#at the edge
Maingay ang buong paligid, amoy usok ng sigarilyo at alak. I continuously dance sexily sa saliw ng musika, na para bang ako lang ang tao sa loob ng bar. I'm on high. I use to take drugs every night just for fun. And damn it. It feels so good.
Pare-pareho lang ang mga lalaki. I found myself having sex with some interesting guys. Later on I found out that I end up like a whore.. Psychological and emotionally depressed. Almost crazy...
ZIA BLOU
"Pasensya ka na ate Glecy."
"Walang problema Zia." Sabay ngiti sa akin.
Nakita kong nilapitan niya si Zanjoe. "Baby boy be good ha?"
"Yes po." Bibong sagot ng bata. "Alis ka po?"
"Yes, uuwi muna ako sa Philippines for my family."
"Ok, I'll miss you."
Maluha-luhang nag pa alam siya sa akin. "Pasensya ka na Zia, hindi na kita masasamahan na hanapin ang kaibigan mo." Tuluyan na siyang naiyak. "Pasensya kana din at hindi ko man lang siya nabantayan."
Naluha na din ako nang yakapin niya ako. "Ano ka ba ate, sapat na yung inalagaan mo ng mabuti yung anak niya. Ako na ang bahalang mag hanap sa kaibigan ko."
"Sige." Kumalas na siya sa pag kaka yakap sa akin. "Mamaya lang ay darating na yung kapalit ko. Pinay din yon, mauna na ako at baka mahuli pa ako sa byahe."
"Sige po ate. Salamat."
Gusto kong manlumo nang maiwan na kaming dalawa ni Zanjoe sa bahay. "Shawn.. nasan' ka?"
***
Kinabukasan sinimulan kong hanapin ang kaibigan ko. Iniwan ko muna ang bata kay Magi. Halos mangilid ang luha ko. I have to find my best friend dahil kaylangan siya ng anak niya. Hindi ako makakapag simulang hanapin ulit si mama kung iiwan ko ang bata.
Lumuwas ako ng Boston sa pag aakalang nandito si Mama. Hindi ko tuloy maiwasang mainis nang ma alala ang ginawa ni Kane.
Sinimulan kong mag tanung-tanong sa mga bar. Naisip ko na mas matinong kausap ang mga tao sa bar kung ganito ka aga.
"Yeah I've seen that woman here last time, but I have never seen her gain."
Nanlumo ako. Sinubukan kong mag iwan ng contact number sa mga bar na napag tanungan ko. Naubos ang buong mag hapon. Hindi ko siya nakita.
Mangiyak ngiyak na naupo ako sa isang bench.
"Subukan mong pumunta sa police station ilang street lang ang layo mula dito." Nagulat ako nang marinig ang isang boses. "Ako si John."
"K-kilala mo si Shawn?" tama. Isa siya sa mga lalaking naka tambay sa isa sa mga bar na napag tanungan ko kanina. Matangkad, Moreno at halatang half Filipino ito. Gwapo.
Tumango siya. "Nagka kilala kami minsan. Nagka kwentuhan--."
Bakit nga ba hindi ako sa police station unang nag tanong? Mabilis na tumayo ako. "I'm sorry John, it was nice meeting you here pero nag mamadali ako. Maybe we could talk some other time." Mabilis na tumawag ako ng taxi at sumakay.
***
Parang batang nag tatakbo si Shawn palapit sakin. Nanginginig pa siya nang yakapin ako. "Zia." She said. She's like a baby crying in my shoulder. She's pale at namayat siya ng husto.
"Uwi na tayo please. Ayaw ko na dito."
Napaiyak ako sa sobrang awa. "Shh..." niyakap ko siya ng mahigpit. "Wag ka nang umiyak. Uuwi na tayo."
Parang eksena sa penikula. Nag iyakan kami sa gitna ng kulungan. Parang batang naka kita ng kakampi ang kaibigan ko nang magkita kami.
***
Ilang araw na tulala at tahimik si Shawn. Wala din siyang ganang kumain. Alam ko na hindi ko pa siya pwedeng iwan na ganito ang sitwasyon niya.
"Zia." Nagulat ako minsan nang ma aga siyang gumising isang umaga.
"Shawn?" nagugutom kana ba?" agad na tanung ko.
She gave me a weak smile bago kami pumunta ng kusina. Inasikaso ko ang pag kain niya. Nag simula siyang kumain kasabay ng pagtulo ng mga luha niya. Sinabayan ko siya sa pag kain. Parang nakikiramay din ang mga mata ko sa bigat na dinadala niya.
She wiped her tears at ngumiti. "Taste good." Nakita ko ang panginginig niya. Alam kong dahil sa gutom iyon dahil sa ilang araw niyang hindi pag kain ng ma ayos.
"Zia." Sumeryoso siya.
Ibinaba ko ang kutsarang hawak ko.
"Salamat sa tulong mo sakin." Ayan nanaman ang masaganang luha niya.
Naluha nanaman ako.
"Konting pasensya at panahon mo pa sana ang gusto kong hingin."
Tumango ako.
"Gusto ko sanang magpa rehab nang ilang buwan. Kawawa naman ang anak ko."
Agad naman na nakuha ko ang ibig niyang sabihin. Nag pasalamat ako sa Diyos sa sinabing iyon ni Shawn.
***
Tinulungan ko siya na magpa gamot. Habang hinihintay ko ang pag uwi niya inalagaan ko si Zanjoe at sinubukan ulit na ma contact ang mga kapatid ni mama. Pero lahat sila tinuturo ako pabalik isang lalaki. Kay SL.
"Shawn, what do you know about this man?" tanung ko nang minsang dalawin ko siya.
Kakaiba na ang sigla ni Shawn sa pag lipas ng mga buwan. Hindi na kagaya ng dati.
May pilyang ngiti sa mga labi ni Shawn.
"Oh bat ganyan ka maka tingin?" tanung ko.
"Wala, di mo bagay mag amnesia te. Patanung-tanung ka pa eh baliw na baliw ka kaya dun sa tao."
Napa tanga ako. "G-ganun ba."
Natawa si Shawn. "Oo. Makikilala mo rin ulit yung 'asawa mo' pag uwi natin."
Nag dalawang isip ako sa sinabi niyang iyon. "Malamang hindi ako bati nun."
"Hay nako sinabi mo pa. Patay kang bata ka talaga."
"Oo na. kasalanan ko na. Hindi ko naman alam na mag kaka ganito."
"Hay nako. Di rin naman kita ma sisisi. Ok lang yan friend. Sabi mo nga diba. Lilipas din lahat."
"Kelan ka ba lalabas at nang maka uwi na tayo?"
"Malapit na. Malapit na siyang maka tikim." Pabirong sagot ni Shawn.
"Ano yan? Sweet revenge?"
"Ano ka ba. Hindi no, wala sa bokabularyo ko ang salitang revenge."
"Eh ano?"
Tinignan ako ni Shawn. "Ako ang karma niya." Seryosong sagot niya sa akin.
Gusto ko sanang itanong kung ano ang balak niya kay Zanjoe pero umurong ang dila ko. Alam ko,
hindi pa humupa ang sakit na nararamdaman niya
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top