KABANATA 21
ALAS S’YETE Y MEDIA ng gabi nang magsipagdatingan ang mga makikiramay. Kakatapos lang din nina Wyatt at Aloha na kumain ng kanilang hapunan. Mayroon sa loob ng bahay, at mayroon din sa labas. Hindi naman kasi kakasya lahat sa loob ng bahay kaya nasa labas na ang iba. May bubong naman sa labas kaya hindi mahahamugan ang mga ito.
“Bes, kumain ka na ba?” tanong ni Lany kay Aloha na nagbabantay. Kakarating lang kasi nito sa bahay nina Aloha.
“Oo na, tapos na kanina pa. Sabay kaming kumain ni Wyatt,” nakangiting sagot niya dito.
“Buti naman. Nangangayayat ka na kasi eh. Tingin ko aabut nang sampung kilo ang binaba ng timbang mo,” ani Lany na tinitingan ang katawan ni Aloha kahit na nakaupo ang dalaga.
“Grabe sa sampung kilo, Bes ah.” Mahinang pinalo niya ang balikat ng kaibigan.
“Totoo naman. Ipapakurot talaga kita kay Tita. Pinapabayaan mo ang sarili mo.”
Umiling na lang ang dalaga dahil sa pinagsasabi ng kaibigan. “Ikaw ba, kumain ka na?” tanong niya dito.
“Hindi pa nga eh,” sagot nito sa kaniya saka hinimas-himas ang tiyan.
“Kumain ka na roon sa kusina. Malaki ka na, kaya mo na ang sarili mo,” Aloha said, chuckling.
“Ay ang sama! By the way, high way, nasaan pala ang yummy mong asawa? Hindi ko pa kasi nakikita simula nang dumating ako rito. Umuwi na ba?” ani Lany na pinapalibot ang tingin para hanapin ang taong tinutukoy niya.
“Hindi ko pa siya asawa. Nanliligaw palang iyong tao,” laban ng dalaga sa kaibigan.
“Hindi ‘pa’?” Pinagdiinan talaga ni Lany ang salitang ‘pa’. “So... gusto mo rin na maging asawa siya? Nanliligaw pa lang pero kinain at diniligan ka na. Ang galing nang manliligaw mo. Hindi na ako magtataka kung malaman ko na buntis ka na. Pero wait, pinuputok niya ba sa loob mo o sa labas. Just asking lang ah. Hindi ako marites.”
Natameme si Aloha dahil sa tanong ng kaniyang kaibigan kaya kinagat na lamang niya ang kaniyang pang-ibabang labi.
“Speechless ka gurl? Kahit hindi mo na sagutin alam ko na ang sagot. So, again, nasaan si yummy baby Wyatt mo?”
Itinigil ni Aloha ang pag-kagat sa pang-ibaba niyang labi saka sinagot ang kaibigan, “Natutulog doon sa kuwarto ni Inay. Pagod at antok na antok na kasi iyon, kitang-kita ko sa mga mata niya. Kaya pinatulog ko muna para naman kahit papaano makapagpahinga siya. Naaawa at nakokonsensiya nga ako kasi pinapahirapan ko siya na pakainin ako. Alam kong naiinis na siya pero hindi siya nagrereklamo. Iniintindi niya pa rin ako,” mahabang sabi ni Aloha.
“Buti naman at alam mo. Buti nga hindi sa ‘yo nagagalit si yummy Wyatt kahit noong hinawi mo ang kamay niya na may hawak na pagkain. Kaya ayon natapon ang pagkain at nabasag ang plato.”
Kumunot ang noo ni Aloha dahil sa sinabi ng kaibigan. “Ginawa ko iyon? Bakit hindi ko matandaan?” naguguluhang tanong niya.
“Yes, my dear friend, ginawa mo iyon. Marahil hindi mo matandaan dahil tulaley ka noong ginawa mo ‘yon.” Tumaas ang kilay ni Lany habang sinasabi ang mga iyon.
“Nakakahiya. Hindi ba bawal makabasag kapag may patay? Hala, ano’ng ginawa ko!? Alam mo ba kung ano ang mangyayari kapag nakabasag kapag may patay?” ani Aloha.
“Hindi ko alam, gurl. Kung ano man ang mangyayari kapag nakabasag, maghanda ka lang. Saka sa tingin ko ay wala naman. It's just their superstition. Gurl, mag-isip ka nang pang-peace offering or bayad mo kay yummy Wyatt sa mga nagawa mo.”
“May naiisip na ako.” She smirked. “Pero wala akong balak sabihin sa ‘yo. Matabil ka pa naman.”
“Ouch, Aloha ah! Ouch! Parang others eh. Bestriends shouldn’t keep secret from each other. Naglilihim ka na sa akin ngayon, gurl! Spill the beans.”
“Heh! Ayoko! Kumain ka na lang doon. Pakiramdam ko kasi hindi safe kapag sinabi ko sa ‘yo. Baka mag-eksaherada ka.” Tumayo si Aloha matapos niyang sabihin iyon at tinulak-tulak ang kaibigan papunta sa kusina. “Kain na roon.” Nginitian niya ang kaibigan.
