KABANATA 16
NANG MAKARATING sila sa bahay nina Aloha, kaagad silang bumaba sa kotse. At magkahawak-kamay na naglakad papunta sa buhay nila.
Doon bumungad sa kanila ang lumuluhang si Aling Kising, ang kanilang kapit-bahay na palagi niyang pinagkakatiwalaan sa kaniyang ina. Nasa entrada ito ng pinto ng kanilang bahay. Biglang nilukuban ng kaba si Aloha.
“B-Bakit po kayo umiiyak, Aling Kising? Si Inay po?” tanong niya sa matanda.
“W-Wala na ang inay mo, Aloha. Iniwan ko lang siya kanina para tignan kung luto na ang niluluto kong ulam, para hindi ka na magluto pa. Pagbalik ko, hindi na siya gumagalaw, matigas na rin ang kaniyang katawan,” umiiyak na sabi nito, “Patawad, Aloha. Hindi ko nabantayan nang maayos ang Inay mo.” Lumuhod ito at may mga matang nangungusap na sana ay patawarin siya ng dalaga.
Kung hindi lang nakaalalay ang binata sa dalaga, siguradong tumamba na ito. Biglang nanghina ang katawan nito. Parang mas napagod pa siya nang marinig ang mga salitang iyon mula sa matanda.
“P-Pero malakas na siya kanina bago ko siya iwan sa ‘yo, Aling Kising. Nakita mo rin iyon, hindi ba? Panay niya pa nga tawa bago ako umalis. Sinubukan niya din na tumayo para ipakita sa atin na malakas na siya. Na kaya niya nang tumayong mag-isa.” Huminto siya dahil sa parang may bumabara sa lalamunan niya. She swallowed the lump on her throat. “S-Siya n-na nga ang humawak sa baso niya at uminom ng vitamins niya na hindi ko na hinawakan pa. N-Nagbiro na rin siya na baka matitikman ko na ulit ang masarap niyang luto dahil kaya niya na.”
Doon mabilis na rumagasa ang kaniyang luha na kanina pa niya pinipigilan kahit nagkandautal-utal na siya.
Hindi alam ni Wyatt kung paano aaluin ang dalaga dahil wala siyang alam. Niyakap niya na lang ang dalaga saka hinimas-himas ang buhok nito para iparamdam dito na nasa tabi lang siya nito. Na ipinagpapasalamat naman ng dalaga dahil kahit papaano ay may nakaalalay sa kaniya para hindi tuluyang matumba.
“S-Sorry, Aloha. S-Sana binantayan ko na lang siya at hindi na lang pumunta sa kusina. Sorry talaga,” umiiyak na sabi ng matanda na kumapit sa laylayan ng short ng dalaga. Hindi alintana sa kaniya ang sakit ng kaniyang tuhod kahit kanina pa siyang nakaluhod.
Kahit nanghihina ang dalaga, inalalayan niya ang matanda na tumayo. “W-Walang may kasalanan dito. S-Siguro nga iyong kaninang ipinakita niya ay sign na iyon na kukunin na talaga si Inay. N-Na iyon na ang huling araw na masisilayan natin ang mga ngiting iyon. M-Mahirap pero kailangang tanggapin na kinuha na nga Niya sa atin ang aking Inay. S-Slamat, Aling Kising sa pagbabantay kay I-Inay…” garalgal ang boses na sabi ng dalaga.
Nanginginig ang tuhod ni Aloha kaya mas lalong hinigpitan ni Wyatt ang pagyakap dito para hindi ito matumba.
“Sige, uuwi muna ako sa bahay namin, Aloha ah,” paalam ng dalaga na pinupunasan ang kaniyang pisngi na may bakas pa ng luha. Kinusot-kusot din nito ang kaniyang mata.
“Sige po,” tugon nito.
Naglakad na ang matanda palabas sa kanilang bahay.
“Let’s go to Inay’s room,” Wyatt said while rubbing her hair.
She just nodded. She has not enough strength to talk anymore. All she wants is to see her mother.
He anchored his hand around Aloha’s waist, then they walked went to her mother’s room.
Nang makarating sila sa k’warto ng kaniyang ina mabilis na naman na bumuhos ang kaniyang mga luha. Lalo nang makita niya na natatakpan na ng kumot ang buo nitong katawan. Inalis niya ang kamay ni Wyatt sa kaniyang bewang saka dahan-dahang naglakad papunta sa bangkay ng kaniyang ina.
As she touches her hands that was located right in her chest, her tears fell faster.
