8. The Phoenix
Grim... reapers?
Kasunod ng ilang segundong katahimikan ay napuno ang paligid ng kumento ng mga estudyante.
"G-Grim Reapers?! Seryoso?!"
"S-So, ibig sabihin isa siya sa mga elite students?!"
"No way! Iyang babaeng 'yan?!"
"Ang swerte naman niya! Kasama niya sina Miss August!"
Katulad nila ay hindi rin ako makapaniwala sa nangyari. Akala ko ba ay kulay lang ang magbabago sa lawa? Bakit naging dugo ang tubig nito?
"Oh? A new member huh?"
Halos mabingi ako sa biglaang pagtili ng mga babaeng estudyante. Lahat ng atensyon nila ay napunta sa lalaking bagong dating.
A guy with a grey hair and dark brown eyes. He looks elegant in his blue shirt and denim jeans. Has a light expression... but still—he looks easy to talk to but as if there is something hiding in his eyes.
Now that I'm looking at him, he has a different aura compared to others... but I didn't even noticed his presence.
"Gin! Kailan ka pa nakabalik?" sambit ni Helena sa lalaki.
"Kababalik ko lang galing sa misyon," sagot niya.
Napunta ang tingin sa akin ng lalaking nangangalang Gin.
"Who is she?"
"She's the new student. Also, a new member of your guild," sagot ni Helena.
Ngumiti sa akin ang lalaking nangangalang Gin at nilahad niya sa akin ang kamay niya.
"Eh? A new member, huh? I'm Gin. The Guild's Master," pagpapakilala niya.
Kahit hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangayayari at medyo nagdadalawang isip, nagawa kong kamayan ang lalaking kaharap ko.
Bakit gano'n ang mga reaksyon nila? Big deal ba talaga ang napasukan ko?
"Ha?! 'Wag mong sabihin tatanggapin mo siya, Gin?!" Rinig kong reklamo ng isang lalaki.
Napunta ang mga tingin namin sa lalaking papalapit. Nakakunot ang noo nito at bakas sa mukha ang pagkainis. He's the guy from yesterday.
"Oh, Zeldrick. Hindi mo man lang ba 'ko iwe-welcome? Kababalik ko lang," nakangiting sambit sa kaniya ni Gin.
"Oh please! Come on Gin! Hindi nga natin alam kung saan galing 'yang babaeng 'yan. Sa tingin mo pa nababagay siya sa guild natin?" giit n'ong lalaking nangangalang Zeldrick.
Nilapitan ni August si Zeldrick upang pakalmahin ito. Pati si Lemon ay lumapit na rin sa amin.
"Ang Sacred Lake na ang nagsabi. Ibig sabihin lang n'on ay may potential siyang maging myembro," pagpapaliwanag ni August.
Hindi nakumbinse si Zeldrick at nagpatuloy lang ito sa pagmamaktol.
Ano ba ang problema niya? Hindi pa rin ba siya maka-move on sa nangyari kahapon?
"Why don't test her then?" biglaang sambit ni Helena.
Nakuha ang mga atensyon namin ng sinabi ng babaeng nanonood sa amin.
"Ikaw na mismo ang humusga sa kakayahan niya," dagdag niya.
Kumurba ang isang ngisi sa labi ni Zeldrick sa narinig. As if this is what he's planning from the start.
"Very well, Principal Helena. Iyan ang gusto kong marinig."
₪₪₪₪₪₪₪₪
Hindi ko alam kung bakit umabot ako sa puntong ito. Nasa open grounds kami ni Zeldrick at pinalilibutan kami ng mga estudyante. Nandito rin sina August, Gin, Lemon, at Helena.
Sinubukang pigilan nina August at Lemon si Zeldrick habang wala namang paki si Gin. Pero sa huli ay nanaig ang katigasan ng ulo nito.
Wala namang problema sa akin kung gusto niya 'kong labanan. Lalo na't alam ko naman na ang gift niya.
Ang sa akin lang ay bakit pa kailangang may manood? Lalo na si Helena! Sinisigurado niya bang wala akong mapapatay sa mga estudyante niya? Tsk.
"Hindi kita basta-basta tatanggapin sa guild, apple head. 'Wag sanang lumaki ang ulo mo porke iba ang trato sa'yo ng Principal," sambit ng lalaking nasa harap ko.
Napaismid na lamang ako sa sinabi niya. Kung alam niya lang ang totoong dahilan kung bakit gano'n ang trato sa akin ni Helena.
"No hard feelings, pero pumapatol ako sa babae."
Naging alerto ako sa sinabi ng lalaking kaharap ko. His eyes turned grey and all the metals in the surroundings started moving.
Hindi katulad kahapon ay hindi hamak mas marami ang mga nagsigalawan ngayon. Different kinds of metals started to gather around him.
I was caught off guard by his next action. Hindi ako makapaniwala sa sumunod na ginawa niya. He took some bullets in his pocket and pointed it at me.
Wow, he can also do that?!
"It's such a shame na rito pa lang mamatay ka na."
Pagtapos niyang sabihin 'yon ay sunod-sunod na lumipad papunta sa akin ang mga metal na pinagalaw niya. Pati na rin ang mga bala na tinutok niya sa akin.
He gave it all on his first shot.
He's not holding back, huh?
I felt my eyes changed before one of them hits me.
Kumurba ang ngisi sa labi ni Zeldrick na agad ding napalitan ng pagkabigla.
