Friendship (PORTUGAL - Part 1)
FRIENDSHIP
(Portugal – Part 1)
"ARE YOU really epileptic?" Tanong ni Shun Kim kay Valerian habang kumakain si Knight ng cake. "You don't look like one. You look healthy to me." Nakatingin ito sa kaniya na parang sinusuri siya.
Bumuntong hininga si Valerian. "I'm healthy."
Tumango ito saka ibinalik ang atensiyon sa harap ng laptop nito.
Siya naman ay pasimpleng pinagmasdan ang hapon. Parang hindi nagkakalayo ang edad nilang dalawa. Base sa pananamit nito ay mukhang galing ito sa may kayang pamilya.
Kapagkuwan ay tiningnan niya ng masama ang katabi na kumakain pa rin ng cake.
"Hindi ka ba nagsasawa riyan?" Naiiritang tanong niya. "Hindi na ako magtaka kung mamatay ka nang maaga sa diabetes."
"I like cake— no scratch that, I love it."
Napabuntong-hininga nalang siya kapagkuwan ay isinandal ang katawan sa likod ng upuan hanggang sa bumulong na naman kaniya si Knight.
"Huwag ka ngang bulong ng bulong!" Inis niyang sabi rito. "Kaya pinagkakamalan tayo e. Masyado kang feeling close e hindi naman tayo magkaibigan."
Natigilan na kumunot ang nuo ni Knight sa kaniya, "I decide who I want to be friends with and I want you to be my best friend."
Tiningnan niya ito ng masama. "Have you forgotten what I told you? Effort and time. That's how you make someone your best friend."
Knight actually looks innocent and lost as he stared at him. "Yes. I know. And this is it. I put an effort to book us a ticket to Lisbon and now we're spending time together because its a sixteen hour journey—"
"Don't talk to me." Naiiling niya sabi saka tinakpan ang tainga. "For fuck sake, leave me alone."
But of course, Knight didn't. "But this is me giving effort and time."
"Don't talk to me."
"Val."
"Don't talk to me. We're not even friends."
"Val. Val. Val. Val. Val."
Mariin niyang ipinikit ang mga mata saka iritadong tumingin sa katabi. "Shut up, will you?!"
Umiling ito. "I don't want to and you're not the boss of me."
"Then I don't want to be your friend."
Knight stilled and all the emotion in his face was drained. "Is that so?"
Sinalubong niya ang walang emosyon nitong mga mata. "Yes. Honestly, you irritate me. I don't like you."
Hinaplos ni Knight ang tiyan nito. "I'm hungry."
Hindi makapaniwalang napatitig siya rito. "Kinain mo na nga yong complementary meal na binigay, nagugutom ka pa rin?"
"Your rudeness makes me hungry."
Naiinis na huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili saka tumayo at naghanap ng mabibilhan ng pagkain, mabuti nalang mayroon siyang nakitang café-bar sa loob mismo ng train.
Tiningnan muna ni Valerian ang laman ng wallet niya.
He's supposed to go home tomorrow. Wala na siyang extra money dahil ibiniyad niya ang extra niya sa inupahan niyang kotse na may kasama ng driver, mula Madrid pa Barcelona dahil sa aso ni Knight.
"Fuck this..." mahina niyang bulong saka bumili siya ng maiinom saka limang sandwich. Hindi pa naman siya nagugutom.
Bumalik siya sa upuan nila ni Knight saka inilapag sa kaharap na mesa ang mga pagkaing binili. "Hayan. Eat it all."
But Knight didn't move a muscle. He just looked at him.
"What?" He asked, annoyed.
"I thought you don't like me." Wika nito saka bumaba ang tingin sa pagkaing binili niya. "Why bought that?"
"Gutom ka e. Kawawa ka naman. Para kang bata na ewan na hindi ko maintindihan."
Bumalik ang tingin nito sa kaniya. "I thought I irritate you, yet you bought me something to eat. I'm not really hungry. I just want to see what you'll do."
