Trespassing Territories [PREVIEW ONLY]
UMANGAT ang isang sulok ng mga labi ni Ignacio nang may mamataan siya sa kanyang telescope. Naro'n na naman siya sa nabiling lupain nang hapong iyon para maglakad-lakad at magbantay at para mangaso ng mga ligaw na hayop. Ngunit ang nakikita niya nang mga sandaling iyon ay higit pa sa inaasahan niya.
Isang babae ang nakita niyang bumaba ng minamaneho nitong sasakyan at hindi pinansin ang nakalagay na karatula. Nakasuot lamang ito ng hoodie at maikling shorts. Kitang-kita niya ang makinis at mabibilog nitong mga hita.
Tumutok ang mga mata niya sa mukha nito. Kaakit-akit. Batang-bata. Pero wala siyang pinapalampas na kahit sinong nangangahas na pumasok sa teritoryo niya. Tuturuan niya ito ng leksiyon.
Natigilan si Ignacio nang huminto ito sa taas ng batis. Naghubad ito ng hoodie. Napalunok siya nang makitang manipis na sando lang ang naiwan. Bakat na bakat ang umbok ng dibdib nito. Wala itong suot na bra. Sunod ay naghubad ito ng shorts at itim na underwear lamang ang itinira. Biglang nag-init ang kanyang pakiramdam.
Humanda ang pangahas na iyon sa kanya. Dinampot niya ang shotgun na nakasandal sa puno at nagmartsa papunta sa direksiyon ng batis.
Para basahin ang buong eBook, mag-email lamang sa [email protected]. Maraming salamat. ^_^
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top