KABANATA 25
KINUSOT-KUSOT ni Aloha ang kaniyang mga mata bago bumangon sa kaniyang higaan. Kagigising niya lamang. Sinuot niya na ang kaniyang tsinelas saka tuluyan nang naglakad palabas ng kaniyang kuwarto. Humikab siya habang naglalakad. Nang makalabas na siya ay bumungad sa kaniya si Lany na nagbabantay sa nakaburol niyang ina.
Lumapit siya dito upang tanungin kung nasaan si Wyatt na akala niya ay ang nagbabantay sa nakaburol niyang ina. Pero ang kaibigan niya ang bumungad sa kaniya.
“Nasaan si Wyatt at ikaw na ang nagbabantay diyan?” tanong niya sa kaibigan nang tuluyan na siyang makalapit dito.
“Natulog muna. Sumakit daw ang ulo eh. Pagkatapos niyang mag-almusal ay pumunta siya sa kuwarto ng inay mo. Itutulog niya daw muna ang pananakit ng ulo niya,” sagot nito sa kaniya, “Mag-almusal ka rin muna. Ang dali umusad ng oras. Parang kanina lang ay alas sais palang nang umaga, ngayon ay mag-aalas onse na,” dagdag pa nito.
“Sige. Ikaw muna ang magbantay diyan kay Inay. Mag-aalmusal lang ako saka luluto na rin ako nang pananghalian,” aniya saka nginitian ang nakaupo niyang kaibigan.
“Sige lang. Sarapan mo ang luto mo baka pumunta ngayon sina Fafa Travis at Yummy Alexander. Pati ‘yong dalawang babaita saka si sir Henry.”
“Kailan ba ako nagluto ng hindi masarap?” Pinagsaklop niya ang kaniyang kamay saka nakataas ang kilay na binalingan niya ang kaniyang kaibigan.
“Sabi ko nga masarap kang magluto. Sabagay masarap din magluto si Tita. Siguradong namana mo iyon sa kaniya.” Sang-ayon nito sa sinabi niya.
“Bahala ka na riyan,” sabi niya saka iniwan na ang kaibigan niya.
Nakataas ang baba na naglakad siya pupuntang kusina. Nang nasa tapat na siya nito ay kaagad niyang hinawi ang kurtina na nagsisilbing pinto nito saka tuluyan nang pumasok at dumeretso sa lamesa, kung saan naroon ang pagkain na natatabunan nang malaking pantakip na parang basket na lalagyan ng damit. Ang kaibihan nga lang ay mababa lang iyon at kasing-hugis ng palanggana na ginagamit niya sa paglalaba.
Walang platong nakalagay kaya imbis na umupo na ay pumunta muna siya sa lalagyan ng plato saka kumuha ng isa. Kumuha rin siya ng isang kutsara at naglagay ng tubig sa pitsel saka kinuha niya ang baso na bagong hugas lang. Wala siyang nakitang hugasin kaya panigurado siyang hinugasan na ito ng binata. Palagi kasing ito ang naghuhugas nang pinagkainan nila kahit sinasabihan niyang siya na lang ang maghuhugas. Pero mapilit ang binata kaya wala siyang nagagawa kung hindi ang hayaan na lamang ito.
Isa-isa niyang inilagay ang mga iyon sa lamesa saka siya tuluyang umupo. Saka niya inalis ang nakatakip sa pagkain. Inilagay niya lang iyon sa gilid at nagsimula nang magsandok ng kaniyang makakain. Pagkatapos ay nagsimula na siyang kumain.
Tahimik siyang kumakain at tuloy-tuloy iyon kaya mabilis siyang natapos. Naubos niya din ang pagkain. Nagutom siya nang labis dahil sa ginawa nilang dalawa ng binata.
Hinugasan niya na ang kaniyang mga ginamit dahil ayaw niya namang iasa pa iyon sa binata. Saka palagi niya na iyong gawain kaya dapat lang na huwag niya na iyong iasa pa.
Nang matapos siya sa paghuhugas ay kaagad na siyang nagtakal ng bigas para isaing na iyon. Sinigurado siyang sapat ang sasaingin niya para sa kanila ng mga bisita niya.