Napailing nalang siya saka sumandal sa likod ng upuan at ipinikit ang mga mata. "Just eat it and savour it. Huling pera ko na 'yan."
Hindi niya pinansin siya Knight kahit narinig niya binuksan nito ang inumin na binili niya. Hinayaan niya lang itong kumain hanggang sa maubos nito ang binili niya.
Then Knight went silent until a phone rang. Gising siya kahit nakapikit ang mga mata kaya rinig niya ang sinasabi ni Knight sa nasa kabilang linya.
"Yes. I know. I saw him. Yes. No worries. I'm ready as usual."
Then silence. Thank Goodness—
"Val—"
"Fuck off. I'm sleepy." Putol niya sa kung ano pang sasabihin nito.
"I'm thirsty."
Bumuga ng marahas na hininga si Valerian. "Fuck you, you jackass. Fuck you."
Pero kahit minura niya ito, tumayo pa rin siya para bumili ng maiinom nito. May pera pa naman siya kahit kaunting-kaunti nalang talaga.
Inilapag niya ang inomin sa mesa, sa harap ni Knight. "Hayan. Ako na ang mag-a-adjust. Ako na ang hindi iinom. Nakakahiya naman sayo."
Napatitig sa kaniya si Knight. Amazement is in his eyes. "You really can't say no?"
Pabagsak siyang umupo. "Fuck you."
"I can't believe i'll meet someone like you. I want you to be my friend even more."
Hindi niya ito pinansin at nagpanggap nagtutulog-tulugan para hindi siya nito kausapin. Thank God Knight stayed silent and fell asleep.
Nagising ito pero para lang manghingi ng pagkain sa kaniya at matutulog naman.
Ang walang hiya! Makapal talaga ang mukha. Hindi niya alam kung saan nito kinukuha ang kakapalan ng mukha na manghingi sa kaniya ng pagkain e hindi naman sila close. Nagkakakilala pa nga lang sila e.
"One more hour and we'll be arriving in Lisbon." Wika ni Knight na nakatingin sa labas ng Train.
"Oh, tapos? I missed my flight because of you." Puno ng pag-aakusa ang boses niya. "At wala na rin akong pera sa kakabili ng pagkain mo. Hindi pa ba nagiging metal yang mukha mo sa kakapalan?"
Tumawa si Knight saka bumaling sa kaniya. "Nanghihingi lang naman ako. Kasalanan mo kasi binilhan mo ako."
Hindi na siya umimik baka masapak niya talaga ito sa sobrang iritasyon.
"Val?"
Nagpanting ang tainga niya. "Ano na naman?! Huwag mong sabihing nagugutom ka na naman?!"
Tumawa kang ang weirdo saka ibinalik ang tingin sa labas ng train. Napailing nalang siya at tumahimik pero kapagkuwan ay kinalabit siya nito.
"Val, we're friends right?"
"No."
"Oh come on. I have a question."
He groaned. "Itanong mo na at tantanan mo na ako."
"What will you do if I got shot once we arrived in Lisbon?"
Bigla siyang nagmulat ng mata at kunot ang nuong tumingin dito. "Is this about that USB again?"
"Lets say it is..." Anito. "What will you do? A. Leave me to die. B, run away and C, pretend you don't know me?"
Mas lalo siyang naguluhan sa choices nito. "Bakit lahat ng choices aalis ako?"
Knight blinked at him. "Because every people I know would choose their own life than anyone's. Its proven and tested. No idiot would risk their like for anyone."
This man is really jaded. "You're really a negative person."
"And you're an idiot. So answer me."
He sighed. "I don't know what i'll do. I might save you, I might not. No one knows until that moment came and I have to choose."
"But you're nice so the possibility of you saving me is eighty percent."
"What happened to the twenty percent?"
Knight shrugged nonchalantly. "You'll probably leave."
Nagkibit-balikat din siya saka ipinikit ulit ang mga mata.
AFTER SIXTEEN HOURS of traveling, the train finally arrives in Lisbon, Portugal. Pinauna siya ni Knight na lumabas ng train habang nakasunod ito sa kaniya.
