KABANATA 3

ANG PLANO ni Wyatt na huwag pumunta sa kaniyang barbershop ay napurnada. Wala siyang magawa sa bahay niya kung hindi ang magmukmok. Because of his boredom he went to his barbershop na kaagad niya ding pinagsisihan dahil nakita niya sa labas ng kaniyang barbershop ang kaibigan niyang baliw na kausap niya lang sa selpon kanina.

Nakasandal ito sa unahan ng sasakyan nito at nakatingin sa kaniya. Wyatt parks his red BMW near of his friend’s car. Pagkatapos bumaba siya sa kaniyang sasakyan.

“Hey there, my man.” Kinaway nito ang kamay sa kaniya kahit magkalapit lang naman sila.

“What?” malamig na sabi ni Wyatt at masamang tiningnan ang baliw niyang kaibigan.

“Badmood?” tanong nito sa kaniya.

“What do you need, motherfucker!” Galit na ani Wyatt.

“Huwag mo akong susungitan, Bud. May dala akong impormasyon na alam kong ikatutuwa mo.” Ngumiti ito nang nakaloloko.

“What is it?” Hindi maiwasan ni Wyatt ang ma-curious sa kung anong impormasyon man iyon pero hindi niya iyon pinahalata sa kaibigan, baka kasi nang-i-scam lang ito.

“Bayad muna.” Wyatt lips parted after his friend uttered those words.

“Fuck you!”

“Bayad kasi muna bago ang maganda kong balita. It's legit and reliable. No pay, no information. Think, bud! Think! Huwag kang kuripot.” Ngumisi si Travis pagkatapos tumingin kay Wyatt.

“Hindi pa ba sapat iyong two million na binayad ko sa iyo?” pagalit na tanong niya sa kaibigan.

“Kulang na kulang. You knew taghirap ako ngayon.” Travis smirked.

“Mukha kang pera, Travis. I will pay three thousands just spill that fucking information you've got!” asik naman ni Wyatt saka kinuha ang cellphone niya sa kaniyang bulsa para tingnan ang oras.

“I found a girl na sakto sa description na sinabi mo. Nag-t-trabaho siya sa coffee shop ng kaibigan ko na si Henry. Her name is Aloha Gomez. A poor girl. Nag-aral ng kursong edukasyon pero hindi natapos dahil sa pagkamatay ng kaniyang ama. Sakitin ang nanay niya kaya minabuti niya na tumigil na lang sa pag-aaral. Sayang nga lang, isang taon na lang sana matatapos na siya sa kursong pinili pero wala siyang choice. Mas pinili niya na lang mag-trabaho para may maipambili siya ng mga gamot na kailangan ng sakitin niyang ina.” Travis stopped talking for awhile that irritates him.

“Continue!” he exclaimed. Travis just laughed at him.

“She lives at Barangay Kahit Masikip Pinapasok. Nasa tabi lang ng kalsada ang bahay nila. Unang bahay pagkapasok mo pa lang sa Barangay na iyon. Tsk! Too much information. Iyan na lahat, bud. Hintayin ko ang bayad mo. Huwag mo akong scam-min. Goodbye, my lunatic friend.” Pumasok ito sa sports car nito. Travis starts the engine of his sport car then maneuvered it away from Wyatt who’s still speechless because of the information he shared at him.

DAHIL SA impormasyon na ibinigay ni Travis kay Wyatt, hindi na pumasok sa kaniyang barbershop ang binata. Sumakay ito sa kaniyang sasakyan at mabilis itong minaniobra papalayo sa kaniyang barbershop.

Ayaw niya nang magsayang ng oras. Pupuntahan niya na ngayon ang lugar na sinabi ng kaniyang kaibigan.

“Barangay Kahit Masikip Pinapasok? Anong klaseng pangalan ng barangay na ‘yon? Ang weird. And why the hell my member got erected dahil lang sa pangalan ng barangay na iyon. Tsk!” umiiling-iling na sabi ni Wyatt sa sarili.

Hindi siya makapaniwala na may ganoong pangalan ng Barangay. Sa tanang-buhay niya ngayon lang niya nalaman na may barangay na ganoon ang pangalan. Hindi kasi siya gala kaya wala siyang alam na may ganoong lugar na nag-e-exist.

Kakaisip niya sa weird na pangalan ng barangay na iyon hindi niya namalayan na narating na pala niya ito. Hindi niya pa ito malalaman kung hindi niya pa nabasa ang karatula na nakasulat ang pangalan ng barangay.