“Che!” singhal ni Lany saka nagrampa na papunta sa kusina para kumain.
“Pasensiya na po kayo.” Paghihingi ng paumanhin ni Aloha sa mga bisita na nakakita sa eksena nila ng kaniyang kaibigan.
“Ayos lang, Ineng. Nakatutuwa nga kayong tignan. Saka masaya din kaming makita ka na nakangiti na. Hindi tulad noong mga nakaraang gabi,” sagot ng isa sa mga bisita na marahil ay bumesita na noong mga nakaraang gabi.
Tumango din ang mga bisitang naroon sa loob.
NANG MADAKO ang paningin ni Aloha sa labas ng bahay ay mayroon na siyang nakita na naglalaro ng tong-its. Tatlong tumpok iyon. Nakita niya rin na may nag-aayos na nang gagamitin para sa bingo. Na hindi rin tumagal ay nagsimula nang magsilaro. Pati iyong bisita nila na nasa loob ay nagsipaglabasan para maglaro din ng bingo.
Itinuon na lang ni Aloha ang kaniyang atensyon sa kabaong ng Inay niya saka tinignan ang litrato nito naka-frame na nakalagay sa ibabaw ng kabaong.
Masakit pa rin para sa kaniya na makita ang kaniyang Inay na nasa loob ng bagay na iyon at walang buhay. Pero tanggap niya na. Tanggap niya na wala na nga ang ina niya. Tanggap niya na kailanman ay hindi niya na ito mahahawakan, makikita, makakasama, at maririnig ang malambing nitong boses.
BANDA ALAS DIES ng gabi nang may humintong tatlong mamahaling kotse sa tapat ng bahay nila Aloha na pinarada sa katabi ng kotse ni Wyatt. Napukaw ng mga iyon ang atensyon ng kanilang bisita. Lumabas ang dalaga ng bahay para tignan kung sino-sino ang mga iyon.
Nang isa-isang bumaba ang mga nakalulan sa kotseng iyon ay napangiti siya. Sa kulay asul na sasakyan ang lulan ay si Travis Alcazar na abot tenga ang ngiti na nakadagdag sa kagwapohan nito, kasama nito si Cassandra ang kasamahan niya sa coffee shop. Hindi niya alam kung ano ang relasyon ng mga ito. Ang alam niya lang ay magkadikit lagi ang dalawa at naiiwan sa coffee shop ng silang dalawa lang.
Sa kulay pulang sasakyan naman ay isang pamilyar na mukha ngunit hindi niya kilala ang bumaba roon. G’wapo rin ito. Tulad kay Travis alam niyang kaibigan din ito ni Wyatt.
Mga g’wapo nga, mga sinto-sinto naman. Giit ng kabilang bahagi ng dalaga.
Panghuli ay ang kulay itim na sasakyan. Bumaba rito si Henry na palagi niyang ni-r-reject. Doon niya din nakita ang pagbaba ang babaeng nakasuot ng floral dress. Kahit medyo may kalayuan siya sa mga ito, kita niya ang hugis puso nitong mukha. Matangos din ang ilong at makurba ang katawan. Maganda ito pero alam niyang mas maganda pa rin siya dito.
“Hala, sino iyang kasama ni sir Henry? At sino iyang isang masarap ding lalaki?” tanong ni Lany sa kaniya na sa sobrang tuon niya yata ng atensyon sa mga bagong dating ay hindi niya na namalayan na nakalapit na pala ito sa kaniya.
“Hindi ko rin kilala eh. Si Travis at Henry lang ang kilala ko. Pero ‘yang isang lalaki kaibigan pa ni Wyatt,” sagot niya na lang sa kaibigan.
“Siguro single pa ‘yan. Akitin ko kaya, pero sa tindig niyan, sigurado akong hindi ‘yan papatol sa baklang tulad ko,” ani Lany na napangiwi sa sariling sinasabi.
“Buti naman alam mo. Umayos ka, Bes palapit na sila.” Paalala ni Aloha sa matabil na kaibigan.
Umayos na lang si Lany at hindi na nagsalita pa. Ang tingin ng mga bisita ay napako sa mga bagong panauhin, pati na rin si Lany.
Napaigtad si Aloha nang may yumakap sa kaniya mula sa likuran niya. When he sniffed the familiar scent of the person hugging her from behind, she felt calmed. Walang iba kung hindi si Wyatt na kagigising lamang.
“I slept long, baby. Why you didn’t wake me up? Sana nakapagpahinga ka na ngayon at ako naman ang nagbabantay.” Bumitaw ito sa pagkakayakap sa dalaga saka tumabi rito at tinignan ang mga bagong dating. “Ano kaya ang nakain niyan at napadalaw dito?” ani Wyatt na nakakunot ang noo.
“Baka makikiramay din,” sagot ng dalaga na ibinaling ang mata sa kamay ng binata na ngayon ay nakahawak na sa bewang sa kaniya.
