KABANATA 31

KINAUMAGAHAN maaliwalas ang mukha na nagising si Aloha. Wala nang sumasagi pa sa kaniyang isipan tungkol sa pagpapakasal ni Wyatt at Cleo dahil malinaw na sa kaniya na tapos na iyon. Hindi na dapat pang-isipin.

Hindi rin pumapasok sa isip niya na may masamang gagawin sa kaniya—sa kanila si Cleo. Hindi naman yata ito ganoon kasama para gumawa nang masama. Pero iyon ay tanging nasa isip niya lang.

Nagmadali siyang bumangon sa kaniyang higaan saka lumabas na sa kaniyang kuwarto, para makapaghilamos at mumug siya. Nang sa ganoon ay makapagluto siya nang kaniyang kakainin sa almusal.

Nang makapagmumug at hilamos na siya, kaagad niya nang inihanda ang natirang kanin kagabi. Saka iyon hinimay-himay para hindi iyon bilog kapag isinangag na niya. Nang matapos siya ay naghiwa na siya ng bawang na gagamitin niya sa pagsisinangag na kaagad namang natapos.

Isinunod niya ang pagsiga ng apoy sa kalan na kaagad namang natapos. Kaya kinuha niya ang malinis na kawali na nakasabit sa sabitan nito. Inilagay niya iyon sa kalan nang marami na ang apoy, para painitin iyon.

Nang mainit na ang kawali ay kaagad na niya iyong binuhusan ng mantika saka hinintay na mainit na iyon. Nang mainit na ang mantika ay inilagay niya na ang bawang. Nang mag-kulay brown na ito ay kaagad niya nang inilagay ang kanin.

Ilang minuto lang ay natapos na siya sa pagsisingag. Kaya ang sinunod niyang ginawa ay kinuha niya ang natirang pritong tilapya na ulam niya kagabi na nasa maliit na refrigerator. Prinito niya itong muli nang sa gayon ay mainit at malutong na itong muli.

Nang matapos ay nagtimpla siya ng kape. Nasasarapan kasi siyang kumain ng sinangag kapag may kape kahit mayroon na siyang ulam. At nagsimula na siyang kumain saka sa pagsimsim ng kaniyang kape.

Nang matapos siya sa pagkain ay nagpahinga siya para pagaanin ang kaniyang tiyan. Busog na busog kasi siya sa rami na nang nakain niya na ipinagtataka niya. Dati naman kaunti lang siya kung kumain.

Umiling-iling na lamang siya. Bakit pa ba siya magtataka kung gayung dapat lang na kumain siya nang marami dahil sa hindi na lang siya ang nagmamay-ari ng katawan niya. May bata na sa sinapupunan niya.

Nang maramdaman niya na parang natunaw na ang kinain niya sa loob ng tiyan niya, tumayo na siya saka humanda na para maligo.

Nang matapos siyang maligo kaagad siyang pumasok sa kaniyang k’warto para mag-bihis na nang sa ganoon ay makapunta na siya sa coffee shop. Na kaagad naman na natapos kaya lumabas na siya sa kaniyang kuwarto. Inilagay niya ang cellphone niya na di-keypad sa bulsa nang suot niyang pantalon, saka naglakad palabas ng bahay niya—niya kasi siya lang naman na ang nakatira dito.

Nang makalabas sa bahay niya ay kaagad niya na itong ini-lock at naglakad papunta sa kalsada para sumakay sa tricycle na kanina pa pala naghihintay. Hindi niya alam kung bakit may naghihintay na sa kaniya doon. Nang tanungin niya ang driver ng tricycle ay may nagbayad na raw dito para sunduin siya. Pati na rin ang ihatid siya pauwi. Si Wyatt kaagad ang pumasok sa isip niya.

Maisip niya palang ang binata ay awtomatiko na kaagad siyang ngumingiti.

Sumakay na lang siya sa loob ng tricycle kaya naman nagsimula nang paandarin ng driver ang tricycle papunta sa destinasiyon niya.

Nang marating nila ang coffee shop ay kaagad na siyang bumaba sa tricycle. Dahil nga sa bayad na ito ay nagpasalamat na lamang siya dito saka naglakad na papasok sa coffee shop na may mumunting tao na kaagad na nagsimsim sa kani-kanilang kape.

’Di na siya magtataka kung may nag-order ng black coffee ngayon dahil maaga pa. Na kung tutuusin ay p’wede namang sa bahay nalang nila. Sabagay, sa dami yata ng mga trabaho nito, kahit ang pagtimpla ng kape para sa sarili ay hindi na nila magawa pa.

