HULING KABANATA

HINDI MATIGIL sa kakaiyak si Aloha. Lalo pa’t patuloy ang pag-agos ng dugo sa katawan ni Wyatt. Akala niya kanina ay wala na ito. Nawalan lang pala ito ng malay tao.

“Ma’m, Sir, hanggang dito nalang po kayo,” ani ng Nurse kina Alexander, Aloha and Travis nang makarating sila sa operating room ng hospital.

“Gusto kong pumasok,” umiiyak na tugon naman ng dalaga.

“Pero hanggang dito lang kayo, ma’m. Bawal na po kayong pumasok sa loob!” Pagsusuway ng Nurse.

“Dito na lang tayo. Let’s just wait here.” Hinawakan ni Alexander ang balikat ng dalaga matapos niya iyong sabihin.

“P-Pero... Gawin niyo po ang makakaya niyo. Iligtas niyo po ang ama ng magiging anak ko,” sumusukong aniya habang ang luha niya’y patuloy pa rin sa pag-agos.

“Gagawin po namin, lalo na po ng Doctor natin, ang lahat nang makakaya namin para mailigtas siya,” ngumiti nang pilit ang Nurse. Hindi rin kasi ito sigurado. Baka mabigo sila.

Pinasok na sa operating room ang Nurse upang makatulong sa pag-oopera kay Wyatt. While Aloha and Wyatt’s friends just sat on the waiting area.

As the time goes by, Aloha couldn’t help herself to overthink what might be happened in operation. Buti nasa tabi niya lang si Alexander at Travis kaya napapakalma siya nito. Pero ang pagluha, iyon ang hindi niya mapigilan.

Kahit anong pagpipigil niya na huwag maiyak, lalo tuloy na bumubuhos ang mga luha niya.

Nang dumating sina Lany at Cassandra ay kaagad ng mga ito na niyakap ang dalaga para ipahiwatig dito na magiging maayos ang operasyon ni Wyatt.

Pinakalma nila ang dalaga dahil masama iyon para sa pagbubuntis niya. Baka mapaano ang bata sa sinapupunan nito. Masama pa naman iyon para sa buntis, baka duguin ito. Gayong wala pa itong check up.




APAT NA ORAS na ang dumaraan. Hindi nila mapigilan na mag-isip kung anong magiging resulta. Napatayo lang sila na ng operating room ang Doctor na nag-opera kay Wyatt. Walang pagda-dalawang isip na lumapit dito si Aloha.

“Kumusta po si Wyatt. Kumusta po ang naging operasyon?” sunod-sunod na tanong ng dalaga sa Doctor.

“Maayos ang naging daloy ng operasyon. Naalis na namin ang mga bala sa katawan niya. Maraming dugo ang nawala sa kaniya. Kailangang masalinan ito kaagad. Ang problema wala na kaming dugo na kapareho ng blood type ni Mister Lacson. Naubos dahil nagsalin kami ng dugo doon sa mga biktima ng aksidente kuma-kailan lang,” tugon nito.

“Ako po, Doc. I’m willing to do blood transfusion. Magkapareho naman kami ng blood type.” Pagbubuluntaryo ni Alexander.

“Ako rin po, Type B+ din po ako,” singit naman ni Travis.

Hindi man halata pero nagulat doon sina Aloha, Lany at Cassandra. Hindi nila lubos akalain na magkakapareho ng blood type ang tatlong magkakaibigan.

“Magsisimula na tayong magsalin ng dugo. Mas mabilis, mas maganda. Para bago natin ilipat si Mister Lacson sa kaniyang private room ay nasalinan na ng dugo,” ani ng Doctor.

“Sige po, Doc,” magkasabay na tugon nila Alexander at Travis.

Nagsimula na ang Doctor na maglakad kaya sumunod na ang dalawa dito.

Samantalang sina Aloha, Cassandra, at Lany ay umupo na lamang sa kaninang inupuan nila.

“Kaya naman pala pareho-parehong baliw kasi pareho-pareho ang blood type nila. Baka magkakapatid talaga sila?” ani Cassandra.

“Baliw ka. Paano sila magiging magkakapatid gayong iba-iba ang magulang nila?” ani naman ni Lany saka kinaltukan ang dalaga.

“Malay mo ampon lang sila. Tapos galing talaga sila sa ampunan.” Laban pa rin ng dalaga na hinhimas ang bahagi ng kaniyang ulo na kinaltukan ni Lany.

“Overthink malala, gurl. Paano magiging ampon gayong kamukha naman nila ang kani-kanilang ama.” Sikmat pa ni Lany.