Papalabas sila ng station ng akbayan siya ni Knight.
"I'm hungry. Lets buy a cake."
Hindi siya umimik. Wala na siyang pera. Hindi niya alam ang takbo ng utak nitong kasama niya. Knight could leave him here in Portugal to die, who knows?
"Val, lets buy a chocolate cake."
Umiling siya. "Wala na akong pera."
"Bakit?"
Walang silbi kahit magalit siya rito. Makapal ang mukha e. "Naubos na sa kakabili ng pagkain mong hayop ka."
Knight lips thinned and he frowned when Knight drags him to an alley.
Para may kaba siyang naramdaman.
Something is happening.
"Do you trust me?" Knight asked.
Mabilis siyang sumagot. "No."
"If I say run, you run, okay?"
Sabi ko na nga ba! "Kapag ako talaga namatay nang dahil sayo, papatayin din kitang hayop ka—"
"Run, Val!"
Hindi nag-iisip na tumakbo siya bigla hanggang sa napatigil siya dahil narinig niya ang malakas na tawa ni Knight.
Humugot siya ng malalim na hininga, kinokontrol niya ang galit na namumuo sa loob niya.
"Damn! You run so fast!" He's still laughing.
"Fuck you!" Hindi na niya kayang pigilan pa ang galit niya. Hinubad niya ang sapatos at malakas na ibinato iyon kay Knight pero madali itong nakailag. "Fuck you, you animal!"
Tatawa-tawa pa rin si Knight habang sapo-sapo ang tiyan. Kapagkuwan ay tumatawa pa ring umiling. "That was epic, Val! Epic!"
Sa sobrang galit niya, pumulot siya ng bato at malakas na binato si Knight pero naka-ilag naman ito at tumama ang bato sa nasa likuran nito.
Pareho silang natigilan ni Knight at sabay silang tumingin sa tinamaan ng bato na binato niya.
Shun Kim! Fuck!
"I'm so sorry." Kaagad niyang sabi saka napasabunot sa sariling buhok ng makitang laptop nito ang tinamaan niya at nag-crack 'yon. "Fuck. Fuck. Fuck! This is all your fault!" Dinuro niya si Knight.
Knight innocently asked Shun Kim. "Who throw the rock, hmm?"
Tinuro naman siya ni Shun Kim.
Nagtagis ang bagang niya. "Sino ba ang umilag?"
Tinuro naman ni Shun Kim si Knight at pare-pareho silang natigilang tatlo.
"Filipino?" Tanong niya kay Shun Kim.
"Yes, you?" He replied.
"Yes." He smiled.
"Ikaw?" Tinuro nito si Knight.
"Hilaw 'yan." Sagot niya. "Nakakaintindi pero hindi nagsasalita ng Tagalog."
Napatango-tango si Shun Kim saka bumaba ang tingin nito sa laptop na hawak. "So... who's gonna pay for my laptop?"
Nagturuan sila ni Knight.
"Siya."
"Him."
"Wala na akong pera." Kaagad niyang sabi saka ibinigay rito ang cellphone niya. "Heto. Sangla ko muna sayo."
Napatitig si Shun Kim sa cellphone niya kapagkuwan ay tinanggap iyon pero pina-input muna sa kaniya ang password.
Then he did something to his phone. Minutes later, he looked at him. "I'll take the phone as payment. I already erased all your datas so its clean."
Napatanga siya sa singkit. "Isasangla ko lang, hindi ko sinabing burahin mo."
"My laptop is worth 2,000 Dollars." Kaagad na presyo ni Shun Kim sa kaniya. "Kulang pa ngang pambayad ang cellphone mo e."
"True. Val's phone is not enough to compensate the whole amount—"
"Shut the fuck up you lunatic!" He hissed at Knight. "Kasalanan mo kung bakit wala akong pera. Mula ng makilala ko yong aso mo at ikaw, minalas na ako!"
Pumulot siya ulit ng bato at binato na naman 'yon kay Knight. At nakailag na naman ito.
At may tinamaan na naman siya sa likuran nito.
