57. The unexpected traitor

Nanlumo ako sa sinabi ni Papa. Walang tigil ito sa pagpalakpak sa ginawa ni Elroy.

Pare-parehong hindi makapaniwala ang mga kasama ko sa ginawa niya. Tila napaluhod si Lemon sa ginawa ng ka-partner niya.

"W-What—Why?" naguguluhang sambit ni Lemon.

Walang salitang binigkas si Elroy at nanatili itong walang kaemo-emosyon. Tuluyan ng kumalat ang usok sa silid at bumalik sa rati ang mga mata ng mga kasama ko. Nawalan ng buhay ang manikang si Lemon at napunta ang lahat ng control sa pusa nitong si Chelsea.

"W-What the fuck are you doing?!" hindi makapaniwalang sambit ni August. Agad itong lumapit kay Gin na may nakatarak na kutsilyo sa sikmura. Walang tigil ang paglabas ng mag dugo sa sikmura nito.

Nanatili akong naestatwa sa kinatatayuan ko at hindi ko na alam ang gagawin ko. Nararamdaman ko ang walang tigil na panginginig ng mga kamay ko habang nakatingin kay Gin. Unti-unting nanlalabo ang mga mata ko at parang umiikot ang paningin ko.

Hindi ko pa nararanasan masaktan hanggang sa mapunta ako sa Lunar Academy.

Doon ko naranasang magkasugat at makita ang sarili kong dugo...

Pero hindi ko inaasahan na mas masakit kapag nakita mong umaagos ang dugo ng kasama mo. Ito ang pinakamasakit na naramdaman ko.

Tila natauhan na lang ako nang kinuwelyuhan ni Zeldrick si Elroy. Nag-iigting ang bagang nito at nanlilisik ang mga mata.

"W-What the fuck are you doing, Elroy?!" giit ni Zeldrick.

Nanatiling walang kaemo-emosyon sa mukha si Elroy. Parang nawalan na ng buhay ang mga mata niya nang nagawa niyang saksakin si Gin.

"F-Fuck!" naiiyak na sambit ni August habang sinusubukang pigilan ang pag-agos ng dugo mula sa sikmura ni Gin.

Lumapit na rin dito ang puting pusang si Chelsea na hindi man lang magawang mahawakan ang Guild's Master namin.

Walang tigil ang panginginig ng mga kamay ko at hindi ko magawang makagalaw sa pwesto ko. Nagsimulang magsituluan ang mga luha ko.

Unti-unting nagdidilim ang paligid...

Gin...

Biglang kumalabog ang pinto at bumalik ang mga gifteds mula sa Graven Guild. May mga suot-suot silang gas mask.

Sunod-sunod nila kaming pinagdadadampot. Sinabukang lumaban ng mga kasama ko kahit wala silang gift na gamit. Pero sa huli ay mas lalo lamang lumala ang mga pinsala namin.

"Layuan niyo 'ko! Papatayin ko kayo!" seryosong sambit ni August na hindi gumagalaw sa pwesto niya at patuloy na tinatakpan ang sugat ni Gin.

Sinubukang atakihin ng mga myembro ng Graven si August ngunit mabilis na sinalo ni Zeldrick ang mga atake nila.

"H-Hoy, Zeldrick!" nag-aalalang sambit ni Law. Bakas sa mukha niya ang pagkainis at hindi na rin niya alam ang gagawin.

Hindi ko na alam kung anong uunahin ko. Kung tutulong ba 'ko sa pagpigil sa mga kalaban namin o ang pagligtas sa buhay ni Gin. Walang ni isa sa amin ang kayang gumamit ng gift.

Talo... na kami.

Natigilan ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng isang putok ng baril. Nabigla ako nang makitang may hawak na baril si Papa at nakatutok sa akin. Ngunit imbis na ako ang tamaan—sinalo ni Law ang bala.

"O-Oi, oi... stop standing there, hood." Pilit na ngumisi si Law.

Nanlumo ako nang matumba siya sa harap ko. Agad ko itong sinalo at doon ko nahawakan ang malagkit na likido sa likod niya.

Nanginginig ang mga kamay ko nang mahawakan ang dugo ni Law.

Mas lalong dumilim ang paningin ko. Tuluyang dumilim ang paligid at nawalan ako ng paningin.

Hin...di pwede...

Hindi...

Kasabay ng pagbagsak ng mga luha ko ay ang biglaang pagsulpot ng apoy sa dilim. Unti-unti itong lumakas, at sa muling pagkakataon—bumalik ang paningin ko.

Nagsimula ang pag-apoy ng katawan ko. Napuno ng apoy ang paligid. Tila nasunog ang mga balat ng mga gifted na umatake sa amin.

Sa kabilang banda ay napalilibutan din ng mga apoy ang mga kasama ko. Pero imbis na masunog ay unti-unting gumaling at sumara ang mga sugat nila.

