KABANATA 9
PASASO ALAS singko y medya ng hapon nang isara ang coffee shop. Pagod ang dalaga. Sa kalalakad ba naman paroon at parito para i-entertain ang kostumer para bigyan ng order nito.
Hindi pumasok si Lany dahil may importante itong pinuntahan, kaya mag-isa siyang uuwi ngayon.
Pagkalabas niya palang sa coffee shop ay mayroon na kaagad siyang nakitang taxi, kaya naman pinara niya kaagad ito. Nang huminto ay pumasok na siya dito. Sinabi niya kung saan siya patungo. Katulad sa nagiging reaksiyon ng mga driver kapag sinasabi niya ang lugar ay ganoon din ang naging reaksiyon ng driver ng taxi na sinasakyan niya ngayon. Sanay na siya sa ganoon kasi kahit siya, suot-suot niya din ang ganoong reaksiyon sa bawat banggit niya sa pangalan ng barangay nila sa tuwing sumasakay siya sa mga sasakyan papasok sa barangay nila.
Wala si Lany kaya tahimik ang naging b’yahe niya pauwi. Excited siya dahil makikita niya nang muli ang kaniyang ina at masaya siyang alagaan ito.
Mahina na ang kaniyang ina. Gusto niyang mapagamot ito pero wala siyang sapat na pera para doon. Tanging gamot lang ng nanay niya ang kaya niya. Naipapatingin niya naman sa Doktor ang kalagayan ng ina ngunit dalawang beses lamang sa isang buwan. Kung sana lang ay mayaman sila, hindi na sana siya nagpapakahirap magkayod para sa kanilang dalawa ng ina. Kaso mahirap sila.
Hindi siya nagsisisi sa naging buhay niya. Mayaman naman siya sa pagmamahal na binibigay ng kaniyang namayapang ama at ang ngayon na mahina niya ng ina.
Her father died because of an accident. Her father was a construction worker.
Inatake ito ng stroke habang nasa taas ito ng building na itinatayo. Mula sa taas, nahulog ito pababa, na naging sanhi ng pagkamatay nito. Nag-aaral pa siya noong mga panahon na ‘yon.
Nang mawala ang haligi ng kanilang tahanan, napilitin siyang tumigil na lang sa pag-aaral. Sayang nga lang, dahil malapit na sana siyang matapos sa kurso niya. Gusto niya sanang ituloy kaso pinaglalaruan yata siya ng tadhana. Kung saan nag-iipon na siya para sa balak na pagpatuloy sa pag-aaral doon naman nagkasakit ang kaniyang ina. Kaya wala siyang ibang pagpipilian kung hindi ilaan ang pera para sa gamot ng ina. Doon na rin siya naghanap ng trabaho.
Luckily, Henry’s coffee shop was looking for an employee. So she took the opportunity to apply. At natanggap naman siya kaagad sa tulong ng kaniyang kaibigan na si Lany na dati nang nag-tatrabaho sa coffee shop na iyon.
Ang hirap maging mahirap. Sa isip-isip ni Aloha. Nagpakawala na lang siya nang malalim na buntong-hininga.
Sa pag-iisip ay hindi niya napansin na huminto na pala ang taxi kung hindi pa nagsalita ang driver nito.
“Sorry, Manong. Malawak kasi ang pinuntahan ng isip ko, kaya hindi ko napansin na narito na tayo. Ito po ang bayad.” Paghihingi ng paumanhiin ni Aloha sa taxi driver saka binigay ang two hundred pesos dito.
“Ayos lang, ma'am.” She just nodded and stepped out from the taxi.
Pagkalabas ni Aloha ay kaagad naman na pinaikot ng driver ang taxi saka umalis.
Napansin kaaagad ni Aloha ang kulay pulang sasakyan. Kilala niya na kung kanino iyon. Umiling siya saka naglakad na sa gate ng bahay nila na gawa lamang sa kawayan ang pinto nito, saka may mga nakalagay na lata ng sardinas na nag-iingay sa tuwing ginagalaw ang pinto. Ito rin ang nagsisilbing palatandaan kapag may taong papasok. Nakabukas iyon. Hindi na naisara nang pumasok doon.
Nang nasa pinto na siya ng bahay nila kaagad niyang napansin ang mamahaling sapatos na nasa gilid ng pinto.
May mga boses rin siyang naririnig. Nangingibabaw ang baritonong boses ng lalaki na kilala niya na kung sino. Narinig niya rin ang mahinang hagikhik ng kaniyang ina.
“Ano kaya ang pinag-uusapan nila?” bulong ni Aloha.
Umipon siya ng lakas ng loob para buksan ang pinto. Nang sapat na ang kaniyang naipon, dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. Doon bumungad sa kaniya ang kaniyang ina na nakaupo, katabi nito si Wyatt. Nasa katre—higaang gawa sa kawayan, ang mga ito. Sigurado siyang tinulungan ng binata ang kaniyang ina na makaupo dahil hindi na kaya pa nito ang makaupo nang mag-isa. Hirap na hirap na ito sa pag-upo kaya nga palagi na lang itong nakahiga. Hindi na rin ito makalakad.
“Kailan niyo balak magpakasal?” Laglag ang pangang tiningnan ni Aloha ang kaniyang ina dahil sa sinabi nito. Nakatalikod ito sa kaniya kaya hindi siya makikita nito.
Mahina lang ang pagbukas niya ng pinto kaya kahit si Wyatt ay hindi siya napansin. Tutok na tutok din ang atensyon ng binata sa pinakamamahal niyang ina kaya talaga hindi siya nito napansin.
