51. Operation

Lahat ng atensyon namin ay napunta kay Helena. May inalapag itong isang mapa sa lamesa. Pare-parehong napunta rito ang mga tingin namin.

"One week from now, we'll have our operation," panimula niya. "Bago ko sabihin ang plano, sasabihin ko muna ang pakay natin."

Tumayo siya mula sapagkakaupo at lumapit sa isang white board sa likod ng pwesto niya. Inikot niya 'to dahilan para makita namin ang nakadikit dito. Para akong binuhasan ng malamig na tubig nang makita ang letrato na nakadikit sa white board.

Mabilis namilog ang mga mata ko at bumigat ang pakiramdam ko.

That is-

"Griko L. Munar—alias 'Papa'," pagpapakilala ni Helena sa taong nasa letrato.

Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Litrato 'yon ni Papa... ang lalaking nagpadala sa akin dito.

Mariin akong napahawak sa ibabang suot ko sa ilalim ng lamesa. Pasimple akong napakagat sa ibabang labi.

"Suspect for child kidnapping. Kumikidnap siya ng mga batang gifteds at pinapalaki itong mga mamamatay tao," pagpapaliwanag ni Helena.

"Ginagamit niya ang mga gifteds na 'yon para lumalim ang koneksyon niya sa underground association," dagdag niya.

My expression became dull. Sunod-sunod nagsibagsakan ang mga pawis ko kahit hindi mainit sa kwarto. Hindi pumapasok sa isip ko ang mga sinasabi niya. Nararamdaman ko ang panginginig ng mga kamay ko.

"Pero wala pa ring sapat na impormasyon kung ano nga ba ang pinaplano ni Papa. Ang nakalap lang naming impormasyon ay ang magiging operation natin ngayon."

"One week from now, makikipagkita si Papa sa isa sa mga wanted criminal sa underground association. It's no other than alias Joker."

Muling lumapit sa amin si Helena at may binilugan ito sa mapa.

"Dito makikipagkita si Papa kay Joker. At dito rin natin sila ia-ambush."

Pare-parehong tumango ang mga kasama ko nang maintindihan ang sinabi niya.

Ngunit sa kabilang banda ay nanatili akong tulala. Nahihirapan akong huminga dahil sa bigat ng pakiramdam ko.

"Paano ang mga gifteds na kinuha ni Papa? Paano kapag sumagabal sila sa plano?" marahang tanong ni Eslin. Umangat ang tingin niya kay Helena.

"No need to hold back. They're already criminals anyways. Ang number one priority natin ay ang mahuli si Papa at si Joker," walang kaemo-emosyong sagot ni Helena.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Nanlumo ako sa sinabi niya.

Sina Liev—madadamay sila...

"P-Pero 'yon ang tinuro sa kanila ni Papa! Paano kung hindi naman nila 'yon ginusto?" sambit ko.

Pare-parehong napunta ang mga atensyon nila sa akin nang magsalita ako. I suddenly reacted without thinking twice.

Tila nagbago ang ekspresyon ni Helena nang humarap siya sa akin. I was taken aback, seeing the look on her eyes.

"Only loyal dogs will listen and stay with their master no matter what. Pero kahit ang aso ay may isip at nagkakoroon sila ng pag-iisip na kumilos mag-isa."

"Darating ang araw na magkakaisip ang mga batang kinuha ni Papa... at kapag mas pinili pa rin nilang sumunod kay Papa ay wala na silang ipinagkiba pa sa kaniya."

Helena's words stabbed me like they're knives. Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Inalis niya ang tingin niya sa akin at muling humarap sa mga kasama ko.

"That's all. Maghanda kayo para sa susunod na linggo."

Seryoso kaming tinignan ni Helena, puno ng awtoridad ang mga salitang binitawan niya. For the last time, I saw her glanced at me before leaving the room.

Naiwan akong naestatwa sa kinauupuan ko habang nagsimula na ring umalis sa silid ang mga kasama ko. Bumaba ang tingin ko at walang tigil sa panginginig ang mga kamay ko.

My mind became blank. Para bang naghalo-halo at nakabuhol-buhol ang mga salitang binitawan ni Helena sa utak ko.

Masyadong biglaan ang nangyari para maproseso kaagad ng utak ko. Sa parehong pagkakataon, ayoko 'tong tanggapin.

Hindi... pwede...

Hindi... pwede-

"Hood, are you okay?" marahang tanong ni Law.

Natauhan ako nang hawakan niya ang braso ko. Mabilis na nagtama ang mga mata namin nang umangat ang tingin ko sa kaniya.

When our eyes met—the thoughts in my mind became clear. Doon nag-sink in sa utak ko ang mga nangyari.

Napakagat ako sa ibabang labi at inalis ko ang pagkahahawak ni Law sa akin. He was taken aback by my reaction. Pero hindi na niya nagawang makapagsalita pa nang agad akong tumayo at lumabas ng silid. Dere-deretso akong smunod kay Helena ng hindi nagsasalita.