“Paano kung iisa lang pala ang ina nila?” Ayaw pa rin talagang magpadaig ni Cassandra.

“Ang pangit ng teorya mo. Hindi sila magkakapatid. Sira. Kulang ka lang sa dilig ni Fafa Travis eh.” Panunudyo nito sa dalaga dahilan para mamula na kayo.

“Tumigil na nga kayo. Para kayong mga sira dyan.” Suway ni Aloha sa mga ito.

“Buti naman nagsalita ka na Aloha. Akala ko magiging estatwa ka na lang dyan.” Pagpupuna ni Lany sa kaibigan.

“Malamang magsasalita ‘yan, Baks, kasi may bibig ‘yan.” Pambabara naman ni Cassandra.

“Oo na lang!” sikmat nito.

Bumuntong-hininga si Aloha saka nagsalita, “Sana maging maayos na si Wyatt.”

“Magiging maayos iyon. Tiwala lang. Magdasal ka rin nang taimtim. Papakinggan ka Niya.” Ngumiti si Lany sa kaibigan. Aloha just nodded.

“Nga pala nailipat si Cleo sa isang mental hospital pero may bantay na pulis sa kaniya araw-araw kahit may mga Nurse na nagbabantay sa bruhilda. May saltik na pala ang utak noon kaya kung ano-ano na lang ang nagagawa. Pero kapag ayos na ang mental health niya, nasa sa inyo daw ang desisyon kung ipapakulong niyo pa siya,” Imporma ni Cassandra.

Si Lany at Cassandra kasi ang pumunta sa kulungan kanina nang ihatid nila si Wyatt sa hospital. Siguradong itinext ang mga ito ni Travis.

“Sana naman maging maayos siya nang sa gayon ay hindi na siya makagawa pa nang makasasakit sa kap’wa niya,” usal na ni Aloha.

“Sana nga,” magkasabay na tugon ng dalawa na kanina ay nagbabangayan.

“Siguro may bukas pa namang fast food chain o canteen malapit dito, bibili muna ako nang makakain natin. Isama ko na rin ang sa dalawa. Siguradong gugutumin iyon,” ani Lany.

“Samahan na kita,” tugon ni Cassandra saka binalingan si Aloha, “Dapat pala umuwi ka muna, Aloha. Buntis ka pa naman. Iba-iba ang naamoy mo rito sa hospital, baka makasama kay, baby.”

“Hindi naman yata,” tugon niya dito.

“Sana nga. Sige alis na kami.”

Tumango na lamang si Aloha kaya umalis na ang dalawa.

Nang makita ni Aloha sina Travis at Alexander naisip niya na baka madali lang ang pagsalin ng dugo kay Wyatt dahil narito na kaagad ang dalawa.

“Ililipat na si Wyatt sa private room. Ayos naman ang pagsalin ng dugo,” kaagad na sabi ni Alexander nang makalapit na ito sa kung nasaan si Aloha. Tumango lamang siya dito.

Si Travis ay hinihimas ang tinurukan ng karayom.

Maya-maya lang ay dumating na sina Lany at Cassandra, bitbit ang kanilang biniling pagkain. Kaya kumain na sila. Habang kumakain sila ay nailipat na si Wyatt sa private room nito. Nang matapos silang kumain ay kaagad na pumasok si Aloha sa room ni Wyatt saka kinausap ang binata kahit hindi naman ito sasagot sa kaniya.

“A-Akala ko mawawala ka na sa ‘kin kanina.” Garalgal ang boses ng dalaga habang sinasabi iyon. “Buti naman at maayos ka na. Maghihintay kami ni baby sa paggising mo. Sasamahan mo pa ako sa pagpapa-check up.”

“Aloha, ihatid na muna kita sa inyo. You need to rest. Masama kay baby ‘yan,” sabi ni Alexander ng makapasok ito sa k’warto.

“Hindi ba ako dito p’wede magpalipas ng gabi?” Sa isip ni Aloha ay napatawa siya dahil kung ano iyong sinabi niya, ganoon din ang sinabi sa kaniya ni Wyatt noong gabing hindi niya ito pinatulog sa bahay niya.

“Buntis ka pa naman kaya bawal. Bukas nang umaga ay p’wede ka pa namang dumalaw,” ani Alexander.

“Sige.” Tumayo na siya saka hinalikan sa noo si Wyatt. “Babalik ako bukas, mahal ko.” Dagdag niya saka naglakad na palabas sa k’warto.

Nuana si Alexander na lumabas sa k’warto saka sumunod siya. At lumabas na sila sa hospital saka dumeretso sa parking lot para pumunta sa kotse ni Alexander na pinadala lamang nito sa hospital dahil naiwan ito ng binata doon sa abandonadong bahay.

