KABANATA 28

PAGKAALIS NILA Aloha, Cassandra at Lany sa hospital ay kaagad silang bumalik sa coffee shop. Ayaw na sana nila Lany at Cassandra na payagan pa ang dalaga na bumalik sa coffee shop dahil baka mahilo lang ito at isa pa sabi ng Doktora ay hindi ito p’wedeng mapagod at lalong-lalo na ang ma-stress pero ayaw paawat ni Aloha.

“Sinasabi ko sa ‘yo, gurl. Kapag ikaw nahilo na naman makakatikim ka sa akin.” Naiirita ang boses ni Lany habang sinasabi ang mga iyon.

“Ang tigas naman ng ulo nitong buntis eh. Ayaw makinig. Aloha, bawal ka nga mapagod at ma-stress sabi ni Doktora. Sa dami ng costumer, siguradong mapapagod ka. May mga demanding na costumer na kaunti na lang sila na ang gustong maging owner ng coffee shop. Ewan ko sa ‘yo.” Gaya ni Lany ay inis din ito. Kung hindi lang buntis ang dalaga, sinabunutan niya na ito sa sobrang katigasan ng ulo.

“Ano ba kayong dalawa.” She smiled at them. “Kaya ko ang aking sarili. Promise, hindi ako gagawa nang ikakasama namin ni baby. Kapag alam kong pagod na ako, magpapahinga ako. Hindi ko naman hahayaang mapahamak ang magiging anak namin ni Wyatt.” Dagdag niya pa na binigyan ng ngiti na nagpapahiwatig na hindi siya gagawa na maaaring ikasama ng magiging anak nila ng lalaking mahal na mahal niya.

“Sure ka riyan ah?” sumusukong saad na lamang ni Lany. “Nabuntis lang naging matigas na ang ulo.” Iniiling na lamang ni Lany ang kaniyang ulo.

“Ako ang bahala riyan kapag napahamak ‘yan.” Dugtong naman Cassandra na nginitian na lamang ng dalaga.

At tuluyan na silang naglakad papunta sa loob ng coffee shop. Kung kanina pag-alis nila ay marami ang costumer ay dumami dahil sa ang bantay ay si Travis.

Nakikita nila na ang iba ay hindi naman nag-oorder. Nakatunghay lamang ang mga iyon kay Travis na abala sa pagbibigay ng mga costumer na talaga naman na nag-order. Hindi nagpunta lamang sa coffee shop para magpa-cute sa binata na hindi naman sila binibigyan ng pansin o kahit isang sulyap man lang.

Nang ibaling ni Aloha ang tingin kay Cassandra na dati ay hindi niya nakakausap gayong pareho naman sila ng pinagta-trabaho-han, pero ngayon ay maituturing niya na itong kaibigan. Nakatingin ito sa binata na may mga matang nangungusap. Simula pa nang unang araw palang ni Travis sa coffee shop ay napansin niyang ganoong na ang titig ni Cassandra sa binata.

Hindi na siya doon magtataka dahil malakas ang karisma ng binata. Kahit sinong babae ay ma-a-attract dito. Maliban lamang siya dahil iba ang nakakuha ng atensyon at atraksiyon niya. Ang kaibigan ng lalaking pinagpapantasiyahan ng bago niyang kaibigan na si Cassandra.

“Trabaho na. Baka matunaw si Fafa Travis sa titig mo. Kaunti na lang magkakalaway ka na. Eww, gurl!” dinig niyang usal ni Lany kay Cassandra.

“Panira ka naman, baks eh. Nag-e-enjoy pa akong pagpantasiyan si Travis my loves eh.” Pagtatampo naman ng dalaga.

“Ewan ko sa ‘yo, gurl. Hindi na ako magtataka kung madiligan ka ni Fafa Travis kasi mabilis kang bibigay,” anito dahilan para mamula si Cassandra na agad namang napansin ni Lany. “Hala namula ka, gurl! Don’t tell me may nangyari na sa inyo ni Fafa Travis ko?” Wala sa sariling napatango si Cassandra. “Oh My  G! Taksil ka. Inagaw mo sa akin si Fafa Travis ko. Ano ba naman ‘yan. Palagi na lang ako naaagawan. Una kay Fafa Wyatt, sunod kay Fafa Henry, ngayon naman kay Fafa Travis. Bakit ganoon? Ang daya.” Pagmamaktol nito.

