KABANATA 2
“SERYOSO KA ba talaga na ibebenta mo mo sa akin ang bar mo, Bud?” nakakunot ang noong saad ni Alexander kay Wyatt. Alexander Breiven is one of his best buddy.
They’re currently talking about Wyatt’s plan on selling his bar to Alexander.
“Yes. I’m no longer interested on handling it,” seryosong sagot ni Wyatt saka tumayo sa single couch na kinauupuan niya.
They were on Wyatt’s house. It’s just a simple two storey house. It was his dream house.
Naipagawa niya iyon mula sa mga pinaghirapan niya. Hindi siya umasa sa pera ng kan’yang mga magulang. Lahat nang mayro’n siya ngayon, dahil iyon sa kaniyang pagsisikap at kasipagan.
“But, your bar was the fruit of your hardwork. Sayang ang dugo at pawis na inalay mo roon kung ibebenta mo lang naman din. Hindi ka na dapat nagsikap pa kung sa huli ay ibebenta mo lang ang isa sa bunga ng mga pinaghirapan mo,” ani Alexander na taliwas pa rin sa plano ng kaibigan na ibenta sa kan’ya ang bar na pinaghirapan at pinagsikapan nitong maitayo.
Hindi na lang nagsalita si Wyatt at inisip ang sinabi nang matalik niyang kaibigan.
“Okay. I won’t sell it. But... can you handle it for me?” Tiningnan niya ang kaibigan saka bumalik sa pagkakaupo.
“Sure! It's my pleasure to handle my friend’s business.” Gumuhit ang ngiti sa labi ni Alexander kaya lumabas ang malalim nitong dimples.
“Thanks. Makakaalis ka na.”
“Grabe ka naman, Bud. Pinapalayas mo na kaagad ako. Pagkatapos mong makuha ang gusto mo,” nasasaktan na sabi nito saka humawak sa bandang puso nito.
“Fuck you! You’re fucking lunatic!” singhal niya rito.
“You’re lunatic too, my dear friend. Mas malala ka pa nga ehh. Naghahanap ba naman sa may-ari ng panty na naiwan sa kuwarto niya. Break a leg, my dear lunatic friend!” ngumingisi na saad naman ni Alexander. Ngisi na may halong pang-aasar.
“Get out!” inis na sigaw ni Wyatt.
Alexander stormed out at Wyatt's house, still grinning from ear to ear.
Umiling-iling si Wyatt nang makaalis ang baliw niyang kaibigan.
Baliw ka rin tulad ng kaibigan mo. Giit ng kabilang bahagi ng isip niya.
He drank the last drop of Jack Daniels on his glass.
Wala siyang plano na pumunta ngayon sa barbershop at kahit sa bar niya. Balak niyang galugarin ang kasulok-sulukan ng Pilipinas just to find the girl who owned the panty that he hid on his closet.
He’s currently cooking for his lunch when his phone rang. Kinuha niya iyon sa bulsa ng kan'yang suot na pantalon. He’s half naked. Only the apron was covering his naked body. It was a call from Travis—ang mukhang pera niyang kaibigan.
“What!” bungad niya kaagad nang sagutin niya ito.
“Wala man lang hi o kahit hello man lang?” nasasaktan na saad ni Travis na nasa kabilang linya.
“Damn you, Bud! Please be direct to the point. What do you need!?” singhal ni Wyatt sa kaibigan na nag-d-drama pa.
“Ang harsh mong puntangina ka!” singhal din nito.
“Ano ba kasi ang pakay mo? You're disturbing me!”
“Ano ba ang ginagawa mo? Self pleasuring?”
Dahil sa inis, pinatay ni Wyatt ang tawag.
Self pleasuring his ass! Why did I have a lunatics friends?
Umiling ang binata sa sariling tanong. Dahil alam niya ang sagot doon. Isa rin naman siyang baliw katulad ng mga kaibigan niya.
Pinatay niya na ang stove nang matapos na siya sa pagluluto. Inalis niya rin ang kaniyang suot na apron saka nilagay iyon sa lalagyan nito. Nilagay niya ito sa pinggan.
He cooked chicken curry for himself.
Mag-isa lang siya sa bahay niya kaya walang dahilan para damihan ang lutuin niya. Sapat lang iyon para sa sarili niya. Ayaw na ayaw niya nang may nasasayang na pagkain kaya kaunti lang ang kaniyang niluluto.
Pumunta siya sa island counter. Doon niya balak kumain kaysa sa kaniyang dining table.