Habang nagsasaing ay inaayos niya ang kaniyang lulutuin. Pinakbet ang nais niyang lutuin at sasahugan ng karneng manok na nakalagay sa maliit nilang refrigerator. Kinuha niya ang karne saka inilagay iyon sa palanggana na may lamang malinis na tubi, upang palambutin iyon mula sa pagiging frozen. At nang sa gayon ay mahiwa niya na iyon. Dahil iyon na lamang ang hindi pa nahihiwang panlagay niya sa lulutuin.
Nang kumulo na ang kaniyang sinasaing ay hinayaan niya lamang iyon. Hindi niya na iyon hahaluin pa dahil sa sakto naman ang isinabaw niya doon. Sigurado siyang maluluto rin iyon. Nang lumambot na ang karneng manok mula sa pagkaka-frozen nito ay kaagad niya nang kinuha ang chopping board na gawa sa kahoy ng mahogany at nagsimula na siyang hiwain ang karne. Nang matapos siya sa paghihiwa ay hinanda niya na ang lahat ng sangkap saka nagsimula nang magluto.
SAKTONG 11:30AM nang matapos si Aloha sa pagluluto. Naghugas siya nang kamay saka inalis ang hairnet at apron na ginamit niya sa pagluto saka inilagay ang mga iyon sa tamang lalagyan ng mga ito.
Inayos niya ang lamesa para maayos tignan. Nang marinig niya ang hindi naman gaano kalakas na boses na nagmumula sa sala, minadali niya na ang pag-ayos sa lamesa na minsan na ring naging saksi sa kapusukan nila ni Wyatt.
Natapos din siya kaagad kaya tuluyan na siyang naglakad palabas ng kusina para pumunta na sa sala kung saan niya naririnig ang ingay. Sigurado siyang ang mga inaasahan niya ng mga bisita iyon. Dahil pamilyar ang nangingibabaw na boses mula roon. Walang iba kung hindi ang boses ni Travis—ang dakilang kutungero ayon kay Wyatt nang magk’wento ito sa kaniya tungkol sa mga kaibigan ng binata. Na tulad nito ay saksakan din ng kabaliwan.
Tama nga ang hula niya. Kaya pala ang ingay na naman dahil nagsisimula na namang asarin ng mga ito ang nabulabog ang pagtulog na si Wyatt.
“Ako na nga ang nagmagandang loob na dalhan ka ng damit dito dahil parang gusto mo nang tumira dito, tapos ikaw pa ang nagagalit,” dinig niyang sabi ni Travis pagkalabas na pagkalabas niya pa lang sa kusina.
“Bakit kasi pumasok ka sa bahay ko nang hindi man lang nagpapaalam sa ‘kin. You should ask my permission first before you invaded my house, Alcazar!” nagtatagis ang bagang na ani Wyatt.
“Nagpa-practice lang ako, bud. Gusto ko rin kasing subukang maging akyat-bahay. Balak ko ring bumuo ng akyat-bahay gang. Gusto mo sumali, Lacson? Bagong mapagkakakitaan,” tugon naman ni Travis na binalewala lamang ang nanggagalaiting si Wyatt dahil nagawa pa nitong ngumiti nang nakaloloko.
“Hindi mo ako isasali, Alcazar?” Dugtong naman ni Alexander na lumapit pa kay Travis at inakbayan ang kaibigan.
“Huwag ka na. Mag-focus ka na lang sa batang tinira mo.” Tiningnan ni Travis si Alexander saka ito nginisian.
“May punto ka rin, bud. Thank you and fuck you!”
“Make it harder, Breiven!” ani Travis saka binalingan si Wyatt na ganoon pa rin ang mukha. “Ano, Lacson? Sasali ka ba sa akyat-bahay gang na bubuuin ko?”
“No, thanks for your offer. See you in jail then. Expect that I will always visit you,” Wyatt answered then smirked at his friend na para bang hindi ito nagalit dito.
“Okay,” tugon naman ni Travis saka inakbayan ang katabi nitong si Cassandra na nasa left side niya.
Hindi siya napapansin ng mga ito dahil sa nakatalikod sila at medyo hindi natatanaw ang lokasyon niya, abala rin ang mga ito sa pag-aasaran. Akbay-akbay ni Travis si Cassandra na napako sa kinatatayuan dahil sa biglang pag-akbay dito ni Travis. Nang tingnan niya din ang lokasyon nila Henry at Marry Jarenz ay nakita niya itong nag-uusap na may mga matang nangungusap.
