Epilogue
Even though it has already been a year, walang nagbago sa Lunar Academy. Nanatiling tumatanggap ng mga trabaho ang mga guilds dito.
Nagpatuloy ang paggalaw ng mga officials ng mga Academies. Nalaman nila ang katrayduran na ginawa ni Sir Cael at agad silang naghanap ng kapalit nito.
Ngunit kahit isang taon na lumipas, hindi sila naghanap ng kapalit ni Helena.
Siya pa rin ang tinuturing tagapamahala ng paaralan na ito kahit wala na kaming balita sa kaniya.
"Miss Scarlet!" Rinig kong tawag ng isang lalaki.
Napalingon ako sa pinanggalingan nito at sumalubong sa akin ang isang pamilyar na babae at lalaki.
"Oh, Aren. Bakit?" nakangiting tanong ko.
"Ngayon na po lalabas ang resulta ng pagsusulit nina Kuya at Miss Lemon! Gusto niyo po bang sumama para makita sila?" masiglang sambit ni Aren.
Hindi ako tumanggi at isang tango ang sinagot ko sa kanila. Mabilis nila 'kong dinala sa harap ng Academy kung saan nakalagay ang malaking information board.
Isang rookie si Aren ngayon sa Grim Reapers at ang babaeng kasama niya. Katulad nina Zeldrick, August, at Law ay isa na rin akong Senior.
Nanatiling Guild's Master namin si Gin. Sa kabilang banda ay parehong may kinuhang test si Lemon at Elroy para maging isang ganap na Masters.
Dumating kami nina Aren sa information board at naabutan naming nando'n na sina Elroy at Lemon, kasama ang puting pusa nito.
"Kuya!" pagtawag ni Aren kay Elroy.
Parehong napatingin sa direksyon namin sina Lemon at Elroy na may malawak na ngiti.
"Scarlet!!! Nakapasa kami!!!" masiglang bungad ni Lemon sa akin.
Tumakbo ito sa direksyon ko at mahigpit akong niyakap. "I'm already a Master!!!" nakangiting dagdag niya.
Isang ngiti ang pinakita ni Elroy sa reaksyon ng ka-partner niya. Hindi rin nito maitago ang saya dahil sa magandang balitang natanggap.
"Congratulations," nakangiting sambit ko.
Tinanggal ni Lemon ang pagkakayakap sa akin ngunit hindi pa rin nawawala ang pagkasigla nito. Bigla niyang hinila si Elroy na nakikipag-usap kina Aren.
"Pupunta kami sa Guild at sasabihin sa iba!!" masiglang sambit ni Lemon.
Hindi man lang niya kami hinintay na makasagot at kumaripas na kaagad ito ng takbo. Napabuntong-hininga na lang ako sa ginawa niya.
"E-Eh. Miss Scarlet, susunod po kami sa kanila," sambit sa akin ni Aren.
Tumango ako sa sinabi niya at pinanood silang mawala sa paningin ko.
Naiwan akong mag-isang nakatayo. Napagpasyahan kong magikot-ikot na lamang sa Academy.
Seeing this place makes me reminisce. I first thought that this place is like a prison—it turned out to be true.
I chuckled. But who would thought that this will be my new home?
Habang naglalakad malapit sa gate ay nabigla ako sa mga pamilyar na mukha na bumungad sa akin.
Mukhang paalis na sila ngunit natigilan din sila nang makita ako.
"Oh, Scarlet," bungad sa akin ni Zail. Kasama niya ang iba pang Deities.
Tanging pagngiti ang nagawa kong ipambati sa kanila. Pumupunta sila rito minsan sa Lunar Academy upang kumuha ng impormasyon at balita.
"Looks like there's still no luck huh," biglaang sambit ni King.
Isang mapait na ngiti ang ipinakita ko rito at umiling. "Y-Yeah. Wala pa ring balita," walang kaemo-emosyong sambit ko.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Cleofa at ang pag-ismid ni Helix.
"That old hag left without telling us huh?" reklamo ni Helix.
Mabilis itong sinaway ni Risca sa sinabi nito.
"But still, we shouldn't lose hope. Babalik kami ulit sa susunod," nakangiting sambit ni King.
Tumango ako sa sinabi niya at nanatiling nakatingin sa kanila habang lumalabas sa gate.
Hindi pa sila tuluyang nakalalayo nang biglang huminto sa paglalakad si Zail at humarap sa akin.
"I just think you should hear this," aniya.
He looked at me sincerely. "It's not your fault, phoenix."
I saw the sadness on his eyes before turning his back on me and continued walking.
Hindi ako nakaimik sa sinabi niya at nanatili akong hindi gumagalaw sa pwesto ko.
Napakagat ako sa ibabang labi ko. Lagi nilang sinasabi na hindi ko kasalanan. Pero alam ko sa sarili kong may pagkukulang ako.
I won't lose someone important to me my ass.
Wala nga akong nagawa noong gabing 'yon at hinayaan kong mawala sa harap ko si Helena.
"Scarlet." Rinig kong sambit ng isang pamilyar na boses.