Nasa labas palang siya ay kaagad niya nang nakita sina Lany at Cassandra. Naroon na rin si Travis na tumutulong sa pagbibigay sa mga customers ng mga order nito. Hindi pa naman ganoon karami ang customer ganoon din ang kanilang ka-trabaho. Pero sigurado siya na pagpatak ng alas otso magsisidatingan ang mga customer.

Nang pumasok na siya ay kaagad na nanunuot sa ilong niya ang aroma ng mga iba’t-ibang kape na naroon at ang mabangong amoy ng coffee shop sa loob. Ngunit ayaw iyon ng sikmura sa kaniya kaya napatakbo siya sa restroom ng coffee shop at doon nagsusuka. Buti nakatakbo kaagad siya kaya hindi iyon nakita ng mga customer pero hindi iyon nakaligtas kina Cassandra, Travis at Lany. Kaya sinundan siya ng mga ito.

“Are you okay?” tanong kaagad ni Travis sa dalaga nang matapos itong magsuka.

“Oo. Hindi lang nagustuhan ng sikmura ko ang amoy ng mga kape at ang loob nitong coffee shop,” sagot ng dalaga habang pinupunasan ang bibig ng tissue saka ito naglakad patungo sa lababo para magmumog na kaagad ding natapos.

“Baka masama ang pakiramdam mo. Should I call Wyatt?” ani pa rin ng binata.

“Huwag na. Busy din iyon. Dala lang ito nang pagbubuntis. Morning sickness ng mga buntis.” Biglang natakpan ng dalaga ang kaniyang bibig dahil sa nasabi.

“So, you’re pregnant? Nice! Congratulations! Iba talaga iyang si Lacson ah. Hindi ka pa nga naihaharap sa altar ng simbahan eh pinunlaan ka kaagad. Alam na ba niya? Ilang month na ba ‘yan? You should go to an OB-GYNE to do check up,” sunod-sunod na sabi nito na kita sa mata ang saya.

“Hindi niya pa alam. Gusto ko sana na ako na lang ang magsabi sa kaniya. Secret muna natin ito. Two weeks palang naman itong dinadala ko,” sagot ni Aloha na inalis na ang kamay sa bibig niya.

“Sure. Take care of yourself, siguradong kasing gwapo ko ‘yan kapag lumabas na. Don’t forget to put my name on that baby godfather list.” Ngumiti ito sa kaniya.

“Sir, sigurado kang lalaki iyan?” sabat ni Cassandra.

“Man instinct so I believe that the child on Aloha’s womb is a boy.” He clicked his tongue and stared at Cassandra intensely that made the girl look down.

“That would be a girl,” singit ni Lany.

“Let’s see.” Tanging nasabi na lang ni Travis saka lumapit sa nakayuko pa ring si Cassandra saka itinaas ang mukha at pilit na pinagtagpo ang kanilang mga mata. “If we’ll have a baby, I want girl,” ani Travis na ikanapula ng dalaga.

Kahit sina Aloha at Lany napanganga sa sinabi ni Travis. Naguguluhan sila sa kung ano ba ang mayroon sa dalawa. Nangangati silang magtanong ngunit parang nagkanda-pilipit ang mga dila nila.

“Goodbye, guys. I will stay at my office. Kayo muna ang bahala sa ating customer. And I already ordered a food for our lunch. By 11:30AM darating ‘yon. Kayo na lang magkuha. Bayad na rin ‘yon,” ani Travis.

Tumango nalang si Aloha at Lany. Samantalang si Cassandra ay nakayuko pa rin.

At naglakad na nga ang binata paalis sa restroom para pumunta na sa office nito. Ilang segundo lang ang lumipas ay umalis na rin sila sa restroom upang mag-trabaho na.

Nang nagsipag-datingan ang mga customer ay kaagad na nilang kinuha ang order ng mga ito. At nagsimula silang ibigay ang serbisyo sa mga ito.









“DON’T worry, Wyatt. Ako nang bahala sa anak ko. I will assure you that my daughter will not do anything that will hurt your, girl,” ani Franco Patra, Cleo Patra’s father.

Pagkagising ni Wyatt ang matanda kaagad ang pinuntahan niya para kausapin tungkol kay Cleo. Nilapitan niya ito dahil pinoproblema niya ang dalaga. Baka kasi may gawin itong masama sa babaeng mahal niya—kay Aloha.

