58. The Principal
Walang nagawang makagalaw sa aming lahat. Tila parang bumagal ang takbo ng oras nang bumagsak si Elroy at may nakatarak na palaso sa dibdib nito.
Hindi namin pinansin ang mga gifted na sumusugod sa amin. Bagkus ay napunta ang lahat ng atensyon namin kay Elroy.
"H-Hoy! Fuck!" sambit ni Zeldrick nang matauhan ito. Madali siyang lumapit kay Elroy at kay Lemon.
"Jerk, wake up! Bubugbugin pa kita sa ginawa mo!" giit ni Zeldrick.
Nanlumo na lamang ako nang hindi ko makitang humihinga si Elroy. Kahit pa trinaydor niya kami at isa siyang code ay hindi ko kayang magawang magalit sa kaniya.
I'm also a traitor and I'm also a code.
But just like what Gin said.... He's still one of us.
Hindi man lang makapaglabas ng emosyon ang naging partner ni Elroy sa loob ng tatlong taon. Hindi magamit ni Lemon ang gift niya at hindi niya man lang mahawakan ang partner niya. Tanging paglapit lamang ang nagawa ng puting pusa sa lalaking wala ng buhay.
"Y-You bastard!" inis na sambit ni Law habang nakatingin sa gifted na nagpatama ng palaso.
Muli na dapat kaming susugurin ng mga kalaban nang pare-pareho silang natigilan. Hindi lamang sila kung hindi pati na rin kami.
Time stopped.
Huminto ang lahat sa paggalaw at walang makagawa ng kahit anong tunog. Ang tanging naririnig lang namin ay ang mga yapak ng isang tao sa pasilyo at papasok sa silid na kung saan kami.
Bumungad sa amin ang taong nasa kabila ng pagtigil ng oras. A little girl with a blonde hair. Holding a cup of tea.
The Principal is here.
Walang kaemo-emosyon itong pinagmasdan ang paligid. Tila napako ang tingin niya sa gurong trumaydor sa amin.
"Tsk. Tsk. Tsk," walang ganang sambit ni Helena.
Mababa ang tingin niya kay Sir Cael—para bang inaasahan na niya ang lahat ng 'to.
"Dumating na pala ang araw na tatraydurin mo ako, Cael?" walang kaemo-emosyong sambit ni Helena.
Nalipat ang tingin niya sa aming mga Grim Reapers. Specially at Elroy.
"Dinamay niyo pa ang mga estudyante ko. Walang hiya," kalmado ngunit ma-awtoridad na sambit ni Helena.
With just a snap of her fingers, everything started to move on their own. Nabigla kami nang mag-isang gumalaw ang mga katawan namin.
Binalik ni Helena ang oras...
Huminto ito sa oras na malapit ng tamaan ng isang palaso si Elroy.
Tahimik na pumunta sa pwesto namin si Helena para kunin ang palaso bago pa ito tumama kay Elroy.
"Y-You don't have to do it. P-Principal," nahihirapang sambit ni Elroy na kapwa ko ay hindi rin makagalaw.
"Imbecile," maiksing sagot ni Helena. Hindi niya sinasalo ang mga nangungusap na tingin ng lalaking kaharap niya, ang tingin niya ay nasa palaso.
"Nakita ko na kung nasaan si Aren. Ano sa tingin mo ang mukhang maihaharap ko sa kaniya kapag namatay ka," dagdag niya.
Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon ni Elroy sa sinabi niya. The same reaction he had when Gin survived his stab.
Umalingawngaw ang malakas na tawa ni Sir Cael sa silid. Kahit hindi nito nagagawang makagalaw ay may lakas ng loob pa rin itong tumawa.
"I-Iyan ang kahinaan mo, Helena. Masyado ka ng nagpadala sa mga estudyante mo kahit mga peste sila," aniya.
"Alam kong alam mong isang peste 'yang batang 'yan. Pero pinili mo pa ring manatili 'yan sa puder mo sa loob ng tatlong taon. Isa kang tanga," dagdag niya.
Na kay Elroy ang tingin niya at nakakurba ang labi.
Walang kaemo-emosyong tumingin sa kaniya si Helena at baliwalang binali ang palaso gamit ang isang kamay.
"Ikaw ang tanga, Cael." The Principal gave him a cold look. "Ikaw nga, hinayaan kong manatili sa puder ko kahit alam kong peste ka."
