayo at hinawakan sa magkabilang braso.

"A-Anong gagawin niyo sa akin?" natatarantang tanong ko nang makitang may hawak na ngayong latigo si Jennifer.

Ngumisi naman siya sa akin at lumapit.

"Gagawin ko lang ang mga bagay na ginagawa ng ina sa anak nila."

"A-Ano—Argh!"

Napahiyaw ako sa sakit nang biglang hinampas sa akin ang latigong hawak ni Jennifer. Tumama iyon sa dibdib ko at talagang halos mapaiyak ako sa sobrang sakit.

"Para iyan sa pagsuway sa akin!" sigaw niya saka muli akong hinampas ng latigo. This time ay sa paa naman. "Para naman iyan sa ginawang pakikipaghiwalay ni Martin sa akin!"

Muli akong napahiyaw sa sakit. Halos maluha na akong napaluhod sa sahig habang hawak pa rin ng mga lalaki ang magkabilang braso ko.

"T-Tama na... Tama na please!" pagmamakaawa ko saka umiyak.

"Ha! Tama na? E, nagsisimula pa lang naman tayo, ah? Sumusuko ka na agad?" nakangising sambit niya. Nakagat ko nang mariin ang labi ko.

"W-Wala akong kasalanan sa iyo! Wala rin akong kinalaman sa pakikipaghiwalay ni Martin sa iyo kaya pakawalan mo na ako!" pagmamakaawa ko pa. Pero nasundan lang iyon ng isa pang latigo sa likod ko dahilan para muli akong mapahiyaw sa sakit.

"You are wrong! Ikaw ang may kasalanan kaya nakipaghiwalay sa akin si Martin! Inahas mo siya! Inakit mo siya siguro! Mang-aagaw ka!" Muli niya akong hinampas kaya naman lalo akong napaluha sa sakit.

"H-Hindi ko siya inahas at mas lalong hindi ko siya gusto! Hinding-hindi ko magugustuhan ang taong mahilig mam-bully at manakit sa akin!" depensa ko pa.

"Ah, talaga? Sa tingin mo maniniwala ako sa iyo?"

"N-Nagsasabi ako ng totoo!" sigaw ko sabay tinanggap ang mga palo niya.

Napaiyak na lang ako lalo. Hindi ako makapaniwalang nangyayari sa akin ito. Wala naman akong ginagawang masama pero ako lagi ang pinagdidiskitahan. Ako na nga ang binu-bully ni Martin, ako pa ang nagdusa sa kasalanan niya.

Nang mapagod si Jennifer sa kakapalo sa akin ay tumigil na siya at itinapon ang latigo.

"I'll give you a chance to escape now. I was thinking of a game twist. Kapag nakatakas ka, mabubuhay ka. Pero kapag nahuli ka namin, asahan mong hindi ka na sisikatan ng araw."

Napalingon ako kay Jennifer sa sinabi niyang iyon. Nakangisi na siya sa akin ngayon.

"I'll give you one minute to escape and your time starts now." Tumingin sa relo si Jennifer saka nagsimulang magbilang.

Hindi pa nag-sink in sa akin ang sinabi niya pero dali-dali na akong kumilos at tumayo. Halos magkatumba-tumba akong hinanap ang pintuan kahit pa iniinda ang sakit sa buong katawan ko.

Nang makalabas ako ay doon ko namalayang nasa likurang bahagi pala kami ng M-School. Malapit kami sa gubat kung saan sa pagkakaalam ko ay ipinagbabawal na pasukin.

Nagmadali akong tumakbo papunta sa building. Nanghihina ako dala ng mga latigo ni Jennifer pero pinipilit kong tumakbo nang mabilis sa abot ng aking makakaya.

"Ayun siya!" Halos mapatalon ako sa gulat nang makita ang mga tauhan nina Jennifer.

Agad akong kumaripas ng takbo nang makitang hinahabol na ako ng mga ito.

Hindi ako puwedeng magpahuli. Hindi puwede.

"Bilis! Hulihin siya!" rinig kong sigaw ng isa kaya naman ay halos mapaiyak na ako sa sobrang takot.

Buti na lang at nakaabot na ako sa building kaya naman ay nagmadali akong umakyat at nagtago sa malaking basurahan.

"Nasaan na iyon?" dinig kong sabi ng isa. Napatakip ako ng bibig sa sobrang kaba. Pati hininga ko ay pigil sa takot na makita.

"Hanapin niyo roon, dali! Hindi siya puwedeng makatakas! Tayo ang malalagot kay Jennifer!"

Mas lalo kong isiniksik ang sarili sa basurahan nang marinig ang mga yabag ng paa nilang papaalis.

Ilang minuto akong nagtago roon hanggang sa maramdaman kong safe na ako.

Napaupo na lang ako at nanghihinang sumandal sa pader. Naiiyak pa rin ako hanggang ngayon dahil sa takot. Kung bakit naman kasi ako nilalapitan ng gulo.

Tiningnan ko ang braso ko. Bakas doon ang marka na iniwan ng latigo ni Jennifer. Namumula pa nga ito at halos magdugo na.

Napapikit na lang ako nang mariin saka tumayo at napagpasyahang pumunta sa dorm.

Pero nagulat ako nang may mabangga akong tao— si Chief Laurent.

Napaatras ako nang makita siya. Halata ang galit at inis sa kanyang mukha habang nakatingin sa akin. Para na siyang kakain ng tao sa uri ng tingin niya.

"Where.have.you.been? Don't you know that I was waiting for you for almost 2 fucking hours?!" galit na saad niya dahilan para lalo akong matakot at kabahan. "Tapos ngayon nandito ka lang pala?!" dagdag niya.

"H-Hindi ko—"

Hindi ko na naituloy ang sinabi ko nang muling maramdaman ang sakit at hapdi ng katawan ko. Bigla akong napahawak sa braso ko.

"Wait... What happened to your shoulder?" takang tanong ni Chief Laurent nang mapansin ang pamumula ng braso ko saka nilapitan ako. Akmang aatras ako nang hinawakan niya ang braso ko at tinanggal ang kamay kong nakahawak doon.

Biglang nanlaki ang mga mata niya sa nakita saka tiningnan ako.

"Who did this to you?" gulat at nag-aalalang tanong niya. Umiwas lang ako ng tingin.

"N-None of your business—" Akmang lalagpasan ko siya nang muli niya akong hinila at hinarap sa kanya.

"Answer may goddamn question, lady!" Halos mapalundag ako sa muling pagsigaw niya. Nang tingnan ko siya lalong nagngangalit sa galit ang kanyang mga mata. Namumula na rin ang buong mukha niya at feeling ko ay anumang oras ay sasabog na siya.

"Again, who did this to you?" muling sambit niya.

Hindi ko na napigilan ang sarili. Napaiyak na ako sa harapan niya.

"Damn it!"

Nagulat na lang ako nang bigla niyang hilain ang kamay ko.

"W-Wait... Saan mo ako dadalhin?" natatarantang tanong ko.

"Cafeteria," tipid pero matigas niyang sagot.

Natahimik ako bigla hanggang sa makarating na nga kami sa loob ng cafeteria. May mga tao roon ngayon dahil meryenda time na.

"Listen up, everyone!" malakas na sambit ni Chief Laurent dahilan para mapunta sa amin ang buong atensyon ng lahat.

"This lady beside me is my own property. So if you dare to touch her, even if it's just a strand of her hair, prepare to be dug to your own grave. Understand?"

Natahimik ang buong paligid. Lahat ay napanganga sa sinabi ng presidente.

Miski nga ang luha ko ay biglang umurong.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top