Epilogue.

Epilogue:


1 year later...

"Princess, come out now. Nandito na mga bisita mo!" nagmamadaling sambit ni mama sa pintuan.

"Coming!"

Saglit kong tiningnan ang mukha ko sa salamin. I am wearing a little blue dress with 3 inches heels. Naka-messy bun din ang buhok ko at may mga kaunting bangs sa noo. I put my silver earring and wipe the side of my lips.

Sumunod na ako kay Mama palabas ng kuwarto at dumiretso sa pool side. Agad naman akong sinalubong ng mga bisita.

"Happy 20th birthday, Alyana!" pambungad na bati ni Ate Zef sa akin. Yes, ate na ang tawag ko sa kanya nang umalis na kami sa M-School. Hindi literal na umalis dahil graduate na kami.

"Thank you, ate," nakangiting tugon ko saka niyakap siya.

Ang daming nangyari noong nakaraang taon. Nalaman kong pinatay si papa ng kapatid niya. Si kuya naman ang pumatay sa mama ni Honey dahil nalaman niya ang hidden agenda nito. Si Kier at Jenie naman ay bumalik na sa totoong work nila and we're also good today. Paminsan-minsan ay binibisita nila ako. I just feel bad sa kapatid ni Jenie dahil pinatay pala ito ni Hendrick. Iyon ang rason kaya sila pumasok sa M-School at magpanggap para hindi mahalata ang tunay na agenda.

Si Vincelee, ayun, we're good as a friend. Nalaman kong hindi naman pala talaga siya kalaban. Nagpanggap lang siya kina Honey para malaman ang mga binabalak nila. Si Sir Jayson naman ay nanatili sa M-School para magturo. Wala na yata talaga siyang balak umalis doon hanggang mamatay. Nagkapatawaran na rin kami ni mama at nagpasyang kalimutan na ang mga nangyari.

Umiyak siya nang mamatay si papa, gano'n din naman ako kasi kahit gaano kasama si papa ay mahal ko siya at ama ko pa rin siya. Nag-move on na lang din kami.

We are also good ni Thricia at naging mabait na siya sa akin. Actually, mag-bestfriend na nga kami ngayon pagkatapos ng gulo. Si Dwiey ay walang pinagbago. Siraulo pa rin hanggang ngayon. Si kuya naman ay todo hirap sa panliligaw ulit kay Ate Zef. Kaya pala sila naghiwalay dati dahil kay Master Colleen. Pinagkasundo kasi sila ni papa at ng magulang ni Master Colleen. Nagbanta rin si papa na papatayin si Ate Zef kung hindi makikipaghiwalay si kuya. Kaya ngayon, si Ate Zef naman ang naging pusong bato at pinaparusahan si kuya. Lagi tuloy busted ang kuya ko.

"Hi, girls."

And speaking of.

"Nasaan ang regalo ko?" pambungad na wika ko sa kapatid ko at inilahad ang kamay. Natawa naman siya sa sinabi ko.

"Sorry, low budget ako ngayon kaya—"

"Sige, Ate Zef, busterin mo lang nang busterin ang kuya ko, ah?" nakangising baling ko kay Ate Zef. Natawa siya sa sinabi ko samantalang agad namang sumama ang mukha ng kapatid ko.

"Sure, Alyana." Kumindat si ate.

"You're so cruel, my princess." Umaktong nasasaktan si kuya. Inismaran ko lang siya.

"So, ano? Diyan na lang kayo palagi? Sige, 'wag niyo na lang ako padaanin."

Napalingon kami sa likuran ko kung saan nakatayo ang bad mood na naman na si Thricia. Ang sama ng tingin niya sa amin at nakaangat pa ang kilay. She's wearing a red tube dress. Nakalugay ang kulot niyang buhok at mukha siyang sopistikada tingnan.

"Hi, Thricia!" nakangiting bati ko saka sinalubong siya ng yakap.

"Ano ba, Alyana! Parang hindi tayo nagkita kanina, ah?" Inis niya akong tinulak palayo. Siya naman kasi ang kasama ko kanina habang nagpe-prepare bago siya umalis para magbihis.

"Regalo ko?" Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. Agad niya namang hi-nigh-five ang kamay niya roon.

"Iyan ang regalo ko."

Natawa na lang ako sa kanya saka ikinawit ang kamay sa kanyang braso.

