KABANATA 8

NASA LABAS pa ng bahay ni Wyatt ang kotse ng mga kaibigan niya kaya sigurado siyang nasa loob pa rin ang mga ito. He parked his car on his garage and he stepped out. He walks inside of his house.

Bumungad sa kaniya ang dalawang niyang kaibigan na naglalaro ng tong-its. Seryoso ang mga mukha nito. Parehong ayaw magpatalo. Sa gitnang bahagi ng lamesa ay may perang nakataya. Ngayon niya napag-alaman na sugarol ang mga kaibigan niyang baliw.

“Mga putangina kayo, ginawa niyo pang casino ang bahay ko!” singhal niya sa mga ito.

“Manahimik ka nga riyan, bud. Monetary itong laro namin, hindi biro-biro lang. Kapag ako natalo, bibigyan mo ako ng dalawang daang libong peso,” sabi ni Travis na nasa kaniyang baraha ang atensiyon. Kahit kailan hindi nito nilulugar ang pagiging kutungero.

“Fuck you!” angil ni Wyatt dito.

“Anyare ba sa ‘yo, Lacson? Badtrip na badtrip ah!” Inilapag ni Alexander ang kaniyang baraha nang sabihin niya iyon. “Paano ba ‘yan, Alcazar, talo ka na naman.” Ngumisi si Alexander saka kinuha ang mga perang nakataya sa gitna ng lamesa. Tatlumpong daang libo ang taya sa gitna.

“Dinadaya mo yata ako, Breiven. Hindi pa ako nananalo sa ‘yo kahit isa, may anting-anting ka ba? Alisin mo na para manalo naman ako. Fifty thousand na ang natatalo ko.” Travis pouted.

“Wala akong anting-anting at hindi kita dinadaya. Gago! May balat ka lang talaga sa p’wet kaya palagi kang talo.” Nakataas ang sulok ng labi ni Alexander habang sinasabi ang mga ‘yon.

“Ayoko na! Balik mo na ang fifty thousand ko?” ani Travis.

“Ayaw ko nga.” Deretsong nilagay ni Alexander ang limampung daang libo sa kaniyang bulsa.

Ang twenty thousand ay taya nila kanina at ang thirty thousand naman ay ngayon lang. Lahat ‘yon ay isang libo. Naiwan niya sa kotse ang kaniyang wallet kaya sa bulsa niya na lang inilagay ang pera.

“Hayaan na nga, nariyan naman si Wyatt para bigyan ako. Nga pala bakit nasabi mong may balat ako sa p’wet, Breiven? Siguro naninilip ka sa ‘kin tuwing naliligo ako. Aminin mo na, bud na may tinatago kang pagnanasa sa akin. Tatanggapin ko. Hindi kita itatakwil.” Tumaas-taas ang kilay ni Travis saka ngumisi.

“Gago! Hindi tayo talo. Saka alam kong wala kang balat sa p’wet. Sabay-sabay tayong lumaki. Naaalala ko pa kung paano ka sumigaw noong tinuli tayo. Saka naaalala ko pa ang pagtakbo nating tatlo sa flagpole na nakahubo’t hubad. Ikaw kasi ang pamahak sa amin ni Wyatt. Itaas mo ba naman ang palda ng babae nating kaklase. Wala pa namang suot na panty iyon, kaya umiyak nang umiyak.  Kaya pinarusahan tayo ng guidance counselor na tumakbo paikot sa flagpole ng sampung beses na nakahubo’t hubad. Ikaw talaga ang maloko sa ating tatlo,” saad ni Alexander.

Ngumisi lang si Travis at hindi na nagsalita pa dahil aminado siya roon. Mula pa noong bata sila, siya na talaga ang pinakamoloko sa kanilang tatlo. Nadadamay lang sina Wyatt at Alexander dahil sa motto nila na “kasalanan ng isa, kasalanan na ng lahat”. Kaya hindi ligtas ang dalawa.

Si Wyatt nakaupo lamang sa single couch. Pinagmamasdan niya ang mga kaibigan na kung mag-usap parang wala siya.

“Bakit pala badtrip ka nang dumating ka rito, Lacson? May nangyari ba?” tanong ni Alexander kay Wyatt. Umupo na rin ito sa malapad na couch. Umupo rin sa tabi niya si Travis.

“Putangina kasi ‘yang Henry na ‘yan, kung makayakap sa pag-aari ko parang tuko. Remind me to kill that motherfucker!” madilim ang mukha na sabi ni Wyatt.

