#quicky

.."Please don't stand so close to me.. I'm having trouble breathing.. Im afraid of what you'll see, right now.."

***

"Shawn."

Medyo nagulat siya nang marinig ang boses ni Tad.

"Sir?"

"Labas tayo."

"Sure labas lang pala. Kahit labas-pasok pa yan, sasamahan kita."

Tad grinned. "Know some place?"

Patuloy lang si Shawn sa pag type sa laptop. "I know some corny place, Gusto mong mag icecream?" Hinarap niya ito.

Nag blushed siya nang mahuli itong naka titig sakanya.

"Ice cream?, you're blushing." A playful smile curved on his lips.

"hm," Binalik niya ang mata sa laptop. "ang mabuti pa bumalik ka na sa office mo, at baka ma chismis nanaman ako."

"Ok?"

Kasunod na narinig niya ang pag hakbang nito palayo.

"Psst! Mars, anu yan ha?" agad na naka lapit sakanya si Didi.

"Niyaya nya kong mag sex mars."

"iiih..Sama ko?" Volunteer ni Didi.

"Hindi pwede, three is a crowd."

"Sige na kahit sa first round lang."

"Edilberto, trabaho."

Nanayo ang balahibo ni Didi nang marinig ang pangalan. "iih!!" nag dadabog na bumalik siya sa sariling cubicle.

"Ehem." Tikhim ni Zia.

"Oh isa ka pa." irap niya sa kaibigan.

"Nu ka, hindi ako nakiki chismis. Sasabihin ko lang na tama ang tayming ng pag ibig mo dahil may makulit na mag hahatid sakin pauwi."

"At pumapag ibig ka na rin? Mabuti yan." Ngumiti si Shawn pero agad din napawi iyon."Anong sabi ng kaibigan ko? Pag ibig? Anu naman ang alam ni Tad don." Bulong ng utak niya. "Eh ikaw? anong alam mo sa pag ibig?" Tanong ng isa pang boses sa isip niya.

***

"Napapadalas yata ang pag yaya mo sakin?" tanong niya. Wala silang napag kasunduan na puntahan, kaya ang ending nila ay sa harap ng inuupahang bahay ni Shawn.

Pareho nilang pinag kasya ang sarili sa maliit na plant box sa gilid ng gate habang naka harap silang pareho sa tahimik na kalye.

"Wala, gusto ko lang ng kausap. Ayaw mo ba?"

"May sinabi ako? Gusto mo ng kausap pero wala naman tayong napag uusapan na matino."

"Ano bang gusto mong pag usapan natin?"

Napa isip si Shawn. "I don't know? Hindi naman tayo close, ayaw ko naman mag tanong baka sabihin mo chismosa akey."

"Ako Shawn? Pwede bang mag tanong?" seryosong sabi ni Tad.

"Pwede naman, wag lang calculus, teka nga parang kulang tong ice cream na binili mo sakin ah?" Reklamo niya habang naka silip sa isang plastic bag.

"What? Abah, naka lima kana ako isa palang. Kulang pa?"

"Oo naman. Oh ano na ba yung tatanong mo?"

"Pogi ba ko?"

"Sus, ume-SL ka narin? Hindi--"

"Nainlove kana ba Shawn?" Putol ni Tad.

He's asking without looking at her. Natigilan si Shawn. "O-oo naman."

"Really?" tinignan siya ni Tad.

"O-oo. Teka nga bat ba love life ko ang tinatanong mo?"

"Di ba pwede akong mag tanong?"

"Oo." nag focust siya sa pag kain ng ice cream, hindi niya alam pero hindi siya komportable na pag usapan ang love life with Tad.

"How's the feeling?"

"Of being in love?" kumpirma niya. "Susme boss, wag.. nirereyp mo ang puso ko sa mga tanong na ganyan."

"Yeah."

It took her a couple of minutes bago nag salita. "Ikaw, answer it for me. How's the feeling? Kasi ako, hindi ko talaga alam.. dahil hindi pa naman ganun ka lalim ang pagka inlove ko sayo." Natigilan siya, totoo bang sinabi niya yon sa utak niya? "What?" biglang nasabi niya.

Napangiti si Tad. "Nagulat kaba sa tanong ko?" pag iiba niya. "Teka nga, may iba ka bang kausap dyan?" Sumilip pa si Tad sa tabi niya.

Na disappoint siya sa biglang liko ni Tad. "oo, akala ko kasi puro tungkol lang sa trabaho ang alam mo, Pumapag ibig ka rin pala. Wala no!" Palusot niya.

"Akala mo lang yon." Pahingi nga ng ice cream ko. Inagaw ni Tad ang supot sakanya.

"Oh ayan, isaksak mo sa anu mo." Padabog na inabot niya ang supot sa katabi.

"Sa anu ko?"

"Sa baga mo! Baka san pa mapunta yang anu na yan." Kunwaring pataray na sagot niya.

They both laugh.

"Hm.. its late, may work pa tayo bukas." Komento ni Shawn.

"Oo nga." Sinilip ni Tad ang wristwatch.

Halos sabay na tumayo sila.

"I have to go."

"Ok boss, salamat sa dinner at ice cream."

"Thank you Shawn." He said.

Doon lang niya na realized that Tad was standing too close to her.

Napalunok siya.

"Ow, Nervous?" ngumisi ito.

"Heh! Umuwi kana." Pag tataboy niya.

"Shawn.."

"Oh-"

Para siyang nag ice bucket challenge nang maramdaman niya ang biglaang pag dampi ng mga labi ni Tad sakanya. It was a quick kiss pero parang tumigil ang oras para sakanya.

She just then realized na mag isa nalang siyang naka tayo sa harap ng bahay niya sapo ang sariling mga labi.

"Shit, manyak... ninakawan ako ng.. ng.." napa singhap siya. "Shit ng first kiss! First kiss ko yon oi!!" singhal niya sa papalayong kotse ni Tad.

Tad can't help but smile habang naka titig sa side mirror ng kotse. "Tad the moves#1." He said while tasting his own lips.

.."And I'll make sure, to keep my distance, say I love you when you're not listening. How long, till we call this love?... love?.."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top