"Let's go!"

Umirap lang siya sa akin saka sabay na naming tinahak ang pool area. Pagpasok namin ay ang dami ng mga tao. Karamihan ay mga schoolmates ko ngayon at sa M-School. Hindi naman sa marami akong kaibigan pero sina Dwiey ang nag-imbita sa kanila, lalo na sa mga babaeng hindi ko kilala.

Medyo maingay rin dito. Maraming mga disco lights at napaka-high ng paligid. May mga nagsasayawan din sa dance floor.

"Anyway, happy birthday," bulong niya sa akin saka ngumiti.

"Salamat."

"Here he is again. The dumbass." Inis na nakatingin si Thricia sa kung saan. Nang sundan ko ang mga tingin niya ay natawa na lang ako nang makita si Dwiey sa pool na naliligo habang umiinom ng alak. Pinalilibutan siya ng mga babae at wala siyang ibang sinasabi kundi pambobola sa mga ito.

"Nakakahiya talaga siya maging kapatid," inis na wika ni Thricia at umirap.

"Alam niyo para kayong hindi magkadugo. Very opposite kayo ng ugali," natatawang baling ko sa kanya.

"Mana kasi siya kay papa. Duh?"

Inirapan niya ako saka natawa. May mga ibang kakilala ko ang lumapit sa akin saka binati ako at binigyan ng mga regalo. Pagkatapos ay dumiretso kami ni Thricia sa isang mesa at uminom ng wine.

"Hey, princess! Enjoy your day, anak!" nakangiting wika ni Mama na may hawak na wine at kausap ang mga kaibigan niya. Hinalikan niya ako saglit bago siya bumalik sa pakikipag-chika.

"Sorry, I'm late!" Napalingon ako kay Vincelee na kakarating lang. Nakasuot siya ng yellow polo shirt with faded jeans at naka-relax ang buhok. Ang hot niyang tingnan.

"Happy birthday, Alyana," nakangiting wika niya saka inabot ang box ng regalo.

"Thank you!" Niyakap ko siya saglit.

"Anyway, where's Dwiey?"

"Ayun, oh!" Inis na inginuso ni Thricia ang kinaroroonan ng kapatid. Napailing na lang si Vincelee saka bahagyang natawa. Medyo tahimik pa rin siya hanggang ngayon pero atleast nakikita na naming ngumingiti hindi tulad dati.

Mukhang naramdaman ni Dwiey na tinitingnan namin siya kaya naman ay napalingon siya sa gawi namin. Nang makita niya kami ay agad siyang kumaway at tumayo. May sinabi muna siya sa mga babae niya bago lumapit sa amin.

"Hey! Wazzup yo!" pambungad na bati niya.

"You're unbelieveable. Babae agad ang inuuna mo rito kaysa sa birthday girl?" hindi makapaniwalang wika sa kanya ni Vincelee.

"Of course! Woman is very important to me. Hindi ako mabubuhay kapag wala sila!" ngisi ng isa.

"Stupid moron!" asik ni Thricia sa kapatid.

"Oh, c'mon, sister. Bakit kasi hindi ka na lang din maghanap ng boyfriend nang hindi na mainggit sa akin? Available naman si Vincelee!"

"Shut up, dude." Bahagyang binatukan ni Vincelee si Dwiey sa batok.

"Aray ko! Ayaw mo no'n? Wala ng taken sa tropa natin! 'Di ba, Alyana?" Nagtaas-baba ang kilay ni Dwiey.

Natawa lang ako sa sinabi niya.

"Isa ka rin namang single," natatawang sabi ko sa kanya.

"Ouch! Walang ganyanan!" Umakto siyang nasasaktan. "Landian muna status ko ngayon hangga't hindi pa ready ang da one ko."

"Sino? Si Dreyah? Asa ka!" asik ni Thricia saka humalukipkip na uminom ng wine.

"Why did I hear my name?"

Sabay-sabay kaming napalingon sa babaeng nagsalita sa likuran ko. Napangiti ako nang makita si Dreyah na may hawak ng isang regalo sa akin. She's wearing a pink Maxi dress.

Lumapit siya sa amin saka niyakap ako at bineso.

"Happy birthday, sis," nakangiting wika niya saka inabot ang regalo sa akin.

"Thank you!"