“Mabuti at natigil din ang bardagulan niyo,” dinig niyang usal ni Lany na kanina pang pinagmamasdan ang mga ito.
“Tayo naman ang mag-ingay girls,” usal din ni Marry Jarenz na ngayon ay akbay-akbay na ni Henry.
“Pass ako,” sabi ni Cassandra.
Bago pa man magsalitang muli si Marry Jarenz ay dumeretso na si Aloha sa sala at nagsalita, “Guys, nakaluto na ako. Baka hindi pa kayo nag-lunch. Sabay-sabay na tayong kumain.”
“Sakto nagugutom na ang mga alaga ko,” sabi ni Travis na hinihimas-himas ang tiyan. Tumunog iyon kaya napatawa silang lahat.
“Sige kukuhanin ko lang ang pagkain. Dito na lang tayo sa sala kumain. May lamesa at upuan naman,” aniya pa.
Akmang lalakad na ang dalaga para kuhanin ang pagkain nang mabilis siyang puntahan ni Wyatt saka hinawakan ang kaniyang palapulsuhan.
“Let me help you, baby,” anito nang magtama ang kanilang mga mata.
“Lason!” sigawan ng mga ito maliban kay Lany.
“Ang ingay niyo. Baka magising ito si tita dahil sa kaingayan niyo!” singhal ni Lany.
“Huwag kang magbiro nang ganiyan, Lany baby. Baka umihi ako sa aking pantalon ng wala sa oras,” sabi ni Travis.
“For real Fafa Travis, tinawag mo akong baby? Hihimatayin yata ako sa kilig,” lumilikot-likot ang paang saad ni Lany.
“Let’s go, baby. Let’s don’t mind them. They’re all lunatic. Baka mahawaan tayo,” ani Wyatt saka nagsimulang hilain ang kaniyang palapulsuhan papunta sa kusina na kaagad niya ding sinabayan.
“Matagal ka nang kasapi nila.” Giit ng dalaga.
“Baby naman eh.”
“Heh! Totoo naman. Huwag ka nang umangal.”
“Sabi ko nga.”
“Bilisan na lang natin at nang makakain na tayo.”
At tuluyan na nga silang nagtungo sa kusina upang kuhanin ang pagkain at ang kanilang mga gagamitin sa pagkain. Magkatulong nila iyong inayos saka nang matapos ay dinala na nila ang mga iyon sa sala. Na kaagad na nilang pinagsaluhang lahat.
SA BAWAT oras na lumilipas ay nagdudulot ng lungkot kay Aloha. Gusto niyang patagalin ang oras pero tuwing iniisip niya iyon, parang mas lalong bumilis ang pagtakbo ng oras.
Alas singko na nang hapon. Maya-maya ay gabi na naman.
Magkatabing nagbabantay sina Aloha at Wyatt. Pareho nakamasid sa litrato nang nakaburol na ina ng dalaga. Parehong may lungkot sa mukha.
Silang dalawa na lamang ulit ang natitira. Umalis na ang mga kasama nila. Babalik na lamang daw ang mga ito mamayang alas otso nang gabi.
Magkatabi sila pero walang umiimik. Walang nangngahas na magsalita sa kanilang dalawa. Kung saan nakatuon ang kanilang mata ay doon na lamang ang atensyon ng mga iyon. Kahit naramdaman ng dalaga ang kamay ng binata na yumakap sa bewang niya ay hindi siya nagsalita o umangal man lang. Hinayaan lamang niya ang mga kamay nito na pumulupot sa kaniyang bewang.
ANG SEGUNDO ay naging minuto. Ang minuto ay naging oras na patuloy sa pagtakbo hanggang sa sumapit ang gabi at sunod-sunod na nagsipag-datingan ang mga bisita, na halos kilala na nila ang pagmumukha dahil sa gabi-gabing pagpunta ng mga ito.
Gaya nga nang sinabi nina Travis na oras nang pagbalik sa bahay nina Aloha ay dumating ang mga ito. Akala niya nga ay magsusugal ang mga iyon pero akala niya lang iyon. Dahil tumulong ito sa kanila ni Wyatt sa pag-aasikaso ng mga bisita dahil dumarami ito nang dumarami habang lalong lumalalim ang gabi.
Sabay-sabay silang kumain nang hapunan kasama ang mga bisita. Mabuti na lang ay marami ang niluto nila upang hindi iyon kumulang.