“I-Inay... S-Sabi mo... matitikman ko nang muli ang masarap mong luto. M-Miss ko nang matikman iyong muli. I-Iyong napapapikit pa ako dahil sa sobrang sarap. Inay... bakit lumisan ka kaagad? H-Hindi ba sabi mo k-kahit... w-wala na si I-Itay ayos lang na ikaw na lang ang humatid sa akin sa altar papunta sa taong pakakasalan ko. P-Pero... p-paano mo ‘yon magagawa kung ngayong... w-wala ka na?” She paused, then shut her bloodshot eyes to control her tears to fell faster, but it was just useless. Because when she shut her eyes, her tears fell faster and faster.
Kung wala lang si Wyatt sa likod niya para alalayan siya nang hindi siya matumba baka sumalampak na siya sa sahig.
“Cry all you want. No one will judge you. Let your heart cry, baby,” he said as he hugged her tightly.
His words makes Aloha cry so hard. Hindi na nagsalita pa ang binata, hinayaan lang niya ang dalaga na umiyak nang umiyak. Walang masama sa pag-iyak. Hindi iyon nakababawas sa pagkatao. Umiiyak tayo dahil sa nasasaktan tayo. Crying over losing our love ones doesn’t mean we’re weak, it is excruciating and we can’t even accept that we lost them. That the person we used to see everyday were no longer existing. Ang mga alaalang kasama natin sila ay mananatili na lamang sa ating puso’t isipan. We can still cherishs them even that person were gone.
Her vision became blurry because of tears. Kinusot niya ang kaniyang mata para mabawasan ang kaniyang luha. When her vision became vivid, she hugged her mother corpse tightly. Yakap na nagpapahiwatig na iyon na ang huling araw na mayayakap niya ito.
Nang huminto siya sa pagyakap sa bangkay ng kaniyang ina, dumako ang kaniyang paningin sa ulo nito. Natatakpan pa iyon ng kumot kaya dahan-dahan niya iyong tinanggal hanggang sa tiyan nito. Pagkatapos ay pinasadahan niya nang tingin ang mukha nito na para bang kahit kabisadong-kabisado niya na ang mukha ng ina ay gusto niya pa rin iyong kabisaduhin lalo, para hindi niya ito makalimutan kahit pa habang-buhay niya na itong hindi na masisilayan pang muli.
SA GINAWANG pagtanggal ni Aloha sa kumot na nasa bahaging mukha ng ina nito ay mas lumabas na mumunting luha sa mata ng binata. Masakit din para sa kaniya na mawala ang matanda. Hindi dahil sa nasasaktan siya para sa dalaga, kung hindi nasasaktan siya dahil kahit papaano ay napalapit na rin ang loob niya dito.
Pinunasan na lang ni Wyatt ang kaniyang pisngi nang maramdaman niyang dumadaloy na roon ang kaniyang mga luha. Ayaw niyang makita iyon ng dalaga kaya pinunasan niya na lang ang kaniyang mga mata gamit ang likod ng kaniyang kamay.
SAMANTALANG si Aloha ay hinahalikan ang pisngi ng walang buhay niyang ina. Mula sa pisngi nito, papunta sa noo, hanggang sa napadako ang kaniyang labi sa tuktok ng ulo nito saka masuyong pinatakan iyon ng halik. Pagkatapos ay umayos na siya ng upo saka hinawakan ang kamay ng kaniyang ina na nasa tapat ng dibdib nito. Habang patuloy pa rin sa pagtangis ang dalaga.
“M-Makakapag-pahinga ka na, Inay. Hindi ka na mahihirapan. M-Mahal na mahal po kita, ‘nay. K-Kailanman ay hindi kita makalilimutan. I-Ikaw at pati pati si Itay ay mananatiling buhay sa aking puso’t isipan. P-Paalam, Inay.”
It is the most painful thing to do. Saying our last goodbye to the person we used to be with—to the person that became our friend, a shoulder to cry on, and partner in crime.
Pagkatapos iyong sabihin ng dalaga ay kaagad siyang nawalan ng malay tao. Buti na lang nasa likod nito ang binata, kayo bago pa man ito bumagsak ay nasalo na ito ni Wyatt saka binuhat na parang pang-bagong kasal papunta sa k’warto ni Aloha.
“Rest now, baby. I’m always here. I will stay with you no matter what. I promise,” he said as he put her on her bed.
Before he left in her room, he kissed her forehead then uttered, “I love you, baby.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top