Naalala ko, after ng nangyari noon ay dinala si Dreyah sa hospital. Sobrang dami ng dugo na nawala sa kanya kaya nag-panic kami. Mabuti at dumating si Mr. Polito kaya sinalinan siya kaagad. Sobrang natakot ako ng mga oras na iyon dahil baka tuluyan na siyang mawala at mamatay na hindi man lang kami nagkakausap.

Isang linggo siyang walang malay noon at todo bantay naman ako sa kanya. Sobrang nagsisisi ako at nakokonsensya sa kanya kaya hindi ko mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama kay Dreyah. Kaya noong nagising siya ay sobrang natuwa ako. Of course, galit pa rin siya noong makita ako pero hindi ako sumuko. Halos araw-araw akong pumupunta sa kanya at humihingi ng tawad.

Kalaunan ay napatawad niya na rin ako nang tuluyan dahil na-realize niyang biktima lang din ako sa mga kademonyohan ng ama ko. Naging closed rin kami at hindi ko na siya tinatawag na ate. Hindi niya raw feel na tinatawag ko siyang ate.

"Oh, nandito na pala ang masamang damo!" nakangising wika ni Dwiey kay Dreyah na agad siyang tinaasan ng kilay.

"Hindi ako informed na puwede pala pumasok ang isang hayop dito."

"Ha! Sa mukha kong ito? Hayop?" Itinuro ni Dwiey ang sarili saka ngumisi. "Baka ma-inlove ka pa nga sa akin, e!"

"I'd rather die. Ew!" Umirap si Dreyah sa kanya.

"Oh, shot!" Biglang may lumipad na bote papunta sa amin. Agad naman iyong sinalo nang walang kahirap-hirap ni Vincelee at binuksan. Kasunod noon ay ang pagdating ni kuya kasama si Ate Zef na umiinom ng tequilla.

"Thanks."

"Don't mention it," tugon ni kuya. "Anyway, you should socialize to other visitor. It's your day," baling niya sa akin.

"Later, Kuya."

"Alam mo, Alyana..." Nagulat ako nang biglang lumapit sa akin si Dwiey at inakbayan ako. "You should make friends sa lahat ng tao para kapag may occasion, marami kang matatanggap. Hindi lang iyon, magiging famous ka pa tulad ko. Oh, 'di ba?"

"Shut up, human! 'Wag mong itulad sa 'yo ang kapatid ko na puro katarantaduhan sa buhay ang alam."

"What? I did—"

Hindi na naituloy ni Dwiey ang sinasabi nang biglang may tinidor ang lumipad sa gawi niya. Mabuti at mabilis ang reflexes niya kaya agad niya iyong nasalo. Sinundan pa iyon ng isa pang kutsara.

"Get your fucking hands off my girlfriend." Agad napabitaw sa akin si Dwiey nang marinig ang malamig na boses na iyon.

Agad kaming napalingon sa nagsalita. There, I saw my man standing beside the table of utensils while glaring at Dwiey. He's wearing a black and long-sleeved polo shirt paired with his jeans. Naka-gel ang messy hair niya at talagang ang guwapo niya roon. Napanganga na lang ako.

"Uh, oh... The boyfriend is here." Nakangising umatras si Dwiey sa amin habang nakataas sa ere ang dalawang kamay.

Lumapit naman si Laurent sa amin saka sinalubong ako ng halik sa labi at noo.

"Happy birthday," malambing na wika niya saka ngumiti sa akin.

"Salamat. Regalo ko?" Inilahad ko ang aking kamay sa kanya. Natawa lang siya at niyakap ako sa beywang.

"Later." Napanguso ako sa sagot niya. Humarap siya sa mga kasama ko at tinaasan ang mga ito ng kilay nang makitang nakatingin sa amin. "What are you looking at?"

Agad naman silang nagsi-iwas ng tingin. Si Thricia ay uminom ng wine, si Vincelee naman sa bote tumungga, si Dreyah ay napailing lang at kumuha ng slice ng apple sa mesa. Si Dwiey ay napa-wistle samantalang umismid lang si kuya. Si Ate Zef lang ang nakangiti habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin.

"Sa tingin ko hindi na need ng mga regalo ni Alyana. Nandito na ang pinakaregalo niya ngayong gabi, e," natatawang sambit ni Ate Zef. Napasinghal lang si kuya at naiiling na umiwas ng tingin. Palibhasa ay bitter dahil laging busted kay Ate Zef.