Sumalubong kaagad sa akin ang madilim na pasilyo na naliliwanagan lang ng silaw ng buwan. Mabilis akong tumakbo sa mahabang pasilyo.

Dinala ako ng mga paa ko sa likod ng mansyon ni Helena. Naabutan ko siyang nakatayo sa labas at nakatalikod sa akin—nakaharap sa isang malaking puno sa likod ng mansyon niya. Para bang hinihintay niya akong dumating.

"May tanong ka pa ba tungkol sa misyon ngayon, Scarlet?" sarkastikong aniya.

Napaismid ako sa narinig at magkasalubong ang kilay ko nang tignan siya. "Alam mo hindi ba? Alam mong isa ako sa mga batang kinuha ni Papa!" giit ko.

Walang kaemo-emosyong humarap sa akin ang batang kaharap ko. Our eyes met. Her blue eyes are shining under the moonlight, together with her golden blonde hair.

"At ano naman kung alam ko?" balik niya sa akin.

"What are you going to do?" dagdag niya.

Hindi kaagad ako nakasagot sa sinabi niya. Unti-unting humigpit ang pagkasasara ng kamao ko at napakagat ako sa ibabang labi ko, sa puntong nagsisimula na itong magdugo.

"Kagaya ng sinabi ko sa'yo kanina, Scarlet. May sariling isip ka na. Alam kong alam mo ang totoong kulay ng lalaking itinuring niyong ama," walang kaemo-emosyong sambit ni Helena.

"Alam kong hindi ka gano'n katanga para manatiling sunod-sunuran ni Papa."

Nanatili akong tahimik sa kinatatayuan ko at napayuko. Hindi ko magawang makasagot na para bang natuyo ang lalamunan ko. Tila sunod-sunod pumapasok ang mga pagdadalawang isip sa utak ko.

"But if you want,"

"You're free to go."

I was taken aback by what she said. Agad na umangat ulit ang tingin ko at nagtama ang mga mata namin. Walang kabuhay-buhay ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

"Go and tell your boss about our operation..."

"Leave and betray your friends. That's what's your plan in the first place. Right?"

Natigilan ako sa sinabi niya. Sunod-sunod kong naalala ang mga pinagsamahan namin ng mga myembro ng guild. Halos dalawang buwan pa lamang kami nagsasama-sama pero hindi ko inaasahan na ganito kalalim ang magiging pwesto nila sa puso ko.

Itinatak ko sa utak ko umpisa pa lang. Hindi dapat ako malapit sa kanila. Dahil hindi naman iyon ang dahilan kung bakit nandito ako... darating ang araw na tatraydurin ko rin sila.

Pero bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon?

Iniisip ko pa lang ang gagawin ko... sobra na 'kong nasasaktan.

I can't imagine their reactions if they found out that I betrayed them...

His reaction...

Law's reaction...

"Let me ask you, Scarlet."

Nanatiling magkatama ang mga tingin namin ni Helena nang humapas ang hangin na sinabayan ng dilaw niyang buhok at pula na akin.

"Am I really the enemy here?"

Nagkaroon ng sandaling katahimikan, ang tunog lang ng paghampasan ng mga puno ang nagsilbing ingay.

Hindi ko magawang makasagot sa sinabi niya. Kahit hindi ko maibigkas ang mga salita ay alam ko ang sagot sa tanong niya.

Helena is not my enemy...

Papa is...

"Make your choice. Right here, right now."

"Are we really going to be enemies? Or you will join us?"

Napako ang tingin ko sa kaniya nang iangat niya ang kamay niya at ilahad niya ito sa akin.

"Once again... like the first time we've met... I'm asking you again." She gave me comforting—soft smile.

"Be my student Scarlet. I won't let anything happen to you. Nor to those who you care for."

Halo-halo ang mga nararamdaman ko ngayon. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.

Not because I'm sad...

It's because I'm so freaking happy.

I don't deserve such kind words. Specially from someone who I tried to kill.

Pinunasan ko ang sunod-sunod na pagtulo ng luha ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

If I don't do my job, my family will suffer the consequences.

But can I do that?

Betray my guild?

Leave my first partner?

And kill the person who accepted me after all the things I've done?

"H-Helena..." Sa kabila ng mga pag-aalinlangan ko, nagawa kong magsalita.

Is this really... the right decision?

Unti-unti akong lumapit kay Helena upang hawakan ang kamay niya. Kasabay ng paglapit ko ay ang dahan-dahan na pagkuha ko sa pocket knife sa ilalim ng skirt ko.

Walang tigil ang pagtulo ng luha ko nang makalapit ako sa kaniya at ang pagtutok ko sa kaniya ng patalim.

Hindi inaasahan ni Helena ang ginawa ko. Unti-unting tumulo ang mga dugo.

"I'm sorry... this is my choice," naiiyak na sambit ko.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top