56. One of us
Tanging pag-ismid ang sinagot ni Sir Cael sa sinabi ni Gin. Akmang hahawakan na dapat ni Gin si Sir Cael nang makaramdam kami ng mga presensya sa silid.
Doon namin nakita na pinalilibutan na kami ng mga gifteds mula sa Graven Guild.
Muntik ng matamaan si Gin ng isang palaso dahilan ng pag-atras nito. Dahil sa ginawa niya ay hindi namin namalayan na may isang mabilis na gifted ang kumuha kay Sir Cael sa harapan ko.
"Fools. Nagmamadali ba kayong mamatay?" biglaang sambit ni Papa.
Napunta ang lahat ng atensyon namin dito. Napunta sa tabi niya si Sir Cael na agad na ginamot ng isang gifted mula sa Graven Guild.
"Wala akong pake kung hindi kayo basta-bastang mga gifteds. Dito kayo mamamatay," nakangising dagdag ng lalaking nakatayo sa entablado.
Naramdaman namin ang mga matatalim na tingin ng ilang dosenang mga gifteds na nakapalibot sa amin.
Habang pinagmamasdan ko sila ay nakaramdamn ako ng dalawang kamay sa magkabilang balikat ko.
"Stay with me," sambit ni Law habang sinusuotan ako ng isang jacket.
Napunta ang tingin ko sa kaniya habang nanatiling nasa mga kalaban ang atensyon niya. "Heal yourself when you got your gift back," dagdag niya.
Napangiti ako sa ginawa niya at muling napunta ang tingin ko sa mga gifted na nakapalibot sa akin.
As if I'll wait for my gift to come back. I can fight without it.
Pare-pareho kaming naging alerto nang sunod-sunod na sumugod ang mga gifted sa amin. Mabilis na nagsikilos ang mga kasama ko.
Habang nakikipaglaban sila ay mayroong baril na hinagis sa akin si Zeldrick. "Come on, show me what you got, apple head," nakangising sambit niya.
Kumurba ang labi ko sa sinabi niya at mabilis na kinasa ang baril. Hindi lang ako tatayo rito.
Ilang minuto pa lamang ang lumipas mula nang magsimula kaming maglaban pero parang ilang oras na ang dumaan. Hindi nauubos ang mga myembro ng Graven.
Kahit nagagawa pa ring tumawa at ngumisi ng mga kasama ko ay hindi maitatangging bakas sa mga mukha nila ang pagod.
Lalo na si Law na walang tigil ang paggamit ng gift. Not only that he can destroy anything without even touching them, he can also cancel five gifts at the same time. Masyado ng maraming lakas ang nauubos nito dahilan ng pagbigat na ng mga paghinga niya.
I also know that his strong gift also has some drawbacks.
"Sayang naman at hindi niyo sinama ang Principal niyo. Para naman sabay-sabay kayong mamatay," nakangising sambit ni Papa.
Pare-parehong napunta ang mga matatalim na tingin ng mga kasama ko rito. Ngunit ang pinakanangibabaw sa kanilang lahat ay ang Guild's Master namin.
Kasabay ng matatalim na tingin ay kumurba pa ang labi ni Gin sa sinabi ni Papa.
"Oh come on, Helena is a busy person you know? And besides, we can handle it ourselves," nakangising aniya.
Nagbago ang ekspresyon ni Papa sa sinabi niya. Ngayon ko lang nakita ang ekspresyon niyang gano'n. He glowered and gritted his teeth.
"Walang hiya ka talagang bata ka," seryosong sambit ni Papa.
Natigilan ako sa sinabi niya. Nanggagalaiti si Papa habang nakatingin kay Gin.
Sa kabilang banda ay walang bakas sa mukha ni Gin na may pake ito. Bagkus ay nagawa pa niyang tumawa na mas lalong kinairita ni Papa.
"Wala kang utang na loob! Mas pipiliin mo pa ang babaeng iyon kaysa sa totoo mong ama?! Ang nag-iisang magulang mo?!"
