50. Outcome
Apat na araw na ang lumipas nang magsimula ang pangalawa kong training kay Zail. Unti-unti na 'kong nasasanay sa mga bakal na nasa kamay, paa, at leeg ko. Paano ba namang hindi eh maski pagtulog ko ay suot ko ito.
Papunta ako sa gym dito sa mansyon ni Helena. Hindi ibig sabihin na hindi ko kasama si Zail ay hihinto na 'ko sa pagkilos. Mula nang magsuot ako ng mga pampabigat ay pinilit ko ang sarili kong gumalaw-galaw.
"Oh? Applehead? Anong 'yang suot mo? New trend ba 'yan?" natatawang sambit ni Zeldrick nang madaanan ko siya sa pasilyo.
Napaismid ako sa sinabi niya at naramdaman ko ang pag-init ng ulo ko. Matalim ko siyang tinignan. Hindi ako sumagot, bagku ay lumapit ako sa kaniya at hindi ako nagdalawag isip na tapakan ang paa niya.
Napaawang ang bibig ni Zeldrick nang bumaon ang paa ko sa paa niya. Napasigaw sa sakit si gago.
"Pota, ang bigat!" halos maiyak na sambit ni Zeldrick.
Inirapan ko siya bago daanan. Serves you right, jerk.
Tanging si Zeldrick lamang ang madalas na nakikita ko rito mansyon. Hindi ko alam kung anong klaseng training ang ginagawa n'ong gagong 'yon.
Mula nang manggaling ako sa south pole ay hindi ko pa rin nakikita sina Law. Mukhang sa ibang lugar sila nag-training.
Nang makarating ako sa gym ay pumwesto ako sa harap ng punching bag at pinagsusuntok ito. Gagawin ko ang lahat para lumakas pa ako lalo. Sa susunod na pagkikita namin ni Law ay ibang-iba na kami mula sa huli naming pagkikita.
₪₪₪₪₪₪₪₪
It has been a week since my second training happened. Ngayon ang araw na muli kaming magkikita ni Zail. Lumabas ako ng mansyon at naabutan ko siyang hinihintay ako sa labas.
"Oh, you look great. Akala ko ay buong linggo ay nakahiga ka lang at hindi gumagalaw," pang-aasar na bungad niya sa akin.
Napasimid ako sa sinabi niya. Isang linggo kaming hindi nagkita tapos 'yon ang bungad niya sa akin.
"So, what should I do next? Dadagdagan mo ba ang bigat nito?" tanong ko.
Tawa ang sinagot ni Zail sa sinabi ko na kinunot ng noo ko. Sisimulan ko na dapat magreklamo nang biglang nawala siya sa harapan ko.
Naramdaman ko ang pagsulpot nito sa gilid ko kaya agad kong sinangga ang atake niya. Mariin akong napakagat sa ibabang labi at kaunti akong napaatras nang sinangga ko ang suntok niya gamit ang dalawang braso ko.
"Hindi ba obvious? Titignan natin kung nag-improve ka ba," nakangising sambit ni Zail.
Ismid ang sinagot ko rito bago ko maramdaman ang pagbabago ng mga mata ko. Muling nawala sa harapan ko si Zail kaya mabilis kong hinanda ang sarili ko at pinakiramdaman ang paligid.
Inilibot ko ang tingin ko at hindi ko siya mahanap. Natauhan na lang ako nang biglang dumilim sa itaas na para bang may humarang sa sinag ng araw.
Doon ko nakita si Zail na papunta sa akin mula sa itaas. Bigla na lamang siya nagkaroon ng matulis na bakal sa kamay at itinutok ito sa akin.
Imbis na iwasan ay sinalo ko ang atake ni Zail. Tumagos ang bakal na hawak niya sa balikat ko. Kinuha ko ang chansa nang ma-stuck ito at sinubukan kong atakihin si Zail pero mabilis itong nawala ulit.
"Hays, hindi mo pa rin ba 'ko mahabol?" pang-aasar sa akin ng kasama ko.
Tumalim ang tingin ko at napasimangot ako. Palipat-lipat ang tingin ko sa kaniya dahil palipat-lipat din siya ng posisyon na kinaismid ko.
I bit my lower lip when he stopped teleporting—far enough from me. I looked at him dead in the eye.
"Why not try removing the weights?" muling sambit niya. Kumurba ang labi niya sa isang ngisi nang isenyas niya sa akin ang mga suot-suot kong pampabigat.
Napaismid ako at sinunod ko ang sinabi niya at unti-unting tinanggal ang mga pampabigat sa akin. Dalawa sa kamay at paa, at isa sa leeg.
Tila nanibago ang katawan ko nang matanggal ito. I got used in using force to make any simple move. Hindi ako sanay na magaan ang katawan ko.
"Let's try again. Shall we?" muling sambit ni Zail.
Hindi pa 'ko nakaka-react sa sinabi niya nang bigla siyang nawala ulit sa harapan ko. Agad akong naging alerto.