"W-What the f-"
Pare-pareho silang nabigla sa nangyari. Lemon was so surprised and excited at the same time. Si August naman ay kapwa ni Zeldrick na hindi makapaniwala. Habang si Helena at Gin ay kumurba ang mga labi.
Using my flames, all the holes in my body started closing. Walang patak ng dugo ang nanggaling sa akin.
Zeldrick was frozen in his place. Kahit na rin ang mga estudyanteng nanonood.
Kinuha ko na ang chansang iyon. I spread my wings and flew towards Zeldrick. Using my human legs, I kicked him hard as I could. With the force of my phoenix wings and the momentum of my speed, my kick was pretty strong.
Huli na nang matauhan si Zeldrick at tumilapon na agad ito sa gilid. Sumunod sa kaniya ang lahat ng tingin ng mga estudyante.
"Your gift might be useful and powerful as hell. But it's useless against me," seryosong sambit ko.
Napuno ng katahimikan ang paligid at wala man lang isa sa kanila ang makapag-react sa bilis ng mga pangyayari. Parang walang nangyari para sa akin at kaswal akong naglakad paalis sa gitna. Lumapit ako kina Lemon na sinalubong ako ng mahigpit na yakap.
"That was so cool Scarlet!!!" bati niya sa akin.
Muli akong nilahadan ng kamay ni Gin. "I guess that settles it. Welcome to the Guild. You're now a Grim Reaper."
Kumurba ang labi ko sa sinabi niya at kinamayan siya pabalik.
"I'm looking forward to work with you."
Hindi pa rin makapaniwala ang mga estudyante sa mga nangyari habang nilapitan kaagad ni August si Zeldrick.
Sa kabila n'on ay may hinahanap ako sa mga nandito. Pero katulad nang huli naming pagkikita ay nawala na siya bago ko pa man din siya makausap.
Hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ang binabalak sa akin ni Helena. Kung bakit niya ginagawa sa akin ito at para saan.
₪₪₪₪₪₪₪₪
Dinala ako nina Lemon sa guild namin. Hindi ito gaanong kalakihan kumpara sa pagkakaalam ko. It looks like an open quild. It doesn't have fancy pillars, fountains, nor any kinds of designs. Just a normal looking guild.
Pagpasok namin ay sumalubong sa amin ang isa pang lalaki na naglalaro ng video games. He has a brown hair with dark roots and he's wearing a blue hoodie.
"Elroy, bakit wala ka kanina?!" sambit ni Lemon. Napamewang siya habang magkasalubong ang kilay, na para bang nanay na pinapagalitan ang anak.
Walang gana siyang tinapunan ng tingin ng lalaking nangangalang Elroy bago ito bumalik sa paglalaro—parang wala siyang narinig.
"Yosh! Attention! May bago tayong member!" bungad ni Gin.
Kahit mukhang walang may gana na makinig, ay sunod-sunod pumunta sa harap namin ang mga myembro ng guild.
"Magpakilala na kayo," sambit ni Gin.
Naunang lumapit si Lemon. Humakbang siya ng isa para magpakilala.
"Bonjour! Well, you already know me. But again, I'm Lemon! I may not look like it but I'm already a senior!! 3 years na 'kong nandito!! Welcome sa guild!!" sambit niya.
Sumunod 'yong lalaking naabutan naming naglalaro dito.
"Yo, Elroy, senior, 3 years, welcome," walang ganang sambit niya bago bumalik sa paglalaro.
Next was August, na bakas din sa mukha na hindi nito gustong nandito ako.
"August. I'm also a senior. It's my first year though. Good luck kung tatagal ka rito," sambit niya. Agad niya 'kong tinalikuran at naunang umalis sa harapan namin.
Ang pinakahuli ay ang lalaking may dala-dalang yelo na nilalagay niya sa noo.
"Tsk, Zeldrick. Also a senior, kasabay ni August. You won't last long here, apple head," pagpapakilala nito sabay talikod sa amin at upo sa isa sa mga lamesa.
After introducing themselves for 5 seconds, other than Lemon, everyone went back to what they're doing.
"Hays, masasanay ka rin. So what's your name?" tanong ni Gin.
"Scarlet."
"Well then Scarlet, this is your new home."
Pinagmasdan ko mabuti ang guild. Walang gaanong espesyal dito at normal lang ito katulad ng iba... maliban lang sa mga members.
"Tayo lang ang members?" tanong ko. Kahit na mas maliit ito nang kaunti sa mga ordinaryong guild ay malaki pa rin ito masyado para sa amin lang.
Napakamot sa ulo niya si Gin.
"Well, bihira lang naman kasi na merong makapasok dito. Kaya nga imbis na by team ang pagkuha ng missions, by partner namin sila ginagawa," sagot niya.
Tinuro ni Gin si Zeldrick at August. "Those two."
Tapos ay si Lemon at Elroy. "And these two."
Nakuha ng atensyon ko ang sinabi niya. "So, ikaw ang partner ko?" tanong ko.
Natawa si Gin sa sinabi ko sabay iling.
"Nope, I'm good. Wala pa sa guild 'yong partner mo eh. Pero pabalik na rin 'yon."
Tila nagsitigilan sa mga ginagawa ang mga myembro ng guild. Pati na rin si Zeldrick ay napalingon kaagad. Everyone's expression changed in an instant.
"What the fuck, Gin?! Seryoso ka? Iyan talaga ipa-partner mo?" giit ni Zeldrick.
Hindi ito pinansin ni Gin, bagkus ay napangiti lang ito.
"You'll meet him soon," aniya.
"One of the best and worst Grim Reaper, Law Amano."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top