“Ay dahil sa nagselos pala. Paano ka nagselos, bud? Patingin nga ng mukha nang nagseselos na Wyatt James Lacson.” Pang-aasar ni Travis sa kaniya.

“Ulol! Bakit hindi pa kayo umalis!?” singhal niya sa mga ito.

“Hinintay ka talaga namin dahil alam naming mangyayari ‘to. Lutuan mo na lang kami ni Trav nang makakain. Gutom na kami eh,” sabi nito saka hinawakan ang kaniyang tiyan.

“Oo nga naman, Bud. Huwag mo munang isipin ang pagyakap ng gagong Henry na ‘yon sa pag-aari mo. Remember, wala kang karapatang magselos kasi hindi naman kayo. Real talk ‘yan, Bud,” ani Travis saka hinawakan ang tiyan na tumunog. “Puta! Hindi pala tayo kumain kagabi bago uminom. Kaya gutom na gutom na ako ngayon. Paglutuan mo na kasi kami ni Breiven. Maawa ka naman sa mga g’wapo mong kaibigan.”

“Bakit hindi kayo magluto!?” asik ni Wyatt saka tumayo para pumunta sa kusina. Balak niyang tumimpla ng kape.

Ang dalawa niyang kaibigan ay sumunod sa kaniya.

“Hindi naman kasi kami marunong magluto. Kaya ayon, naglaro kami ng tong-its para hintayin ka at maipagluto mo kami," ani Alexander.

“Ang tatanda niyo na hindi pa rin kayo marunong magluto.”

Problemadong tiningnan ni Wyatt ang mga kaibigan niya na parehong nakahawak sa mga tiyan nito.

Wala ng pag-asa ang mga kaibigan niya.

Nang makatimpla siya ay kaagad niyang kinuha ang mga kakailanganin niya para ipagluto ang mga kaibigan niyang baliw. Macaroni soup ang naisip niyang lutuin para sa mga kaibigan.

Inaayos niya na ang mga ingredients. Hiniwa ang dapat hiwain.

Nang matapos siya ay binuhay niya na ang stove para magsimula nang paglutuan ang mga kaibigan.

“Matagal pa ba ‘yan, bud?” mahinang tanong ni Alexander kay Wyatt. Napapangiwi na ito dahil sa sobrang gutom na ang nararamdaman nito.

Si Travis naman ay nalulukot na ang mukha habang hinihimas-himas ang kaniyang tiyan na kanina pa tunog nang tunog.

“Medyo matagal pa. Magtiis muna kayong dalawa riyan. Mag-tutorial nga kayo sa pagluto o kaya mag-hire kayo ng chef para turuan kayo magluto, kasi kapag ganiyan kayo mamumuti iyang mga mata niyo. Hindi lang puro asa sa iba. Matuto kayo. Nakakatawa kapag nilagay sa balita na may dalawang mayamang magkaibigan ang namatay dahil sa gutom,” sermon ni Wyatt sa mga kaibigan niya na parehong nakangiwi dahil sa gutom na gutom na talaga ang mga ito.

“Oo na po, Daddy,” magkasabay na sabi nina Alexander at Travis.

Itinuon na lang ni Wyatt ang kaniyang atensyon sa niluluto. Kahit gago ang mga kaibigan niya, hindi niya pa rin matitiis ang mga ito. Nakakabakla mang isipin pero sobrang mahal niya ang mga kaibigan niya.

They’re friends since they were kid. Magkakaibigan din kasi ang mga ama nila. Alexander and Wyatt parents were both gone. Si Travis ay tanging ama niya na lang ang kasama niya.

Kilala na nila ang buong pagkatao, pati mga sekretong itinago ng bawat isa.  Alam nila kung anong gusto ng isa’t-isa. Mga kinahihiligan at iba pa.

Kahit mga baliw ang kaibigan niya alam niyang matino naman ito kapag seryoso ang usapan. Lalo na kapag may problema siya, his friends was just one call away. Kahit may mga ginagawa ito, alam niyang pupuntahan siya kaagad ng mga ito para pagain ang kalooban niya. He is lucky to have a friends like them.

Nang matapos niyang lutuin ang macaroni soup ay siya na mismo ang nag-sandok para sa mga kaibigan niya, nang makakain na ito. It was just for breakfast. Hindi niya na lang pa-uuwiin ang mga kaibigan niya. Handa naman siyang magluto para sa pananghalian nila kaysa saan pa mapunta ang mga baliw niyang kaibigan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top