KABANATA 17

GUMISING si Aloha nang namamaga at namumula ang kaniyang mga mata. Nakakunot ang kaniyang noo nang bumungad sa kaniya ang isang pamilyar na kuwarto na walang iba kung hindi ang sarili niyang silid. Inaalala niya kung paano siyang nakapunta rito. Ang tanging naaalala niya lang ay nakatayo siya kanina habang umiiyak sa harap ng bangkay ng pinakamamahal niyang ina. Hanggang doon lamang at wala ng iba.

Bumangon siya saka inilapag ang kaniyang paa sa sahig. Kaagad na lumukob sa kaniyang pagkatao ang lamig ng sahig. Pero hindi niya na iyon pinansin. Tuluyan na siyang bumaba sa kaniyang higaan saka naglakad palabas sa kaniyang kuwarto.

Sigurado siyang malalim na ang gabi base sa lamig na kaniyang nararamdaman. Malamig kasi ang klima sa kanilang kapag medyo may kalaliman na ang gabi. 

Kaya bago pa man niya mahawi ang makapal na kurtina ng kaniyang silid bago makalabas ay bumalik siya para kumuha ng jacket. Nang makakuha na ay tuluyan na nga siyang lumabas sa kaniyang kuwarto habang sinusuot iyon.

Doon, nabungaran niya si Wyatt na mahimbing ang pagtulog. Ang braso lamang nito ang nagsisilbing unan ng binata at buloktot ang higa. Siguro pinanlalamigan ito dahil sa suot nito na hindi man lang makapal kaya tatagos sa katawan nito ang lamig.

Hindi niya muna ginising ang binata, bagkus ay dumeretso siya sa kuwarto ng kaniyang ina para tignan iyon. Pero gayun na lamang ang pagkadismaya niya nang makitang wala na ito roon. Isipin niya pa lang na tuluyan na ngang namaalam ang kaniyang ina ay bumagsak na naman ang luha niya. Kanina pa siya iyak nang iyak simula nang malaman niya pa lang kay Aling Kising na wala na ang ilaw ng kanilang tahanan, pero ang luha niya ay bumubuhos pa rin. Mayroon pa rin siyang tubig sa mata na rumaragasa sa tuwing pumapasok sa isip niya na wala na ang ina niya. Na kailanman ay hindi niya na makikita, makakasama, mahahawakan, makakausap, at mayayakap pa ang kaniyang Inay.

Umiiyak siyang umupo sa higaan ng ina saka hinaplos-haplos ang sapin niyon. Humiga siya saka kinuha ang unan ng kaniyang nanay, saka iyon niyakap ng sobrang higpit. Inamoy niya iyon para manoot sa kaniyang ilong ang amoy ng kaniyang ina roon.

Kung kanina pigil na pigil ang kaniyang paghikbi, ngayon ay hindi na. Yakap-yakap niya ang unan habang patuloy na humihikbi.

“M-Mahal na mahal kita, Inay,” namamaos na usal ni Aloha saka nilunok ang ano mang bumabara sa kaniyang lalamunan.






DAHIL SA palakas nang palakas ang pag-iyak ni Aloha, narinig iyon ni Wyatt kaya ito nagising. Kinusot niya ang kaniyang mata saka bumangon na sa pagkakahiga. Inalis niya kanina ang kaniyang mamahaling kulay itim na sapatos, kaya nang tumapak ang kaniyang paa sa sahig, kaagad niyang naramdaman ang lamig na nagmumula roon. Pero binalewala niya lamang iyon. Naglakad siya pupunta sa sa kuwarto ng ina ni Aloha, kung saan naroon ang dalaga na patuloy sa pagtatangis.

Hindi niya man iyon gusto pero nakaramdam siya ng awa sa dalaga. Sinong hindi? Kahit sino naman yata ay makakaramdam nang ganoon para sa isang tao na nagluluksa sa pagkawala ng tao na buong buhay mo ay nakaalalay sa iyo. Iyong tipong ginawa mo na ang lahat para huwag lang sa iyo mawala ang taong iyon pero wala pa ring silbi dahil tanging Diyos na mismo ang kumuha rito. Lahat naman tayo ay darating doon dahil ang buhay natin ay pinahiram Niya lamang sa atin. Wala tayong magagawa kung Kaniya na itong bawiin. Maaaring hindi pa ngayon pero malay natin maya-maya, bukas, sa susunod na araw, o kaya sa makalawa. Ang kailangan lang natin ay ihanda ang ating sarili at ubusin natin ang ating mga oras sa mga mahal natin sa buhay at gumawa ng kabutihan.






