Chapter 01
01: Hello, Death!
"You need to go there, Freya. Everything's already settled there. You just need to show up. You know...you know...we're not safe here anymore. And that's the only place that no one can find you..."
"Pero kuya...why should I go there alone? Bakit hindi mo ako sasamahan doon kung hindi na pala safe ang lugar na ito sa atin? At saka, ano ba ang nangyayari? Nasaan na ba si Daddy? Why do we need to hide? Did our family commit a heinous crime that we need to escape?"
"Just follow my instructions, Frey. We're running out of time. I will follow you there soon. And as for dad, he will show up...when the time is right..."
"Kuya..."
"Leave, Freya, please!"
"Pero kuya..."
"Just listen to me, Freya! You need to survive and so do I!"
"Kuya..."
A loud screech woke Freya from her deep sleep. Naimulat niya bigla ang kanyang mga mata nang tumama ang kanyang noo sa sandalan ng upuan sa kanyang unahan.
She winced in pain and cursed the driver multiple times in her head. Gusto niyang batuhin ito ng coke in can na nasa bag niya ngunit pinigilan niya ang sarili. What a way to wake her up from a bad dream!
Well not bad to distract me from thinking, aniya sa isip at malungkot na napangiti.
Napailing siya at kinapa ang nasaktang noo. Mabuti na lang at hindi naman siya nabukulan. Kung nagkataon na nangyari talaga iyon ay lintik lang talaga ang walang ganti!
Sumilip siya sa bintana ng sinasakyang bus. Padapit hapon na kaya naman nag-aagaw sa kahel at lila ang kulay ng langit.
She sighed heavily.
She doesn't know what she'll do when she reaches her destination. Until now, her mind is numb from all the things happened to her few days ago. If only it's just a bad dream, then she'll be forever thankful to the driver who woke her up by stepping the gas hard without thinking about his passengers.
"Nandito na tayo, boy."
Napaangat ang tingin niya nang marinig ang boses ng kundoktor.
Oh. Kinausap niya nga pala ito kanina pagsakay niya ng bus na sabihan siya kapag nakarating na siya sa destinasyon niya.
Tumango lang siya rito at hindi man lang nag-abalang magpasalamat. Tumayo na siya at isinukbit ang kanyang backpack at hinila ang maleta niya.
Pagbaba niya ng bus ay nakita niya ang isang malaki at engrandeng gate sa kanyang kaliwa.
Is this really the place? Kunot noong tanong niya sa sarili.
Lumapit siya roon at pilit sinilip ang nasa likod ng malaking gate na iyon. Pero mas lalo lang napakunot ang noo niya nang mapansing kalsada lang ang abot tanaw ng kanyang mga mata at wala man lang siyang makita na kahit anong building.
Parang gusto niya ng umatras. Hindi kaya naloko lang siya ng kundoktor at hindi pala ito ang dapat niyang bababaan?
Oh, shit!
There's a waze or a google map. Why didn't she even bother to look at it earlier to check if it's really the place she needs to go?
Nagmamadaling kinapa niya ang kanyang cellphone sa suot niyang itim na hoodie upang tingnan kung nasa tamang lugar nga ba siya nang mapansin sa gawing kanan niya ang isang guard house. Patakbo siyang lumapit doon.
"Is this the Luthier Academy?" Tanong niya sa pinatigas na boses sa lalaking nakita niya na sa hinuha niya ay guard base na rin sa suot nito.
Tiningnan siya nito ng maigi. Tila ba kinikilala siya nito.
"Ito nga. Anong kailangan mo, sir?" Tanong nito at sinipat siya ng makailang ulit pa.
Lihim siyang napangiwi. Thanks to her wig and it seems like everyone's already believing that she is a male.
Bumuntong hininga siya ng malalim at nagpakilala.
"I am Frey---France Weiss. Transferee." Inabot niya ang kanyang ID. A fake ID though with a name that she just mentioned.
"Ah, ikaw pala yong hinihintay ni Directress kanina pa," anito nang basahin ang inabot niyang ID. Ibinalik nito iyon sa kanya. May kinausap ito sa two way radio at sa gulat niya ay bumukas ang malaking gate.
"Pasok ka na, sir."
She's amazed when she saw the gate fully opened. It's automatic. Not that it's her first time to see one pero hindi niya mapigilang humanga pa rin. Sementadong kalsada ang sumalubong sa kanyang mga mata at mga nagtataasang puno naman sa magkabilang gilid nito.
