KABANATA 24
MAALIWALAS ang mukhang lumabas si Wyatt sa k’warto nang natutulog na si Aloha dahil sa sobrang pagod na naramdaman nito.
When he already outside of Aloha’s room, he walks went to kitchen to make himself a coffee. He needs it to stay awake. Nang sa gayon ay mabantayan niya ang nakaburol na ina ng babaeng mahal niya.
Ito na ang huling araw na paglalamayan ang matanda. Kaya naman gusto niya itong mabantayan.
Nang nasa kusina na siya kaagad na siyang kumuha ng kutsara at tasa. Saka niya isinunod na kuhanin ang kape at asukal na nasa kani-kaniya nitong lalagyan. Nang makuha ay kaagad niyang nilagyan ang kaniyang tasa ng asukal at kape. Kaunting asukal lamang ang nilagay niyang asukal saka ang kape naman sinigurado niyang magiging strong iyon, gusto niya kasi ang mapait na lasa ng kape. He loves its smell and its taste. It make him feel alive.
Nilagyan niya na nang mainit na tubig ang tasang may laman na kape at asukal. He stirred it thoroughly to make sure that the sugar will dissolve. Para walang asukal na makita siya kapag natapos na siyang uminom. Nang matapos ay kaagad niya na itong binitbit palabas ng kusina.
Dumeretso siya sa upuan na katabi ng kabaong ng ina ni Aloha. Umupo siya dito saka sumimsim sa kape matapos niya iyong ihipan.
Habang humihigop ng kape ay pinasadahan niya nang tingin ang litrato ng ina ni Aloha na para bang ipinapasok at kinakabesa niya ang mukha ng matanda upang kahit hindi niya na ito makikita pa kahit kailan ay maaalala niya pa rin ang mukha nito. Ang mukha ng ina ng babaeng pinakamamahal niya na minsan niya ding naalagaan na para bang tunay niya itong ina.
Dahil sa roon niya natuon ang kaniyang atensyon, hindi niya alam na unti-unti nang lumalamig ang kaniyang kape. Kaya bago pa man ito lumalamig ay tuluyan niya na itong hinigop. Nang matapos ay inilagay niya lang ang tasa sa ilalim ng upuan kung saan siya nakaupo.
Mamaya ay sigurado siyang pupunta ulit ang mga kaibigan niya pati si Henry at ang dalawang babae na kasama ng mga ito sa bahay nila Aloha para makiramay muli.
Ayaw niya nang makipaglaro sa mga ito dahil panigurado siyang matatalo lang siya. Mas mabuting tulungan niya na lang si Aloha na asikasuhin ang mga bisita. At para na rin mabantayan niya ang dalaga. Dahil sigurado siya naiiyak na naman ito, gayong ngayon araw na nang pagkakaburol ng ina nito.
Dahil sa wala namang bumibisita sa umaga dahil sa mga abala ang mga tao sa pagkakayod. Hindi tulad niya na kahit umupo lang ay may perang pumapasok sa bank account niya. Alam niya kung gaano kahirap kumayod ang tulad nilang mahihirap. Iyong todo kayod na pero naghihirap pa rin. Kung sino pa iyong saksakan kung kumayod ay iyon pa ang mga naghihirap.
Nasa pagmumuni siya nang makita niya ang pagpasok ng kaibigan ni Aloha na si Lany sa bahay.
“Nasaan si Aloha?” tanong nito sa kaniya nang tuluyan na itong makalapit sa kaniya.
“She was sleeping. She’s tired. She needs to gain more strength para may lakas siya mamaya,” tugon niya dito na ikinatango lamang ni Lany.
Pinasadahan niya nang tingin si Lany. Mula ulo hanggang paa nito ay sinuyod ng kaniyang mga mata.
Hindi niya makita ang pagiging bakla nito sa itsura nito. Dahil lalaking-lalaki ito kung manamit. Ang buhok din nito ay gupit pang-lalaki. Ang galaw nito ay hindi naman mahihintulad sa mga bakla na nakikita niya. Kung hindi lang ito minsan nagsasalita ng gay language ay iisipin niyang lalaki ito.
Noong una niyang makita na kasama ni Aloha si Lany ay nakaramdam siya nang selos dahil lalaking-lalaki itong tignan. Pero nang magsalita ito ng gay language ay nawala ang selos niya. Pero duda pa rin siya sa seksuwalidad nito. Sigurado siyang magbabago pa ito. Kailangan lang ng babaeng magiging dahilan nang pagbabalik loob nito sa pagiging lalaki.
“Hmmm... Can you cook for Aloha's breakfast? Wala kasi akong lakas para magluto,” aniya saka tumingin kay Lany.
“Sige. Maayos na rin para kahit papaano ay mabawasan ang banas na nararamdaman ko,” tugon nito.
“Anong nangyari ba?” tanong niya. May naisip yata si Lany kaya ang kilay nito ay kaunti nalang at magtatagpo na.
“Nakakabanas at nakakadiri iyong babae sa palengke kanina. Aksidente ba namang hawakan ang parte ng katawan ko na hindi nasisikatan ng araw!” naiinis na sabi nito. Dahilan para tumaas ang sulok ng labi ni Wyatt.
Kanina iniisip niya lang iyon ngayon parang nangyayari na.
Napansin ni Lany ang pag-taas ng labi ng binata kaya pinaningkitan siya nito. “Ano’ng ikinangingisi mo riyan, huh?!” padaskol na ani Lany.
“Iniisip ko lang na baka iyong babae na iyon ang magiging dahilan para bumalik ka sa pagiging Adan,” tugon niya, “Kasi sa nakikita ko sa ‘yo, you’re not that gay looking. Kung hindi ka lang magsasalita ng mga gay lingo, walang mag-aakala na bakla ka. Tingin ko may pag-asa ka pa para maging straight.” Dagdag niya pa dahilan para ang kilay ni Lany ay tumaas.
“No. I’m certified Eva. Babae po ako. D’yosa. Aakitin ko pa si yummy Travis. My fafa. Kapag nakita ko pa ulit iyong babaeng iyon, sasabunatan ko na talaga. Bahala ka na riyan, magluluto na ako. Sayonara.” At tuluyan na itong naglakad patungo sa kusina. Iniwan siya nito habang may nakapaskil na ngisi sa kaniyang mga labi.
“Tingnan nalang natin. Lulunukin mo ‘yang sinabi mo,” ani Wyatt na patuloy pa rin sa pag-ngisi.
Siya ang unang mag-w-welcome kay Lany sa pagbabalik loob nito sa pagiging tigasin.
Sumisipol-sipol siya habang bumabantay. He can’t contains the happiness he felt. Sinong hindi sasaya kung naangkin mong muli ang babaeng mahal mo? S’yempre wala. Lalo pa siyang sumaya sa isipin na mabubuntis niya ang dalaga.
Nakade-k’watro siya habang patuloy pa rin sa pagsipol. Kaunting push na lang ay sigurado na siyang sasagutin na siya ng dalaga. Nararamdaman niya na iyon. Hinihintay niya na lang na manggaling iyon mismo sa bibig ng dalaga. ‘Pag binigay na sa kaniya ng dalaga ang matamis nitong oo, dadalhin niya na ito kaagad sa simbahan. Wala na siyang panahon para patagalin pa iyon. Their age was on a settle down stage.
“Soon, she’ll be my Misis Lacson,” he said, smiling.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top