“Pero Tito, hindi natin hawak ang pag-iisip ng anak mo. We all know that she has the capability to hurt someone just to get what she wants. I’m not judging her, I just knew that she’s capable of doing horrible things,” ani Wyatt na nakatingin sa maliit na basong hawak niya na may lamang rum.

Sumimsim ang matanda sa sariling baso na may rum saka matamang tiningnan ang nag-aalalang binata. “I’ll already warned her. But yeah, you’re right. As far as I remember, I already witnessed her doing such horrible things like pointing a knife to her nanny and she also bumped her professor way back in college using her car. Her reason was that Professor embarrassed her during class at his subject.” He paused.

Franco cleared his throat then spoke again, “Marami pa siyang nagawa pero mga mild lang. If not because of my money and influence, nakulong si Cleo. Pero noong maging model siya tingin ko nagbago na siya to protect her image and reputation and of course her popularity.”

“Hindi natin masasabi ‘yan, Tito. What if by now, she already planning on how to get rid Aloha? Hindi ako pumapatol sa mga babae kasi I respect them a lot, the way I respected my mother who was already buried six feet under the ground. But when it comes to the girl I love, I could be a ruthless man,” sabi ni Wyatt saka inubos nang inumin ang rum sa kaniyang baso.

Nilagok din ni Franco ang sa kaniya. “I understand. Ako na ang bahala kay Cleo. If she did something to you, ako mismo ang magpapakulong sa kaniya.” Ngumiti ang matanda kay Wyatt.

“Thank you, Tito, for not siding your daughter.” He smiled back at his Tito Franco.

“You don’t have to thanks me, Wyatt. As a father, that’s my obligations. I want what’s best for my daughter. Hindi dapat hinayaan ng mga magulang na gumawa nang masama ang kanilang mga anak. Dapat ang magulang ang hahadlang sa mga hind magandang gawain ng mga anak nila kahit pa masaktan ang mga ito. Parents shouldn’t tolerate their child to do things that can hurt others.”

Matapos na magsalita ng matanda ay lumapit ito sa binata saka tinapik ang balikat nito. “Huwag mo akong kakalimutan gawing ninong sa kasal niyo ng babaeng mahal mo ah?”

“Sure, Tito. You’ll be in the first list.” He smiled. “Should I call you ‘ninong’ then?” He chuckled.

“Sure.” Franco grinned.

“Sige po, aalis na ako.” Paalam niya sa matanda.

“Sige. Ingat sa pagmamaneho. Dahan-dahan lang. Take it slowly but surely. Makararating ka rin sa pupuntahan mo kahit mabagal ang patakbo mo.” Paalala ng matanda.

“Copy.” He then started to walk went to the door.

Nang makalabas na siya ng bahay ng mga Patra ay kaagad niya nang tinahak ang gate upang makauwi na siya.

Nang nasa labas na siya kaagad na siyang pumasok sa kaniyang kotse.

He starts the engine and maneuvered went to his house.











SA ISANG abandonadong bahay ay may mga masasamang loob ang nag-uusap para sa kanilang plano.

“Get her at exactly 7:00PM then bring her in this place,” malamig na sabi ng babae na ang suot ay lahat itim.

“Anong gagawin natin sa kaniya, ma’am?” tanong ng leader ng inutusan ng babae.

“Still thinking about it. For now, abduct her first at dalhin niyo dito,” she said, devilish smirk was plastered on her face.

“Copy, ma’am.” Ngumisi rin ito.

“Now, go to the coffee shop na sinabi ko sa inyo at bantayan ang pakay niyo. Kilala niyo naman ang hampas-lupang babaeng iyon dahil pinakita ko na sa inyo. Kapag nakauwi na ito siguradihin niyong walang makakita sa inyo. Kaya sinabi ko na 7:00PM niyo kuhanin ang babaeng iyon dahil sa mga oras na ‘yan ang mga tao sa Barangay na iyon ay nasa loob na ng kani-kanilang bahay.” Pagpapaliwanag ng babae.

“Nakukuha po namin, madam. Alis na kami.” Tumango lamang ang babae habang nakangisi pa rin.

“Be ready, Aloha Gomez. You’ll see how ruthless I am.” With that, her smirk vanished pero napalitan naman iyon ng halakhak dahil sa nakikinata niya na magiging matagumpay siya sa kaniyang pinaplano.