“Kawawa ka naman. Baka iyong babaeng kini-k’wento mo ang para talaga sa ‘yo. Pero nagtataka lang ako, tumayo kaya ‘yang kaibigan mo nang aksidenteng mahawakan ‘yan ng babaeng sinasabi mo?” curious na curious na tanong ni Cassandra kay Lany.

“T-Tigilan mo nga ‘yang pinagsasabi mo. Mag-hunos dili ka nga. Nakakadiri ang pinagsasabi mo!” singhal nito na pinigilan ang kaniyang sarili na huwag nang mautal sa pangalawang pagkakataon.

“Tumigil na nga kayo. Mabuting mag-trabaho nalang tayo. Baka umabot pa sa away ‘yang pinag-uusapan niyo.” Sabat na ni Aloha sa dalawa na kanina ay hinayaan niya lamang na mag-usap nang mag-usap.

“Buti pa nga,” magkasabay na sabi nina Cassandra at Lany.

At nagsimula na nga silang magtrabaho. Tumigil lang nang sumapit na ang alas dose ng tanghali para kumain. Nang matapos ay nagpahinga muna sila. Dahil sa tanghali, wala pa silang costumer. Sa labas sila umupo para makalanghap ng hangin.

NAG-UUSAP-USAP SILA nang may huminto na magarbong sasakyan na ipinark sa maliit na parking lot ng coffee shop. Bumababa ang may-ari ng sasakyan dahilan para ikalaglag ng kanilang panga. Maganda ang babaeng iyon ngunit dahil lamang iyon sa mga kolorete nito sa mukha.

Nalaglag ang panga nila Aloha at Cassandra dahil sa babae ang may-ari ng kotse gayong sa estilo at kulay ng kotse ay panlalaki iyon ganoon din si Lany.

“You must be, Aloha Gomez?” tanong ng babae nang makalapit ito sa kanila.

Tumayo sina Aloha.

“Ako nga. Bakit?” Mataray ang babae at walang balak magpatalo si Aloha rito, kaya tinarayan niya din ito.

“I’m Cleo Patra. I’m the fiancee of the man na kinakalantari mo. Stay away from, Wyatt,” walang kagatol-gatol na sabi ng babae na si Cleo.

“Hindi ko alam na pumatol si Wyatt sa isang espasol,” tugon niya dahilan para mapatawa si Cassandra at Lany.

“What did you just say!” Cleo gritted her teeth.

“Wala akong balak ulitin ang sinabi ko. Problema mo na ‘yon kung hindi mo narinig kung ano man ang sinabi ko.” Aloha smiled at Cleo mockingly.

Palaban siya dahil hindi siya ipinanganak ng Nanay niya para magpatalo.

Hihilain na sana ni Cleo ang buhok ni Aloha para sabunutan ang dalaga ngunit kaagad na humarang dito sina Cassandra at Lany.

“Subukan mo lang palapatin ang marumi mong kamay sa kaibigan namin, may kalalagyan ka sa akin,” ani Lany na ginamit ang kaniyang panlalaking boses para sindakin ang nanggagalaiting si Cleo kaya naman napatigil ito.

Ngumisi si Cleo saka kinuha ang kaniyang cellphone sa bulsa ng dala niyang purse. She went to her phone gallery saka hinanap ang picture kung saan kuha iyon nang ginawa nila Cleo at Wyatt sa kotse ng binata, apat na taon na ang nakararaan. Isang litrato lang naman iyon.

“Then see it.” Ibinigay nito ang cellphone kay Aloha nang mahanap niya ang picture na hinahanap niya.

Kinuha iyon Aloha saka tinignan. Lumapit din sina Cassandra at Lany para makitingin sa cellphone kung ano man ang naroroon.