"That's right," tugon naman ng katabi ko na malaki na ang ngisi sa labi. Tinaasan ko lang siya ng kilay. "What?"

"Kung ikaw ang regalo ko, bakit hindi mo binalot ang sarili mo?"

"What?!" Kumunot ang noo niya. Natawa naman ang mga kasama ko. Ngumisi na lang ako sa kanya saka piningot ang matangos niyang ilong.

"Joke lang."

"I don't take a joke, Alyana."

"When the two love birds fly! Amen!" Natawa ako kay Dwiey nang umakto siyang sumasamba sa amin. Samantala, nag-cringe lang sa kanya ang mga kasama ko.

"Hail Alent! Hail Alent!" sambit niya habang yumuyuko kaya sinipa siya ng kapatid na nairita na sa kanya.

Paano, pinag-combine niya lang naman ang mga name namin ni Laurent. Nag-cringe ako sa ship name na ginawa niya. Ang weird pakinggan!

"Mukha kang baliw sa kanto, alam mo ba iyon?" asik ni Thricia.

"You should've brought him to the mental hospital instead," dagdag naman ni Dreyah.

"Huwag na. Wala nang mapaglagyan iyan doon. Puno na ang mental," natatawang komento ni Ate Zefinah.

"Aray, ha! Ang sakit ninyong magsalita! Seriously, mga kaibigan ko ba talaga kayo?" Umaktong nasasaktan si Dwiey.

"Hindi," sabay-sabay na sabi nilang lahat. Humagalpak na lang ako ng tawa.

"Ah, gano'n? So, friendship over na tayong lahat? Hindi niyo na ako tropa?"

"Kailan ka ba naging kasali sa tropa?" pambabara ni Dreyah. "Ayun ang mga tropa mo, oh! Naghihintay sa iyo!"

Sabay-sabay kaming napalingon sa itinuro ni Dreyah. Nakatingin sa amin ang limang babae na nakasuot ng swimsuit at kumakaway pa kay Dwiey.

Nagpatuloy silang asarin lalo si Dwiey dahil doon. Ako naman ay puro tawa lang ang ginagawa.

"Hey... Do you want me to escort you? Let's welcome your visitors," bulong ni Laurent sa tabi ko.

"Sige." Tumango ako sa kanya at nagpaalam na aalis muna para kausapin ang ibang mga tao.

"Humayo kayo at magpakarami!" pahabol ni Dwiey kaya muli siyang binatukan ng kapatid.

Natawa na lang ako sa kanya. Kung sinu-sino ang kinakausap at kinakamusta namin ni Laurent. Ang iba ay nagbigay ng regalo, ang iba naman ay binati lang ako. Pero karamihan sa kanila ay si Laurent lang talaga ang kinakausap lalo na sa mga babae. Kumbaga, mukhang siya pa ang may birthday kaysa sa akin.

Parang gusto ko tuloy ikulong si Laurent sa kuwarto. Halatang pinagpapantasyahan siya ng mga kababaihan dito na hindi ko naman masyadong kilala. May iba pa na harap-harapang lumandi sa kanya. Mabuti na lang at nag-excuse na ang kasama ko dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili at lampasuhin ko ang mukha ng babae palabas ng bahay.

So far naging smooth naman ang birthday celebration ko. Naging hype ang mga tao nang lumalim na ang gabi. Nag-inuman na rin kaming mga magkakaibigan sa iisang mesa at naglaro pa ng truth or dare. Puro truth ang pinili ko samantalang puro dare si Dwiey. Natatawa ako sa mga dare sa kanya ni Dreyah at Thricia. Mayro'ng pinapasayaw siya ng sexy dance sa harapan ng stage, mayroon ding pinapaubos sa kanya ang isang bote ng alak. Mabuti at mataas ang tolerance niya.

Hating-gabi na nang magsialisan ang mga bisita namin. Napagpasyahan namin ni Laurent na pumunta sa balcony at magpahangin. Nakatayo kami at nakahawak ang kamay ko sa railings habang pinapanood ang mga tao na nagliligpit ng mga gamit. Nakayakap naman sa beywang ko si Laurent.

"Are you happy?" maya-maya'y tanong niya. Tumango naman ako at sumandal sa kanyang dibdib.

