KABANATA 19

MAGKATABING nakaupo sina Aloha at Lany, samantalang si Wyatt ay nag-iisa lang. Kahit papaano ay nabawasan na rin ang lungkot ni Aloha. Nakakatawa na ito sa tuwing nagbibiro ang kaibigan nito na si Lany.

Hindi na lamang siya umiimik. Sapat na sa kaniya na makita ang dalaga na ngumingiti nang muli. Ang galing naman kasi talagang magpatawa ng baklang ito. Kahit nga siya ay mahinang tumatawa sa bawat biro ni Lany.

NASA GANOON silang posisyon nang may marinig silang humintong sasakyan kaya tumayo si Wyatt saka naglakad papunta sa pinto saka iyon binuksan. Saka lang nila nalaman na ito na ang sasakyan ng isang funeral homes.

Kaagad na bumaba ang mga ito sa sasakyan saka inisa-isang inilagay sa loob ang bulaklak at saka ang bakal na pabilog nilalagyan ng ilaw saka ang pinapatungan ng kabaong. Inayos iyon isa-isa habang pinagmamasdan lamang nila ang mga ito. Naglagay ng bagong kurtina si Aloha sa lugar kung saan ilalagay ang kabaong.

Nang matapos sa pag-aayos ay pinagtulong-tulungan ng mga ito na buhatin ang kabaong. Dahan-dahan ang mga ito na pumasok sa bahay nila Aloha. Nang nakapasok ay kaagad na ipinatong ng mga ito sa lalagyan ng kabaong ang kabaong ng ina ng dalaga kung saan naroon ang bangkay nito.

NANG IBALING ni Wyatt ang kaniyang atensyon kay Aloha, nakita niya na naman ang pag-rehistro ng lungkot sa maganda nitong mukha. Hindi niya na naman tuloy mapigilan na hindi maawa sa dalaga.

Nang umalis na ang mga tauhan ng funeral homes na iyon, si Wyatt na lang ang kumausap sa mga ito dahil sa wala na naman sa mood ang dalaga.


PASADO alas dose ng tanghali nang nagsidatingan ang maraming bisita. Si Wyatt na ang nag-asikaso sa mga ito at pinaupo. Wala namang ganoon karami na kakilala ang mag-ina sa Barangay nila kaya siguradong kaunti lang ang magiging bisita. Si Lany ay umuwi din muna dahil sa may aayusin daw ito.

May pasok sana ngayon si Aloha sa coffee shop pero hindi ito makapapasok dahil sa pagkawala ng ina niyo. Siguradong matatagalan itong makapasok muli sa trabaho. Kinausap niya din naman si Travis at sinabi ang nangyari, na kaagad naman nitong naintindahan.

Nang magsi-alisan ang mga bisita, dinalhan ng binata ng pagkain ang dalaga sa loob ng kuwarto ng ina nito. Nakita niya na naman ang pag-iyak nito kaya kaagad niya itong nilapitan. Nakahiga ito habang ang mukha ay nakasalampak sa unan ng kaniyang ina.

“Kain ka muna, baby. Tanghali na. Hindi ka malipasan ng gutom, baka magkasakit ka,” aniya saka inilagay ang pagkain sa mesa na rati’y ginagamit nang namayapang ina ng babaeng mahal niya.

“W-Wala akong gana,” tugon nito saka tumalikod sa binata.

“Hindi puwedeng hindi ka kumain. Magkakasakit ka. Kahit kaunti lang kumain ka.” Umupo siya sa higaan saka hinawakan ang tuhod ng dalaga.

“Sa wala nga akong gana!” singhal nito saka suminghot.

“Sige na baby, kumain ka na. Huwag nang matigas ang ulo. Ayaw ko lang naman na magutom ka kasi masama iyon.” Pagpapaliwanag ng binata rito na nakatingin sa likod ng dalaga.

“Ang kulit mo naman, Wyatt! Ayaw ko ngang kumain! Ano ba ang hindi mo maintindahan doon?!” sigaw nito.

Napapikit na lamang si Wyatt dahil sa pagsigaw ng dalaga upang kalmahin ang kaniyang sarili. Isa pa naman sa ayaw niya ay iyong sinisigawan siya kaya kailangan niyang kumalma. He’s a short tempered man. Madali siyang mainis. At iyon ang iniiwasan niya ngayon dahil kung hindi, baka mapatulan niya ang pagsigaw sa kaniya ng dalaga.