Naramdaman ko ang paggalaw sa likod ko kaya agad akong kumilos. Nabigla ako nang naunang gumalaw ang katawan ko kesa sa isip ko.
And before I knew it, bago magawang makapag-teleport ni Zail sa likod ko ay sumakto ang sipa ko sa pagsulpot niya.
Nabigla si Zail sa nangyari at hindi kaagad naiwasan ang atake ko. Wala siyang nagawa kung hindi tanggapin ito.
Nang napaatras si Zail dahil sa impact ng sipa ko ay mabilis akong sumugod sa kaniya.
Sobrang gaan ng katawan ko ngayon at sobrang dali lang sa akin na gumalaw. Pero kahit nadadalian ako ay hindi nawawala ang mga pwersa sa atake ko.
I don't know why but I can't stop myself from smiling. This... it feels good!
Mabilis akong nakapunta sa harap ni Zail at sa unang pagkakataon, bago niya magawang makapag-teleport ulit ay nagawa ko siyang sapakin.
Muntik ng matumba si Zail sa ginawa ko at napadura ito ng dugo.
"Dapat pala 0.5 ton lang ang pinasuot ko sa'yo. Tangina, ang bigat ng sapak mo," natatawang aniya habang pinupunasan ang dugo niya sa labi.
My eyebrows rose and my mouth fell open. Hindi ako makapaniwala sa nagawa ko. Napunta ang tingin ko sa mga kamay ko.
Nagawa kong pahintuin ang teleportation ni Zail... nagawa ko siyang atakihin.
Tanging pagtakbo lamang ang ginamit ko at hindi ko pa ginagamit ang gift ko. Yet, I manage to keep up with him.
"Looks like I've woken up a monster," nakangising sambit ni Zail.
I can see the look in his eyes... excitement, thrilled, and satisfied.
I'm filled with excitement and thrilled too.
Nagpatuloy ang training namin ni Zail. Minsan ay sumasama sa amin si Aqua para manood o tumulong.
And before we knew it, two weeks have passed. Tapos na ang tatlong linggong training namin at ito na ang araw na sasabihin sa amin ni Helena ang operation at plano.
"Thank you very much. Hindi ko alam kung paano ko masusuklian ang ginawa ninyo para sa akin," pagpapasalamat ko kina Zail at Aqua.
Nakaharang ako sa daanan nila at nakayuko sa kanila. I'm showing them my deepest respect and gratitude.
"No prob. Parang nakapag-training din naman ako," walang ganang sagot sa akin ni Zail.
"Tara na, baka nando'n na mga kasama mo," dagdag ni Aqua.
Dinaanan nila 'ko habang nanatili akong nakayuko. Kahit anong sabihin nila. Sobrang laki ang pasasalamat ko sa kanila.
Even if they said it's not a big deal—for me, it's more than enough.
Nang tuluyan na silang makadaan sa 'kin ay itinaas ko na ang ulo ko at agad na sumunod sa kanila.
Papunta kami sa office ni Helena kung saan kami huling nagsama-sama. Naunang pumasok sina Aqua at Zail sa loob.
Nang papasok na 'ko ay natigilan ako nang may nakasabay akong pumasok.
Nagkatinginan kami ni Law sa harap ng pintuan. Halos isang buwan din kaming hindi nagkita.
Ngayon nakita ko na ulit siya ay masasabi ko ng sobra-sobra ang nilakas ni Law mula no'ng huli naming pagkikita. His aura and presence feels different... it's the same one I felt when I first met Cleofa—or even stronger.
Ang balita ko ay hindi lamang si Cleofa ang kasama niya mag-training kung hindi pati na rin si Eslin. Ang Guild's Master ng Coders.
"Long time no see, hood. Did you missed me?" nakangising sambit ni Law.
Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko kaya agad akong umiwas ng tingin sa kaniya. "Shut the fuck up. Busy ako sa training, ni hindi ka nga man lang pumasok sa isip ko," sagot ko.
I heard him chuckled. "Aww that's bad. Lagi pa naman kitang nasa isip," aniya.
Nabigla ako sa sinabi niya at agad na napunta ang tingin ko sa kaniya. Anong ibig niyang sabihin?-
"I mean, sa'yo ko gustong unang i-test ang natutunan ko," natatawang dagdag niya.
Nawala ang kung anong nasa isip ko sa sinabi niya at napasimangot ako. "Lunatic," sambit ko bago pumasok sa loob.
He chuckled before following me. Sumalubong sa amin ang mga pamilyar na mukha na parang sobrang tagal naming hindi nakita.
Nang makumpleto kami sa loob ay agad din pumasok si Helena. Umupo ito sa pinakagitnang upuan at pare-pareho kaming pinagmasdan.
"Looks like you've gotten stronger huh?" She smirked—with a proud look on her face.
"Well then, let's start the operation plan."
•••
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top