Umupo na siya sa upuan nang biglang tumunog ang kan'yang cellphone. He sighed when he saw the message came from Travis. Hindi niya na lang ito binasa at nagpatuloy na sa pagkain.
“INGAT, ALOHA,” sabi ni Henry, ang may-ari sa coffee shop na pinag-t-trabaho-han ni Aloha.
Nagpaalam kasi si Aloha rito na uuwi siya nang maaga para alagaan ang kaniyang ina na nilalagnat. Half day lang ang pasok niya.
“Salamat, Henry,” senserong ani Aloha.
Hindi niya tinatawag na sir si Henry kahit na boss niya ito dahil ito ang gusto ng binata.
Hindi lingid sa kaalaman ni Aloha na may pagtingin ang binata sa kaniya. Kahit ang mga katrabaho niya ay alam iyon dahil mismong sa loob ng coffee shop nito ito nagtapat ng pagtingin sa dalaga. She doesn’t fell the same way. She rejected him.
“Sige na umuwi ka na para maalagaan mo na ang iyong ina. Kami na bahala rito.” Ngumiti ito saka hinawakan ang kamay ng dalaga.
Inalis naman ng dalaga ang kamay ng binata na nakahawak sa kaniya.
“Sige na,” paalam niya rito saka tumalikod na pagkatapos ay sumakay na sa taxi na kanina pa naghihintay sa kaniya.
Hindi naman tumagal ang biyahe dahil mabilis lamang nilang narating ang bahay nila Aloha na nasa gilid lang naman ng kalsada. Buti na lang nakakapasok ang taxi sa baryo nila kaya hindi sila nahihirapan na mag-byahe.
Bumayad siya sa taxi driver at bumaba na.
“Inay, nandito na po ako!”
Naglakad siya sa k’warto kung nasaan ang kaniyang ina na may sakit. Kaya pala hindi ito sumagot sa kaniya dahil sa tulog na ito.
Pasalamat siya sa kakapit-bahay nila na pinagkatiwalaan niya na bantayan at alagaan ang kaniyang ina. Hindi niya na ito naabutan dahil may pupuntahan daw ito, kaya nga half day lang siya pumasok ngayon at balak niya ring huwag muna pumasok hanggang hindi pa gumagaling ang kaniyang ina. Nakalimutan niya na sabihin iyon kay Henry. I-t-text niya na lang ito para ipaalam ang balak niyang hindi muna pumasok.
She wants to take care her mother. Sila na lang na dalawa ang magkasama. Her father passed away during her college days.
Dahil sa wala na ang tatay niya napilitan siya na tumigil na sa pag-aaral. Sayang nga lang huling taon niya na sana sa kursong edukasyon. Balak niyang maging isang guro sa elementarya ang kaso napurnada. Wala siyang pagpipilian dahil hindi sila mayaman.
Sakitin ang kaniyang ina kaya kailangan niya talagang tumigil sa pag-aaral. She don’t have a choice. Kahit gustuhin niya mang ituloy ang pag-aaral pero hindi na talaga kaya. Hindi naman niya puwedeng pabayaan ang kaniyang ina. Mas kailangan niya ng pera para may maipambibili siya ng gamot ng kaniyang nanay.
“Inay!” Yinugyog niya dito. “Inay gising ho muna kayo. Palitan ko lang ang damit mo. Basang-basa na kasi ito ng pawis.” Tinigilan niya ang pagyugyog dito nang gumalaw na ito.
Binuksan nito ang mga mata. Lumingon ito kay Aloha.
“P-Paumanhin kung pabigat na ako sa iyo, anak,” hirap na sabi nito.
“Hindi ka pabigat sa akin, Inay. Anak mo ako kaya nararapat lang na alagaan kita. Tutulungan kitang makaupo Inay para makapagpalit ka ng damit.” Hinawakan niya ang kamay ng kaniyang ina at dahan-dahang hinila niya ito para makaupo.
Pumunta siya sa kabinet ng ina para kuhanan ito ng damit. Bumalik siya sa tabi ng ina nang makakuha na siya ng damit nito. Isang manipis lang na damit ang kinuha niya para hindi mahirapang huminga ang kaniyang ina.
Pinahiga niya ulit ito nang masuotan niya na ito ng damit.
“Inay, matulog ka po muna. Magluluto lang ako ng may sabaw para makahigop ka at nang mabawasan ang lagnat mo. Gigisingin na lang kita ulit kapag pakakainin na kita.”
Hindi na ito sumagot sa kaniya. Ipinikit na lamang nito ang kaniyang mga mata.
Umalis siya sa kuwarto ng ina at pumunta sa kuwarto niya para magbihis na at para na rin makapagluto na siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top