Lumingon ako sa likod ko kung saan nanggaling ang boses. Sumalubong sa akin si Liev at ang mga one digit codes. Or should I say, members of the Warden Guild.
Pumasok sila sa Solar Academy at sumali sa isang guild doon. Ngunit nandito sila sa Lunar para tumulong pansamantala sa pagkuha ng mga impormasyon tungkol sa mga koneksyon ni Papa sa underground association.
"What's with the face, Scarlet?" sarkastikong sambit ni Viola.
Tanging mapait na pagngiti ang nasagot ko rito na kinaismid niya.
"Woah, this is the first time na hindi sumagot si Scarlet kay Viola," natatawang sambit ni Sky.
Nagsitawanan ang mga kasama namin sa sinabi nito na mas lalong kinasimangot ni Viola. Hindi ko rin napigilan na matawa.
"That's more like it," nakangiting sambit ni Liev nang makitang natawa ako.
"Don't stress yourself, phoenix. Kahit na nakakapag-regenerate ka ay hindi n'on maiiwasan ang mabilis mong pagtanda," muling kumento ni Viola.
Kumurba ang labi ko sa sinabi niya. "Yes, I won't, Viola, thanks for the tip," Nakangising sagot ko na muling kinaismid niya.
"Just call of us if you need us, Scarlet. You know where we are," nakangiting sambit ni Liev.
Pare-pareho silang nagpaalam sa akin at sabay-sabay na umalis. Muli na naman akong naiwan mag-isa.
Napagpasyahan kong bumalik na sa guild. Habang naglalakad pabalik ay nakuha ng pansin ko ang isang lalaki na nakasandal sa isang puno. Tumatama ang sinag ng palubog na araw na sumisilip sa mga dahon ng puno sa mukha niya.
"Oi, oi. Saan ka na naman galing, hood?" bungad sa akin ni Law.
Napabuntong-hininga ako sa sinabi niya. "Masama bang maglakad-lakad, ha?" balik na tanong ko rito.
Napaismid si Law sa sagot ko at umalis sa pagkasasandal sa puno.
"Mind coming with me?" he asked.
Nabigla ako nang nilahad niya ang kamay niya sa akin. Kumurba ang labi ko at hinawakan pabalik ang kamay niya. I don't have a reason to refuse.
"Light!" Law summoned his familiar.
A huge nine headed dragon appeared in the sky. The hydra.
"Para saan 'yan?" giit ko kay Law.
Nagawa ko ng makita ang familiar ni Law sa loob ng isang taon. At alam ko kung gaano manghihina si Law kapag sinummon niya ito.
For pete's sake, his familiar is the hydra.
"Why? Anong problema?" Law said while pouting.
Imbis na sagutin ang tanong ko ay nilagyan lamang ni Law ng takip ang mga mata ko at pinasakay ako sa familiar niya.
"Tsk, para saan 'to?" muli kong giit.
Narinig ko ang pagtawa ni Law habang sumasakay rin ito sa hydra. "Oi, oi. Hindi mo na ba alam ang surprises, hood?" natatawang sagot niya.
Napaismid ako sa sinabi niya. "I freaking know that, Lunatic. My freaking point is, para saan 'to?" muli kong tanong.
Tawa lamang ang sinagot sa akin ni Law at nagsimula ng lumipad ang hydra. Naramdaman ko ang marahang pagyakap niya sa likuran ko at ang paglagay ng baba niya sa balikat ko.
"You'll know it soon."
₪₪₪₪₪₪₪₪
Ilang minuto ang lumipas bago ko naramdaman ang pagbaba ng hydra sa lupa. Inalalayan ako ni Law na bumaba at maglakad.
"Lunatic, saan ba tayo pupunta?" giit ko kay Law. Hindi ko alam kung ano ba ang trip nitong kupal na 'to.
Hindi ako sinagot ni Law bagkus ay nagpatuloy lang kami sa paglalakad.
Bigla na lang kaming huminto sa kung saan at dahan- dahang tinanggal ni Law ang takip sa mga mata ko.
Hindi ko kaagad nagawang imulat ang mga mata ko dahil sa tagal nitong nakasara. Nang malinawagan na 'ko nang kaunti ay natigilan ako sa bumungad sa akin.
"Happy birthday, Scarlet!!!" masiglang bati sa akin ng mga pamilyar na tao.
Nasa isang malawak na garden kami. Nandito ang mga magulang ko, sina Liev, ang mga nakasama namin sa Coders at Deities, at pati na rin ang lahat ng myembro ng Grim Reapers.
"Hindi natin na celebrate last year. Pero ang sabi ng parents mo ay ngayon daw ang birthday mo," nakangiting sambit ni Law.
Hindi ko magawang maka-react sa sinabi niya at sa surpresa sa akin ng mga kasamahan ko.
"Happy Birthday, anak," pagbati sa akin nina Mama at Papa at sinalubong nila 'ko ng isang yakap.
Tila nakalimutan ko ang mga problemang pinapasan ko at gumaan ang pakiramdam ko.
Napuno ang gabi ng kasiyahan dahil sa pagdiriwang ko ng kaarawan. Pero hindi pa rin mawala sa isip ko na mayroong kulang.