“So this place really exists,” bulong ni Wyatt pagkatapos niyang basahin ang nakasulat sa karatula na 'Welcome to Barangay Kahit Masikip Pinapasok'.

Inihinto niya ang kaniyang sasakyan sa gilid ng kalsada. Sinigurado niya na hindi ito makahaharang kung sakali mang may dumaang ibang sasakyan.

Bumaba siya saka mabilis na pinuntahan ang bahay na sinasabi ng kaniyang kaibigan na unang bahay pagtungtong sa Barangay na may weird na pangalan.

“Tao po! Tao po!” paulit-ulit na sigaw niya nang makalapit na siya sa bahay na iyon.

“Sino po sila?” Lumabas ang medyo may katandaan na babae.

“Dito po ba nakatira si Aloha Gomez?” magalang na aniya, pagkatapos ay kumamot sa kaniyang ulo.

“Dito nga. Ano ang kailangan mo sa kaniya. Pasensiya na wala pa rito si Aloha. Nasa trabaho pa. Gabi na ang uwi no’n. Ako ang pinakiusapan ng batang iyon na bantayan ang kaniyang ina.”

Hindi mapigilan ng Ginang na mamangha sa binatang kaharap niya. Gwapo ito at kita sa pananamit nito ang karangyaan. Lalo pa siyang namangha sa tindig nitong lalaking-lalake.

“Gano’n po ba?” Tumango sa kaniya ang matanda.

Kahit papaano naisip din ni Wyatt na worth it din ang ibabayad niya sa kaibigan dahil natagpuan niya na ang lugar kung saan nakatira ang babaeng matagal niya nang hinahanap—ang babaeng nagmamay-ari sa panty na naiwan sa kuwarto niya.

“Ano ba ang kailangan mo kay Aloha?” usisa ng Ginang saka ngumiti ito sa kaniya.

“Wala po. Sige po, aalis na ako. Salamat at pasensiya na po kung naistorbo ko kayo.” Alanganing ngumiti si Wyatt.

At naglakad na nga si Wyatt pabalik sa sasakyan niya.

“Give me the exact address of the coffee shop where Aloha’s working.” Text niya kaagad sa kaniyang kaibigan nang kuhanin niya ang kaniyang cellphone.

Natuwa si Wyatt nang kaagad na mag-sent ang text message niya sa kaibigan. Kahit papaano kasi ay may signal sa lugar na iyon kahit medyo bukid na ito.

Medyo naiinip na si Wyatt dahil sa ang tagal mag-reply ng kaniyang kaibigan.

Pumasok na siya sa kaniyang sasakyan dahil sa dumidilim na ang kalangitan dahil sa nagbabadya ang pagbuhos ng ulan.

Ang kaninang inis na kaniyang nararamdaman ay naglaho ng mag-reply na ang kaniyang kaibigan.

Malapit lang ang coffee shop kung saan nag-t-trabaho si Aloha. Madali niya lang itong mararating. Pero dahil sa bumuhos na ang ulan ay minabuti niya na patilain muna iyon bago siya pumunta sa nasabing coffee shop.

“SOBRANG LAKAS ng ulan kaya siguro kakaunti lang ang ating kostumer ngayon,” ani Aloha habang nakamasid sa pagbuhos ng ulan. Hindi gano’n karami ang kostumer na mayro’n sila dahil nga sa lakas ng ulan.

Katabi ni Aloha si Lany, ang kaibigan niyang bakla. Nakaupo sila sa upuan na malapit sa entrada ng coffee shop.

“Dadami iyan kapag tumila na ang ulan. Hapon na rin kaya sigurado ako na dadagsa ang ating kostumer, gurl.” Tinapik ni Lany ang balikat ng kaibigan na bumubuntong-hininga.

“Sana naman magaling na si Inay. Umalis ako kanina mababa na ang lagnat niya.” Bumubuntong-hininga pa rin na sabi ni Aloha.

“Magaling na iyon. Oh ayan, patila na ang ulan. Sigurado akong may kostumer na tayong darating.”

Hindi na lang nagsalita si Aloha. Pinagpatuloy niya lang ang pagmamasid sa ulan na tumitila na, kanina lang ay sobrang lakas.

ISANG PULANG kotse ang huminto sa tapat ng coffee shop. Napatingin dito si Aloha at Lany na kanina lang ay pinag-uusapan ang pagkakaroon ng kostumer.