Natigilan silang tatlong at halos sabay-sabay na tumingin sa tinamaan niya.
Napabuga nalang ng mahinang hininga si Valerian ng makitang grupo 'yon ng kalalakihan at mukhang mga turista.
Matalim ang mga matang nakatingin ang mga ito sa kanilang tatlo.
"Who the fuck did that?!" Sigaw ng lalaking tinamaan niya.
Kaagad siyang tinuro ni Knight at Shun Kim. "Him."
Traitors!
He breathes out a loud breath. "I wasn't aiming for you though."
Nagtatagis ang bagang na lumapit sa kaniya ang lalaki at handa na ang kamao na suntukin siya pero bago pa tumama ang kamao nito sa mukha niya, sinalag iyon ni Knight na hindi niya napansing nasa tabi na niya.
Nanginginig ang kamay ng lalaki sa sobrang lakas na ibinibigay nito sa kamao pero parang wala lang iyon kay Knight na hawak ang kamao nito.
"Can't let you hurt my best friend." Wika ni Knight sa malamig na boses. "I suggest you walk away before I broke everyone bones in your body."
Biglang lumapit ang limang kasama nang lalaki.
"What's happening? You okay? Need help?" Tanong ng isa sa mga kasama nito.
The guy tsked and pulled away his fist. The guy was about to walk away when Knight spoke.
"Why are you walking away, pussy cat?"
Biglang bumalik paharap ang lalaki at sinuntok si Knight pero dahil nakailag ito, siya ang tinamaan.
Knight looked at him in irritation. "Move, you dimwit! You're not a punching bag." Then he face the guy who punched him. "No one hurts my best friend." Anito saka sunod-sunod na sinuntok ang lalaki na napapataras sa lakas ng mga suntok dito ni Knight.
Anim na suntok ang pinakawalan ni Knight at nang tumigil ito ay natumba ang lalaki sa semento at napaubo ng dugo.
Hindi makapaniwalang napatingin siya kay Knight. "Tell me you didn't kill him?"
"Then I won't tell you that I broke his rib." Sagot nito.
Pinalakihan niya ito ng mga mata. "You moron!"
"What?!" Balik sigaw sa kaniya ni Knight. "He punched you! My best friend!"
Sasagot sana siya ng kunin ni Shun Kim ang atensiyon nila.
"Ahm... guys... you have a problem."
Napatingin sila ni Knight sa limang kalalakihan na kasama ng lalaking pinatumba ni Knight.
"Oh, fuck." 'Yon lang ang nasabi ni Valerian bago sila sinugod ng lima.
Five versus three! Fuck!
Nakakailag si Valerian sa ilang suntok pero tinatamaan siya ng iba. At nang tinamaan siya ng isa sa dibdib, bumagsak siya sa sahig pero kaagad din siyang nakabangon at mahigpit na kinuyom ang kamao saka nagpakawala ng malakas na suntok na tumama sa tiyan at dibdib nito. Pagkatapos at malakas niya itong sinipa na tumama sa leeg nito.
Bumagsak ang kalaban niya.
Bumaling siya kay Knight na dalawa ang kalaban at napansin niyang ang isa ay may inilabas na pocket knife mula sa bulsa at inilabas ang matalim na parte niyon.
Mabilis niyang tinakbo ang pagitan nila ni Knight at ihinarang dito ang katawan niya.
"Stay away, Val!" Sigaw sa kaniya ni Knight.
Pero hindi siya nakinig. Hinawakan niya ang kamay ng lalaking may hawak ng kutsilyo para pigilan ito at sa pag-aagawan nila ay nasaksak siya nito sa tagiliran.
"Fuck!" Sigaw niya ng sumigid ang sakit sa kalamnan niya.
Napaatras siya at nasapo niya ang tagiliran niya.
Napangiwi siya ng hawakan siya ni Knight at hinila palayo sa lalaking hawak pa rin ang kutsilyo at ihinarang nito ang katawan sa katawan niya na parang pino-protektahan siya.
"Shum Kim!" Sigaw ni Knight, "on your left!"