Nang makarating ay kaagad silang sumakay sa kotse ng binata, saka pinaandar ni Alexander ang kaniyang kotse paalis sa parking lot. Nang nasa kalsada na ay kaagad na itong pinasibad ng binata para ihatid na ang dalaga sa bahay nito. Tahimik lamang ang b’yahe nila.







“SALAMAT,” ani Aloha nang tumigil ang kotse ni Alexander sa tapat mismo ng bahay niya.

“Welcome.” Ngumiti ito sa dalaga.

“Hindi ba ako babalikan ng mga tauhan ni Cleo?” tanong niya. Natatakot siya na baka balikan siya ng mga tao.

“Hindi kasi wala namang nakawala sa mga tauhan niya. They’re rotten in jail.”

“Sige. Salamat.”

“As always.”

Bumaba na si Aloha sa kotse at nagpaalam na binata. Umalis na ang binata nang tuluyan na siyang pumasok sa kaniyang bahay.

Dahil sa kumain na siya, kaagad siyang dumeretso sa kaniyang k’warto nang sa gayon ay makatulog na siya.

Pagkahiga niya ay kaagad din siyang nakatulog dahil sa pagod at antok.














KINAUMAGAHAN ay kaagad na siyang nagluto ng pang-almusal niya at nang makakain ay kaagad siyang naligo. Ngayon ay handa na siyang pumunta sa hospital.

Lumabas siya ng bahay saka naglakad na lamang paalis sa kanilang barangay dahil walang humintay na tricycle sa kaniya. Nang makalabas siya sa kanilang barangay ay kaagad siyang nakakita ng tricycle. Sumakay siya dito papunta sa bayan. Nang makarating ay sa taxi naman siya sumakay papunta sa hospital.

Nang makarating siya sa hospital ay kaagad siyang pumunta sa k’warto ni Wyatt. Laking gulat niya nang makita niya na wala roon ang binata. Kaya patakbong lumabas siya sa k’warto. Lumuluhang siyang lumapit sa Nurse na nakita niya.

“Nasaan na po ang lalaki roon sa room 027?” tanong niya kaagad.

“Sa pagkakaalam ko po dinala na sa morgue. The patient on that room just passed away 30 minutes ago,” sagot ng Nurse sa kaniya.

“A-Ano? B-Baka nagbibiro ka lang?” tanong niya dito.

“Hindi po ma’m,” sagot nito, “Sige po, aalis na ako. May i-che-check pa po akong pasyente,” dagdag pa nito saka tinalikuran na siya.

Hindi niya kinaya ang sinabi ng Nurse kaya napaluhod siya. Nakita siya ni Travis sa ganoong sitwasyon.

“Aloha, bakit ka nakaluhod at umiiyak diyan?” tanong ni Travis sa kaniya. Tinulungan siya nitong makatayo.

“W-Wala na raw si Wyatt. D-Dinala na raw sa morgue,”  sabi niya saka napakapit sa balikat ng dalaga. Nanghihina siya.

“P-Paano? Nagising na iyon kaninang alas k’watro. Tuwang-tuwa nga iyong Doctor na nag-opera sa kaniya dahil nagkamalay kaagad siya. Most of the time kasi mga isang linggo nagigising ang mga na-operahan niya na natamaan ng bala. Minsan daw ay isang buwan pa. Sino ang nagsabi sa ‘yo na dinala na si Wyatt sa morgue?” ani binata.

“Iyong Nurse. At saka wala naman siya sa room niya. Wala na rin iyong mga aparatus na nasa k’warto niya.”

“Aling k’warto ba ang pinasukan mo?”

“Room 027. Iyan ang room ni Wyatt hindi ba?”

“Ah... Ehh... Nagpalipat siya ng room kaninang alas singko. Ayaw niya daw kasi sa room na iyon. Tapos pagkalipat ni Wyatt saktong may ipinasok kaagad doon sa room 027 na nasa kritikal ang kondisyon kaya binawian din ito kaagad ng buhay,” pagpapaliwanag ni Travis dito.

“Ehh nasaan na ang room ni Wyatt?” naguguluhang tanong ng dalaga.

“Nasa room 032. Gusto niya daw doon kasi ‘yong 32 ay number na para sa mga baliw. It suited for him kuno.” He chuckled.

Kahit si Aloha ay napatawa na rin habang pinupunasan ang kaniyang luha. “Baliw talaga.”

“That’s our friendship signature. Lunatic.” He smiled at her. “Tara puntahan na natin. Kanina pa iyon naiinip na puntahan ka pero bawal pa.”