"Very much happy."

"That's good to know, then." I felt him kissed my head.

"Laurent..."

"Mmm?"

"Kung buhay pa si Julie, ano sa tingin mo ang mangyayari sa atin?"

Napatingin siya sa akin dahil doon. "What's with the question?"

"Basta, sagutin mo na lang ako." Ngumuso ako.

Bumuntong-hininga siya saka muling tumingin sa harapan bago sumagot.

"Maybe, she's here with us."

"Sa tingin mo ba kung nandito siya, pipiliin mo siya? She's your fiancee, after all."

Muli siyang tumingin sa akin. Napalunok ako nang makitang namumungay ang mga mata niya.

"No, Alyana. I will pull out the agreement between our families and choose you instead. Besides, Julie already knows that I'm not going to marry her."

"What if hindi mo ako nakilala?"

"I'll still do the same thing."

Bahagya akong napangiti sa sinabi niya. Pero nalulungkot din ako kapag naaalala si Julie. She doesn't deserve to die in that way. Napikit na lang ako nang mariin nang maalala ang mga nangyari dati. Guilty is trying to eat me again.

"Stop thinking about the past, Alyana. Just focus on our future, mmm?" malambing na wika ni Laurent.

"I can't stop myself from thinking about the people who died because of me. But, I'll be alright."

"Do you want to visit your psychiatrist again?"

"Hindi na. I'm fine," sabi ko sa kanya at yumakap. After ng nangyari ay nagpatingin ako sa psychiatrist dahil sa trauma na tinamo ko. Pero maayos na ako ngayon. I can already handle things.

"Hoy! Ano iyan, bebe time na naman?" Napalingon kami kay Dwiey na dumating. Kasunod niya si Dreyah na agad siyang binatukan.

"Sarap lagyan ng glue stick ng bunganga mo," sabi nito.

"Grabe ka talaga sa akin! Bakit kasi hindi mo na lang ako sagutin para magka-bebe time rin tayo?" nakangising wika ng lalaki sa kanya. Umirap lang si Dreyah at umarteng nandidiri.

"Ew! Hindi ako pumapatol sa mabahong hayop!"

"Hoy, mabango ako, ah! Kahit amuyin mo pa ako! Baka nga hahanap-hanapin mo ang amoy ko!"

"No thanks. Ew!"

"Oh, para sa 'yong laging naba-busted!" Dumating si Thricia na may mga hawak na bote ng beer. Hinagis niya ang isa kay Dwiey na agad naman niyang sinalo.

"Thank you, kapatid! Mukhang kailangan ko nga ito!" hagalpak ni Dwiey. Inirapan lang siya ng kapatid.

Sunod na dumating sa kanila si Vincelee na may dalang pulutan. Maya-maya lang ay tumabi sila sa amin ni Laurent. Inabutan kami ni Thricia ng bote.

"Next time na magbibigay ka ng bote, siguraduhin mo namang nakabukas na," pagrereklamo ni Dwiey sa kapatid. Agad namang hinagis ni Vincelee ang bottle opener sa kanya.

"Next time na magbibigay ako ng bote, babasagin ko mismo sa ulo mo," irap ng kapatid.

Natawa na lang ako sa sagutan nila magkapatid. Maya-maya lang ay natahimik kaming lahat. Tila dinadama namin ang malamig na simoy ng hangin.

"Nakaka-miss ang M-School, 'no?" maya-maya'y pagbabasag ni Dreyah sa katahimikan.

"Yes. Sobra," tipid na tugon ni Vincelee saka tumungga ng alak.

"Ako ba, na-miss mo?" nakangising wika ni Dwiey. Inirapan lang siya ng babae at binatukan naman siya ng kapatid.

"Konti na lang at ilalaglag na kita rito," asik nito.

"But I missed Patrick," dugtong ni Dreyah. Nang tingnan ko siya ay nasa malayo ang tingin niya. Ininom niya ang bote na hawak. Hindi ko mapigilang makaramdam ng lungkot at guilty sa sinabi niya.

"I'm sorry, Dreyah," sabi ko.

"Stop saying sorry, Alyana. It's already done. It's just that, I missed his presence." Bumuntong-hininga siya at humawak sa railings. "Kung sana buhay pa siya..."

