#scars
Halos halikan na ni Shawn ang kongkretong daan nang maramdaman niya ang pag yakap ni Tad. Halos hindi na siya humihinga.
Hindi na niya nagawang pumiksi sa bisig ng lalaki dahil sa sobrang panginginig. Magkahalong emosyon ang pumupunit sa puso niya. "You killed my Dad." She said. Halos panawan na siya ng ulirat, hindi na siya maka hagulgol dahil sa labis na pag iyak. "Ibalik mo ang papa ko.." parang batang pakiusap niya.
"I'm sorry.."
"Ibalik mo ang papa ko!" sigaw niya kasabay ng masakit na pag hikbi. "How dare you! I hate you! Bakit Tad? Anung mali? Sabihin mo anung ginawa ko!" madiin ang mga hampas niya sa dibdib ng lalaki.
"Shawn calm down please." Alo ni Tad. "I'm so sorry..."
"Shawn?! Sir what happened?" sa nanlalabo niyang paningin,nakita niya si Didi kasunod si Rigo na palapit sa kanila.
Inabot siya ng kaibigan nang halos naka higa na siya sa semento kahit nasa bisig pa siya ni Tad. "Oh my God ano'ng nangyari sayo?" tinapik-tapik siya ni Didi pero wala na siyang maramdaman. Tuluyan na siyang nawalan ng malay.
"Pare." Tawag ni Rigo. "Ako n a ang bahala dito." Parang naintindihan naman ng kaibigan niya ang sitwasyon.
"No, I'll go with you." Pinangko niya si Shawn.
"Are you crazy? Nasa loob ang asawa mo. Ano nalang ang mararamdaman niya kung bigla ka nalang mawawala?" sinundan niya ang lakad ng kaibigan, siya narin ang nag bukas ng kotse nito na naka park sa di kalayuan.
Nakita niya ang pag luha ni Tad.
"Pare, I'm here to help. Kailangan ka ng asawa mo sa loob." Hinawakan pa niya sa balikat si Tad.
"Shawn needs me too." Lumuluhang sagot niya.
"Sa palagay mo ba pare makaka tulong ang presensya mo sa kanya ngayon?"
Hindi kumibo sa Tad. Maingat na pinasok niya sa Shawn sa backseat ng kotse.
"Pare..."
Ilang saglit na nanatili siyang naka titig kay Shawn. "Take care of him." Mahinang pakiusap niya.
Halos sabay na sumakay sila ni Didi sa kotse at nag drive palayo.
Umihip ang malakas na hangin kasabay ng pagbuhos ng malaksa na ulan. He cried bitterly and hated himself.
***
Sa hospital na nagka malay si Shawn.
Mabilis na umagos ang mga luha niya nang ma alala ang sitwasyon.
"Tahan na. Ano ba ang nangyari sayo?" tanong ni Didi.
Umiling siya. "P-pasensya na kayo." Hingi niya ng paumanhin kay Didi, nandoon din si Rigo kasama ang nobya nito na si Margaux.
Maingat na bumaba siya ng kama.
"Kaya mo na ba?" tanong ni Rigo.
Tumango siya at pinilit ngumiti. "I think kailangan na ninyong bumalik sa party ng kaibigan ninyo, m-may aasikasuhin pa kasi ako."
Nagka tinginan ang mag nobyo. Blangko naman ang ekspresyon ni Didi.
"Pasensya ka na, hindi ko macontact ang kapatid ko." Si Margaux. "Hindi ko din ma contact si Zia, sinamahan kasi nila ang mama niya sa Singapore, pero babalik din sila agad. Sa makalawa pa ang dating nila."
"No, you don't have too, ayoko din naman na mag isip pa si Zia dahil lang sa ka artehan ko." Muling pumatak ang mga luha niya.
"Hindi ikaw yan girl." Sabat ni Didi. Niyakap siya ng kaibigan. "Tell us, what happened?"
Tuluyang bumigay ang mga tuhod niya. Parang batang umiyak siya sa balikat ni Didi. "Wala na si Papa.."
Alam niyang nabigla ang mga tao sa paligid niya kahit patuloy lang siya sa pag iyak. Hindi siya maka hinga sa sobrang sakit ng nararamdaman niya.
Naramdaman niya ang marahang paghagod ni Margaux sa likuran niya pati ang banayad na pag luha ng mga ito.
***
Magdamag na hinintay ni Shawn na matapos ang cremation ng ama. Iyon kasi ang gusto ng papa niya, ayaw nitong pag lamayan ng ilang araw dahil alam niyang sobrang malulungkot ang anak niya.
Tulalang nag hintay siya.
Biglang dumating si Didi at inabutan siya ng isang cup ng kape at sandwich.
"Kumain ka naman friend, hindi ka pa kumakain."
Inabot niya ang mga iyon. "Salamat, pasensya kana sa abala."
Umupo siya sa tabi ni Shawn. "OK lang yung mars, naka uwi na pala yung lovers."
Tumango siya. Kinuha niya ang cellphone at nag pasalamat kina Margaux.
"Ano n'ang balak mo?"
"Hihintayin ko lang na maka uwi si Zia, tapos babalik ako ng Boston."
"Sigurado ka? Ano naman ang gagawin mo dun? Ikaw lang mag isa."
"Babalik pa naman ako dito. Ano ka ba, sanay naman akong mag isa."
Seryosong tinignan siya ni Didi. "Meron ka pang hindi sinasabi sakin."
She smiled a bit. "Sasabihin ko din sayo, pero hindi muna ngayon." Muling bumalong ang mga luha niya pero pinigil niya ang pag patak ng mga iyon nang muling ma alala si Tad at ang papa nito.
Kinalma siya ni Didi. "Oh tahan na, kumain kana muna."
Tumango lang siya at sinimulan ang pag higop ng kape. Napa ngiwi siya nang malasahan ang kape.
"Oh ano? Kasing bitter mo ba ang inorder ko?" tanong ni Didi.
Natawa siya.
***
Same night Tad stayed up late. The day after tomorrow mag bibyahe sila ni Iza papuntang Europe para sa honeymoon nilang mag asawa. Pero wala ang isip niya doon, magdamag na iniisip niya si Shawn. Maka ilang ulit na siyang tumawag dito pero hindi nito sinasagot ang tawag niya.
"Madami ka nang nainom."
Nakita niya ang pag baba ng Alyssa sa hagdan.
Binalik niya ang atensiyon sa isang baso ng brandy. "Bakit gising ka pa."
Lumapit si Alyssa sakanya at nilayo ang baso. "Ikaw bakit gising ka pa?"
Hindi siya kumibo, ramdam niya ang labis na pagka hilo dahil sa dami ng nainom niya.
"Tad.."
"I'm sorry.."
"For what?"
"Kung hindi man ako maging mabuting asawa sayo,patawarin mo ko'."
"Halika na, lasing ka na." Inakbayan niya ang asawa papanhik sa kwarto.
"Are you in love with someone else Tad." Tanong niya nang bumaksak itong nahiga sa kama.
"I don't know.." He said tipsily.
Saglit na natigilan si Alyssa. Parang kinurot ang puso niya.
Sinimulan niyang punasan ang asawa gamit ang inihanda niyang bimpo kasabay ng pag patak ng masagana niyang luha.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top