NANG MAKITA ng binata ang sitwasyon ni Aloha, hindi niya napigilan ang paglandas ng kaniyang luha sa kaniyang mga mata. Ayaw na ayaw niyang makita ang dalaga na nasa ganoong sitwasyon pero wala siyang magagawa dahil naging ganoon din siya nang sabay na kunin ng may Likha ang kaniyang mga magulang.

Nasa entrada lamang siya ng pinto habang pinagmamasdan ang tumatangis na dalaga. Nang hindi niya na kinaya pa na pagmasdan ito, walang sabi-sabi na dumeretso siya sa lokasyon ng dalaga na nasa higaan ng ina. Nakahiga ito, yakap-yakap ang unan ng ina na siya mismo ang bumili ng punda nito.

Nang nasa higaan na siya ay kaagad siyang umupo roon saka hinimas-himas ang braso ng dalaga. Na para bang sinasabi niya dito na ayos lang ang umiyak. Sa ganoon na paraan niya iyon gustong ipahiwatig sa dalaga. Ayaw niyang magsalita, baka kasi pumiyok lang siya. He just shut her bloodshot eyes while still rubbing Aloha’s brisk to tell her that he is always there for her.

“A-Anong oras kinuha si I-Inay?” garalgal na tanong ng dalaga kay Wyatt habang pinipisil-pisil ang malambot na unan ng kaniyang ina.

“Passed 7:30pm. Tumawag pala sa Aling Kising para kunin dito ang bangkay ni Inay. By seven o'clock in the morning, dadalhin na rito ang bangkay na nakalagay na sa kabaong. Don't worry, baby. Ako na ang bahala sa lahat. Huwag ka nang mamroblema sa gastusin. Ako na ang bahala roon,” he said as he caressed her hair then combed it using his fingers.

“P-Pero–”

“No buts, baby. Let me do it, okay.” Pamumutol ng binata sa nais pang sabihin ng dalaga.

Tumango na lang ang dalaga dahil sa ayaw niya nang tumanggi. Kailangan niya din ang tulong mula sa iba. Pero hindi naman na iba sa kaniya ang binata. Isang patunay na niyon ang pagbigay niya sa katawan niya dito. Mahal niya na ang binata ngunit gusto niya pang mas lalo pa nitong patunayan ang kaniyang sarili sa dalaga. At gusto niya pang mas makilala pa ang binata. Kasi kung puro ang intensiyon ng binata sa kaniya, hindi siya nito mamadaliin.

“You haven’t eaten yet. Gusto mo kuhanan kita ng makakain. Hindi matutuwa si Inay kapag nagpagutom ka,” mahinang saad ng binata. Sapat lang iyon para marinig ng dalaga.

“Huwag na. Wala akong ganang kumain. Pasensiya na,” namamaos na tugon naman ng dalaga na ang atensiyon ay sa unan na yakap-yakap niya.

“Okay. Pero basta kapag gusto mong kumain, sabihin mo lang sa akin para mainit ko iyong niluto ko kanina para mainit mo pa rin iyong makain,” anito, saka nginitian ang dalaga kahit alam niya namang hindi iyon mapapansin ni Aloha.

“Sige. Anong oras na pala?” tanong ng dalaga na wala man lang kabuhay-buhay.

Dahil sa tanong ng dalaga, tiningnan ni Wyatt ang oras sa kaniyang relong pambisig. “10:30pm pa lang, baby. Bakit?” sabi nito pagkatapos na tignan ang oras.

“Matulog ka muna ulit. Nagising yata kita dahil sa pag-iyak ko kanina,” ani Aloha na tumingin na sa binata.

“Is it okay if I'll join you to sleep her in Inay’s bed?” nakangiting tanong nito.

“Sige lang,” tugon ng dalaga saka umusog para bigyan ng espasyo si Wyatt para makahiga ito.

Hindi na nagsalita pa si Wyatt. Nahiga na lang siya paharap kay Aloha. Kahit may unan sa gitna nila ay niyakap pa rin ng binata si Aloha.

“Goodnight, baby. Everything will be alright,” he said, smiling.

“Goodnight,” walang ganang sabi ng dalaga.

Nalungkot si Wyatt doon pero hindi niya na lang pinahalata. He smiled at her before he shut his eyes. He tightened his hugs to her, assuring to Aloha that no matter what happened, he will stay beside her.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top