"Just accept it. Maybe he died for a reason, because you were not meant for each other," sabat ni Dwiey na biglang sumeryoso. "You deserve someone that can replace him in your heart."

"Yeah, except you," pambabasag-trip ng kapatid niya.

"Let's just move on, guys. If you want, we can visit the school tomorrow," wika ni Laurent. Iba na ang SC president ng M-School ngayon pero deserve naman ng bago ang spot niya dahil napatunayan niya kay Laurent na karapat-dapat siya roon.

Laurent let go his position and the school to the right person. Natupad na ang gusto niyang mangyari. Maliban sa garden namin doon na pinapalinisan niya lagi sa mga tao roon.

"Oh, chichiria!" Hinagisan kami ng mga junk foods ni Vincelee. Natawa na lang ako. Kompleto ang dala niya rito, ah?

"Sabihin mo nga, Vince, ikaw na ba ang food stock ko?" pang-aasar ni Dwiey. Nag-cringe lang ang mga kasama ko sa sinabi niya.

"Fuck you, dude."

Natawa na lang kami. Maya-maya lang ay nagulat ako nang biglang kinuha ni Laurent ang kamay ko at may isinuot doon. Nang tingnan ko ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang silver ring.

Kumabog bigla nang husto ang puso ko lalo na nang makita ko siyang nakangiti sa akin.

"Laurent—"

"Don't take that off, Alyana. That's a sign that you are my fiancee now."

"H-Ha? Pero—"

"Besides, I'll be marrying you after we graduate."

Napanganga na lang ako sa sinabi niya. Hindi ko alam pero para akong maiiyak na ewan sa tuwa. Ang lakas ng kabog ng puso ko at nagwawala ang buong sistema ko. Hinampas ko na lang ang dibdib niya.

"Siraulo ka! Hindi mo man lang ako tinanong! Paano kung nag-no ako?" naiiyak na sabi ko sa kanya.

"Why? Are you going to reject me?"

Hindi agad ako nakasagot kaya naman ay ngumisi siya.

"See? You're still going to say yes."

Muli ko siyang hinampas at natawa na lang din. "Ang taas ng kumpyansa sa sarili, ah?"

Natawa na lang siya saka hinalikan ako sa noo at niyakap. Walang pag-alinlangang ginantihan ko siya ng yakap.

"I love you, Alyana."

"I love you."

"Ayieee! Mabuhay ang bagong kasal!" Natawa ako kay Dwiey na pumalakpak.

Sinundan naman iyon ng mga kasama namin na ang laki ng ngiti sa aming dalawa ni Laurent.

"Congratulation, guys!"

"Party-party!"

"Iyan pala ang regalo mo, Chief, ah? Naks!"

"Congrats!"

Isa-isa akong niyakap ni Thricia at Dreyah na maluha-luha pa. Napapalakpak din sila sa tuwa. Nakipagkamay naman ang mga lalaki sa isa't isa.

"I guess, that's it! Hanggang sanaol na lang talaga muna ang role ko, 'no?" naiiling na wika ni Dwiey kaya tinawanan ko siyang muli.

"Magdusa ka. Forever single ka na. Iyan ang sumpa sa mga babaero," pang-iinis ni Thricia dahilan para lumukot ang mukha ni Dwiey.

"Hoy! Foul words iyon, ah!"

Napailing na lang ako habang nakatingin sa kanila na nagbabangayan.

I am much more happy and contented now that I have them. We may not be perfect, marami kaming mga tinatago sa mga tao, mga pagkakamali na nagagawa at mga sakit na nararanasan both physically, emotionally, and mentally. Pero lahat ng iyon ay nagawa naming lagpasan nang sama-sama.

Sa dami ng hirap na pinagdaanan namin, heto pa rin kami at natutong magpatawad at patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay. Wala na akong maihihiling pa maliban sa kanila.

Tanggap ko na rin ang pagkatao ko at kung sino ako dahil sa kanila, dahil sa tulong ng mga tunay kong kaibigan.

I am Alyana Sernoso, a former student of M-School, and I can say that I am now a real fighter!

The end.

***


Ayieeee! Sana nagustuhan niyo po ang story!

Please leave a comment about your insights.

Mami-miss ko sina Alyana, Laurent, Thricia, Dreyah, Dwiey, at Vincelee!

Hanggang sa muli, babush!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top