"Hood." Rinig kong tawag sa akin ni Law.
Sinenyasan ako nito na sumunod sa kaniya na ginawa ko. Pumunta kami sa isang pwesto kung saan walang tao. A balcony.
Tumabi sa akin si Law at nabigla ako nang hawakan niya ang kamay ko. Sinuotan niya 'ko ng isang silver bracelet na may nakaukit na pangalan ko.
"Happy Birthday, Scarlet." He smiled.
Kumurba ang labi ko sa sinabi niya. "Thank you, Law."
Naramdaman ko ang paghigpit ng pagkahahawak ni Law sa kamay ko.
"I'm sorry... I don't want to ask you yet."
Napunta ang tingin ko sa kaniya at seryoso siyang nakatingin sa langit.
"Alam kong nakakahiya. But will you please wait for me? When everything is already alright..."
"I want to ask you to be mine."
Tila bumagal ang takbo ng oras sa paligid at naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
Kumurba ang labi ko sa isang ngiti at tumango sa sinabi niya.
Habang magkasama kami ni Law ay pareho kaming nabigla nang makarinig kami ng sigawan sa pwesto ng mga Grim Reapers.
Mabilis nitong naagaw ang atensyon namin at agad kaming pumunta sa pwesto nila. Doon namin nakita si Aren na nagbabago ang mga mata.
"W-What happened?!" nag-aalalang sambit ni Law.
"Gumagana na naman ang gift niya," sagot sa amin ni Lemon habang hawak-hawak ang kamay ni Aren.
Just like Elroy's, kakaiba rin ang gift ni Aren. He has the ability to see glimpse of the past and the future—and it's always accurate.
"A-A little girl. A little girl is coming."
Pare-pareho kaming natigilan sa sinabi ni Aren at nagbago ang mga ekspresyon.
Hindi kami nagdalawang isip at sunod-sunod kaming kumilos.
"I'm sorry, could you please look after my brother?" sambit ni Elroy sa mga Deity na kinatango nila.
Lumabas ang mga kasama ko ngunit bago pa 'ko tuluyang sumunod ay naramdaman ko ang paghawak sa akin ni Mama.
"B-Be careful, Scarlet," nag-aalalang sambit nito.
Isang ngiti ang sinagot ko sa kaniya bago ako humalik sa pisngi niya at tumango.
Mabilis akong sumunod sa labas kung nasaan ang mga kasama ko.
"Mufasa!" sambit ni Zeldrick.
"Twerky!" dagdag ni Lemon.
Nagsimulang mag-summon ng mga familiar nila ang mga kasama ko. Hindi rin ako nagpahuli at agad na sinummon si Killer.
Agad kaming umalis sa pinanggalingan namin para bumalik sa lugar na pinangyarihan noong nakaraang taon. Ang dating base namin.
Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko mapigilang kabahan. Hindi pa kami sigurado kung sino ang batang babaeng tinutukoy ni Aren pero hindi ko mapigilang umasa.
Sana siya ang batang babaeng tinutukoy niya...
Hindi nagtagal ay natagpuan namin ang mga sarili namin sa tapat ng dati naming base. Hindi kami nag-aksaya ng oras at mabilis kaming pumunta sa likod nito kung saan huling natagpuan si Helena.
I have high hopes.
That when the moment we reached the end of this hallway, we will see a little girl waiting for us...
Pero sa huli... ay umasa lamang kami sa wala.
Nakarating kami sa likod ng base at agad naming nilibot ang mga tingin namin ngunit wala kaming nakita. Tanging ang sinag ng dalawang buwan ang sumalubong sa amin. Tila nararamdaman ko ang pagbagsak ng mga luha ko.
"Tsk. Katangahan natin. Masyado pa tayong umasa. Wala na si Principal Helena," inis na sambit ni August.
Ngunit alam kong sa kaloob-looban niya ay umasa rin siya.
"Let's just go back," walang kaemo-emosyong sambit ni Gin. He has a cold look on his face—disappointed too.
Nagsimula ng magsibalikan ang mga kasama ko nang mapako ang tingin ko sa isang bagay.
Isang bagay na wala rito noong nakaraang taon.
A cup of tea.
Bago ko magawang magsalita ay tila huminto ang oras. Tumigil sa paggalaw ang mga puno at hindi ko maramdaman ang paghampas ng hangin.
Pare-pareho kaming napatingin sa isang batang babae na kaswal na nakaupo sa itaas ng isang puno.
Walang pinabago ang itsura niya at ganito pa rin ang suot niya no'ng gabing iyon.
"Tsk. Tsk. Tsk. Hindi ko inakala na isang taon ko pa ulit magagamit ang kapangyarihan ko sa oras na pumunta ako ng masyadong malayo sa hinaharap," nakangising bungad sa amin ni Helena.
Nagsimula ng magsituluan ang mga luha ko at hindi ko maikukumpara ang saya na nararamdaman ko ngayon.
"I-I thought you left us," naiiyak na sambit ko.
Muling kumurba ang labi ni Helena sa sinabi at naging reaksyon ko.
"How can I leave my precious students behind?"
-END-
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top