6. The New Student

Nasa amin ang lahat ng atensyon ng mga estudyante. Lahat sila ay hinintay ang mga susunod na mangyayari na para bang nanonood lang ng palabas.

Kahit nakararamdam ng kaba, hindi ako nagpatinag sa sinabi ng lalaking kaharap ko at taas noo akong humarap dito.

"It's perfect for me then," sagot ko.

Mas lalong bumakas ang pagkairita sa mukha ng lalaking kaharap ko. "Hindi ka ata nakaiintindi eh. Sige ipaiintindi ko sa'yo."

Naging alerto ako sa sinabi niya. My instincts took over my body and I readied myself when his eyes turned grey.

Wait.... It's not grey! His fucking eyes turned metal!

"Sabi ko kasi sa'yo umuwi ka na."

Bigla na lamang nagsilutangan ang lahat ng bagay na metal. Namimilog ang mga mata ko habang nakatingin sa mga lumulutang na metal at bakal. Pens, railings, and even blades!

Anong... klaseng gift 'yon?

"Siguro kailangan ko munang ipakita sa'yo kung anong klaseng eskwelahan 'to."

Napalunok ako nang malalim. Hinanda ko na ang sarili ko para sa atake niya.

Nang nagsimula ng lumipad papunta sa akin ang mga pinalutang niya ay bigla na lamang may babaeng sumulpot sa harapan ko. I gasped when she suddenly appeared.

A girl with a chestnut hair, wearing a blue uniform. Ang mga bagay na lumipad papunta sa akin ay bigla na lamang tumilapon sa kabilang dereksyon.

Unti-unting napaawang ang bibig ko. She repelled it!

"What the fuck are you doing, August?!" sambit ng lalaking kaharap namin. Inis niyang tinignan ang babae.

"Stop it, Zel. She's Principal Helena's guest," sagot ng babae.

Natigilan ang lalaking kaharap namin sa sinabi nito. Kahit ako rin ay nabigla. Helena knows I'm here.

"What the heck-"

Hindi pinansin ng babaeng nangangalang August ang lalaking nasa harap namin at tinalikuran niya ito.

Nang humarap siya sa akin ay mas lalo kong nakita ang mukha niya. Her eyes were white. Pero bumalik din ito kaagad sa pagiging brown. She has two piercings in her inner lobe.

She has a fierce look, eyes like a cat. She's slightly taller than me. Dahilan kung bakit mababa ang tingin niya sa 'kin.

"Follow me," maikling sambit niya.

Hindi ako nagkaroon ng chansang magsalita nang nauna siyang maglakad sa akin. Wala akong nagawa kung hindi sundan siya.

Naiwang tulala ang mga estudyante na nanonood sa amin sa biglaang pagdating ni August.

Sino... ba siya?

Naunang naglakad si August habang nakasunod ako. Tahimik lamang ito hanggang makapasok kami sa loob ng kastilyo. The atmosphere didn't change from the outside.

Kahit ang gagara ng mga kagamitan at maliwanag ang paligid, mabigat pa rin ang pakiramdam ko. Rather than an academy, it feels like I'm in a prison... and all of the students here are criminals.

"I know why you're here. Sinabi sa akin ni Principal Helena," pangunguna ni August.

Natigilan ako sa sinabi niya. Sinabi... sa kaniya ni Helena? Kung gano'n-

"She said that you saved her life on her way here. Bilang pasasalamat ay pinapasok ka niya sa eskwelahan na 'to," dagdag niya.

My eyes slowly widened and my mouth fell open. I looked at her, dumbfounded.

Sinabi iyon... ni Helena? What is she planning? Bakit hindi niya sinabi ang totoo? Ito na ang chansa niyang patayin ako.

"A-Ah, sinabi niya na pala sa'yo-"

"As if I'll believe that crap."

Natigilan ako sa paghakbang. Natahimik ako sa biglaang sagot ni August.

Nagsisimula na 'kong pagpawisan dahil sa kaba. Tutal malalaki naman ang bintana rito, kung hindi umayon ang lahat sa plano ay lilipad na lang ako papalayo.

"Principal Helena is not that kind of person who gets help from others," walang kaemo-emosyong sambit ni August. "Hindi ko alam kung bakit niya kailangang magsinungaling sa akin."

Naalerto ako nang humarap siya sa akin. I almost changed my eyes. She looked at me with her cold eyes.

"But I trust her. Hindi ko alam kung sino ka at bakit ka nandito. Pero dahil sa kagustuhan niya ay hindi ko na 'yon aalamin pa."

I stepped back when she stepped forward. With a serious expression and cold eyes, she said those words... full of warning and—threat.

"But let me tell you... all of us here might be heartless killers, but all of us think highly and respect Principal Helena."

"Mess with her... and we'll not think twice to kill you."

