KABANATA 11
NANG MAKAPASOK sila sa k’warto ng dalaga ay nagniig muli sila. Hindi nakuntento si Wyatt sa isang beses lang. Kakatapos lamang nila sa isang mainit na sesyon.
“Just rest, baby. Magluluto lang ako. Dadalhan na lang kita ng pagkain kapag nakaluto na ako. Saka pakainin ko na rin si Inay,” sabi ni Wyatt habang nagbibihis.
“Huwag ka nang magluto. Tingnan mo na lang ‘yong niluto ko. Maayos naman yata iyon. I-check mo na lang,” nakangiwing saad ni Aloha dahil sa sakit ng kaniyang gitna.
“Okay.” He smiled.
Nang makalabas na ang binata natampal ng dalaga ang kaniyang mukha.
“Ano ba naman Aloha!? Bakit mo ibinigay ang sarili mo sa manliligaw mo pa lang!?” kastigo niya sa kaniyang sarili.
Problemadong iniling-iling niya ang kaniyang ulo. Sa aminin n’ya man o hindi, alam niya sa kaniyang sarili na kung ano man ang nangyari sa pagitan nila ng binata ay nagustuhan niya iyon. Kasi kung hindi, sana hindi niya hinayaan na maangkin siya ng binata nang paulit-ulit. Sana nang nagsisimula pa lang itong hawakan at maghatid ng init sa katawan niya ay dapat doon palang ay pinigilan niya na ito, pero hindi niya ginawa. Hinayaan niya ang kaniyang sarili na magpatangay sa init na pinararamdam sa kaniya ng binata. He let him to wandered at her body.
Isa pa sa pinag-alala niya ay baka mabuntis siya nito. Kung sa pagniig nila sa kusina ay inilabas ng binata ang kaniyang katas sa kaniyang tiyan, sa pangalawa at mga sumunod pa ay hindi na. He spurt all his orgasms deep inside of her womb. But she didn’t regret it. She loves what happened between them.
Kung ano ‘yong naramdaman niya noong gabing iyon para maiwan ang kaniyang panty sa condo nito, mas malala ngayon dahil naramdaman niya ang pag-angkin sa kaniya ng binata. Mapusok pero naroon ang pag-iingat. Ramdam niya pa rin ang bawat galaw ng binata sa ibabaw niya.
“Sana lang ay hindi narinig ni Inay ang ungol namin kanina,” sabi niya habang pinapakiramdaman ang pananakit ng kaniyang pagkababae.
Nasa kaliwa ng bahay nila ang kaniyang k’warto, samantalang ang k’warto ng Inay niya ay nasa kanang bahagi naman ng kanilang bahay. Hindi naman ganun kalaki ang bahay nila kaya kahit magkahiwalay ang k’warto nilang mag-ina, kung napalakas ang ungol nila, siguradong maririnig sila nito. Baldado lang ang matanda pero malakas pa rin ang pandinig nito.
She’s sore. Hindi naman kasi biro ang sukat at laki ng alaga ng binata.
Napatingin siya sa pinto ng kaniyang k’warto nang pumasok mula roon si Wyatt na may dalang pagkain niya at tubig.
“Eat, baby. Want me to help you to sit so you could eat properly?” anito saka inilagay ang pagkain at tubig sa kama niya.
“Huwag na. Kaya ko naman,” sagot niya na lamang dito.
“Are you sure? You’re still sore. Baka mahirapan ka. I knew it’s hurt. Sorry if my buddy was that big to handle.” He smirked.
“Kaya ko nga. Dahil sa kalandian mo, ikaw ang magpakain kay Inay. Pakainin mo na siguradong gutom na ‘yon.”
“Sure, master.” He smiled before he stormed out on her room.
Nang makaalis ang binata saka lang umupo si Aloha. Napapangiwi siya dahil sa masakit talaga ang gitna niya. Nang makaupo na ay kaagad na siyang nagsimulang kumain.
PAGKALABAS ni Wyatt sa k’warto ni Aloha, kaagad siyang kumuha ng pagkain ng ina nito saka naglakad papasok sa k’warto ng matanda. Kurtina lang ang nagsisilbing pinto sa k’warto nito kaya hinawi niya lang iyon gamit ang kaniyang balikat, saka pumasok.
“Inay, kakain ka na po,” sabi niya saka inilagay ang pagkain sa maliit na lamesa na naroon sa k’warto ng matanda na katabi lang ng higaan nito.
Nang hindi sumagot ang matanda ay lumapit dito ang binata. Roon niya napag-alaman na mahimbing ang tulog nito. Kaya yinugyog niya ang balikat nito para gisingin ito. Ilang yugyog lang ay gumising na ito.
“M-Manugang kong pogi, n-nandito ka na naman?” she said as she rubbed her eyes using her thumb.
“Opo, Inay. Tulungan ko na kayong makaupo,” tugon niya.
