KABANATA 18

ALAS SINGKO Y MEDIA pa lang nang umaga ay gising na sina Wyatt at Aloha para ayusin ang bahay. Para maging presentable iyon pagdating ng bangkay ng kaniyang ina upang paglamayan. Si Wyatt ang umalis sa mga mabibigat na bagay sa lugar kung saan doon balak ipalagay ni Aloha ang kabaong.

Nang matapos sila ay saka lang sila nagluto ng pang-almusal nila. Dahil sa dalawa ang kalan nina Aloha ay sabay na silang nagluto. Si Wyatt sa pag-sinangag sa natirang kanin kagabi at si Aloha ay ay sa pagprito ng itlog at tuyo.

Hindi mahirap kay Wyatt na magluto sa kalan dahil maalam naman siya doon. Ang problema niya lang ay  ang uling na nasa kamay niya. Nag-e-enjoy naman siya doon lalo na kapag nakikita niya ang dalaga na seryoso sa pag-p-prito ng tuyo dahil sa kakatapos lang nitong prituhin ang itlog.

Habang pinagmamasdan niya ang dalaga, nakikita niya rito na parang hindi man lang ito nahihirapan na mag-prito. Hindi man lang ito natitilamsikan ng mantika. Samantalang siya lalapit pa lang sa kawali, ang mantika ay hindi na mapigil kakatilamsik. Noong una niyang pagprito, grabe ang mura niya kapag tumatama sa katawan niya ang tilamsik ng mantika. Nakahubad pa siya ng damit niyon at man lang naisipang magsuot ng apron.

Kakamasid niya sa dalaga ay nakalimutan niya nang baliktarin ang kanin. Paniguradong tutong na ang sa ilalim nun.

Kanina pa simula nang gumising ang dalaga ay hindi pa ito nagsasalita. Nakita niya lang itong nagmumog at naghilamos saka naglinis sila ng bahay. Hindi niya na lang tinatanong kasi naiintindihan niya naman kung bakit hindi ito gaanong nagsasalita.

Shit! Mura ni Wyatt sa kaniyang isipan nang maamoy niya na parang nasusunog na ang kaniyang sinasangag. Kaya kahit gusto niya pang pagmasdan ang dalaga ay itinigil niya muna at binaliktad na lang ang kanin. Natutong nga iyon pero hindi naman gaanong katutong, hindi pa iyon papait kapag kinain.

Inalis niya muna sa kaniyang isipan na titigan ang dalaga. Tatapusin niya muna ang pag-sinangag niya. Baka kasi ma-turn off sa kaniya ang dalaga dahil simple lang naman ang pag-sisinangag pero palpak niya pang nagawa.

In Wyatt peripheral vision, he saw Aloha stood up. When he diverted his gaze on frying pan that Aloha’s utilized, it was already empty. Kaya binalik niya ang tingin sa kaniyang sinasangag, pero minamasiran niya ang bawat galaw ng dalaga. Nakita niyang inalis na nito ang kawali sa pagkakasalang sa kalan at ito’y sinabit sa dapat nitong paglagyan.

Nagmadali na rin si Wyatt sa pag-sisinangag, kaya nang matapos ay kaagad niyang nilagay ang sinangag sa malaking plato at sinabit din ang kawali na ginamit niya sa lalagyan nito katabi ng kawali na ginamit ni Aloha kanina.

“Let’s eat,” he said. Aloha just nodded. “Umupo ka na. Ako na lang ang kukuha ng plato at kutsara natin.  Lalagay din ako ng suka sa platito at lalagyan ko ng sili para sawsawan natin ng tuyo.” Dagdag niya kahit alam niyang hindi tutugon sa kaniya ang dalaga.

Pumunta na siya sa lalagyan ng plato. Kumuha siya nang dalawa saka kumuha rin siya ng dalawang kutsara at tinidor. Nalilito siya sa pasikot-sikot sa kung saan ang mga iyon.

Nang matapos siyang kumuha ng plato, kutsara’t tinidor ay kumuha siya ng platito, saka inabot niya ang suka na nakalagay sa bote. May bilog na sili na na nakalutang roon. Nilagyan niya ang platito saka niya tiniris ang sili para maglasa iyon. Pagkatapos ay pumunta na siya sa hapag-kainan dala ang mga iyon.