Tumango nalang ang binata sa naging sagot ng dalaga. Iyon naman talaga ang posibilidad. Pumunta ang mga baliw niyang kaibigan at si Henry pati ang dalawang babae na kasama ng mga ito.
Natuon nang muli ang atensyon ng mga bisita sa kani-kaniyang ginagawa bago pa dumating ang mga panauhin.
“Good evening, miss panty owner.” Bati ni Travis kay Aloha nang makalapit ito sa kanila.
“Tsk!” si Wyatt na madilim ang mukha na nakatingin sa kaibigan.
“Nagagalit ka kaagad, Lacson. Gusto mo i-kiss kita?” May suot na nakalolokong ngiti na baling ni Travis kay Wyatt.
“Fuck you, Alcazar! Fuck you!” mahinang mura ni Wyatt sa kaibigan na tinawanan lamang siya.
“Nakikiramay kami, miss beautiful. Alexander at your service. I knew that you didn’t know my name kaya nagpakilala na ako sa ‘yo, magandang binibini,” ani Alexander na kinuha ang kaliwang kamay niya. Animong hahalikan na ito ni Alexander nang hilain iyon ni Wyatt sa paraang hindi siya masasaktan.
“Back off, Breiven! Huwag ang pag-aari ko!” mariing usal ng binata saka iniigting ang kaniyang panga.
Alexander just laughed mockingly at him. “Yours, bud. I just want to kiss the back of her hands as a sign of respect. Don’t be so jealous, walang aagaw sa baby mo.” Nang madako ang tingin ni Alexander kay Henry ngumisi ito saka muling binalingan ang selosong kaibigan. “Mayroon palang aagaw, ‘di ba Henry?” He added.
“Huh?” tanging nasagot na lamang ng walang alam na si Henry dahil busy ito sa pakikipag-usap kay Marry Jarenz—his coffee shop manager slash nililigawan.
“Wala. Ang sabi ko ang g’wapo at ang sarap ko. Proven ‘yan. Itanong niyo pa kay Chrystal ko,” Alexander said then walks inside of Aloha’s house.
“What’s with that look, Wyatt James Lacson? If you think that I’m still your rival when it comes to Aloha, drop it, bud. I’m no longer into your queen. She’s yours. All yours.” Depensa ni Henry dahil sa dilim nang pagtingin ni Wyatt sa kaniya. Kung nakakamatay lang ang ganoong pagtitig siguradong bumulagta na si Henry sa lupa.
Gulong-gulo naman si Aloha sa mga nakikita niya. At the same time masaya siya para kay Henry dahil sa nakikita niya wala na itong nararamdamang pagtangi sa kaniya. At nang makita niya kung paanong tingnan ng binata si Marry Jarenz, alam niyang may nararamdaman ang binata para dito na hindi niya nakita sa mga mata nito noong nagtapat ito sa kaniya. She’s sure that what Henry felt over her was just a simple crush or an infatuation.
“Tabi,” ani Marry Jarenz saka mahinang itinulak si Henry. Lumapit ito kay Aloha. “Nakakahiya ang beauty ko sa beauty mo girl. Akala ko ako na iyong pinakamagandang babae sa balat ng lupa, pero noong makilala ko si Cassandra iyong kasama ni Travis, nagsimula ako pagduduhan ang sarili kong kagandahan. Lumala pa nang makita kita. Dang it! Your beauty is beyond perfect. Sali ka na sa Miss Universe, panlaban na ang beauty at pati ang height mo. Matitibo yata ako. By the way, narrow way, wide way, sky way, highway, low way, I’m Marry Jarenz.” Pagpapakilala ng dalaga sa kaniya. “May dagdag pa pala. I’m the manager of Henry’s coffee shop branch in Manila. At nililigawan niya din ako.” Lumapit ito sa tainga niya at bumulong, “Sagutin ko ba girl or hindi?”
“A-Ah eh. Ikaw bahala. By the way, I’m Aloha Gomez. Nice meeting you, Marry Jarenz.”
Ngumiti si Marry Jarenz sa kaniya. “Nice meeting you too, Aloha. Pati ang pangalan, pak na pak! Puwede pasapak? Joke lang.”
Alanganing ngumiti na lang si Aloha sa kaharap. Wala siyang masabi.
Habang sina Wyatt at Henry ay nakatingin lang sa dalawang babaeng nakapasok sa mga puso nila. Parehong may ngiti sa labi. Nang magtama ang mga mata ng dalawang binata ay tinanguan na lang nila ang isa’t-isa.
Kampante na si Wyatt na wala na siyang magiging kaagaw pa at kailangang alisin na sagabal para mapunta sa kaniya ang babaeng mahal niya. Ang babaeng pinapangarap niya na makasama sa habang-buhay at maging ina ng kaniyang mga magiging anak.
**
This chapter dedicated to @Marry Jarenz Alipin for letting me to used her name to one of my characters. Thank you.
Hope you’d enjoy this chapter guys.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top