🎄CHRISTMAS SPECIAL CHAPTER🎄 PART 1

Scarlet

Malalim akong napasinghap habang yakap-yakap ang sarili ko. Kahit nakailang patong na ako ng damit at nasa loob kami ng kalesa ay nanginginig pa rin ako sa lamig.

Kada paghinga namin ay may usok na lumalabas. Bwisit...


"Oi, oi. Ano ba ang ginagawa natin?"


Nabasag ang katahimikan sa loob ng kalesa nang magsalita ang lalaking katabi ko. Tila napuno na si Law at bakas sa mukha ang inis. Kapwa ko ay yakap-yakap niya rin ang sarili niya.

"For fucking pete's sake! Tonight is Christmas eve and we're still going out for a fucking mission?!"

Umalingawngaw ang boses niya sa kalesa. Walang nagawang makasagot sa kaniya dahil lahat kami ay walang lakas dahil sa lamig.

We're on a town called, Yumaki. A town where its always snowing.


Today is December 24, tonight is Christmas eve. Pero kagaya ng sinabi ni Law, walang pasko-pasko sa amin. Kailangan naming pumunta rito para sa isang mission.

Isang tawa ang sinagot ni Lemon kay Law. Sa aming lahat ay siya lang ang normal ang pananamit dahil hindi siya tinatablan ng lamig. Bagkus ay kumakain pa siya ng ice cream.

Next to her is Elroy. Of course, freaking playing with his video games while Chelsea is sitting in his lap. Katabi niya ay si Aren na tulog at ang partner nito, si Mia, na kapwa niya ay tulog din. They're our rookies this year.

Sa kabilang banda ay katabi ko sa kabilang gilid si Zeldrick at August. 


Bago na ang pinagkakaabalahan ng kupal na si Zeldrick ngayon. Nung mga nakaraang araw ay nangongolekta siya ng mga lighter.

Hindi maipinta ang mukha ko habang tinitignan siyang naglalaro ng metal lighter.


"Idiot." Rinig kong bulong ni August na sadya niyang iparanig sa lalaking katabi niya.

Natigilan sa paglalaro si Zeldrick at iritadong humarap sa ka-partner niya. "What did you just said?"

"I said that you're a freaking stupid idiot, moron."


Napabuntong-hininga na lamang ako nang nagsimula nanaman silang mag-away. Badtrip, bakit kasi rito pa sila sa tabi ko.

Nalipat ang atensyon ko nang biglang bumukas ang maliit na bintana sa pagitan namin at sa harap ng kalesa. Kung nasaan nakapwesto ang kutsero at si Gin.

"Yosh! Kumusta kayo riyan?"

Nakasimangot akong nakatingin sa kaniya habang inililibot niya ang tingin niya sa loob. Sa aming lahat ay siya ang pinakamasigla at maayos ang pwesto sa harapan. 

Napakadaya... bakit ako nandito sa likod?

"Oi, oi. Gin naman! Hindi ba pwedeng ibang araw itong mission?!" Muling giit ni Law.


Kumunot ang noo ko nang makitang tumatawa ulit si Lemon. Kung kanina ay ice cream ang kinakain niya ay isang cupcake naman ngayon.

"Law is mad because he can't take Scarlet to a date!" Natatawang sambit niya.

I saw Law blush before looking at the opposite direction. "U-Ulol."


Natatawa kaming tinignan ni Gin. "Wala tayong choice, galing sa Principal ang mission na ito. Our client is an old friend of hers. Malaki ang utang na loob ni Helena sa kaniya kaya hindi natin ito pwedeng tanggihan."

"Para saan po ba ang mission?" Biglaang tanong ni Aren na gising na.


Pare-parehong nakuha ng tanong niya ang atensyon namin. 

August and Zeldrick stopped fighting, Elroy paused his game, and Lemon looked at Gin's direction.

Our guild's master's expression changed. Tila nagkaroon ng tensyon sa loob ng kalesa.


"We're here... because our client said that there are sightings of..."


"Bigfoot."


Nagkaroon ng sandaling katahimikan. Nagkatinginan kami ng mga kasama ko na kapwa ko ay hindi rin maproseso ng mga utak ang narinig.

Napaawang ang bibig ng mga rookies namin. Para bang nagising ang diwa ni Mimi sa narinig.


"B-Bigfoot?"


Ilang segundo ang tumagal bago nagsimulang magsitawanan ang mga kasama ko. Napailing na lamang ako sa naging reaksyon nila.


"Oi, oi. Seryoso ka ba riyan Gin?" Natatawang kumento ni Law.

"Bigfoot is just a legend. Aning na ata ung kliyente natin." Dagdag ni Zeldrick.


Natigilan sa pagtawa si Zeldrick nang isubo ni August sa kaniya ang hawak-hawak niyang lighter.

"And so are manticores, idiot. Saan mo ba ginagamit yang utak mo, Zel?"

Napaismid ang lalaking katabi ko bago gayahin ang pananalita ng ka-partner niya.


"I don't know all the details. Ang sinabi lang sa akin ay may laging nagpapadala ng death threats sa bahay ng kliyente natin." Muling sambit ni Gin.

My forehead furrowed and my mouth fell open. "Wth? Sinasabi mo bang sa tingin nila, si bigfoot ang nagpapadala ng mga death threats?" Marahang tanong ko.