"Halos kriminal lahat ng mga estudyante ko bago sila pumasok sa paaralan ko. Wala ng bago sa akin ang mga batang katulad niya," pagtatanggol niya kay Elroy.
Napunta ang tingin ko kay Elroy na nagpipigil ng luha ngayon. Katulad ko ay sigurado akong ginamit lang din siya ni Papa. Pero hindi niya nagawang manlaban at nanatili siyang naging sunod-sunuran dito.
Dahan-dahang naglakad si Helena papalapit sa entablado kung nasaan sina Sir Cael at Papa. Sa kabila ng tangkad niya at taas ng entablado, parang siya ang nasa itaas ngayon at nakatingin sa ibaba.
"Maling tao ang kinalaban niyo," pagbabanta ni Helena.
With just those words, the tension filled the room. It's suffocating—intimadating... and the fact that it all came from a small girl.
Napaismid sa sinabi nito si Sir Cael at hindi nagawang makasagot. Sa kabilang banda ay may lakas pa ng loob si Papa na pagsalitaan si Helena.
"Bakit mo ba ito ginagawa, Helena? Kung pumanig ka sa amin ay ikaw ang magiging pinakamakapangyarihan," biglaang sambit ni Papa.
Napunta sa kaniya ang tingin at atensyon ni Helena.
"Hindi mo kailangang maging sunod-sunuran sa mga Portugal. Hindi hamak na mas malakas ka sa kanila," nakangising dagdag niya.
Nag-init ang ulo ko sa sinabi niya. Ang lakas ng loob niyang magsabi pa ng ganiyan kahit nasa ganitong posisyon na siya.
"Oo nga, Helena. Sigurado akong nagsasawa ka na rin sa mga Portugal. Isang siglo mo na silang pinagsisilbihan," pagsingit ni Sir Cael.
"Sumama ka sa amin at babawiin natin ang kalayaan mong kinuha sa'yo ng mga Portugal," dagdag nito.
Hindi kaagad nakasagot si Helena sa mga sinabi nila. Bumigat ang pakiramdam ko sa naging reaksyon niya.
Alam kong hindi gano'ng klaseng tao si Helena na magpapauto sa mga mabubulaklak na salita. Pero hindi ko mapigilang kabahan dahil hindi hamak na katotoohanan ang mga sinabi nina Papa at Sir Cael.
Isang daang taon ng naninilbihan at nanatiling nasa tabi ng mga Portugal si Helena. Ngunit wala na ang dalawang unang Portugal na nakilala niya at nakasama niya. Wala na siyang matibay na koneksyon sa amin at wala na siyang dahilan para pa manatiling nasa tabi namin.
"Patay na si Evan at Scarlet Portugal, Helena. Hindi mo na kailangang manatili pa sa tabi ng mga Portugal. Wala ka ng dahilan para pa ipagtanggol sila," nakangising sambit ni Papa.
Sobrang bilis ang naging paghinga ko nang nanatiling tahimik si Helena sa mga pinagsasabi nila.
Hin...di niya naman siguro kami iiwan...
Hindi ba?
"Anong masasabi mo, Helena? Hindi namin kayo idadamay ng mga estudyante mo. Para rin sa'yo ay kami na ang tatapos sa mga Portugal," muling ani ni Sir Cael.
Ilang minuto ang tumagal bago umalingawngaw ang malakas na tawa ni Helena. Pare-pareho naming hindi inaasahan ang reaksyon niya. Muling napunta ang tingin niya sa dalawang lalaking nasa etablado.
"Ang lakas naman ng loob niyong sabihin 'yan kahit kayo ang dehado ngayon." Kumurba ang labi niya sa isang ngisi.
Nagbago ang ekspresyon niya. Once again, with just a snap of her fingers, everything started to move again. Pero wala kaagad nakagalaw sa mga posisyon nila dahil sa pagkabigla.
"Mali ata ang pagkaiintindi niyo," nakangising sambit ng Principal.
"I'm not just their Guardian or a Principal," dagdag niya.
Umangat ang tingin ni Helena. This happened for a couple of times already—the look on her face that I can't explain, which makes me just stare at her, stunned.
"Of course, it's my duty to protect them." She plastered a smile—a proud one, as if it's an honor.
"I'm Helena Portugal. An adopted sister of the first Portugal I've met, Evan Portugal."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top