"Is this really the Luthier Academy, kuya? Bakit wala man lang akong makitang kahit anong building?" Hindi na niya napigilang tanong muli sa guard.
"Ah, may kalayuan pa kasi ang academy mula rito sa main gate. Nasa sampong kilometro pa ang layo."
"What?!" She's shocked on what she heard. Eskwelahan ba talaga itong pinuntahan niya? It's the first time she went to a school that is ten kilometer away from the main gate for pete's sake!
Bahagyang natawa ang guard sa naging reaksyon niya. "Hindi ka ba na-inform, sir?"
Sinamaan niya ito ng tingin at umiling. Kung alam niya lang ay hindi sana gan'on ang reaksyon niya!
"Hindi bale, sir, may service car naman dito kaya ihahatid ka ng kasama ko sa main office bago sa dormitory. Nasabihan naman kami sa pagdating mo kaya huwag kang mag-alala. Hindi ka maglalakad mula rito hanggang doon."
Ano bang klaseng eskwelahan ito? Bakit parang napakalayo sa kabihasnan?
Hindi niya maiwasang kabahan. Narinig na niya ang Luthier Academy noon. It's a prestigious school for elites. At narinig niyang hindi ito basta-basta nagpapapasok ng kung sino-sino lang. Hindi porke't mayaman ka ay makakapasok na agad sa Luthier. Kahit ikaw pa ang anak ng pinakamayamang tao sa buong mundo, if you do not fit into their requirements, which she doesn't even know what it is, then, you can never set your foot on the famous Luthier Academy.
Mas dumoble ang kabang nararamdaman niya. Hindi niya alam kung paano nagawa ng kapatid niya na i-transfer siya sa eskwelahang iyon. At mas lalong hindi niya alam ang gagawin dahil simula sa araw na ito ay kailangan niyang paninindigan ang bago niyang katauhan.
She doesn't want to. Pero wala siyang choice kundi gawin iyon para na rin sa kaligtasan niya.
Nakagat niya ang pang-ibabang labi at pinigilan ang namumuong luha sa kanyang mga mata. If only her brother allows her to stay with him and let her know what the f*ck is happening, then, maybe, she's not in the situation that she needs to forget that she is Freya Kathryn Weiss, the not-so-ordinary daughter of the famous neurologist, Dr. Martin Weiss.
"Nandito na tayo, sir."
Napamaang siya nang huminto ang sinasakyang service car. Sumilip siya sa bintana at umikot ang kanyang paningin sa paligid. Hindi na naman niya napigilang mapamangha sa nakikita niya. It's like a castle on a modern era. Tatlong building ang sumalubong sa kanya. One on the left, one on the right and one in the middle.
What do you expect from Luthier, Freya?
Nakita na niya ang eskwelahan na iyon noon isang beses sa isang sikat magazine. Kung humanga siya noon sa larawan pa lamang ay mas dumoble ang paghanga niya nang makita ito sa personal.
Well, hindi na nakakapagtakang ganito kaganda ang eskwelahan kung ang lahat naman ng nag-aaral dito ay mga elite.
The school needs to stand firm on the reputation it has.
Trumiple ang kabang nararamdaman niya. How can she survive in this school without revealing her true identity? No one should know that she's a girl or that will be the end of her journey.
Kuya...can I really make it? Gusto niyang panghinaan ng loob pero kailangan niyang maging matatag. She promised to her brother. At hindi niya babaliin iyon kung ang kapalit niyon ay ang kaligtasan niya at ang pagkikita nilang muli at ng kanyang ama.
"Hinihintay ka na ni Directress Park sa office niya," anang driver sa kanya na tiningnan siya sa rear view mirror. "'Yang nasa kanan natin ang building kung nasaan ang office ni Directress. Nasa fifth floor ang office niya."
Tumango siya rito at nagpasalamat. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at bumaba na. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya at matapos ay naglakad siya papalapit sa building na itinuro sa kanya ng driver.
The cold wind passed through her that even the hoodie she's wearing wasn't enough to protect her. Mabilis na humakbang siya paakyat sa hagdanan papasok ng building. She can already hear noises from the inside.
The door automatically opened when she stepped her feet in front of it. She immediately saw a bunch of students who are busy doing their own businesses.
Nagmadali siyang naglakad papalapit sa elevator na nakita niya. She doesn't want to attract attention but hell! Kung sino man ang pumatid sa kanya, he'll meet hell in this instant!
Calm, Freya, calm! Don't make a scene because of this! Attention is the least thing you want to have right now! But sh*t. She can't! Masakit ang pagkakalpak niya sa sahig!
