SPECIAL CHAPTER

Law

"Mukha kang tanga riyan." Rinig kong sambit ni Lemon sa akin.

Kanina pa 'ko pabalik-balik sa paglalakad dito sa loob ng guild. Tanging ako, si Lemon, Elroy, at Zeldrick lamang ang nandito.


"Why don't you just ask her out?" Casual na sambit ni Elroy.

"Oo nga. Bobo kase." Dagdag ni Zeldrick.

Napaismid ako sa sinabi nila. "Oi, oi. That's not that easy!" Giit ko.

Napabintong-hininga na lamang sila sa sinabi ko. Muling sumubo ng cake si Lemon, si Elroy ay nagpatuloy sa paglalaro, at si Zeldrick ay nagpapaikot ng yoyo.

"Ang hina mo naman. You already freaking kissed her, hugged her, and tell her corny stuffs. Tapos ayaw mo pang lagyan ng label?" Iritadong sambit ni Zeldrick.

"Shut up Zel! Eh bakit ikaw? Hanggang kailan ka magmamaang-maangan na wala kang gusto kay August?" Inis na sagot ko rito.


Natahimik si kupal sa sinabi ko at hindi nakasagot. Jeez, bakit ba 'ko humihingi ng advice sa mga 'to. Mas tabingi ang utak nila kaysa sa akin.

"Jeez. Your choice. Pagtatawanan ka namin ni Chelsea kapag naunahan ka." Nakangising sambit ni Lemon.

Natigilan ako sa sinabi niya at natauhan. Fuck. Merong asungot palang umaaligid sa babaeng 'yon. Bwisit!

Napasabunot ako sa ulo ko sa inis. Ano pa ba ang hinihintay ko? Nandito na si Helena! Okay na ang lahat!

Why can't I just ask her to be mine?

"Law. Hinahanap ka ni Helena." Sambit ng lalaking bagong dating.

Pare-pareho kaming napatingin kay Gin na walang ganang pumasok sa guild. Humihikab pa ito at magulo ang buhok.

Wala akong nagawa kung hindi sumunod sa sinabi niya. Tsaka ko na iisipin si hood.

Pumunta ako sa academy at pumunta sa principal's office. Nang makarating ako roon ay bumungad sa akin ang batang babae na umiinom ng tsaa.

"Yoh." Bati sa akin ni Helena.

Napabuntong-hininga ako rito bago casual na umupo sa sofa sa silid. "Oi, oi. What do you need from me?" Walang ganang tanong ko.

Ipinatong ni Helena ang mga paa niya sa lamesa at tinapunan ako ng tingin. Pagtapos ay hinagisan ako nito ng isang folder na kaagad ko ring sinalo.

"What's this?" Marahang tanong ko.

"Open it." Sagot ni Helena.

Sinunod ko ang sinabi niya at binuksan ang folder. Natigilan ako sa mga papeles na bumungad sa akin.

"Wanted, alias Joker. No name. Gift, unknown." Basa ko sa nakasulat.

"I want you to handle that mission." Casual na sambit ni Helena.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Bakit mo pa ko pinapunta rito? Dapat kay Gin mo na lang pinasabi." Giit ko.

Hindi kaagad nakasagot si Helena sa sinabi ko at napansin kong nagbago ang ekspresyon nito.

"Because you're a heir of Cronus. Just like me." Deretsong sagot ni Helena.

Natigilan ako sa sinabi niya. Tila bumigat ang tensyon sa silid.

"While I was away for a year. Marami akong naglagpasan na mga kaganapan." Pangunguna ni Helena.

"Someone told me. A queen will soon rise. A gifted that is even stronger than us, heir and heiress of Cronus." Dagdag nito.

I suddenly felt the chills in my body. Parang natuyo ang lalamunan ko at hindi ako nakasagot.

"For the first time in my life, I doubted my own ability. Hindi ko alam kung may magagawa ako kung sakaling maging kalaban natin ang sinasabi niyang gifted." Muling sambit ni Helena.

Ngayon ko lang siya nakitang ganito ang ekspresyon. "Anong kinalaman ni Joker dito?" Marahang tanong ko.

Tumayo si Helena bago magsalita. "Joker have many connections to the underground association. Dito tayo makakakuha ng mga illegal na impormasyon na hindi natin makukuha sa legal na paraan." Sagot nito.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "But the underground association is also composed of Dark Guilds. Trabaho ng solar academy to." Giit ko.

Lumapit sa akin si Helena at deretso akong tinignan.

"That's right. Kaya nga makikipagtulungan ka sa Solar Academy." Sambit ng babaeng kaharap ko.

"The Solar Academy's job is to tame those Dark guilds. It's the school for the tamers."


---

Lumabas ako ng Principal's office ng malalim ang iniisip. I don't like working with the Solar Academy's students. Naalala ko ung training na ginawa sa akin ni Eslin kasama si Cleofa. Parang impyerno ang narasanan ko n'on. Tsk.