“Kung kailan po gusto ng anak niyo. Handa na po akong pakasalan siya, approval niya na lang kailangan ko,” Wyatt said and smile genuinely to her mother.
Parang may nagkakarerang mga kabayo sa puso ni Aloha dahil sa ngiting iyon ni Wyatt.
“Ang s’werte naman ng anak ko. May g’wapo, mayaman, mabait at matino siyang nobyo.”
Nobyo? Kailan pa? Ano naman pinagsasabi ng baliw na lalaki na ‘to sa kaniyang Inay? Sunod-sunod na tanong na pumasok sa isip Aloha.
Wyatt smiled again. “Ako po ang s’werte sa kaniya. Sobrang bait niya, masipag, maganda at higit sa lahat masarap.” He smirked.
Dahil sa hindi na maganda sa tainga ang naririnig niya. Lumapit na siya sa mga ito, pinahiga niya muna ang kaniyang ina sa katre, saka walang pagdadalawang isip na hinila niya ang tainga ng binata, dahilan para mapasigaw ito sa sakit.
Walang pakialam si Aloha kung nasasaktan ang binata. Patuloy pa rin siya sa paghila sa tainga nito hanggang sa makarating sila sa labas ng bahay nila. Doon niya lang binitawan ang tainga nito.
“Bakit ka nanghihila ng tainga?” tanong ni Wyatt na hinihimas-himas ang nananakit niyang tainga.
“Kung ano-ano kasi ang pinagsasabi mo kay Inay!” balik na singhal naman ng dalaga.
“Totoo naman ‘yong mga sinabi ko kay Inay,” saad ng binata saka ngumiti.
“Kanina sinabi mong nobyo kita, tapos ngayon tinatawag mo na ring Inay ang ina ko. Saan mo ba kinukuha ang kakapalan ng mukha mo? Pati kahalayan mo pinakita mo pa kay Inay.” Naniningkit ang mata ni Aloha sa habang sinasabi ang mga ‘yon.
“I called her ‘Inay’ because sooner or later, she’ll be my mother-in-law. Sa tanong mo naman kung saan ko kinukuha ang kakapalan ng mukha ko, hindi man konektado, pero... sa jumbo hotdog ko ‘yon kinukuha. Long and thick. P’wedeng tikman kahit hindi luto. Pero hindi naman talaga ito niluluto. It’s raw but yummy. Hindi mo pagsasawaan. Sigurado akong hahanapin mo araw-araw,” nakataas ang sulok ng labi na sabi ni Wyatt saka kumindat-kindat.
Hindi ganoon ka-slow si Aloha para hindi niya maunawaan ang pinagsasabi ng binata.
“Itigil mo nga ‘yang kahalayan mo. Kahit kailan wala sa lugar!” singhal niya sa binata.
“Sorry, my lady. Next time dadalhin ko na sa South Korea ang kahalayan ko, para magkaroon na ng lugar ang kahalayan ko.” Pamimilosopo ng binata kay Aloha.
“Malala ka na,” umiiling-iling na sabi ni Aloha, “Huwag mo nang sabihin kay Inay na nobyo kita. Ang lakas ng loob mo na sabihin kay Inay na magkasintahan tayo gayong kahit nga ang manligaw ay hindi mo magawa.”
Isang malokong ngiti ang bumalatay sa labi ni Wyatt. “Let me court you then,” he said.
Laglag ang pangang tiningnan ni Aloha ang binata.
Sumeryoso ang mukha ng binata. “Seryoso ako, Aloha. Liligawan kita. Since that night happened, hindi ka na mawala sa isip ko. And what I’m feeling to you was not just a mere infatuation. Alam ko at malinaw sa akin kung ano itong nararamdaman ko sa ‘yo. It’s love. I haven’t feel it before, sa ’yo lang. Hayaan mo akong patunayan ko ito sa ‘yo,” mahabang litanya ng binata.
“Kakakilala pa lang natin,” ani Aloha.
“Maaari ngang kakakilala palang natin, pero... wala naman ‘iyon sa tagal nang pagkakakilalanan. Sapat na ‘yong nangyari noong gabing ‘yon, isang buwan na ang nakararaan para maramdaman ko ito sa ‘yo. Hindi kita pep’wersahin na gustuhin ako. Ang akin lang ay... hayaan mo akong iparamdam ito sa ‘yo. Magagawa ko lang ‘yon kung hahayaan mo ako.” Seryoso ang mukha ni Wyatt habang sinasabi ang mga ‘yon.
Hindi man aminin ni Aloha sa kaniyang sarili, pero alam niyang may nararamdaman din siya sa binata. Hindi pa man iyon ganoon kalalim pero alam niya kung ano ‘yon. At kung hahayaan niya ang sarili, sigurado siyang lalalim ‘yon higit pa sa kaniyang inaasahan.
“Gawin mo ang gusto mo,” tanging nasabi na lang ni Aloha saka ito naglakad papasok sa bahay nila.
Napasuntok si Wyatt sa hangin dahil sa tuwa. Hindi man derektang sinabi ng dalaga pero alam niyang hinahayaan na siya nitong pasukin niya ang mundo ng dalaga.
Suot-suot ni Wyatt ang ngiting may bakas ng tagumpay papunta sa kaniyang kotse. Tulad ng nakasanayan, pinaikot-ikot niya sa kaniyang hintuturo ang susi ng kaniyang kotse.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top