“Siguradong nakikita ka ngayon ni Inay, baby. Malulungkot iyon dahil sa pinapabayaan mo ang sarili mo. Sisihin din nito ang sarili niya dahil kung hindi siya nawala eh hindi ka magiging ganiyan. Gusto mo ba iyon? Gusto mo ba na kahit sa kabilang buhay ay malulungkot at sisihin ni Inay ang kaniyang sarili dahil sa nagkakaganiyan ka na?” mahinang sabi ng binata.

Inalis ni Wyatt ang kaniyang paningin kay Aloha nang maramdaman niyang nanunubig ang kaniyang mata dahil sa nangyayari sa dalaga. He saw on his peripheral vision that Aloha’s shoulder was moving. She’s crying.

Dahan-dahang umupo ang dalaga mula sa pagkakahiga. “A-Ayaw ko pero ano ang magagawa ko eh ang s-sakit-sakit. H-Hindi man lang niya ako hinanda para dito. Si Inay na lang ang mayroon ako pero nawala pa. P-Paano na ako ngayon? N-Nag-iisa na lang ako?” garalgal ang boses na sabi ni Aloha.

“Sinong nagsabi sa ‘yo na mag-iisa ka? Nandito ako, baby. Nangako ako kay Inay na mananatili ako sa ‘yo kahit anong mangyari. Na hindi kita iiwan. Hindi ka mag-iisa kasi nandito lang ako para sa ‘yo. Kahit dumating man sa punto na itaboy mo ako. Kahit dumating pa ang oras na ayaw mo na akong makita pa, hindi ako aalis. Mananatili ako, hanggang sa ikaw na mismo ang tumigil sa pagtaboy sa akin.” He paused and swallow the lump on his throat.

Nasaktan siya dahil parang hindi man lang siya pinapaniwalaan ng dalaga. He shut his eyes then spoke, “Sa tingin mo hahanapin kita kung sa huli ay aalis din naman ako? Kung iba yata oo. Ako lang naman kasi ay isang baliw na gago na naghanap sa may-ari ng pulang panty na naiwan sa kuwarto ko. Nag-waldas pa ng pera para mahanap ka lang. Kaya please lang, baby. Huwag na huwag mong iisipin na mag-iisa ka ngayong wala na ang Inay. Always remember na mayroong Wyatt James Lacson na isang baliw na gago ang mananatili sa iyo. Isang baliw na gago na nagmamahal sa ‘yo.” He smiled to her. Isang ngiti na nagpapahiwatig na totoo ang kaniyang sinasabi.

“Promise?” she said. He just nodded.

Tinawid niya ang maliit na distansiya nila sa isa’t-isa, saka niyakap nang mahigpit ang dalaga.

Kumalas siya sa sa kanilang yakapan saka nagsalita, “I love you, Aloha. I will always love you and I will stay beside you through ups and downs. From thick and thin. For better and for worse. For richer and for  poorer. From this day forward. Till death do us part,” he said with a wide smile when he saw that Aloha smiled because of his corny lines.

Aloha chuckles. “ Baliw talaga. Wala pa po tayo sa simbahan saka hindi pa tayo kinakasal. Excited ka masyado.”

“Nag-r-ready lang, mahal ko,” he said then hugged Aloha again.

“Ang sabihin mo ay baliw ka lang talaga,” she said between their hug.

“Baliw na baliw sa iyo. Puwede ka bang maging mental hospital ko?” he said jokingly.

“Oo na lang,” ani Aloha saka pinalo ang likod ng binata.

Kumalas ang binata sa kanilang pagyayakapan saka hinalikan ang dalaga sa noo nito. Masaya si Wyatt dahil kahit papaano ay may nagawa siya para maibsan ang sakit na nararamdaman ng dalaga. Hindi niya iyon kaagad maaalis dahil alam niya kung gaano kasakit ang mamatayan ng magulang.

ALOHA already knew that she already love Wyatt, but she still having an hesitant to say ‘yes’ to him. Lalo pa ngayon na namatay ang kaniyang ina, nawala sa isip niya na sagutin na ang binata sa panliligaw nito sa kaniya. Pero sigurado siya sa nararamdaman niya para dito. Matapos lang siya sa pagluluksa sa pagkawala ng Inay niya, handa na siyang papasukin nang buo sa mundo niya ang binatang katabi niya ngayon. Ang lalaking nagpapatibok sa kaniyang puso. Ang lalaking baliw na naghanap sa sa may-ari ng panty na walang iba kung hindi siya na naiwan niya sa kuwarto nito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top