Habang sapo ang sugat napatingin siya sa gawi ni Shun Kim. May kutsilyo rin ang isang kalaban nito pero madali lang nitong natalo 'yon at ilang beses na sinipa hanggang sa bumagsak sa semento.
Then he looked at Knight who's busy fighting against the two men.
Hindi pa nito napapanagsak ang dalawa ng may inilabas na baril ang kalaban ni Shun Kim at itinutok iyon sa hapon pero mabilis itong nahila ni Knight dahilan para hindi ito tamaan ng bala.
At dahil nakatutok sa kanilang tatlo ang baril, hindi sila lumaban.
"Cowards!" Sigaw ng lalaki na may hawak na baril sa kanila. "Who's the pussy now, you mother fuckers!"
Hindi sila umimik.
"Hands up! All of you!" Sigaw na naman nito.
Kaagad na tumaas ang kamay ni Knight at Shun Kim habang siya ay pinilit niya lang itaas kahit sumisigid ang kirot sa kalamnan niya.
"Now kneel!" Sigaw na naman ng lalaki.
Mas sasakit ang sugat niya kung luluhod siya pero keysa naman mabaril siya.
Nandito siya para magbakasyon, hindi para mabugbog at mabaril!
Fuck!
But Knight is Knight. He spoke. "Sorry, Pal, I wasn't born to kneel down." Pagkasabi nito niyon ay ibinukan nito ang isang kamay nitong nakakuyom at may tinatago palang bato saka hinayaan nito ang maliit na bato na mahulog. "Kick it like a home run, Shun Kim."
Hindi bumagsak ang maliit na bato sa semento, sa halip ay sa paa iyon ni Shun Kim tumama at parang bola na sinipa nito iyon.
And it went straight to the guy's eyes!
"Run! Val!" Sigaw ni Knight.
Hindi makapaniwalang napatingin siya kay Knight. "Are you fucking serious right now? I was stabbed for your fucking information! How could I possibly run?!"
Sabay na napamura si Shun Kim at Knight saka sabay din siya ng mga itong hinawakan sa magkabilang kamay at pinaakbay sa leeg ng mga ito at tumakbo.
Kahit masakit, kahit nararamdaman niya ang pagdaloy ng dugo pababa sa tagiliran niya, tumakbo siya sa tulong ng dalawa hanggang sa makalayo sila.
At nang bitawan siya ng dalawa, bumagsak siya sa semento at sinapo ang tagiliran niya.
"Fuck it!" Tinulungan siya ni Knight na makatayo at ini-akbay nito ang kamay niya sa leeg nito saka bumaling kay Shun. "We're not close. I don't even know you but can you hail a cab?"
"A minute." 'Yon lang ang sagot ni Shun saka umalis.
"You okay, best friend?"
He groaned in irritation. "T-tang'na ka. Hindi kita best friend."
"You say that but you got stabbed because of me." He chuckled. "You're the first person who tried to save me with no intention of asking for money or political recommendation."
Valerian grunted. "Sinong may sabing hindi kita pagbabayaring hayop ka?"
Tumawa lang si Knight. "How about I pay you with friendship?"
He frowned. "What's with you and friendship?"
"Friendship and I are stranger to each other."
Napatingin siya rito. "Wala ka talagang kaibigan?" Akala niya nagbibiro lang 'to.
"I'm not allowed to have one."
What kind of life does this guy lives in. "Then why are you asking me to be your best friend?" He's confused.
"Because I think I can't kill you."
He's even more confused. "What the fuck?"
Tumawa si Knight. "You're just too nice!"
Bago pa siya makasagot, may pumaradang Taxi sa harapan nila ni Knight at sumilip sa bintana ng passenger seat si Shun Kim.
"Get in." Anito.
Sumakay sila ni Knight sa backseat habang sapo pa rin niya ang sugat.
"Where?" Tanong ng Driver.
Knight answered. "Para o hospital mais próximo."
Hindi na nagkomento si Valerian ng marinig na nag-Portuguese si Knight.
Of course. What does he expect? He's a royalty after all.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top