Habang naglalakad sa pasilyo ay napatingin ako sa malaking bintana sa gilid ko. Mabilis na napako ang tingin ko sa isang pamilyar na babae at lalaking nag-uusap.

Napaawang ang bibig ko nang makitang magkasama nanaman si hood at ung wala-akong-paki-sa-pangalan na lalaki.

Isa pa 'yon sa dahilan kung bakit ko sa Solar. Doon na nagaaral ang lalaking 'yan. Bakit ba punta nang punta pa 'yan dito sa Lunar?

Hindi ako nagdalawang isip at binuksan ko ang malaking bintana. Wala akong paki kahit nasa ikatlong palapag ako at casual akong tumalon sa baba.

Napunta ang atensyon sa akin ni hood at ang lalaking kasama niya dahil sa ginawa ko.

"L-Law?" Biglaang sambit ni hood.

Hindi ko ito pinansin at napunta lang ang tingin ko sa lalaking kasama niya. Walang salita na lumabas sa bibig ko nang dumaan ako sa gitna nilang dalawa.

"Law, okay ka lang? Ang taas ng tinalon mo!" Tawag sa akin ni hood.

Hindi ko pa rin ito pinansin at nagpatuloy lang ako sa paglalakad. The hell I care? Trip ko lang tumalon sa bintana.

Habang naglalakad papalayo kina hood ay naramdaman ko na ang sakit ng paa ko. Fuck. Mukhang mali ata ang pagkabagsak ko.

Ininda ko ang sakit at hindi ko ito pinahalata. Ayokong ipakitang nasaktan ako eh mababa lang naman ung tinalunan ko. Baka pagtawanan pa 'ko ng wala-akong-paki-sa-pangalan na lalaki na kasama ni hood.

Hindi pa 'ko nakakalayo sa paglalakad ay nabigla ako nang may humawak sa braso ko at inalalayan ako sa paglalakad.

"Jeez. Anong trip mo?" Iritadong sambit ni hood.

"Oi, oi. What are you doing? Kaya kong maglakad. Ang baba lang n'on eh. Makipag-usap ka lang do'n sa wala-akong-paki-sa-pangalan na lalaki." Giit ko.

Kumunot ang noo ni hood sa sinabi ko at tinapunan ako ng tingin. "Kanina pa po siya umalis mister Lunatic. Kinamusta lang ni Liev ang guild at umalis din kaagad." Sagot niya.

Umiwas ako ng tingin ko rito nang maramdaman ko ang paginit ng pisngi ko. "Tsk. Tinatanong ko ba? Anong paki ko?" Pagmamaang-mangan ko.

Ismid na lamang ang sinagot sa akin ni hood at hindi na nagsalita. Huminto kami ni hood sa tapat ng isang bench. Doon niya ko pinaupo at tinignan nito ang paa ko.

"Oi, oi. Stop it hood, nakakahiya. You don't need to do that. I'm fine." Giit ko.

Mahigpit na hinawakan ni hood ang paa ko at hindi ko mapigilang mapaaray. "Wtf?" Inis na sambit ko.

"Shut the fuck up lunatic. It's the partner's job to help her partner if he did something stupid." Walang ganang sambit ng babaeng kaharap ko.

Ismid na lamang ang ginawa ko at hindi nako sumagot pa. Hood's eyes changed and she immediately fixed my broken foot.

"Oi. Hood." Biglaang sambit ko.


Napatingin sa akin si hood habang pinapagaling ang paa ko. Umiwas ako ng tingin dito bago magsalita.

"W-Will you go out with me?" Mahinang sambit ko.


Kumunot ang noo ni hood sa sinabi ko. "Huh?" Marahang tanong niya.

"I-I freaking said. W-Will you go out with me?" Pag-uulit ko.

Hindi pa rin narinig at naintindihan ng babaeng kaharap ko ang sinabi ko. 

"Freaking speak well lunatic!" Inis na sambit ni hood.

Napaismid ako sa sinabi niya at tila hindi ko na napigilan ang sarili ko.


"Be my freaking girlfriend goddamn it!" Inis na sambit ko at mabilis na hinalikan ang babaeng kaharap ko.

Hindi kaagad nak-areact si hood sa ginawa ko. Pero agad din nitong sinagot ang mga halik ko.

Nang maghiwalay ang mga labi namin ay deretso ko itong tinignan sa mga mata.


"So what's your freaking answer, Scarlet?" Giit ko.


Kumurba ang labi ni hood sa sinabi ko at muli akong hinalikan sa labi.


"I guess being the girlfriend of the destroyer isn't bad at all, Law." Sagot nito.

Hindi ko mapigilang mapangiti sa sagot niya. "Oh come on, you better be hood." Nakangising sambit ko.


"I already told you twice and I'll say it again. You're my prey. I'm the wolf and you're the little riding hood. One wrong move and I'll eat you up." Dagdag ko.

"You're now mine. And will always be."


•••

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top