Bukas, alas nuwebe nang umaga ang libing ng kaniyang ina. Buti nariyan si Wyatt. Tinulungan siya sa lahat nang gastusin at pagpagawa nang libingan ng kaniyang ina. Gusto sana ng binata na katulad sa libingan ng mayayaman ang maging estilo nang libingan ng kaniyang ina, pero tinanggihan niya. Sobra-sobra na ang nagastos ng binata simula nang iburol ang kaniyang ina, ito ang gumastos sa lahat ng kailangan. Pati pagbayad sa mamahaling kabaong ng kaniyang ina pati sa purenarya na nag-asikaso sa Inay niya. Tama na iyon. Nahihiya na rin siya sa binata.
Katabi lang ng pinaglibingan ng kaniyang ama ang libingan ng kaniyang ina.
KUNG GAANO kabilis tumakbo ang oras, ganoon din kabilis na umagos ang mga luha ni Aloha habang nakamasid sa litrato ng kaniyang ina. Nasa labas ang iba. Si Wyatt at siya lang ang naiwan.
“Cry, baby. Cry your heart,” ani Wyatt na napapaiyak na rin habang hinihimas-himas ang likod ng dalaga na yakap-yakap ang kabaong ng ina nito.
“I-I love you, ‘nay. S-Sana po gabayan niyo ako sa bawat desisyon na gagawin ko. P-Pa-kumusta ako kay Itay ahh. P-Pakisabi sa kaniya na miss na miss na siya ng prinsesa niya. M-Mamimiss din kita, I-Inay.” Pagtangis ng dalaga. “M-Mananatiling nandito ka sa puso’t isip ko, Inay. M-Mahal na mahal po kita. A-Ang sakit pa rin. H-Hindi pa ako handa na mamaalam sa ‘yo pero kailangan ko dahil ito ang totoo. N-Na kahit a-ayaw kong s-sabihin na ‘I-Inay, paalam’ wala akong magagawa dahil sa ayaw at sa gusto ko man, masasabi at masasabi ko ang mga katagang ‘yon.” Huminto ang dalaga upang lunukin ang kung ano man ‘yong nakabara sa kaniyang lalamunan. She shut her eyes while her tears was still falling. “P-Paalam, mahal kong Ina,” basag ang boses na ani ng dalaga.
Pinagtaasan ng balahibo sina Travis nang maabutan nila ang nakakapanlubag loob na senaryo. Ang mga babae ay mabalis na umiyak habang ang mga lalaki ay malungkot na pinagmamasdan lamang iyon.
Umayos ang dalaga ng tayo. Nang maayos na ay bigla niyang naramdaman na hindi siya makahinga dahil sa kakaiyak. Kaya nawalan ito ng malay tao. Pero bago pa man bumagsak ang katawan nito sa sahig ay nasalo na ito ni Wyatt saka mabilis siyang dinala sa kaniyang k’warto. Dahil sa taranta ng lahat ay nagkagalo buti natahimik din ang mga ito kaagad.
Nagboluntaryo na sina Travis na sila ang babantay sa nakaburol pang ina ng dalaga kaya hindi na lumabas si Wyatt sa k’warto ng dalaga. Binantayan niya ito saka pinaypayan gamit ang abaniko.
LAHAT AY HANDA NA para sa libing ng ina ng dalaga. Marami ang makikipag-libing. Nakasakay na ang mga ito sa kani-kanilang sakayan na nirentahan ng binata para may magamit sila. Ang kabaong naman at naroon na sa karo ng patay. At nagsimula nang umandar ang mga ito papunta sa libingan.
Panay iyak ng dalaga na inaalalayan naman ni Wyatt dahil baka mawalan na naman ito ng malay.
Ilang minuto lang ay narating na nila ang libingan dahil sa hindi naman ito gaano kalayo kaya kaniya-kaniya silang baba sa sasakyan. Ang kabaong kung nasaan naroon ang katawan ng ina ni Aloha ay binuhat na ng mga tauhan ng purenarya. At nagsimula na ang seremonya ng libing na inumpisahan nang pagmisa ng pare.
Nang matapos ang libing ay umiiyak na inakay ni Wyatt si Aloha patungo sa kan'yang kotse. Ipinasok niya ang dalaga na tulala lamang at umiiyak saka siya pumasok sa driver’s seat saka pinaandar na ang kaniyang sasakyan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top