NANG SUMAPIT ang alas onse y medya ng umaga, dumating nga ang pagkain na inorder ni Travis kaya naman nang wala ng costumer ay kaagad na nilang pinuntahan si Travis sa opisina nito para makakain na sila. Nang makita na ni Aloha si Cassandra at Travis na magkasama kaagad na nilang inayos ang pagkain sa lamesa saka umupo sila sa upuan. At ang nagsimula na silang kumain.

Unbeknownst to Aloha that there’s an evil guys that was spying on her. Ready to abduct her when she already went home.

Nang matapos silang kumain, kinuha ni Aloha ang kaniyang di-keypad na cellphone saka nag-text sa binata na pumunta sa bahay niya kapag alas siyete na. Nang makapag-text na ay kaagad niya na iyong ibinalik sa loob ng bulsa ng pantalon niya.

Ala una na nang hapon nang magpaalam sI Travis sa kanila na aalis dahil sa may pupuntahan daw ito. Tango lang isinagot nila rito at tuluyan na itong umalis habang sila ay naghihintay sa mga customer na sigurado nilang mga alas tres na nang hapon magsisidatingan.

They spent their free time talking nonsense. Hanggang sa sumapit na ang ika-alas tres nang hapon ay paisa-isa nang nagsipagdatingan ang kanilang mga customer.

At nagsimula na silang ibigay muli ang kanilang serbisyo bilang trabahante ng coffee shop. Hanggang sumipit ang kanilang uwian. Si Cassandra na ang nagsara ng coffee shop at sabay-sabay na silang umalis sa coffee shop.

Nahiwalay lang si Cassandra sa kanila dahil sa iba ang Barangay nito sa kanila. Iba ang daanan.

Nang makarating si Aloha sa bahay niya ay kaagad na siyang nagluto nang pang-hapunan niya at para kay Wyatt na pupunta mamaya dahil sinabihan niya.

She’s excited to tell Wyatt na magiging magulang na sila because she’s pregnant to their first baby. She’s sure that Wyatt will be a good father.

Nang matapos siya sa pagluluto ay umupo muna siya sa upuan sa sala habang hinihintay ang pagdating ng binata.





SAKTONG alas syete nang may marinig siyang kumatok sa bahay niya. Maaliwalas ang mukha na tumayo si Aloha sa pagkakaupo saka naglakad na patungo sa pintuan para pagbuksan ang kumakatok. Dahil sa pag-aakala na si Wyatt na iyon.

Pero nang buksan niya ang pinto, limang hindi kilalang mga lalaki ang bumungad sa kaniya. Naramdaman niya na may itinutok ang nasa unahan na lalaki banda sa gilid ng kaniyang tiyan.

“Subukan mong sumigaw, pasasabugin ko iyang tiyan mo,” nakakapanindig balahibong sabi nang tumututok kay Aloha.

Nanunuyo ang lalamunan at nagsitayuan ang kaniyang balahibo. All she was feeling right now is fear. Takot siya sa posibleng gawin sa kaniya ng mga armadong kalalakihan.

Ang kakapit-bahay ni Aloha na si Aling Caring ay nasa labas pa ng bahay ng mga oras na iyon. Maglalakad na sana ito papasok sa bahay nila ngunit napansin niya ang paghinto ng itim na van sa tabi ng kalsada at ang pagbaba ng mga hindi kilala at armadong kalalakihan.

Nang dumeretso ang mga ito sa bahay ni Aloha ay nilukuban kaagad siya ng takot. Lalo nang makita niyang tinutukan ng isa sa mga lalaking iyon ang dalaga.

Tumatago lang si Aling Caring sa kahoy habang pinagmamasdan ang gagawin pa ng mga lalaki sa dalaga. Laking gulat ng mga mata niya nang makita niya nalang na nawalan na ng malay tao ang dalaga dahil sa anong bagay na iyon na itinurok ng isa naman sa hindi kilalang mga lalaki sa leeg nito.

Nakatakip ang bibig na tiningnan ng matanda ang pagpasan ng lalaki sa dalaga patungo sa van na dala ng mga ito.

Saka lang siya lumabas sa pinagtataguan niya nang tuluyan nang makaalis ang mga ito lulan ng van.

Nagsisisigaw ang matanda dahilan para magsilabasan ang iba nilang kakapit-bahay. At doon niya isinalaysay sa mga ito ang nasaksihan niyang pagkuha ng mga hindi kilalang lalaki kay Aloha.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top