Naestatwa ako sa kinatatayuan ko sa narinig ko. Unti-unting umawang ang bibig ko sa sinabi niya.
"Binigay ko sa'yo ang lahat! G01!" ani ni Papa.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Napunta ang tingin ko kay Gin na nagbago ang eksrepsyon nang banggitin ni Papa ang G01.
"Kung hindi lang si mama ang nagpangalan sa akin ay matagal ko ng pinalitan ang pangalan ko," walang kaemo-emosyong sagot ni Gin. "Don't freaking call me G01, bastard."
Nanatili akong nakatulala. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Gin is the number one code. Tila sumagi sa isip ko ang kwento sa akin ni Gin dati.
Ang kwento niya tungkol sa nakaraan niya at sa ama niya. Hindi pumasok sa isip ko na ang lalaking tinutukoy niya ay si Papa. Kung gano'n ay ang tatay niyang walang gift ay si Papa.
Buong buhay ko ay hindi ko inakalang wala pa lang gift ito. Kaya siguro ganito siya sa amin... ginamit niya kami.
"And don't call yourself my father," iritadong dagdag ni Gin.
"Helena is the only parent I have."
Napaismid si Papa sa sinabi niya at mas lalong bumakas sa mukha niya ang galit. Nagsilabasan ang mga ugat nito sa leeg dahil sa inis.
"Kill them!"
Muli kaming sinugod ng panibagong mga gifteds mula sa Graven guild. Wala talaga silang katapusan.
Habang nakikipagpalitan ako ng bala ay naramdaman ko ang pagkirot ng palad at likod ko. Muli kong naalala na nalapnos na pala ang balat ko rito. Wala pa rin itong tigil sa pagdurugo.
"Scarlet!" Rinig kong tawag ni Lemon.
Agad akong napalingon sa kaniya nang tawagin niya 'ko. Mabilis itong naglakad papalapit sa akin sa kabila ng pakikipaglaban ng mga kasama namin.
Nang makalapit siya sa akin ay nabigla ako nang buksan nito ang tyan niya kung saan bumungad sa akin ang isang first aid kit.
"Use it," nakangiting sambit sa akin ni Lemon. Binigay niya sa akin ang first aid kit at muli itong bumalik sa pakikipaglaban.
Tanging pagngiti na lamang ang nagawa kong isagot dito. Hindi ko pinataggal ang pagtunganga ko at mabilis kong nilinis ang sugat ko at tinakpan ito.
Ngayon ko lang naransan na gamutin ang sugat ko dahil hindi ito nangyayari sa akin.
Hindi ko alam kung ilang oras pa ang kailangan bago bumalik ang gift ko. Kailangan ko na ito ngayon at sigurado akong malaki ang magiging tulong nito.
Nang matapos kong takpan ang sugat ko ay agad kong kinuha ulit ang baril at naghandang lumaban.
Ngunit natigilan ako nang makitang umaatras ang mga gifted na kalaban namin. Pare-parehong kumunot ang mga noo namin sa ginawa nila.
Kasunod n'on ay ang pagsuot ni Sir Cael ng isang gas mask.
Labis kaming naguluhan sa mga ginawa nila at natauhan na lamang kami nang may usok na lumabas sa mga vent sa silid.
Sumagi sa isip ko ang mga sinabi sa akin ni Taliyah. Ang ibang paraan na paggamit ng mga Feroids...
Mabilis akong natauhan sa naalala ko.
Balak ko na dapat balaan ang mga kasama ko nang matigilan ako.
Hindi lamang ako ngunit lahat ng mga kasama ko.
Tumutulo ang dugo sa bibig ni Gin at may nakaturok na kutsilyo sa sikmura niya.
Masyadong mabilis ang pangyayari at hindi namin ito inaasahan. Ang mas lalo naming hindi kayang paniwalaan ay ang gumawa nito.
"E-Elroy..." hindi makapaniwalang sambit ni Lemon.
Umalingawngaw ang malakas na tawa ni Papa. Napunta ang tingin ko rito na walang tigil sa pagngiti.
"A job well done!" aniya.
"Your task is now done, E02."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top