Pare-pareho silang nabigla sa nangyari. Hindi ko inaasahan ang nagawa ko. Hindi ko alam kung ilang oras pa ang talab ng Feroids sa akin ngunit nagawa ko pa ring gamitin ang gift ko.

"G-Gin!" Rinig kong sambit ni August.

Agad akong napatingin sa pwesto ni Gin at laking tuwa ko nang makitang tuluyang nagsara ang sugat niya. Bakas sa mukha niya ang pagkabigla sa nangyari.

Habang hindi ko mapigilan ang saya ko ay nakaramdam ako ng yakap mula sa harap. Doon ako natauhan na hawak-hawak ko pala si Law.

"That's my hood." Rinig kong bulong ni Law sa akin.

Inalis nito ang pagkakayakap niya sa akin at bumungad sa akin ang nakakurbang labi niya. He showed me a soft smile—a proud look.

Napunta ang tingin niya kay Gin na nanatiling nakasalampak sa sahig.

"Oi, oi. How long will you stay like that, Executioner?" giit ni Law kay Gin.

"If you'll continue that. I'm going to be the Guild's Master," nakangising dagdag nito.

Napaismid si Gin sa sinabi niya at kumurba ang labi. Tumayo ito at nag-inat-inat—parang walang nangyari.

"Hays. That caught me off guard," he casually said. "Gano'n pala pakiramdam ng masaksak. Thank you for the experience, Elroy."

Nabigla si Elroy sa sinabi niya at muling nabuhayan ng diwa. Hindi niya inaasahan ang naging sagot ni Gin.

"G-Gin-"

Elroy was about to talk when our Guild's Master interrupted him. "Hey, you really didn't think that a stab can kill me, right?" he tried to lighten up the mood.

Elroy is still dumbfounded, eyes are about to cry.

Gin smiled, a soft one. "It's not a big deal, Elroy."

Mas lalong namuo ang mga luha sa mga mata ni Elroy. Agad na bumaba ang tingin niya at napayuko ang ulo.

Nalipat ang tingin sa amin ni Gin. "Yosh, Grim Reapers, mukhang marami-rami pang natitira," aniya habang pinagmamasdan ang hindi maubos-ubos na gifted na nakapalibot sa amin.

"Si Scarlet lang ang kayang gumamit ng gift sa atin. Pero magpapatalo ba tayo?" nakangising dagdag niya.

Pare-parehong naghanda at pumwesto ang mga kasama ko. Kabilang na rin ako.

"Of course not. Right?" sagot ni Gin sa sarili niya.

Muli kaming sinugod ng mga gifteds. Ngunit hindi katulad ng kanina ay walang makagamit ng mga gift sa mga kasama ko. Pero hindi iyon naging hadlang sa laban. Kahit walang gift ay kaya nilang makipagsabayan sa mga kalaban.

Nagawa ng gumaling ng mga sugat na natamo namin kanina, maliban sa walang gift, we're on a good condition.

Hindi ko mapigilang mapangisi. We're the Grim Reapers after all.

Habang patuloy ako sa pakikipaglaban ay tila napako ang tingin ko sa isang kalaban naming gifted. Mayroon itong malaking palaso at hinahanda na niya itong papuntahin sa pwesto namin.

Nanlumo ako nang mapagtanto ko kung sino ang target niya. Nakatutok ang malaking palaso sa puting pusa na walang kaalam-alam. Ang totoong katawan ni Lemon.

Tuluyan ng pinakawalan ng kalaban namin ang palaso. Parang bumagal ang oras habang papunta ito kay Lemon. Mabilis kong binalian ang kalaban na kaharap ko para puntahan ang puting pusa.

Alam ko sa sarili ko na hindi ako aabot. Pero wala akong magawa kung hindi ibigay ang lahat para mahabol ang palaso.

Tuluyan ng nakalapit ang palaso sa amin. Unti-unting namilog ang mga mata ko nang papalapit ito nang papalapit... pero nabigla ako nang makita kung kanino ito tumama.

Hindi sa puting pusa...

Tumagos ang malaking palaso sa dibdib ni Elroy. Pare-pareho kaming natigilan sa mga pwesto namin. Lalo na ang puting pusa na nasa harapan nito.

Kahit may tumutulong dugo sa bibig ay nagawang ngumiti sa amin ni Elroy. Dahan-dahan siyang napaluhod, mga mata ay pilit na minumulat.

"If the circumstances were different.... We could've been friends," nahihirapang aniya.

"I'm sorry for betraying you. I'm sorry for being so stupid."

Kahit nahihirapan ay nagawa nitong hawakan ang ka-partner niyang nakasama sa tatlong taon. Hinawakan ni Elroy ang puting pusa sa harapan niya.

"I'm sure that you'll be able to get your body back," nakangiting sambit nito kay Lemon.

"If I've met you sooner. Things would possibly be different. Thanks for the three years. So long, partner." Huling salitang binigkas ni Elroy bago ito tuluyang tumumba.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top