Ibinigay niya kay Aloha ang isang plato saka ang kutsara at tinidor pero nilagay lang iyon ng dalaga sa mesa. Tanging ang plato lang ang kinuha nito. Hindi niya na lang ito tinanong. Dahil kita niya naman kung ano ang gusto ng dalaga. Gusto nitong kumain nang nakakamay.

“Kumuha ka ng pagkain mo, baby.” He smiled at her.

Inalis niya rin ang mga kubyertos na nasa kaniyang plato. Magkakamay din siya. Kamayan kung tawagin. One of Philippines eating tradition. Masarap naman talaga ang kumain nang nakakamay.

Wyatt’s mother came from a poor family. When he was young, his mother always taugh him to eat using his hand only. Sa ina niya din natutunan na kainin ang mga pagkaing kadalasang kainin o iulam ng mga mahihirap. Sa Nanay niya din natutunan kung paano magsaka dahil nang isama siya ng mommy at daddy niya na pumunta sa probinsiya ng kaniyang ina ay tumulong sila sa pagtatanim ng palay, gulay, at prutas pati pag-aararo ay hindi nila pinalampas. He was already 18 years old that time. He enjoyed being in his mother province.

Marami siyang natutunan at naiintindihan niya ang pakiramdam ng mga mahihirap. Gusto niya pang bumalik sa probinsiya ng kaniyang namayapang ina pero wala na siyang dapat pang balikan pa roon. All of his mother family they were already migrated in other country after his grandparents on his mother side died. Kaya wala na ring dahilan pa para bumalik siya doon.

Natapos lang ang kaniyang pagbabalik-tanaw nang magsalita si Aloha, “Anong oras na?” tanong nito sa kaniya habang ngumunguya pero ang atensyon nito ay nasa pagkain.

Inayos niya ang kaniyang pambisig na relo saka tiningnan ang oras. “Exact 7:00am, baby. Why?” he answered. He smiled at her even her attention was not on him.

Aloha just nodded then continue eating her food. Nalukot ang mukha ng binata dahil doon. He understands her. Naging ganiyan din siya noong mamatay ang kaniyang magulang. Sa ngayon, wala siyang magagawa para maibsan ang sakit na nararamdaman ng dalaga. Ang tanging magagawa niya lang ay ang manatili sa tabi nito hanggang sa maghilom na ang sugat na natamo nito sa pagkawala ng kaniyang Inay. Higit na kailangan ngayon ng dalaga ng taong masasandalan. At siya iyon. He’s the only person that Aloha can count on her vulnerable state.

Magkasabay lang silang natapos na kumain kaya tumayo na si Wyatt para ilagay sa maliit na labado ang kanilang pinagkainan. Binigyan niya ng tubig ang dalaga. Nang matapos itong uminom ay umalis ito sa kusina nang hindi man lang siya tinatapunan ng tingin kaya kahit ayaw niya mang maramdaman ang sakit, wala siyang nagawa nang maramdaman niya na parang pinipiga ang kaniyang puso dahil sa inasta ng dalaga.

“Nasasaktan lang ang mahal ko kaya siya ganoon ,” bulong niya saka kumuha ng tubig at uminom.

Naglakad na si Wyatt patungo sa maliit na labado para hugasan na ang kanilang pinagkainan. Kinuha niya muna ang dishwashing liquid pati ang tela na sigurado siyang iyon ang ginagamit ng dalaga sa paghuhugas ng plato.

He starts washing the dishes thoroughly. Kinukuskos niya ang bawat anggulo ng mga plato, platito, baso, kutsara, at tinidor. Nang matapos ay kaagad niya iyong binanlawan nang dalawang beses.

Nang matapos siya sa paghuhugas ay kaagad niyang pinunasan ang kaniyang basang mga kamay ng towel na nakasabit roon sa may katabi nang pinagsasabitan ng mga tasa. When he was already done, he stormed out in the kitchen. Doon niya nakita si Lany at Aloha na nagyayakapan. Sigurado siyang umiiyak na naman ang dalaga base sa paggalaw ng balikat nito. Dahil sa nakita ay kaagad siyang nilukuban ng awa para sa dalaga. Ayaw niya itong nakikitang umiiyak, pero wala man lang siyang magawa para maibsan ang sakit na nadarama nito.

“If I only have the power to get your pain, I will do it, baby. Para hindi ka na umiiyak. Pero wala eh. Ang kaya ko lang ay manatili sa tabi mo. I promise that I will stay by your side. I will be your strength, baby,” he said as he watched the two, hugging each other.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top