“Tara.”

At naglakad na sila pupunta sa room 032. Number kuno ng mga baliw.

“Ikaw na ang bumukas ng pinto,” ani Travis nang makarating sila sa room 032.

Tumango na lamang ang dalaga saka pinihit ang seradura ng pinto hanggang sa bumukas iyon.

Nang mabuksan ng dalaga ang pinto, natutop niya ang kaniyang bibig nang makita niyang nakaluhod si Wyatt sa lupa. Napansin niya sina Cassandra, Lany, Alexander, at ang iba pa kasama sina Marry Jarenz at Henry. May mga letrang hawak ang mga ito na nabubuo ang isang katanungan na “Will You Marry Me?”

“Aloha Gomez. I want to spend my lifetime with you. I wanna be with you. I wanna grow old with you. And build a family with you. I know I’m not perfect. At saka kailan lang ng ako’y sagutin mo pero... gusto mo bang isuot ang singsing na ito at sabihin na pumapayag ka na maging Misis Lacson ko? Will you marry me, Aloha Gomez—The Panty Owner?” tanong ng binata na deep inside ay kinakabahan.

Itinayo ni Aloha si Wyatt. “Wala na rin naman akong kawala sa ‘yo, eh. Nagbunga na iyong ipinunla mo. Oo, Wyatt James Lacson, payag ako na maging Misis Lacson mo. Payag ako na bumuo ng pamilya at tumanda kasama mo.”

“Really!? Walang bawian, kahit mamatay man si Travis?”

“Gago ka, Lacson!”

Napuno nang tawanan ang silid.

Hindi pa tuluyang isinusuot ni Wyatt ang singsing kaya si Aloha na ang sumuot nito sa daliri niya.

“Thank you, Panty Owner. I promise that I will be a good husband and father to our babies,” ani Wyatt saka niyakap ang dalaga.

Ngumiti na lamang ang dalaga saka yumakap pabalik.













TATLONG ARAW matapos makalabas si Wyatt sa hospital ay kaagad na nilang inayos ang kanilang magiging kasal. Mula sa mga ninong at ninang. Mga susuotin at wedding theme. All were set. Bukas na rin ang kasal nila kaya hindi sila magkasama. Hindi rin sila nagpa-stag party dahil ayaw nila.




KINAUMAGAHAN ay handa na ang lahat para sa kasal. Sa tapat ng puntod ng Nanay at Tatay ni Aloha gaganapin ang kasal. Pagsapit ng alas nuwebe ng umaga ay nauna nang pumunta si Wyatt sa lugar nang paggaganapan ng kasal kasama ang tito at tita niya na umuwi pa para dumalo sa kasal niya at tumayo bilang mga magulang niya.

Naghanda na rin si Aloha. Maya-maya pa ay humayo na siya sa venue ng kasal. Si Aling Caring at ang asawa nito ang hahatid sa kaniya palapit sa kaniyang groom.

Nang makarating siya doon ay kaagad nang nagsimula ang seremonya ng kasal.

“By the power vested in me. I will pronounce you husband and wife.” Bumaling ang pari kay Wyatt at sinabi ang kataga na kanina pa hinihintay ng binata, “You may now kiss your bride.” Pagtatapos ng pari sa seremonya.

With that, Wyatt slowly removed Aloha’s bridal mantle or veil that covering her face. Nang maalis ay kaagad na inilapit ni Wyatt ang kaniyang mukha sa dalaga hanggang sa maglapat ang kanilang mga labi. Lahat ng tao ay ang nagpalakpakan sa nasaksihan.

“We’re finally married!” sigaw ni Wyatt na nag-ani ng samu’t saring papuri.

Nang umalis ang mga tao papunta sa reception ay nagpaiwan ang bagong kasal sa puntod ng mga magulang ni Wyatt.

“Inay, kasal na kami,” ani Aloha na unti-unti nang lumuluha.

“Promise, Inay, I will protect our princess and my queen,” sabi naman ni Wyatt saka bumaling sa kaniyang asawa. “Shall we?” tanong niya dito.

“Tara,” tugon nito.

At nilisan nila ang lugar na iyon na may ngiti sa labi.

Alam nila na marami pang pagsubok ang kakaharapin nila bilang mag-asawa. Pero alam naman nila na kaya nila iyong malampasan basta sila ay magkasama.

At hindi rin papayag si Wyatt na mawala pa ang babaeng mahal niya.  The girl who owned the panty left in his room. His queen, wife, universe, and his everything. The girl that not only owned the panty but also his heart—The Panty Owner.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top