Pagtapos niya sabihin 'yon ay muli niya 'kong tinalikuran at nagsimula ulit siyang maglakad. Habang naiwan akong tulala sa mga sinabi niya, parang pinigilan ko ang sarili kong makahinga. Tumagal rin ng ilang segundo bago ako matauhan at sundan siya.

Mariin ang pagkakakagat ko sa ibabang labi.

Crap. I really felt intimidated.

Ano ba ang maganda ro'n kay Helena? Ganito ba nirerespeto ng mga estudyante ang Principal nila?

Tsk. I guess I can't take the queen's head that easily.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang huminto si August sa tapat ng isang pintuan.

"Pagtyagaan mo muna 'yan sa ngayon. Tutal naman bihira mo lang din 'yan magagamit."

Nang bumukas ang pintuan ay bumungad sa akin ang isang maliit na kwarto.

"You still haven't summoned your familar yet, right? Hm, the classes for rookies were already over. Kaya pag-aralan mo na lang ang pag-summon mo sa familiar mo kapag nakasali ka na sa guild," muling sambit niya.

Nakuha ng sinabi niya ang atensyon ko.

"Ano ba ang mga guild na pagpipilian ko?" tanong ko.

Tinignan niya 'ko na para bang may sinabi akong mali. Kasunod n'on ay ang pagkurba ng labi niya.

"Oh, we don't pick guilds here."

Iyon ang sinagot niya sa akin bago ako talikuran. Nagsimula na rin siyang maglakad papalayo.

"The guild picks us."

Tuluyan na siyang nawala sa paningin ko.

Kahit naguguluhan ako sa huling sinabi ni August ay napagpasyahan ko ring pumasok sa loob ng kwarto. Isang maliit na kama at aparador na may mga unipormeng laman lamang ang laman nito. Katabi ng kama ay isang bintana na tanaw na tanaw ang kabuoan ng Academy.

So, rito muna ako sa ngayon huh?

Kailangan ko ng lumakas kaagad at magawa ang trabaho ko. Mas mabilis ko itong matapos ay mas mabilis kong maiaalis sina Liev sa lugar na 'yon.

Napahawak ako bigla sa tyan ko nang marinig kong tumunog ito. Wala pa pala akong kinakain mula kagabi.

Paano ba naman kasi ako magkakaroon ng gana sa mga nangyayari ngayon?

"Gusto mo kumain?"

I was startled when someone talked. Tumaas ang lahat ng balahibo ko nang may marinig akong nagsalita sa kwarto. Inilibot ko ang tingin ko sa buong kwarto pero tanging ako lamang ang nasa silid.

Guni-guni ko... lang ba 'yon?

"Dito."

Muli akong kinilabutan nang may nagsalita na naman. Pero kahit saan ako tumingin ay wala talagang tao rito maliban sa akin.

"Hays, dito sa baba."

Natauhan ako sa sinabi nito. Tumingin ako sa baba at bumungad sa akin ang isang puting pusa. A white cat with an orange collar and orange eyes.

"Bonjour!" sambit ng pusa.

Napaatras ako ng nagsalita ito, namimilog ang mga mata. Iyong pusa!

"Eh, you also have powers yourself. Bakit ganiyan ang reaksyon mo sa akin?" giit niya.

Natigilan ako sa sinabi niya. Isa siyang gifted?

"I-Isa kang takeover type na gifted?" hindi makapaniwalang tanong ko. Baka katulad ko rin siya na takeover ang gift.

Umiling ito sa akin at tumalon sa kama ko.

"Nope! I'm Lemon Kievah Charlotte, and I inherited, Artemis, Goddess of hunt's gift!" masiglang sambit nito sa akin.

"I can control any animals that I touched! I can control their senses, body, and I can even make them speak!"

Napahanga ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala na marami pa lang maangas at malakas na gift.

Mula sa nakaharap ko kaninang lalaki, kay August, at sa babaeng nagsasalita ngayon na nangangalang Lemon.

Ibang-iba sila sa mga gifted na nakaharap ko, pati na rin sa mga gift ng mga bata sa base. Maikukumpara ko ang mga gift nila sa mga one digit codes.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Halo-halong takot, kaba, at excitement.

Hindi ko mapigilang kabahan lalo na't sila ang makakalaban ko sa oras na piliin kong tapusin si Helena.

At the same time, hindi ko mapigilang ma-excite. Lumalabas lamang ako sa base para sa trabaho at bihira lang ako makaharap ng isang gifted.

All this time, ang nasa isip ko lang ay sobrang lakas na namin. Kaming mga one digit codes. Pero no'ng nakaharap ko sila, natauhan ako na hindi gano'n kaespesyal ang gift ko rito. At kahit na sabihing nasisiraan na 'ko, gusto ko pang makita ang iba.

Kahit na alam ko na darating ang araw na kalalabanin ko rin sila, I want to know their powers.

Gusto kong makita kung ano ba ang totoong kakayahan ng isang gifted galing sa Academy.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top