Tumango ang matanda kaya tinulungan niya na itong makaupo. He held her hand while his other hand was placed on her back. Saka dahan-dahan niya na itong pinaupo.
“Nasa’n pala si Aloha? Kumain na ba ‘yon?”
“Kumakain po ro’n sa k’warto niya. Pagod at masakit daw ang katawan kaya dinalhan ko na lang ng pagkain sa k’warto niya para makakain siya,” he said, smiling to Aloha’s mother.
“Nagpapakapagod kasi masyado. Sabi kong huwag na magtrabaho, ang tigas ng ulo.”
“Ginagawa niya ho ‘yon ‘nay para may pambili siya ng vitamins niyo.”
“Sabi ko sa kaniyang huwag na. Kung ano man ang nararamdaman ko iyon ay dahil sa katandaan ko na.” Nginitian niya na lamang ito.
“Mahal ka po kasi ni Aloha, kaya po ginagawa niya iyon para po mapabuti ka.”
“Ang bait ng manugang ko. Kung sakali mang kunin na ako ng Panginoon panatag na ang kalooban ko na maiwan ang anak ko kasi may tao na akong mapag-iiwanan sa kaniya. Sigurado naman akong hindi mo siya sasaktan. Alagaan mo siya at mahalin. Iparamdam mo sa kaniya na hindi siya nag-iisa sa oras na mawala na ako,” may ngiti sa labi na saad ng matanda dahilan para tumaas ang kaniyang mga balahibo.
“Inay naman huwag mong sabihin iyan. Makikita mo pa ang mga apo mo at sasamahan mo pa si Aloha papunta sa altar sa kasal namin. Kumain na lang po kayo, Inay. Susubuan ko na po kayo.” Nang tumango ang matanda kaagad niya nang kinuha ang pagkain na nakalagay sa plato, saka nagsimula nang pakainin ang nanay ng babaeng alam niya sa sarili na mahal niya na.
Hindi pa naman sila ganoong magkakilala ng dalaga pero sigurado siya sa nararamdaman niya para dito. What he feels over Aloha was pure. Handa siyang kilalanin ang dalaga habang patuloy niya itong minamahal. Naniniwala siya sa kasabihan na hindi sa tagal nang pagkakilalanan nararamdaman ang pagmamahal sa isang tao dahil kahit ngayon lang kayo nagkakilala kung ang puso mo ay tumibok para dito, wala kang magagawa kung hindi ang gumawa ng paraan kung paano mo makukuha ang taong iyon. Kung paano magiging sa ‘yo ang taong minamahal mo kahit pa ngayon lamang kayo nagkakilala.
Dahil sa hindi naman na ganoon katatag ang mga ngipin ng matanda, matagal itong natapos sa pagkain. Bawat nguya ng matanda ay nakangiting naghihintay ang binata na matapos iyon para masubuan niya na ulit ito. Kung sana lang ay nabubuhay pa ang kaniyang mga magulang, sana nagawa niya ding masubuan ang mga ito. Pero wala eh, kinuha na ng Panginoon ang kaniyang mga magulang dahil sa aksidente. God knows how he misses her parents. He was longing for their love, hugs, and support.
Sa sinabi sa kaniya ng matanda tungkol sa paglisan nito sa mundo’y nalungkot siya. Hindi dahil sa maiiwan nito ang babaeng mahal niya, kung hindi dahil sa napapalapit na rin ang loob niya dito. Pero kung sakali man ngang kuhanin na ito ng Maykapal, he is willing to stay at Aloha’s side. He’s ready to be her crying shoulder.
Nang matapos ang matanda sa pagkain ay kaagad niya itong pinainom ng vitamins nito para maiwasan na ang pagkakaroon nito ng lagnat, saka ito pinatulog. Nang nakapikit na ang mata ng matanda ay linisan niya na ang k’warto nito, para dalhin ang pinagkainan nito sa kusina. Nang mailagay sa kusina ang pinagkainan ng matanda, pumunta naman siya sa k’warto ng dalaga para tingnan kung ano na ang ginagawa nito.
Nang makapasok siya sa k’warto ng dalaga, napangiti siya sa nakita. Aloha was sleeping peacefully. Lumapit siya dito.
“You’re beautiful even you’re sleeping,” he said while smiling.
He kissed her forehead. Wala siyang balak na gisingin pa ito. Kinuha niya na lang ang kinainan nito saka dinala rin sa kusina. Nang matapos ay binalak niya nang umuwi. Lumabas siya ng bahay at sinirado ang pinto. May ngiti sa labi na naglakad siya papunta sa kaniyang kotse. Kinuha niya ang susi niyon sa bulsa niya. Gaya nang nakasanayan niya nang gawin, ipinaikot niya iyon sa kaniyang hintuturo na abot sa tainga ang ngiti.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top