Doon sabay-sabay nila na nakita ang mukha nila Wyatt at Cleo na may mukha na sarap na sarap sa kanilang ginagawa. Hindi man buong katawan ang nakunan pero alam ni Aloha ang mga ginagawa nito. Wyatt was on top of Cleo na nasa ilalim naman ng binata. At sa mga reaksiyon ng mga mukha nito, sigurado si Aloha na ginagawa ng mga ito ang ginagawa din nila ni Wyatt kaya nga may nabuo sila.

Sa nakita ni Aloha, biglang naramdaman niya ang paghina ng tuhod niya na kaunti na lang ay mapaupo siya dahil doon. Parang dinudurog ang puso niya dahil sa sakit na kaniyang naramdaman.

“Huwag kang maniwala riyan, Aloha. Baka edited lang ‘yan. Gusto lang niyan sirain ang relasyon niyo ni Wyatt,” kaagad na sabi ni Lany nang makita niya ang dahan-dahang paglandas ng luha ni Aloha sa mga pisngi nito.

“Kaya nga, Aloha. Umalis ka na nga, mukhang espasol,” ani naman ni Cassandra.

“Okay. ‘Yan lang naman ang ipinunta ko rito.” Ngumiti si Cleo nang nakakaasar saka padarag na kinuha ang cellphone kay Aloha na hindi pa nagsasalita simula nang makita nito ang picture na iyon. “Bye!” Dagdag pa nito saka humalakhak na parang mangkukulam.

“Gurl, huwag kang maniwala roon ahh! Sinisiraan lang noon sa ‘yo si Wyatt,” ani Lany saka ini-upo si Aloha.

“P-Paano kung totoo ‘yon? P-Paano kung ikakasal na pala talaga sila?” umiiyak na saad ni Aloha.

“Huwag kang gagawa ng desisyon na pagsisihan mo. Huwag tatakbo. Kausapin mo si Wyatt tungkol diyan para malinawan ka. Tanging si Fafa Wyatt lang makakasagot kung ano man ‘yang mga katanungan mo sa iyong isipan,” pagpapaunawa ni Lany sa dalaga.

“Natatakot ako sa malalaman ko,” giit ni Aloha na pinupunasan ang sariling mga luha.

“Pero kailangan mong kausapin siya para hindi ka nag-o-overthink dyan.” Gatong naman ni Cassandra.

“Paano kung magsinungaling lang siya sa akin?”

“Hindi siya magsisinungaling. Just ask him. Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan. I know that my friend loves you. Baka gusto niyang sabihin sa ‘yo, naunahan ka lang,” ani Travis na kagigising lang mula sa pagkakatulog sa office niya sa loob ng coffee shop. Napalingon sila rito. “Napahaba tulog ko. Pesteng alak ‘yan. Anong oras na ba?”

“Ala una na, sir Travis,” sagot ni Cassandra sa binata.

“Too formal, Cass. Last time, I heard you calling me Trav, with moan,” he said licking his tongue dahilan para mamula si Cassandra. “Basta Aloha, trust my friend. Baka tulog pa iyon, nag-inuman kasi kami kanina. Sige balik na ako sa office ko. Matutulog ako ulit.” Dagdag nito saka pumasok ulit sa coffee shop saka dumeretso na sa office nito para matulog kuno ulit.

“Tama si Fafa Travis. Maniwala ka kay Fafa Wyattt. Be open-minded sa mga ipapaliwanag niya para madali mo siyang maintindahan. Huwag papa-stress sa sinabi ng bruhildang iyon. Masama iyon sa ‘yo at sa baby niyo.” Tinapik ni Lany ang balikat ng kaibigan.

“Salamat,” kalmadong saad ni Aloha.

“Tara sa loob na tayo maghintay sa mga kostumer.” Gatong naman ni Cassandra. “Mga alas singko nang hapon tayo mag-out.” Dagdag pa ng dalaga.

“Sige,” magkasabay na tugon ni Aloha at Lany.