"F*ck!" She cursed loudly as she tried to get her ass up from kissing the floor.
Nakita niya ang isang lalaki sa kanyang gilid na may hawak ng isang libro na nakakunot ang noong nakatingin sa kanya. Okay. The guy is so good looking and looks dazzling on his grayish hair while sporting a black leather jacket but it doesn't mean she'll give in because of that. Sigurado siyang ito ang pumatid sa kanya. To hell with his features! She might ruin it later if she can't control her anger.
Sinalubong niya ang tingin nito with a death glare. Nakita niyang mas lalong kumunot ang noo nito.
"Newbie?" He asked as if he never did something bad to her. Naikuyom niya ng mariin ang kanyang mga kamao.
"Assh*le?" She snapped.
Gumuhit sa mukha nito ang iritableng ekspresyon dahil sa sinabi niya.
Binitawan nito ang hawak na libro at tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa. Lumapit ito sa kanya.
"Damn, newbie. You don't know who you're talking to," may diing wika na sabi nito sa kanya at itinulak siya. Mabuti na lang at maayos na ang pagkakatayo niya kung hindi ay baka natumba siya sa lakas ng pagkakatulak nito sa kanya.
She can sense that everyone's attention is already on them. Mas lalo tuloy uminit ang kanyang ulo.
She glared at him and talk to him with menacing tone, "and you don't know who you're messing up with, Lucifer."
Humalakhak ang lalaki. Amusement can be read all over his face. Afterwards, she saw his knuckle coming its way to her face but she immediately dodged it.
Shit! Muntik na 'yon!
"You don't mess with me, satan!" Aniya at buong lakas na sinuntok ito sa mukha bilang ganti.
Hindi 'ata nito inasahan ang ginawa niya kaya naman tinamaan niya ito sa mukha at baahagyang napaatras dahil doon.
She heard a lot of grasps from the audience. Makalipas ang ilang sandali ay napapalibutan na rin siya ng mga estudyante.
A group of men came to her and held her firmly.
"Who are you to do that to our prince?!" A girl with auburn hair came to her rushing and slapped her hard.
Kung hindi niya lang iniinda ang sakit ng pagkakasampal sa kanya ay baka napahalakhak siya ng malakas sa tinawag ng babaeng iyon sa lalaking may gray ang buhok.
Prince? What the hell? Is she in a novel where she just meet the invincible prince that everyone loves?
She spat. She can taste her own blood because of the cut on the side of her lips. Makawala lang siya sa pagkakahawak sa kanya ng mga lalaking may hawak sa kanya, that auburn haired bitch will have the taste of her own medicine.
"Leave him alone. He's mine to kill."
His voice made her shiver. It's as if the words came out from his mouth has its own lives and made her feel that she just made a huge mistake that even her life can't be of trade.
Nagmamadaling binitiwan siya ng mga lalaking may hawak sa kanya.
Even the girl who slapped her looks like a scared cat now and immediately stepped back.
She tried to stand firm. Hindi siya pwedeng magpakita na natatakot siya or else, she will be eaten alive by this man.
Muling lumapit sa kanya ang lalaki. He has this ominous look on his face that made her step back a bit. His jet black eyes looking fiercely at her as if he's digging hole into her soul.
'Wag kang matakot, Freya! You've been in more horrible situation than this!
"You have the guts to fight me, novice. What's your name, little devil?" Anito sa mababa ngunit nagbabantang boses.
She tried to hide the fear that consuming her.
She smirked, "Trouble is my last name."
In just a moment, the guy is already holding her neck.
Sinubukan niyang kumawala sa pagkakasakal nito ngunit hindi niya magawa. Masyadong malakas ang lalaki at unti-unti na siyang kinakapos ng hininga. Pakiramdam niya rin ay matatanggal na rin ang ulo niya sa kanyang leeg!
Damn! Is it already my time to die?
Pero hindi niya gustong mamatay sa gan'ong paraan! Also, she's still has a mission to accomplish!
"Your little act of bravery can't save you, idiot."
Pilit siyang kumawala. Ngunit tila wala ng lakas ang katawan niya para pigilan ito sa ginagawang pagsakal sa kanya.
Damn devil! He's ready to kill me!
"Let go of him, Yoonji. Don't taint your hand of the blood of a worthless human."
https://youtu.be/qUn1tzyTYeo
***
Anyone's up to make a cover for this story? I apologize. I don't have talent on that. Haha!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top