That's freaking impossible! Kung totoo man si bigfoot ay bakit naman ito magpapadala ng death threats sa kung sino?


"Told ya, I don't know all the details. Malalaman din natin ang lahat pagdating natin doon."


Napasinghap na lamang ako sa sinabi ni Gin. Wala akong magagawa kung iyon ang sabi ng guild's master namin.

Naramdaman ko ang pagpasok ng isang kamay sa loob ng bulsa ng jacket ko. Pasimple nitong hinawakan ang kamay ko sa loob.

Sumulyap ako kay Law na para bang wala siyang alam sa ginagawa niya. Nagmamaang-maangan itong humarap sa akin.


"Oi, oi. What?"


Malalim akong napabuntong hininga at hinayaan na lang siya. Mukhang matagal pa ang byahe namin at mabuti na ring mainitan ang kamay ko.

---

Ilang minuto rin ang tinagal bago namin maramdaman ang paghinto ng kalesa. Sunod-sunod kaming napababa at sumalubong sa amin ang malamig na paghampas ng hangin.

Mahigpit akong napayakap sa sarili ko. Damn, I want to use my gift so bad. Pero binalaan kami ni Gin na bawal naming gamitin ang mga gift namin sa harap ng ibang tao rito.


Nang tuluyan kaming nakalabas sa kalesa ay bumungad sa amin ang isang cabin sa gitna ng nagyeyelong bayan na ito. Napapalibutan ito ng mga bundok at pine trees sa gitna ng snow.


"Angas ah, live dangerously." Natatawang sambit ni Zeldrick.


Matapos magbayad ni Gin sa kutsero ay nauna siyang pumunta sa harapan ng cabin. Hindi rin kami tumunganga roon at agad namin siyang sinundan.

"Ehem, excuse me? Miss Cora? Nandito na po kami!"

Kumatok ng ilang beses ang guild's master namin. Hindi nagtagal ay kusang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang hindi katandaang babae.

"O-O-Oh! G-Gin!"


Napaawang ang bibig ko sa bati niya. Pero ang laki ng ipinagtaka ko nang makitang hindi man lang nag-alinlangan ang mga kasama ko na lumapit sa kaniya.


"Wah! Cora! Ang tanda mo na!" Natatawang sambit ni Zeldrick. Umapir ito sa kliyente namin at casual na pumasok sa loob.

"Hello po, tita." Pagbati ni August. Nag-bless muna ito bago pumasok sa loob.

"Wah! Cora! It's good to see you!" Masiglang bungad ni Lemon. May hawak-hawak itong box ng cake at mahigpit na niyakap ang babaeng kaharap bago sumunod sa loob.

"Yo." Elroy bowed and also went inside.

"Oi, oi. It's nice to see you." Salubong ng lalaking katabi ko. 


Hinawakan ni Law ang kamay ko at hinila niya ako papalapit sa kaniya. Hindi kaagad ako nakasagot nang magtama ang mga tingin namin ng kliyente namin.


"A-Ah! Hello po!"


Isang ngiti ang ipinakita sa akin ng kliyente naming nangangalang Cora.

"H-H-Hi! T-Tuloy kayo!" 

Inilahad niya ang kamay niya at pinapasok kami sa loob. Kasama kong pumasok sina Law, Aren, at Mimi.


Ordinaryong cabin ang bumungad sa amin. To be honest, it looks like a usual bahay bakasyunan. The place is really huge inside and there are different halls and plenty of rooms.

Nang makapasok kami sa loob ay pinaupo kami ni Miss Cora sa sofa sa salas. Hindi rin nagtagal ay may pumasok na lalaking mukhang kaedaran niya lang din. Mukhang ito ang asawa niya.


"Maraming salamat sa pagpunta. Pasensya na kung ngayon pa namin kayo pinapunta rito." Pangunguna ng matandang lalaki sa amin.

Nakangiting umiling si Gin. "No. Hindi naman kayo stranghero ni Miss Cora. Naging parte ng academy ang asawa niyo."


Nakuha ng sinabi ni Gin ang atensyon ko at tumaas ang dalawa kong kilay. 

No wonder why they're so familiar with Miss Cora. Naging parte pala siya ng academy.


"M-M-Maraming sa-salamat t-talaga. S-Sana matulungan n-n-ninyo kami."

Umalis sa pagkakasandal sa upuan si Law. "But still, sigurado ba kayo sa nakita niyo? Are you really sure that you saw... bigfoot?" Pagsingit niya.


Nagkatinginan ang mag-asawa at malalim na napasinghap. Natigilan kami nang maglabas ng isang papel si Miss Cora at iniabot sa amin.

May nakasulat dito gamit ang isang pulang tinta.


"Ilang araw na kaming nakakatanggap ng ganiyan. Nakita namin 'yan sa harap ng pintuan. Tapos may isang malaking nilalang na puno ng buhok ang naglalakad sa hindi kalayuan."

Pare-pareho kaming napatingin sa nakasulat. Tila nagkaroon ng sandaling katahimikan at napaawang ang bibig ko.


'Yoh goh two bert DIE'


I heard Law chuckled.


"Looks like bigfoot is freaking stupid."


•••


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top