At naglakad na sila papasok sa coffee shop para sa loob na maghintay sa mga costumer.












“AHH! DAMN IT!” singhal ni Wyatt habang hawak ang kaniyang sumasakit na ulo.

Hapon na siya nang magising. Sa katunayan ay mag-aalas sais na ng gabi.

Iyon ang ayaw niya kapag umiinom at natutulog. Kapag gumigising siya ay sobrang sumasakit ang kaniyang ulo.

“Fuck this hangover! I will not drink anymore!” aniya pa na bumabangon na sa kama niya.

Hinimas-himas niya ang kaniyang nananakit na ulo saka inisa-isang hinubad ang kaniyang mga saplot hanggang sa tuluyan na siyang maging hubo’t-hubad. Ang kalamigan mula sa air-con ay kaagad na niyakap ang kaniyang hubad na katawan. Pero dahil sa sanay na siya doon ay balewala na lamang ang kalamigan na nararamdaman niya.

He just walks going to his shower room to take a cold shower. Para kahit papaano ay mabawasan man lang ang pananakit ng kaniyang ulo.

Pagkarating niya sa shower room ay kaagad na niyang itinapat ang kaniyang hubad na katawan dito.

As the cold water from shower envelopes his naked body, Aloha’s face appeared. Kaya napangiti siya. He really loves her. He's willing to sacrifice everything just to be with that girl, to be with Aloha.

NANG MATAPOS siyang mag-shower kaagad niyang ipinulupot ang puting tuwalya sa ibabang parte ng katawan niya kung saan naroon ang kaniyang malaki at mahabang sandata.

Nagbibihis siya nang marinig niyang tumunog ang kaniyang cellphone na nasa higaan niya. Base sa ringtone nito, iyon ay isang mensahe. Kaya nagmadali siyang isuot ang damit, saka kinuha ang kaniyang cellphone sa pag-aakala niya na si Aloha ang nag-text. Pero naalala niya wala pala siyang numero ng cellphone ng dalaga na di-keypad lamang. Balak niyang bilhan ng bagong cellphone ang dalaga.

Napakunot-noo siya nang mabasa ang pangalan ni Cleo roon. Kaagad niyang binasa ang mensahe ng dalaga.

CLEO: Hi my dearest fiancé. I already told to your girl what is my relation to you. Nakita na rin niya ang picture natin na pinagsasaluhan ang init ng ating katawan. Her reaction was so epic. Baka sa mga oras na ‘to ay naiisip niya na ang pakikipag-hiwalay sa ‘yo. It’s the sign na matutuloy ang kasal natin. Sa ’kin pa rin ang bagsak mo.

Biglang nag-init ang kaniyang ulo. He clenched his jaw and gritted his teeth. He held his phone tightly. “Fuck you, Cleo! Damn it! Kailangan kong maghanda nang mahabang paliwanag. Sana makinig siya sa mga paliwanag ko kasi hindi ko na kakayanin kapag nakipag-hiwalay siya sa ‘kin. Ilang oras pa nga lang ang nakalilipas nang sagutin niya ako. Tapos ito kaagad. Fuck!”

Nagmadali siyang kumilos saka kinuha ang susi ng kaniyang kotse sa bulsa ng pantalon na hinubad niya kanina nang maligo siya. Pinaikot-ikot niya iyon sa hintuturo niya saka patakbong lumabas sa k’warto niya pababa sa hagdan. Saka tuluyan nang tinungo ang garahe. Ibinukas niya muna ang gate kung saan doon siya dumaraan kapag ipapasok at ilalabas ang kaniyang kotse sa garahe. Nang matapos ay pumunta na siya sa kaniyang kotse at saka ito pinaandar. Nakalimutan niya nang isara ang gate sa pagmamadali. Buti dumaan si Alexander kaya ito na ang nagsara doon habang umiiling-iling.

“Hope she’ll believe in my explanations. Kasi kung hindi baka lumala ang pagkabaliw ko,” ani Wyatt sa gitna nang pagmamaneho sa kaniyang kotse.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top