“Sabi sa 'yo gurl magkakaroon tayo ng kostumer kapag tumila ang ulan.” Yinugyog nito ang nakatingin sa pulang sasakyan na si Aloha. “Yayamanin pa ang kostumer natin.” Dagdag pa nito na patuloy pa rin sa pagyugyog kay Aloha.

Abang na abang ng magkaibigan ang pagbaba ng taong lulan ng magarang pulang sasakyan. Lalo na si Lany na hindi na kinukurap ang mga mata dahil sa tutok ito sa lalabas sa sasakyang iyon na ikinailing naman ni Aloha.

Natulala si Aloha nang makita ang mukha ng lalake nang lumabas ito sa sasakyan nito.

“Hala! Bakit narito siya?” tarantang sabi ni Aloha. “Sana hindi niya naalala ang mukha ko,” ani pa rin ng dalaga sa kaniyang isipan.

Iniiwasan niya na maghinala ang kan’yang kaibigan kaya pinipigilan niya ang makagawa ng mali dahilan para maghinala ang kaibigan na kilala niya ang lalaking ngayon ay nasa entrada na ng coffee shop.

“Pasok kayo, Sir,” magalang na sabi ni Lany nang buksan niya ang sliding glass door ng coffee shop.

“Thank you!” he said in a baritone voice, “Hindi ako mag-o-order ng coffee. I came here to see Aloha Gomez,” straight forward na sabi ni Wyatt.

Kaagad na namutla si Aloha dahil sa sinabi ng binata. Sigurado siyang hindi kilala ng binata ang mukha niya dahil kung kilala nito ang kaniyang mukha hindi na dapat pa nito binanggit ang kaniyang pangalan dahil kaharap lang naman niya ito.

Hindi rin kaagad nagsalita si Lany. Pasimple lamang itong tumingin kay Aloha at sumunod ay kay Wyatt.

“May Aloha Gomez ba na nag-t-trabaho rito?” tanong ni Wyatt nang walang sumagot sa kaniya. Napatingin ito kay Aloha nang bigla itong yumuko.

Sasagot na sana si Aloha nang tumunog ang cellphone ng binata na nasa bulsa nito.

Kinuha ito ni Wyatt saka tiningnan ang kaniyang cellphone. Text message iyon galing sa katiwala niya sa kaniyang barbershop. Ayon dito, gusto raw siyang makausap ng pagbebentahan niya ng kaniyang barbershop. Hindi niya naibenta ang kaniyang bar kaya barbershop niya ang kaniyang napagdiskitahang ibenta. Importante iyon kaya pupuntahan niya na lang. Sa barbershop niya na lang daw ito makikipag-usap.

“Huwag niyo nang sagutin. Kailangan ko nang umalis. Sa susunod na lang kapag nakabalik ulit ako rito. Bye! Thanks and sorry for disturbing you.” At umalis na nga ang binata nang hindi hinihintay ang sagot ng mga kausap niya kanina.

NAKAHINGA nang maluwag si Aloha nang umalis na si Wyatt.

“Bakit namumutla ka, gurl?” mausisang tanong nito.

“Bes siya ‘yon.”

“Siya ang alin?”

“Iyong k’wenento ko sa 'yo na pinaligaya ako pero nakatulog dahil sa kalasingan.”

“Oh my God, gurl! He's handsome and oozing of sex appeal. Tindig pa lang masarap na!” malandi at eksaheradong ani ng bakla niyang kaibigan. “Sorry!” Hinging paumanin nito ng pagtinginan siya ng iba nilang kasamahan. Medyo napalakas kasi ang pagkakasabi niya no’n.

They’re six inside the coffee shop. Two were the assigned for making and mixing coffee that costumer's ordered. Aloha and Lany's tasked were to entertain costumers that were entering the shop and to get their order. The other two were assigned to brought customers’ coffee on their table.

The coffee shop gives a restaurant-like services. Hindi katulad sa ibang coffee shop na ang kostumer mismo ang lalapit sa barista para sabihin ang kanilang gustong coffee at ang magdadala sa kanilang napiling lugar.

Hindi na nagsalita pa si Aloha dahil sa labis na pagtataka kung paano nalaman ng binata ang pangalan niya at kung bakit siya nito hinahanap.

Nilukaban siya ng hiya nang maalala niya ang panty na naiwan niya sa kuwarto ng binata.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top